watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96477 times)

GD

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #300 on: April 28, 2016, 01:38:54 pm »
Hindi marunong sumunod sa simpleng instruction like "Keep Right" na nakalagay sa mga hagdanan. Yun lang naman ang gagawin hindi pa magawa, talagang nakikipag salubungan pa sa ibang mga naglalakad.

Yung mga feeling sila lang ang tao sa buong lugar. For example, nasa mall tapos dun pa talaga sila hihinto at magkikwentuhan sa gitnan ng daanan. Wow, nakakasagabal na po kayo.

Hindi marunong sumunod sa traffic lights. Saten kasi iba eh, kapag yellow light na lalo pang magmamadaling mag drive yung driver. My goodness!

Yung utang na loob na hinding hindi mo mababayaran kahit kailan. At the first place dapat hindi ganon diba?Kasi kung may ginawa kang pabor sa isang tao dapat hindi ka naghihintay ng kapalit.Kung naghihintay ka ng kapalit ibig sabihin hindi bukal sa loob mo ang ginawa mong pagtulong.

Mga nakikialam sa away ng may away. Ang magandang example dito eh yung mga byanan or kapatid ng mag asawa. Kasi diba, kung may hindi pagkakaunawaan yung mag asawa dapat hindi na sila gumagatong pa.Nakikisawsaw pa kasi yung iba kaya ang nangyayari lalong lumalaki ang away mag asawa.

Tsaka ito pa, yung mga sipsip sa boss. Yung crab mentality dito saten mukhang malalana na eh.Kahit ang liit lang ng company may pulitika pa din. Nagkalat ang mga inggitero/inggitera sa mga kumpanya.
« Last Edit: April 28, 2016, 01:41:34 pm by GD »

cutemama

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #301 on: April 28, 2016, 02:36:08 pm »
Yung mga Pinoy hindi marunong sumunod sa batas or sa simplen rules..pero pag nasa ibang bansa sumusunod naman sa mga batas doon.. bakit hindi kaya nila umpisahan sa mga sarili nila at dito sa ating sariling bayan.

1.) just like sa LRT/MRT alam naman nila na bawal kumain, pero kumakain pa rin, I saw 2 people (mag jowa) kumain ng sundae sa loob ng tren, nasa tabi pa nila yung sign na "bawal uminom, manigarilyo at kumain" tagalog na nga hindi pa maintindihan. gusto ko sitahin kasi pinigilan ako ng sister ko baka daw mapaaway pa ko.

2.) yung mga tao din na dugyot, nasa mall dumudura lang sa sahig.. eeww talaga.. kala mo nasa kalsada lang. kahit nga nasa kalsada hindi pa rin dapat dumudura kung saan-saan.


idagdag mo pa yung mga pinoy na inggitera, parang ang hirap sa kanila maging masaya para sa iba.  laging negative ang nakikita. like for example, nakabili ng sariling sasakyan or bahay yung isang tao, tapos ang comment ng iba," hulugan naman" 'utang naman".. imbes na maging masaya na lang..

or kaya pag napromote ka sasabihin nila " sipsip kasi". or pag maganda or maputi " hindi naman maganda, ma-make up lang "  hahaahh nakakaloka lang talaga.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #302 on: April 28, 2016, 04:38:03 pm »
idagdag mo pa yung mga pinoy na inggitera, parang ang hirap sa kanila maging masaya para sa iba.  laging negative ang nakikita. like for example, nakabili ng sariling sasakyan or bahay yung isang tao, tapos ang comment ng iba," hulugan naman" 'utang naman".. imbes na maging masaya na lang..

Idagdag ko pa rito, I am hearing group of friends or even sa mga magkakaclose na relatives, yung tipong akala mo dahil friends sila, close sila they are helping each other at parating okay. Pakita lang yun. Only to find out sila yung nagsisiraan and inggitan. Instead na they compliment each other na lang and to be proud about others negative pa rin ang gagawin. This is actually one thing I am staying away from a friend like this kasi hindi na healthy. Even sa cousin ko she has different attitude kinalimutan ko na lahat ng pinagsamahan namin, in which I didn't even invite her sa occasion namin. Well that is me, binibitawan ko na lang if it doesn't help me at all.

xtine

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #303 on: April 29, 2016, 02:38:46 am »
People assuming agad na tomboy/bakla/sira ulo ka kung wala ka pa asawa. Pag may asawa ka pero walang anak pipilitin kang magka-anak.

Isang party there was this old man who laughed at me when I was overweight, sabi 'buntis ka?"
Tinignan ko nang masama sabi ko mataba lang ako. Hindi huminto tingin ko sa kanya until he apologised.

Every vacation in Manila I hate it when guys leer at me. Pag babae naman tumitingin mula ulo hanggang paa with a smirk. I don't wear skimpy, short, tight clothing but my clothes aren't the usual Manila style of jeans and tshirt.

