watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96178 times)

gc.garcia

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #480 on: January 29, 2017, 10:13:18 pm »
- Crab Mentality
-Hypocrisy
-Sexists
-Yung mahilig mag-comment ng proud to be pinoy sa social media pag may napapansing pilipino ;D hahaha! OA kase pag minsan
-Too sensitive pag mapipintasan ang Pilipinas (kahit totoo naman) pero over over manlait sa ibang bansa
-Masyadong madameng reklamo (Give them a solution and they will find something wrong about it)
-Mapagsamantala sa kapwa (Pilipino, foreigner, mahirap, mayaman. Name it! Lahat didiskartehan para kumita)
-Gagawing bread winner ang panganay na anak (not always the case) but inoobligate ang eldest to pay for the younger siblings schooling and worst inoobligate sustentuhan ang family kahit may sarili ng pamilya ang anak nila
-Lahat political analyst (LOL)  ;D
-Walang disiplina! Sabe nang bawal umihi dito pero iihian padin ang pader! Jusme!
-Walang sense of family planning. Anak ng anak kahit di kayang buhayin

Madame pa! hahahaha!

Chili1113

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #481 on: January 30, 2017, 10:22:55 am »
gc.garcia: HAHAHAHAHA Very very true and nicely summarized!! =) =) I agree with all of the above!!! 

yannuh

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #482 on: January 31, 2017, 06:03:07 am »
yung mga mahilig magposts ng religious quotes etc pero sa personal alam mong di naman sya ganun or iba ugali. hmmm

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #483 on: January 31, 2017, 06:40:09 am »
^Idamay na natin ang mga tao na memorize ang bible verses at active member ng kung anumang sekta at religion pero masasama ang ugali sa tunay na buhay. Ang gagaling pa mangaral sa iba pero ang mga sariling buhay at anak hindi masinop.

gc.garcia

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #484 on: January 31, 2017, 10:15:21 am »
-Yung mga  pala simba. Yun ang magaling magmataas at magmata ng kapwa.
-Mag may okasyon dapat bongga ang handaan (kahit walang pera)
-Mahilig umutang tapos pag sisingilin na, sila pa ng galit ::)
-This one I really hate. Filipinos do not value the importance of adoption. Ayaw nila ng hindi nila kadugo (Not always the case).
- Galit na galit sa single parents at broken family. Di makaintindi na hindi lahat ng relationships nagwowork out ::)

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #485 on: February 05, 2017, 10:02:17 am »
Maiingay. Wala silang pakialam kung may napeperwisyo silang ibang tao, basta mag-iingay sila kung kailan gusto nila. Karapatan daw nila gawin yun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #486 on: February 05, 2017, 11:07:09 am »
^^I can't blame why some people are not up to adopting kids from unknown parents. I know some people kasi who adopted kids from unknown roots na nagsisi or feeling na kumuha lang ng sakit ng ulo. Kung minsan kahit gaano kaganda ang pagpapalaki sa bata lumilitaw pa din ang ugali ng pinag-ugatan. Regarding single moms, I agree with you sis. Hindi lahat openminded lalo na ang mga magiging future MIL's ng single mom. I am so happy for my friend na single mom na nakatagpo ng single guy at may mabait na family. Sobrang tanggap siya ng family ni guy pati kid niya. They admire her pa nga for being able to raise her kid alone.

^lol sis kelan pa naging karapatan ang mag-ingay at mambulahaw ng kapitbahay

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #487 on: February 08, 2017, 03:22:00 pm »
Quote
- Galit na galit sa single parents at broken family.

I don't think this is the case, if single female parent na nabuntis ng di pa kasal. I mean yung galit na galit part. More of worries on the family of the guy na magiging future partner nya. It shows kasi how promiscuous, undisciplined, and irresponsible ng girl (and her previous partner), and who would want that for an in-law.

I can also understand yung medyo off na tingin generally about broken family. This is wrong, you are right, hindi lahat ng relationship nag wowork, but we can't blame people who disdain such because of our culture na generally buo ang family kahit hindi happy ang mag asawa dahil walang divorce dito.

Quote
Nabibwisit talaga ako pag naririnig ko mukhang katulong, driver, teacher, bisaya, etc pag description sa taong hindi maganda or pogi sa paningin nila.

