watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96475 times)

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #500 on: February 11, 2017, 08:15:33 am »
^Dala na ako diyan kaya I don't give gifts to nieces and nephews when I go to Manila for vacation. Keber ko sa kanila kung masabihan akong madamot and mayabang. Parents nila ang okay so I give them gifts very appreciative but ang mga anak nila hindi kuha ugali ng parents; lakas talaga influence ng friends and social media.

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #501 on: February 11, 2017, 11:01:09 pm »
omg ganyan din experiences ko with daughters/sons naman ng mga close friends ko. Kaya I also give lang sa friends ko mismo kahit may parequest pa ang anak. Is this an epidemic and because of bad parenting or sa socmed/friends?

young_maiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #502 on: February 12, 2017, 07:09:40 pm »
Isa pa sa hate kong for ugali ng mga pinoy iyong double standards sa pageject ng taong may gusto sayo.

Pag si lalaki nanligaw ng babae at binasted nung babae, madami maiinis kay babae. "Bakit di mo binigyan ng chance?" "Sayang. Baka siya na pala ang lalaki para sayo." "Pa-fall ka talaga. Pina-ibig mo tapos di mo sasaluhin." Common lines iyan na madalas ko marinig sa ganyang situation.

On the other hand, pag si babae ang may gusto sa lalaking ayaw sa kanya, ang madalas lang na payo mag move on o respetuhin ang desisyon ni lalaki na huwag suklian feelings niya. Hindi man lang pagsabihan ng ibang tao si lalaki na bigyan ng chance si babae. Pagtatawanan pa si babae dahil siya unang nagkagusto.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #503 on: February 12, 2017, 10:44:58 pm »
Hindi lang naman siguro Pinoy ang may ganitong ugali pero asar na asar ako dun sa makulit na hihingi ng advice kuno pero makita mo na yung gusto pa din nila gawin ang gagawin nila. Sa akin ok lang naman yun na gawin yung gusto nila kasi katawan nila ang nakakainis kasi e yung babalik uli para humingi ng payo for the same issue. Parang totoo ba teh hihingi ka ng payo gagawin mo din naman gusto mo tapos babalik ka for another advice, 3x ka na binigyan ng advice pero di nagtanda. Papansin na yung ganitong tao for me. Kadalasan pa sa issue na ganito is love problem.

carlavinoya

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #504 on: February 13, 2017, 05:05:00 pm »
I really iyon ugali na kahit gipit, iimpress pa rin nila ang ibang tao.
Maybe it's time to save money and invest with stocks, UITF, real estate, etc.

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #505 on: February 13, 2017, 05:22:06 pm »
^^sis mysterioza_me your post reminded me of my long-time friend na panay hingi ng payo sakin about her marital problem.panay advice naman ako.todo effort.tapos in the end yung gusto nya pa rin ang sinunod. Ayun after ilang months lang ayan na naman.same problem. then ako naman todo advice pa rin. ganun na naman ang diskarte. After ilang months balik na naman.ako naman nasawa na.tinabangan na sa pagpapayo...then last time eto na naman sya lately same problem (babaerong asawa). Ayun hinayaan ko na lang sya na magdecide para sa sarili nya kasi alam ko naman na di nya magawang hiwalayan ang kumag nyang asawa kahit paulit ulit syang niloloko..grabe yun mga ganung babae.parang ubos na ba ang lalake sa mundo.hehe.. :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #506 on: February 13, 2017, 05:24:03 pm »
^^ Ugali kasi natin mag martir at maniwala sa happy endings gaya ng napapanuod natin sa sinehan at teleseryes.  d

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #507 on: February 13, 2017, 11:47:45 pm »
Hindi lang naman siguro Pinoy ang may ganitong ugali pero asar na asar ako dun sa makulit na hihingi ng advice kuno pero makita mo na yung gusto pa din nila gawin ang gagawin nila. Sa akin ok lang naman yun na gawin yung gusto nila kasi katawan nila ang nakakainis kasi e yung babalik uli para humingi ng payo for the same issue. Parang totoo ba teh hihingi ka ng payo gagawin mo din naman gusto mo tapos babalik ka for another advice, 3x ka na binigyan ng advice pero di nagtanda. Papansin na yung ganitong tao for me. Kadalasan pa sa issue na ganito is love problem.

