watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96564 times)

missyuko

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #400 on: December 13, 2016, 04:26:14 pm »
ako sissies yung mga susumusunod na ito : since mga hindi magagandang ugali ng pinoy itong forum hindi ko na ilalagay ang mga upside ng mga example ko.

1. Mga pakielamera na sa una concerned gang sa naging judgemental na kamag anak. pagka you live in a compound with your relatives, most of them may competition on who has the stable job, who has the most luxury items, sino may malaking salary and stuff.

2. matataas masyado ang ego to the point na minsan nagiging crab mentality na din. takot maungusan ng kapwa kaya minsan mahirap mag tiwala

3. payabangan with colonial mentality

4. sa social media naman, most of us are guilty na masyado na tayong naging likes addict sa instagram or fb. minsan yung iba binabase ang ganda or ka gwapuhan or popularity or even happiness and confidence sa nagagain nya sa facebook. kaya para hindi mahuli sa trend ng rich kids na friends pipilitin kahit gipit na.


Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #401 on: December 26, 2016, 11:29:04 am »
I don't remember kung na post ko na ito pero as always manghihingi ng pamasko at ineexpect sa mga Godparents. Kapag walang naibigay madidisappoint. They should know the meaning of Christmas that it is about sharing and giving respect to the elders yung pagmamano,  hindi expecting of gifts.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #402 on: December 26, 2016, 12:47:01 pm »
^True sis. Na-disappoint ako sa niece ko kahapon. Tinuturuan naman sila that Christmas is all about giving and sharing your blessings to other people and being grateful for the things that you have. Isa pa Christmas is about celebrating Jesus' birthday. So eto na eksena, I jokingly gave my niece/inaanak ng 20 pesos ayaw niya tanggapin because its a small amount daw. She's asking for more kasi she knows that I'm earning a lot daw tapos bente lang bibigay ko. Pinagsabihan ko siya aba pinipilosopo pa ako, i told her na pagbinigyan siya or hindi she should be thankful, wag siya mag-expect. Dapat magpasalamat na siya sa blessings na natanggap niya. Sinagot ako na wala naman siya blessings na natanggap. I told her na the fact na nagising pa siya mula sa pagkakatulog is a blessing na dapat ipagpasalamat kasi hindi lahat nagigising pa. Nakakainis lang na sagot pa ng sagot na wala sa katwiran. Kids nowadays nakaka-disappoint. Sabay sila lumaki ng anak ko but my son is not like that, maybe because hindi ko siya pinamihasa na namamasko sa ninong/ninang. Nagmi-meet lang sila after or before ng Pasko. And yung Christmas gift ko sa son ko madalas advance pa kaya di na siya nageexpect ng gifts during Christmas. I still gave my niece money but only half of what I really intend to give her because I am so disappointed.
« Last Edit: December 26, 2016, 12:49:16 pm by mysterioza_me »

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #403 on: December 26, 2016, 02:49:08 pm »
^How old na yung niece mo? Mabuti nga pinagsabihan mo which is dapat lang. I hope hindi sila pinalaking ganun.

Ako nga eh! naalala ko pa sa mismong parents ko pinag uusapan nila yung Ninong ko which happens to be my father's friend. Narinig ko na ang tagal na raw hindi nagpapakita at may utang sa akin na regalo. Eh di siempre dahil bata lang ako nun, ano nasa isip ko? yung Godparents dapat nagbibigay ng regalo lalo na pag Christmas, parang minsan nga naniningil pa ako eh. Guilty rin ako sa ganyan. Not until na may Pari na nagsabi kung ano ang reason ng Godparents at hindi nila obligasyon magbigay. Simula nun ganun na ang mentality ko at ito na ang mismong ituturo sa LO ko. Ayaw ko rin siyang lumaki na nag eexpect.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #404 on: December 26, 2016, 03:40:40 pm »
^She's 10yrs old pero iba din kasi ang turo ng parents niya kahit pa sabihin na we live in the same compound. Sabay sila lumaki ng son ko but my son is not like that, dedma siya pag-Pasko at may iniuwing gift or money pinsan niya since tinuturo ko na ang blessings hindi lang nabibilang sa gifts and pera. Yung buhay kaming 2 at kumakain ng maayos blessing na yun.

Pagsinama ko son ko para imeet Godparents niya madalas tinatanggihan ko kapag pera ang inaabot sa amin. Natawa tuloy ako nung minsan na magkita uli sila magNinong, gatas na ang dala kasi pagpera daw alam niya tatanggihan ko.

