watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96596 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #380 on: October 25, 2016, 01:13:47 pm »
^basta bro ako ayaw ng mga local soap opera, ginagawang sobrang bobo at t@nga@ ng mga bida e. Lagi na lang na-outwit ng mga kontrabida, saka ayaw ko ng may kidnapan at barilan,napaka-common na eksena

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #381 on: October 29, 2016, 04:35:53 pm »
^Kapalmuks sobra ahh. Mga super tamad ata siguro sa house yung mga napapaghalataan. Sana man lang hugasan nila kakahiya naman andun laway nila.


Naalala ko sa pantry namen may mga hindi naghuhugas tapos may nagdidikit ng sticky notes na pakihugasan na hahahahaha grabe tambak sobra

twinxz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #382 on: November 08, 2016, 08:46:50 pm »
Naging viral na ang post ng isang netizen re: escalator in one of the SM malls. Unsure if the post is real or not. But for me, may point naman sya (though not for all), mas may point nga lang ang pagiging disciplined and obeying simple rules.

fashtag

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #383 on: November 13, 2016, 11:39:26 pm »
- Lahat nalang kinukuhanan ng picture?  There is such a thing as having too much selfie right?  ???

- Bakit sasakay pa ng elevator, makikisiksik pa kung malakas naman and puwedeng puwede mag escalator?  Pag napagsabihan, galit pa?  ???

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #384 on: November 14, 2016, 02:50:59 am »
^Sa akin ok lang if may kasamang bata since pagurin talaga mga kids, pagkasama ko kid ko sa mall or mom ko nage-elevator kami, pero pag-alone ako escalator lang ako since mall rat naman ako talaga. Naiinis ako dun sa magjojowa lang na wala naman kasamang kid tapos haharangan pa kami or sisingit papasok or mauuna pa pumasok dun sa mga naka-wheelchair. Lagi kami nakaka-encounter ng ganyan sa SM malls. And true sis kapag sinabihan ng attendant na paunahin yung may mga may kids/senior/disabled nagagalit pa yung magjojowa.

young_maiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #385 on: November 17, 2016, 01:23:49 pm »
^^ Another ugali ng Pinoy na ayaw ko din: iyong laging mag elevator kahit sa 2nd floor lang pupunta.

Many times ko na nawitness iyan sa dati kong dorm. Hindi naman siguro mahirap maghagdan kung sa 2nd floor ka lang. Parang umakyat ka lang sa bahay mo eh. Maiintindihan ko kung madaming dala o physically disabled. Pero kung malusog ka naman, matuto naman gumamit ng hagdan. Mag give way na sa mga taong pupunta sa mga upper floors.

exquisitegem

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #386 on: November 17, 2016, 11:24:05 pm »
Crab mentality - ayaw maunahan. So much hatred and jealousy, Especially on social media accounts. The netizens are becoming crass and rabid!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #387 on: November 18, 2016, 03:04:40 pm »
^Sinabi mo pa sis. Too much negativity. Kahit pampa-goodvibes post hahanapan nila ng butas makapagcomment lang ng negative. Pati innocent post ng pic or video ng bata iisipan ng malisya. Kinain na ng sistema lol.

fashtag

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #388 on: November 19, 2016, 11:51:16 pm »
^ Hindi lang pinoy yan.  The generation today negative talaga lalo na younger ones na first time to join the workforce.  Ang daming hugot and quotable quotes.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #389 on: November 20, 2016, 02:26:09 am »
^True, may hugot sa lahat ng bagay, may hugot pati sa mga issue na di naman nila na-experience pa.

Tamad magbackread. Eto not necessarily in GT since mahirap nga naman talaga magbackread dito lalo na if maraming thread. Ang sinasabi ko yung sa fb or ig (rampant ito sa mga online shopping accounts) na tanong pa ng tanong posted na nga yung info na need nila. Or nasagot na ng account owner yung tanong sa previous comment tapos itatanong na naman uli. Sunod-sunod maka-comment ng "hm po" (yan madalas ko makita) samantalang ilang beses na nasagot. Tamad na ata talaga magbasa ang tao kasi madalas headlines lang babasahin tapos magcocomment ng bonggang bongga na malayo sa topic

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #390 on: November 21, 2016, 02:10:56 pm »
Hindi ko lang mapigil magsabi ng hallelujah, sumusunod na yung karamihan ng mga tao sa pila at sa escalator etiquette. LOL, I know it's such a small thing, pero alam nyo yun, nakakabawas sa stress ng lahat if everyone would just follow these simple rules at hindi yung laging paimportante at pasaway na lang kasi alam nila na wala naman consequences yung ginagawa nila (which is sakit talaga ng mga pinoy -- both not following the rules and not enforcing the rules).

jhaney

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #391 on: November 21, 2016, 07:08:01 pm »
^^I feel you sis. Na-try ko na kasi dati mag online selling. Kahit nakalagay na lahat ng details sa post ko, may magtatanong pa rin talaga ng how much, pano ang shipping, shipping fee, etc. Babasahin na nga lang, di pa magawa, Hayz.