Ang dami din hilig magparinig or pagtawanan someone behind their backs. This girl sa likod ko sabi niya sa BF niya hindi siya pupunta ng mall na nakapantulog. I was wearing loose pants that time na parang pyjama. Gusto ko sana balikan sabihin sa kanya na iyong pants ko suweldo mo ng dalawang linggo (di naman niya alam sale sa Bershka only bought it for 500 pesos) pero nagpakalma na lang ako. Early 90's vacation ko in Manila I was at Duty free shop paying at the counter and this girl behind me saw my Philippine passport then said to her BF, 'Ay hindi pa siya citizen'. Tinignan ko na lang siya with a smirk nang isang item lang pala binili niya na mura pa. There was also another customer that time Filipino with an African GF and these two Filipinas were laughing pointing at them saying na ang itim-itim and pangit.

This. 

I also lived outside PH for years and when I am in PH, I noticed that people like to criticise you if you are not at par with the kasoshalan.  I was in SM bicutan when a lady smirked at me kasi I asked if pwede ba magpavalidate ng parking yung establishment.  When you go outside the PH, if you're not wearing weird clothing, people will never mind you.   Pero sa pinas, naka critic agad sa ibang tao, we want to feel superior above all most of the time.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #304 on: April 29, 2016, 09:29:02 am »
^Nakakatawa naman, of all places pati pala SM Bicutan meron pa ganyang pasosyalan and hindi naman kagandahan ang mall (napuntahan ko rin last year). 5 years ago I went to Rockwell, ayaw ko na balikan, di yata pwede doon simpleng damit, ramdam na ramdam ko iyong mga don at donya grabe tingin sa akin, as if I didn't belong there. The expats too in that area, mga akala mo rin kung sino. Preferred ko pa ang Eastwood or Glorietta, at least people from all walks of life, and hindi mo masyado ramdam iyong mga pasosyalan.

xtine

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #305 on: April 29, 2016, 10:30:31 am »
^Actually sis.  I think, tingin sa akin pasosyal when I don't mean anything.  Gusto ko lang maniguro, kasi baka libre yung parking, sayang lang. he he he.  Pero yun ang pansin ko sa pilipino, we are so competitive with other people, esp the ladies, in terms of "pasosyalan".

twinxz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #306 on: May 02, 2016, 12:10:40 pm »
^so true! lakas ng discrimination dito satin ng mayayaman vs. mahihirap. I usually go to church wearing shirt and simple sandals lang, natabi ako sa group of ladies. Yung katabi ko grabe ang tingin sakin mula ulo hanggang paa. Ramdam ko yung pag-gre-grade nya sa pagkatao ko. Di nya ko tinigilan until maupo kami, nilabasan ko ng medyo mamahaling bagay, ayun tumigil. Ayaw ko na sana patulan eh. After church, sabi ni husband, buti nilabas mo yun, ramdam ko din si ate eh. Grabe lang :(

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #307 on: May 02, 2016, 01:32:27 pm »
^Naalala ko lang mga kalaro ko at ako diretso ng misa pagkatapos maglaro, I was 8 years old, itong matanda katabi ko sa misa pinapaalis ako sa simbahan, hindi daw dapat ako pumapasok sa tahanan ng Diyos kasi madumi daw ako tignan. Hindi ako umalis pero nasa isip ko agad ‘Ipokrita’ (I was mature for my age). Sa paligid ko naman may mga bata nagsisimba din from the squatter’s area sa lugar namin, kapareho ko rin ng suot.

Go to a skincare clinic like Belo, Beverly Hills etc; pag mukha kang local, OFW, middle-class, hindi friendly generally; pag non-Caucasian or Filipino with a foreign passport, a bit friendly, halatang pilit with pasimpleng mula ulo hanggang paa na tingin and if you are Caucasian or upper-class na suki, very very friendly, receptionists nila ngiti ng ngiti halos mapunit na bibig.

rhumbafrapp

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #308 on: May 03, 2016, 08:45:14 am »
Poser mentality- new iPhone, Starbucks, newest "in" thing para lang makasabay, .. Mga ateng and kuyels, Mas importante yun may cash on hand ka pagka kelangan maglabas. Hindi yun inuuna mo mga luho kesa sa mga needs sa buhay like food, health, education

Mainggitin- the only time you should look at others plate is not to see if they have more than you, it is to see if they have enough. Madami inggitero inggitera. Dapat nga happy tayo for them diba


Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #309 on: May 03, 2016, 11:11:39 am »
^so true! lakas ng discrimination dito satin ng mayayaman vs. mahihirap. I usually go to church wearing shirt and simple sandals lang, natabi ako sa group of ladies. Yung katabi ko grabe ang tingin sakin mula ulo hanggang paa. Ramdam ko yung pag-gre-grade nya sa pagkatao ko. Di nya ko tinigilan until maupo kami, nilabasan ko ng medyo mamahaling bagay, ayun tumigil. Ayaw ko na sana patulan eh. After church, sabi ni husband, buti nilabas mo yun, ramdam ko din si ate eh. Grabe lang :(

Feeling ko social climber lang yan, hindi talaga yung mayaman. Maraming mga babaeng ganyan sila mismo yung matapobre pero for real sila mismo ang pobre na may insecurity sa situation nila.