May isang inaanak ako na love na love ko (7yrs old). Maski di Pasko nagmamano sa akin and nauuna siya na batiin ako pagnakasalubong ko siya sa daan. Inabutan ko siya ng bente pesos kahapon and he genuinely smiled sabay "thank you" at sabi na makikikain daw siya hahaha. Binawi ko yung bente kasi sinubok ko lang kung iiba facial expression e and ibinigay ko yung para sa kanya talaga.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #405 on: December 26, 2016, 04:53:49 pm »
^Naalala ko yung kapitbahay namin na 27 PAIRS ang Godparents ng anak lol. Ginawang negosyo ang pagpabinyag. Ayaw ko din yung di ko naman ka-close kukunin akong ninang, sorry pero tumatanggi ako pero nagagalit parents ko sa akin. Pakikisama na lang daw sa kapitbahay yun. Di ako umaattend sa binyag pagganun.

Nakakaloka din yung mga inaanak ng mga kapatid ko nasa abroad, alam na wala dito sa Pinas mga kapatid ko nagsisipunta pa mga inaanak (with magulang at kapatid) at umaasa na may pabigay sa kanila. Pati yung inaanak ng exlive-in partner ng bro ko si mommy nag-aabono ng pambigay sa inaanak. Before ako nag-aabono, nagsho-shop ako for them pero ayaw ko na kasi may gift na may pa-cash pa si mommy for them kaya I stopped shopping gifts for them na kasi nadodoble pa e. Pero nito nagsabi mom ko na next year mamili na lang kami para sa kids. I told her pag may gifts na tiisin nila na wala ng cash, its not our fault na gumastos sila ng pamasahe or malayo pa pinanggalingan nila. Yan kasi kinakatwiran ni mommy na gumastos pa ng pamasahe papunta sa amin.

2 pairs lang godparents ng son ko and yung super ka-close ko lang talaga and alam ko na magiging mabuting role model sa anak ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #406 on: December 26, 2016, 05:11:46 pm »
^^Dami ko rin kinuhang Godparents nung binyag ni LO  :D pero siempre hindi dahil sa gifts. Nataon lang na close talaga namin yung iba then yung iba relatives napadami talaga. Sa souvenir nilagay ko mga reasons kung bakit sila pinili ko. Nagpost na rin ako nito sa facebook timeline ko.

https://www.facebook.com/gmanews/photos/a.10151953170861977.1073741859.116724526976/10152640558556977/?type=3&theater

Nakakatuwa lang na commentator namin sa Parish yung Sociologist na nagsabi niyan  :D

Yung iba kasi nagtatago pa talaga every Christmas tapos buti nga may nagsabi na sabihin na ang totoo. Kaya pinakita rin na yung iba mano lang binibigay tapos ok na. So far wala pa naman akong na encounter na nakakainis na moment regarding Christmas. I think sa parents ko sila mismo sa ngayon ang marami pang ganitong encounters.

mysterioza_me Kung ako kukunin na Ninang papayag ako kahit hindi ko close. Pero ayokong obligahin ako ng Nanay ko kung ano ang dapat iregalo. Dapat decision ko na yun. Ang gagawin ko talaga dyan hindi ako magbibigay ng pera. Bible or rosary ang ibibigay ko. Kasi nga baptismal eh! it is about blessed sacrament, tapos kapag namasko naman Santong maliliit pati cross yan talaga mga ibibigay, tapos isama ko pa novena.

Nanay ko nga nung sinabihan ako na regaluhan ang tito namin hindi ko ginawa kasi ayoko talaga yung parang inoobligahan na magregalo, lalo akong nawawalan ng gana, isabay mo pa na ineemotional blackmail pa ako sa mga ganyan, in other terms kinokonsensya pa. Ayoko ng ganun. Dapat kusang loob na lang yan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #407 on: December 26, 2016, 05:28:13 pm »
^Ay naku sis emotional blackmail talaga kaya lalo ako nawawalan ng gana. Saka pag di ko ka-close ayaw ko kasi papaano mo magagawa yung role mo as godparent kung di kayo close ng magulang ng bata. Like maging guide or confidant ng bata, mabigyan ang bata ng advice, or magbigay ng pangaral (lalo na pag di nakikinig sa parents). And pag di ka-close may ilangan factor e. Ilang beses ko din kasi na-experience na after ng binyag pagnakasalubong ko yung "kumare/kumpare" dedma na lang tapos sa Pasko na ko uli babatiin lol.