Ayoko din sa pinoy pagdating sa work, kapag senior na siya, akala mo na kung sino. Minsan pa nga, nagiging bully na sa mga bago at napapahiya pa sa ibang mga tao. Natatakot tuloy yung mga bago. For me, paano matututo ang isang tao kung pangingibabawan siya ng takot? At isa pa, parang nakalimutan na kung saan siya nagsimula.

Pagdating pa din sa work, hindi marunong mag move-on. Minsan di naman natin maiiwasan na mag argue sa work di ba? Napansin ko lang, ang mga pinoy mapagtanim ng sama ng loob. Kapag may nakaaway kahit work related ang pinagtalunan, hindi pa rin nakakalimut at nakamarka na y un sa kanya habang buhay. Unlike sa ibang lahi dito sa work namin, pag nagsagutan kayo dahil sa work, afterwards wala na yun sa kanila. Ok na ulit silang kausap.

imyourangel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #392 on: November 21, 2016, 10:10:12 pm »
Hugot is sooo nakakasawa na these days! Lahat nalang.. pati burial ni Marcos, lindol, etc. may hugot.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #393 on: November 21, 2016, 10:59:35 pm »
^Irita na din ako sa Marcos burial issue pati mga walang muwang nakikisali. Di ko alam kung naiintindihan nila ang issue or nagjoin na lang sa bandwagon. Haysss

fashtag

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #394 on: December 02, 2016, 12:22:23 am »
And true sis kapag sinabihan ng attendant na paunahin yung may mga may kids/senior/disabled nagagalit pa yung magjojowa.

Kudos to most operators, keber sila basta inuuna may mga strollers, wheelchairs and pregnant women. 

-  Naisip ko din, mga filipinos sanay laging late.  Late sa meeting and late sa work.  Simple courtesy like this should be taught in school. 

bluebeads

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #395 on: December 02, 2016, 05:17:08 am »
Ayoko rin yung ugali nang pinoy na pag nagkita kayo after a long time, ang bungad

"uy tumaba ka ah" ...

or yung mga "wow kayo pa rin, tagal niyo na naglolokohan"  or "buti nakatagal ka diyan"  Hahahaha

Pwede ba mag kamustahan muna pag reunion bago chismis or nega comments? LOL

hael2011

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #396 on: December 02, 2016, 09:06:04 am »
Yung lahat sinisisi sa gobyerno.  ::)

Personally, hindi ko ramdam ang effect ng kung sino man ang presidente natin. Simpleng mangggawa lang naman ako. Pag nagsipag magtrabaho naiincreasan, nappromote, gumaganda ang buhay. Pag pumetiks, e di mapapako sa kinalalagyan. Ganon kasimple.

Hirap satin lahat ng problema sinisisi sa gobyerno at di na lang magsikap. Hilig magrally. Nasasayang tuloy tax natin na binabayad sa mga allowance ng pulis sa rally na di naman na dapat kelangan. Magagamit pa sana sa ibang bagay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #397 on: December 02, 2016, 09:27:17 am »
^true sis, hindi ko din ma-gets ano napapala nila sa pagra-rally. Napakadami nilang oras, ako pag nasa office halos kulang pa ang 8hrs para matapos ko ang work. Pag-uwi ko kulang pa ang oras ko para sa family ko at sa tulog pero sila talagang may time pa para magrally.

Agree din ako diyan sa hindi pagkakasundo at bashing sa social media. Nawawala na sa linya yung argument, madalas nagiging personal attack na lang. Pati nananahimik na magulang/anak/asawa ng tao titirahin na. Ok lang naman palitan ng opinion pero sana keep it on intellectual level lang, walang bastusan.

hael2011

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #398 on: December 02, 2016, 09:33:16 am »
^Regarding social media... May nakita akong map where it shows which country is good at what.
Meron don like Israel - medical research, N.Korea - soldiers, sa Philippines = Social Media Networking.

Yan lang talaga Pinas? Jan talaga lang tayo magaling? Jan lang tayo kilala? :( Sayang yung mga talent ng ibang Pilipino, hindi napapansin kasi mas angat yung negative traits :(



http://www.businessinsider.com/what-countries-are-best-at-2014-1

sarsingkit

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #399 on: December 02, 2016, 10:14:36 am »
^Flipinos  are breaking the internet. Parang every page I go, laging may Filipino na nagcocomment. Lol. Minsan pa, hindi maganda ang language sa comment. Yikes. Idagdag sa mga laging nagrarally eh mga paid trolls. Ang dami lang nilang oras.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close