watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96416 times)

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #360 on: September 27, 2016, 05:39:21 pm »
fuccboi

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #361 on: September 27, 2016, 05:58:53 pm »
^^sis sa #3 dun sa nabasa ko na article naglabas naman ng reason bakit PUP ang nagtop na school (not sure kung bago yun article na yun I forgot to check the date). Though tama ka na may isa pang article na walang stated reason bakit sila ang napili.

PUP graduates display three distinct characteristics that is needed in the business:

1. PUP graduates display a drive to succeed and are very hardworking.
2. They have reasonable demands and they don’t usually display an attitude of self-entitlement.
3. They tend to stay longer in a company and they don’t leave at the slightest difficulty

So meaning nadala sa tiyaga. I've read the comments nakakatawa na yung iba nag-aaway na. Pagalingan sa Acads kasi ang argument nila plus English profiency kaso nga sa ngayon plus factor na matiyaga at di mareklamo ang empleyado. Ang sinasabi kasi ng employer na ang grads daw ng 4 elite universities (la salle, ateneo, ust, up) ayaw daw ng nauutusan. Gusto may say na din sila kasi feeling magagaling agad. Magagaling naman daw sana pero hindi sila ang tipo na maaasahan na magtagal sa trabaho lalo na kung magstart sa mababang posisyon. Pagnahirapan aalis. Naalala ko yung relative namin na la salle taft grad, management trainee sa mcdo (1st job niya) Pinagbuhat siya ng case (ng catsup ata, di pa uso yung naka-sachet na catsup dati nakalagay pa siya dun sa bottle na ini-squeeze) walang crew na available magbuhat since peak hours at busy lahat. Ayun umuwi di tinapos ang shift, la salle grad daw siya tapos pagbubuhatin siya ng 1 case ng catsup.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #362 on: September 28, 2016, 03:35:03 pm »
^Re PUP, dalawa na kilala ko display those characteristics. A friend said to me she'll rather hire from PUP, Mapua, TUP, PLM; engineer siya, manages a chemical plant, she prefers someone street smart. Another friend said pag galing sa Big 4, pinapadala muna nila sa sales para daw matuto maka-relate sa iba't ibang klaseng tao.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #363 on: September 28, 2016, 07:19:33 pm »
^sa "real world" talaga kasi pagalingan din ng diskarte ang kailangan para mag-excel bukod sa acads. Theoretical lang naman kasi ang napag-aaralan sa school, hindi lahat nai-apply sa tunay na buhay.

RE: topic- bakit may Pinoy na ang hilig sabihin na collaboration ang gagawin ninyo pero pagnagset ng meeting at nagbigay ka ng comments/suggestions/reactions regarding your team project sasabihin na nagmamagaling ka. Collaboration nga e di ba dapat may say lahat???

snowkeis

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #364 on: September 28, 2016, 08:18:29 pm »
I just felt bad at times na when you used to help people or certain person whenever that person needs your help and when ikaw in need wala lang. Parang they're like done na sayo hindi ka nya na kailangan kase na solved na problem nya (with your help)

sarsingkit

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #365 on: September 30, 2016, 11:40:18 pm »
This is my mom in law's story.
Background: Where we live in Canada eh sobrang mahal ng crabs. But if you really want to, why not diba? Where are having a small celebration sa bahay so we wanted to have crabs kasi minsan lang naman.

So my mom in law bought crabs at the grocery and this Filipina lady at the store ask my MIL, "bakit? nurse ka ba?" My MIL was shocked by the reponse na parang nurse lang ang may karapatan bumili ng crab. Nurses here, of course are known to have high salaries compared to other jobs.

Hindi ko alam kung anong tawag sa ganyan ugali. Nakakaloka lang.

TysLolakins

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #366 on: October 01, 2016, 01:13:23 am »
^yes i agree very typical of older Filipino women to 'assume' that only those who can afford certain luxuries to them are nurses,  ;D
another thing I notice here is when pinoys meet other pinoys, you can tell that they're sizing each other up. the first one to blink will even ask point blank where the other lives, what kind of work they do, how long they've been here, pag ganon na questions, in my mind sabi ko 'di na nakatiis si lola '.  LOL

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #367 on: October 01, 2016, 06:37:09 pm »
Madaming emotional issues, lol, tsismisan and the like. Crab mentality too.

Kaya nga dapat practice maturity even when we are posting para maiwasan ito everywhere kasi dyan naman rin nagrereflect kung ano at sino ka eh! We don't want crab mentality, sino ba naman may gusto nun?  ??? Kaya ang lesson rito huwag na lang gawin sa iba ang ayaw gawin sayo ng kapwa mo. Dapat maging edukado na sa ganitong bagay.
« Last Edit: October 03, 2016, 07:06:19 am by Purple_Power »

Cher_Y

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #368 on: October 02, 2016, 09:08:36 pm »
Ang pinaka ayaw ko ay yung anti intellectual attitude yung mga taong pag nakarinig ng idea sasabihin wow ikaw na ang magaling.