This is so true. For me, eto na ang pinaka-pangit na ugali ng Pinoy. We can't blame din some because this is dictated din largely by showbiz entertainment culture.
« Last Edit: February 08, 2017, 03:27:29 pm by Gaysha »

bluish_mommy

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #488 on: February 08, 2017, 03:39:26 pm »
self entitlement

pinkmoscato

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #489 on: February 08, 2017, 06:17:54 pm »
Power-tripping and crab mentality.
Ayaw ng nalalamangan. Hindi na lang maging happy sa success ng iba.

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #490 on: February 08, 2017, 07:22:42 pm »
^^ and ^, and yes, both your examples are three of the major major pinakapangit ding ugali ng Pinoy, pero applicable naman ata sya sa ibang lahi, medyo malala nga lang ata dito.

kittypaw

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #491 on: February 09, 2017, 04:45:21 am »
mahilig magtapon ng basura kung san san! sobrang naiinis ako sa trait na'to  >:(

pinkmoscato

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #492 on: February 09, 2017, 01:09:52 pm »
Mahilig mag-iwan ng mga pinagkainan na nakatiwangwang sa mga fastfood chains. May tray and accessible trash bin naman.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #493 on: February 09, 2017, 03:17:11 pm »
ugaling pinoy na matindi sa ngayon pansin ko lang mga inggitero at inggitera! haha

dahil siguro masyadong babad sa tv  ads at socmed madalas eto ang pinagmumulan ng inggit. trying to keep up with the joneses palagi.

mahilig din tayo sa drama sa buhay. ginagawang teleserye ang mga away. impluwensiya din yata eto sa pagkahilig natin sa telenovelas at movies.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #494 on: February 10, 2017, 12:02:13 am »
^^Haha! Ang nanay ko ganyan, kung magsalita parang teleserye, ang drama. Sabi ko naiinis ako sa drama dahil hindi naman nakukuha sa drama ang problema sa buhay.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #495 on: February 10, 2017, 07:53:54 am »
Natawa ako naalala ko lang husband ko bakit daw mga palabas sa pinas puro iyakan at sampalan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #496 on: February 10, 2017, 08:06:37 am »
^i-add mo pa kidnapan at patayan sa tema, kainis. Maski mga telenovela na adapted na lang bigla na lang nagkakaroon ng kidnapan at patayan maski wala sa orig story

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #497 on: February 10, 2017, 08:17:44 am »
^tama.. hindi aware ang asawa ko (hindi sya pinoy) sa ganyan tema kasi nakikita nya lang habang nag brobrowse ako ng movie or teleserye Minsan kasi may mga preview.

sima

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #498 on: February 10, 2017, 08:55:41 am »
sa mga malls, pwede namang mag-escalator, nakikisiksik pa talaga sa mga dapat lang gumamit ng elevator -- hindi ko alam kung tamad o pasosyal o both

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #499 on: February 10, 2017, 05:07:47 pm »
Ang ayaw ko sa ibang pinoy, lalo na yun mga kabataan na parang di tinuruan na magpasalamat sa nagbibigay..ok lang yung wag ka magpasalamat kung once lang nagbigay sayo at understandable na you feel awkward o nahihiya ka. Pero kung paulit-ulit ka na nagbibigay tapos wala ka man lang naririnig o nakikitang sign of gratitude, worse parang masama pa ang loob o laging nakasimangot, parang hard-to-please...alam ko naman na kung magbibigay tayo dapat walang hinihingi kapalit.pero kaugalian nating mga pinoy na magpasalamat kapag may nagbigay...Naiintindihan ko yung mga batang paslit na di nagpapasalamat dahil nahihiya o hindi pa talaga alam ang importance ng pagpapasalamat, pero yun teenager na at nag-aaral sa prestihiyosong school ay hindi man lang makapagsalita ng "salamat po" or "thank you" or makangiti man lang kapag binibigyan mo.. kaya kapag may gusto ako ibigay ulit sa kanya ay ipinagpapaliban ko na lang at sa ibang tao ko na lang ibinibigay. Na kahit hindi man magsabi ng "salamat" ay makikita mo sa mukha nila ang saya at gratitude..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close