britzm

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #408 on: December 27, 2016, 09:00:06 am »
i have several inaanak pero iisa lang kinikilala ko hahaha!
yung iba kasi kaya lang naman ako kinuha dahil nag aabroad. mga hindi ko naman ka close.
yung isang inaanak ko dumalaw sa bahay, nakita yung alkansya ko. tinuturuan ng lola niya na kuha daw ng pera. hinayaan ko lang. eh syempre bata, mas trip nila yung barya. pag bukas nila, gulat sila may mga bills na 100, 500... tinuro ba naman na ang kunin daw eh yung 500. nakakuha siya 1k sa alkansya ko.sa isip ko sige, pero hindi na ako magbigay ng pasko. eto, nag video call. nanghihingi pamasko, pero ang naririnig ko sa background, yung lola pa din nag uudyok sa bata. haynaku.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #409 on: December 27, 2016, 09:23:57 am »
^Kaya di rin masisi ang kids bakit iba na ang meaning ng Christmas sa kanila dahil na din sa turo ng elders. Pera-pera na lang. Yung iba naman kahit anong turo ng parents ng tamang-asal iba pa din takbo ng utak. Kaya yung pamangkin ko super sermon inabot sa akin nung magdemand ng malaking cashgift. Last year din may nagbigay ng gift sa niece ko na yun sabi ba naman "ay ang liit naman nitong sa akin bakit yung kay (name ng son ko) mas malaki?!!" My mom told her na galing sa mga aunt and uncles sa dad side ng son ko ang gift, magpasalamat na lang siya kasi naalala din siya bigyan. Nakakainis ugali ng niece ko, napaka-ungrateful niya. Iba talaga ugali niya.

blackgreen

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #410 on: December 27, 2016, 01:15:09 pm »
I agree with this. Grabe na talaga. Parang pera-pera lang.

Eto naman may kinasal na distant relative si hubby, magbigay daw kami regalo. Parang ang regalo obligation na rin. Diba kaya nga gift kasi willing kang magbigay.
« Last Edit: December 27, 2016, 01:16:50 pm by blackgreen »

chiccn714

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #411 on: December 27, 2016, 01:23:29 pm »
Yung mga bisita sa party na atat mag take home ng pagkain, may nakahanda pang supot or tupperware. ???

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #412 on: December 27, 2016, 02:38:25 pm »
I'm not sure kung dito lang sa Pinas ito, or meron din sa mga bansang mas mahirap pa sa Pinas.

Wala ng respect for personal space. Yung jeep na waluhan ginagawang sampuan. Yung mga shuttle na pilit papaupuin ang apat pero tatlo lang ang kasya. Yung bus na super siksikan na tayuan na nga, ipipilit pang siksikin ang mga tao para mas marami ang makatayo na higit pa sa bilang ng mga nakaupo. Yung MRT na kahit wala ng space, ipipilit pa pumasok instead maghintay ng next train.

Hindi ko maintindihan bakit ganito. Dahil ba hinahayaan at pinapayagan ng mga pasahero na ganito? Oh dahil kulang ang batas para ma regulate ito. Naalala ko yung issue before na bawal daw ang mataba sa shuttle kasi hindi na kasya. Pero kung tutuusin, yung sukat naman kasi nila pang maliliit na tao kaya magkaroon lang ng isang hindi maliit, talagang hindi na magkakasya. Nakakainis lang isipin na minsan ang mga ganitong klaseng kabuhayan, imbes na makapag bigay halaga sa welfare ng pasahero, parang pera pera na lang ang usapan.

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #413 on: December 27, 2016, 02:49:31 pm »
^
Hay totoo yan, sinabi ko na din yan dati.

^^
Maiintindihan ko pa nga kung close na kamag-anak yung gagawa nyan, yung tipong they are part of your regular life and you often share things with them, pero yung iba talagang yung mga hindi mo naman kakilala talaga o kaya mga kasama lang ng mga naimbita, or worse, walk-in guest lang at sa iyo pa humingi kung may plastic kang pambalot, LOL. Ganito kasi sa ibang probinsya no? Kapag siguro may handaan, free for all. Nakakadismaya na hindi man lang nahiya minsan na baka hindi naman ganun kasi yung kinalakihan nung naghahanda, tapos lalabas na sya pa ang madamot kung walang pina-take home.  ::)

Medyo may patay gutom mentality talaga tayo dito. Gusto lagi makakuha ng libre, gusto lagi nauuna, etc. Sorry if nakaka-offend yung term.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #414 on: December 27, 2016, 04:48:23 pm »
I agree with this. Grabe na talaga. Parang pera-pera lang.