O sige ikaw na maging presidente.

At yung mahilig mag worship ng mga cult personalities gaya ng mga president isipin mo kung sino sino na lang ang mga Binoto dahil lang anak ng dating president.

Mahilig mag papaniwala sa mga punchline  "ina ng demokrasya" "The punisher etc"


In other words walang objectivity hindi muna pag isipan maigi mga bagay bagay bago gumawa ng descisyon hindi muna tignan kung ang mga ginagawa nila eh makaka buti sa kanilang self interest at pag sila napahamak sa sarili nilang kahambogan ibang tao sisisihan nila.

avitot

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #369 on: October 03, 2016, 02:13:02 pm »
utak talangka! it's soo wrong.

Cher_Y

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #370 on: October 04, 2016, 05:02:54 pm »
From my observation hindi lang naman mga Pinoy ang may mga ugaling nabangit dito.

Siguro ang masasabi ko na talagang Pinoy mentality eh yung pagiging baluktot ang kaisipan sa pag sunod sa batas at quality.   

At siguro yung pagiging tsismoso sobra sa Trabaho.

Escapaira

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #371 on: October 21, 2016, 11:39:21 am »
Yung mga taong mahilig sa palibre

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #372 on: October 22, 2016, 06:20:13 am »
Yung mga taong mahilig sa palibre


Naku ugali talaga ng Pinoy yan sabayan mo na ng kantyaw. Kapag kakain sa labas they will expect someone na mas may pera ang magbabayad. Or kapag unang sweldo or matagal ng hindi nagkita.

jowvxyz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #373 on: October 22, 2016, 08:22:02 am »
We live in a country na self-service yung fastfood, unlike in Pinas na the crew will really clean up the table for you. When my kids and I ate in a fastfood, meron group of Filipinos (around 10 people), I noticed that their table is super messy as in pati sa floor may kalat na food. I think they finished eating already and stayed for about 30 minutes, then after talking iniwan nalang nila na ganun yung tables nila, as in super messy.

After they left, I heard some local asked if they are Filipinos. Sagot nung isa, Filipinos lang naman ganun dito sa town namin. I'm sure hindi naman lahat ng Filipinos dito ganun yung ugali but still, disappointing. If only Filipinos are disciplined enough.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #374 on: October 23, 2016, 09:55:36 am »
^I'm based overseas, meron kami noon family business Pinoy food and small restaurant ala-turo turo na self-service so mostly Pinoy background ang customers from nearby offices and totoo iyan; another style is isa lang bibilhin pero 3 or 4 from the group would bring their homemade lunch or a McDonalds meal, kami pa rin maglilinis niyan, ketatamad maglakad just a few steps to the bin. Tinatawaran pa kami niyan. I'm talking about educated persons here (graduate daw sila UP, La Salle Taft, UST) when they made small talk.

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #375 on: October 24, 2016, 08:10:11 pm »
^ Siguro hindi sila sanay sa CLAYGO? Usually sa ibang bansa CLAYGO kasi talaga ang fastfood. Nasanay kasi tayo dito sa Pinas na may crew na magaayos at lahat.

piatos

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #376 on: October 24, 2016, 09:04:37 pm »
racist.. nabubully ako dahil sa kulay ko natuto na lang akong lumaban

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #377 on: October 25, 2016, 05:54:32 am »
^^Matatagal na rin sila wala sa Pilipinas, they knew what to do. They just had that entitlement of they could do anything just because they were our customers. Iyang group na iyan ang worst sa mga mahilig mang-iwan ng dumi.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #378 on: October 25, 2016, 11:22:20 am »
Maski naman sa fastfood dito baboy Pinoy. Makalat ang table pag-iniwan. Bibihira ang Pinoy na inaayos ang kinainan after kumain. Ano pa bang aasahan e ultimo nga balat ng candy or upos ng sigarilyo kung saan lang fitapon, e yun pa kayang alam nila na may magliligpit naman ng kinainan nila after.

Naalala ko pa pala pag may kainan sa office hihiram ng plate sa kainan sa pantry (maski walang bibilhin) after kumain ibabalik sa tao sa pantry ang mga plates and spoon/fork ng di nahugasan. Kawawa yung magwa-wash ng plates kasi di naman sa kanila bumili ng food tapos sila maghuhugas ng plato. Nadadala tuloy sila magpahiram ng gamit sa ibang employees. Ako wina-wash ko plate and kubyertos pagnakihiram lang ako, nakakahiya e.

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #379 on: October 25, 2016, 01:01:37 pm »
- magaling pa sa totoong magaling....

- pag nanunuod ng tv ang daming puna, di ko malaman kung ano ba talaga pinapanuod, yung kung para ma entertain ba o mag critic ng palabas.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close