Yung very close friend ko dati ganyan. Siguro mga 10 years din kaming naging friends hanggang nagsawa ako. Pandagdag lang ng stress kasi parang meron akong anak. Naghanap ako ng ibang friends and I am happier now.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #508 on: February 14, 2017, 12:00:51 am »
True mga sis. Kaibigan natin sila at naiintindihan natin sila pero ang akin kasi if magtitiis ka, magtiis ka ng tahimik. Ginusto mo yan maski alam mo na may choice ka. Nakakainsulto kasi na nagpayo ka tapos di ka sinunod ng kung ilang beses na. Yung unang beses na di sumunod ok lang pero yung may 2nd and so on pa over na yun. Kaloka pa diyan isusumbong niya yung partner niya kasi may kalokohan sa babae pagsasabihan namin siya aba sa bandang huli siya na ang acting abogada ng bf niya kasi pinagtatanggol niya na hahaha. Ngayon maski makita namin di namin kinikibo, yung nega vibe kasi napapasa sa amin e pagnagsimula na siya hahaha.

Sis Gaysha i agree. Dapat talaga matuto magset ng priorities when it comes to our spending habits and sa pagsi-save na din. Thankful ako sa GT kasi nainspire ako mag-ipon and nagka-idea ako kung papaano mag-ipon na hindi masyadong nasasakripisyo ang travel budget ko (puro local destination muna ako, maganda din naman sa Pinas).

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #509 on: February 14, 2017, 04:10:21 pm »
^true! may sister ako disabled at nakawheel chair at hirap kami gumamit sa mall elevators kasi nakikipagunahan pa at tulakan yun mga tamad lang maglakad. Ewan ko ba kung ignorante lang gusto mag elevator or super tamad lang kasi malapit lang escalator. Buti na lang may elevator attendant at pinapauna papasukin yun mga nangangailangan talaga..

DalagangPinay

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #510 on: February 16, 2017, 03:48:44 am »
maraming ganito sa abroad... yung crab mentality tsaka mahilig mamersonal lalo na kapag babae.
kapwa pilipino pa mangbabaliktad sayo imbes na tulungan, pinapahirapan pa yung kababayan.
kaya minsan nakakatakot narin makipagtransaksyon sa kababayan. Mas ok pa na kadeal ang ibang lahi kaysa sa kabayan.

Xgbride17

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #511 on: February 16, 2017, 04:50:03 am »
ang ayoko sa ugaling pinoy, may internal desire na hindi dapat malamangan. Ang dalas mangamusta, sagot ka naman in good faith thinking na concerned siya with how you've been doing. The next thing you'll know, lahat ng meron ka, bibili sila ng mas magandang version. Haha.  8)
« Last Edit: May 01, 2017, 05:27:48 am by Xgbride17 »

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #512 on: February 18, 2017, 06:29:41 pm »
Nakakainis yun karamihang FB user na andami-daming account.as in kaa-accept ko lang ng friend request tapos maya-maya meron na naman na same name.ok lang sana kung bihira lang mangyari pero lagi na lang.multiple account.kadalasan puro kabataan yung gumagawa nun sakin...yun tipong alam mong friends na kayo pero bakit eto na naman at nagsesend na naman ng bagong request..ano kaya naachieve nila sa ganun?

MoonshineLady

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #513 on: February 24, 2017, 02:16:16 pm »
crab mentality - feel na feel ko ito kahit dito sa abroad. mismong mga kabayan pa ang sisira sayo para bumagsak ka. ayaw malalamangan



Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #514 on: February 25, 2017, 10:04:33 am »
^tama ka dyan. Pag bonggahan sa lahat ng bagay.

pretinnes

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #515 on: March 03, 2017, 07:15:53 am »
^tama. keeping up with the Joneses nga. tapos daming personal questions sa iyo, next thing you know pinang chismis na. pansin ko din kahit ang mga anak nila, mahilig din magpa bonggahan.

Drax

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #516 on: April 05, 2017, 12:13:23 pm »
Mga ayaw pumila at mga mahilig maningit.

jmeangeL

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #517 on: April 05, 2017, 01:45:51 pm »
sobrang maka-asa sa kamag-anak... kamag-anak ka lang, di ka anak.
kahit sa mga kapatid, ganoon din.  kung may sari-sarili na kayong buhay, unless important (child education, health reasons, accidents) wag naman makaasa sa kapatid.
buhay ka pa naman di ba? magbanat ng buto

yannuh

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #518 on: April 06, 2017, 06:23:24 am »
mga tsismoso at tsismosa; mahilig mang down ng kapwa ; social climber

DeathToMondays

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #519 on: April 07, 2017, 11:58:25 pm »
Misogyny.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close