Eto naman may kinasal na distant relative si hubby, magbigay daw kami regalo. Parang ang regalo obligation na rin. Diba kaya nga gift kasi willing kang magbigay.

Sa simbahan ba ikakasal? Regaluhan mo ng Bible yan,  ;D at least may regalo. Seryoso yan ang gagawin ko  :D

blackgreen

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #415 on: December 27, 2016, 05:26:42 pm »
^sis, pera ang hiningi. Any amount will do daw. Ang invited yun mga nasa provice lang, pero kaming nandito sa Manila kasama sa magreregalo.

OT: Isa pang ikinakainis ko ugali natin yun ang hilig sa libre. Lately lang nagpaparinig ang pinsan ko ng gusto niyang pasalubong, na parang hello, may patago kang pera sa akin.

Chili1113

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #416 on: December 27, 2016, 05:52:46 pm »
#1 Hate Pinoy Ugali -- I noticed this in the province from lower income families. Some keep having so many kids, then as soon as they are able to work the parents make them stop schooling. Then when the kid gets his wages, the parent collects all of it!!! =(

Connected to this: are families who depend on their relatives to be the breadwinners of the family. I feel bad especially for some OFWs because people back here think money comes so easily to them. Then they expect their OFW relatives to easily shell out money for things that aren't even their responsibility. So sometimes you see OFWs who are doing well abroad but cannot save money because the entire clan depends on them.

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #417 on: December 27, 2016, 05:54:18 pm »
@dismembered

That is so true. And not only on those occasions. Recently, nag grocery ako, jusmio, sa counter, ang lakas ng boses nung isang babaeng kasunod ko, while i'm in the cashier na. dedma lang sya, while her loud rude voice is almost in my ears. Sabi ko na lang sa sarili ko, tiis tiis, nasa Pinas ka eh:)

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #418 on: December 28, 2016, 10:33:25 am »
@dismembered

That is so true. And not only on those occasions. Recently, nag grocery ako, jusmio, sa counter, ang lakas ng boses nung isang babaeng kasunod ko, while i'm in the cashier na. dedma lang sya, while her loud rude voice is almost in my ears. Sabi ko na lang sa sarili ko, tiis tiis, nasa Pinas ka eh:)

Although I would say na mas malala ang ganitong culture sa Mainland China, and sa India, probably dahil sa culture? Pero I don't know, dati hindi naman ganito sa Pinas. I mean, sumasakay ako ng jeep at ng MRT dati pero hindi ganito kaburaot na basta na lang makasakay at pipilitin ang lahat para lang ma-maximize ang profit? Dahil ba naghihirap ang mga drivers at dumadami lalo ang mga jeep at the same time tumataas ang gas at need nilang laging puno para kumita?

Sa western culture, as much as possible respect nila ang personal space. Sila ang nahihiya na makikisiksik pa sila. More like being considerate of other's welfare din. Nawawala na ba ito sa culture ng Filipino?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #419 on: January 01, 2017, 09:24:48 am »
^I remember one time nakasakay kami sa jeep ng sis ko. Puno na yung jeep pero naghinto pa yung driver para magsakay, tapos sabi pa ng backride "usog-usog konting ipit". Sabi ng isang passenger "hala saan pa uupo yung sasakay e puno na?!" Di ko talaga napigilan sarili ko nasabi ko "baka bababa na yung driver para may maupuan yung pasahero tapos tayo na lang magdrive ng jeep niya."

Tapos same scenario ulit na puno na yung jeep and nagsasakay pa. So again yung classic na parinig ng driver or backride (sa hindi pa nakasakay sa jeep sila po yung nakaupo sa front seat, tabi ng driver at madalas solo nila ang spot na yun), "na "konting usog at ipit-ipit lang". Yung isang pasaherong lalake sabi niya sa backride "o halika dito palit tayo ng pwesto at ikaw ang mag-ipit ng betlog dito." 😂😂😂

 

Latest Stories

Load More Stories
Close