Usually may mga taong pobre noon tapos naging mayaman nagtransform na into other personality although ugali na nila noon yan pero lumala lang nung naging mayaman na sila as opportunity.

Since it is election now and more days to go na lang, I really dislike on how other Filipinos respond or act in social medias. Parang mga kulto na below the belt and curing na yung statement whereas 6 years lang naman mamumuno yung pinaglalaban nila halos ng patayan. Instead of defending the person they want to lead in proper manner with maturity and encourage others to choose the leader they think deserving.

Expecting changes from the government officials whereas sa atin naman parati magsisimula ito.

TomHansen

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #310 on: May 03, 2016, 01:44:32 pm »
^so true! lakas ng discrimination dito satin ng mayayaman vs. mahihirap. I usually go to church wearing shirt and simple sandals lang, natabi ako sa group of ladies. Yung katabi ko grabe ang tingin sakin mula ulo hanggang paa. Ramdam ko yung pag-gre-grade nya sa pagkatao ko. Di nya ko tinigilan until maupo kami, nilabasan ko ng medyo mamahaling bagay, ayun tumigil. Ayaw ko na sana patulan eh. After church, sabi ni husband, buti nilabas mo yun, ramdam ko din si ate eh. Grabe lang :(

I'm not religious pero siguro iniisip lang din nila na nasa bahay kayo ng diyos so baka pwedeng maging presentable naman sa Kanya and not dahil iniisip nilang poor kayo?

People dress kapag nagma-mall, nagddate, lakwatsa with friends bakit sa simbahan karamihan nakakalimot na, merong nakashorts, nakatsinelas pambahay, gusot ang damit - tapos nagkkwentuhan pa.. I used to go to church din dati and pansin ko na sa mga tao yan, if people respect Him sana respect din nila yung bahay Niya..

sexykhuletzky

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #311 on: May 03, 2016, 02:03:46 pm »
Di ko alam kung ano tawag pero yung tipong tingin pa lang mapanglait na. Parang laging naghahanap ng ipipintas. Laging big deal ang mga bagay. Example: pag nasa beach at nakakita ng naka-2pc na medyo may katabaan grabe na makatingin. Eh yun naman talaga tamang outfit sa beach di ba? Regardless kung anong body size mo. Yun lang naman eh napansin ko. Hehe  ;D

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #312 on: May 03, 2016, 07:09:10 pm »
- yun ilan sa mga ofw na pag may sasakyan akala mo kung sino na makaasta. sila yung tipo ng mga tao na hindi makakapulot ng pera sa kalsada. hindi marunong yumuko eh. nakataas lagi ang mukha na mayayabang. lalo na pag may sakay pa silang babae sa passenger seat feeling pogi na. haha!

- yung iba rin ofw na may edad na malaki ang insecure sa mga bata bata sa kanila. tipong pakiramdam nila dahil beterano na sila mas magaling sila at mas nakakaangat sa buhay o pwede rin takot masyado na baka masapawan sila ng mas bata at hindi na sila kailanganin anytime.

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #313 on: May 04, 2016, 11:52:50 am »
Quote
- yun ilan sa mga ofw na pag may sasakyan akala mo kung sino na makaasta. sila yung tipo ng mga tao na hindi makakapulot ng pera sa kalsada. hindi marunong yumuko eh. nakataas lagi ang mukha na mayayabang. lalo na pag may sakay pa silang babae sa passenger seat feeling pogi na. haha!

Kahit hindi OFW meron ding ganyan!

OT ang di ko lang maintindihan sa ibang mindset ng mga Filipino, eh kapag merong kotse ay big time na. Kaya naman yung iba inuuna pa bumili ng kotse kesa sa ibang bagay na mas mahalaga kasi nga mas mahalaga ang image na i-project nila kesa sa reality kung ano talaga ang status nila.

cutemama

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #314 on: May 04, 2016, 12:50:55 pm »
yung iba naman talaga kasi porket di kotse ang yabang na..kala mo kung sino.. tapos yung iba pa, post ng post sa FB ng pictures ng kotse nila.. kaloka lang... yung asawa ko never naging ganyan, never siya nag post ng picture ng car niya sa Fb.. kasi ayaw niya daw ng pasikat. okay siguro proud sila kasi parang achievement na rin naman pag nakabili ka ng car  lalo na kung pinag hirapan mo, pero tama na yung isang post lang.. hindi yung everytime bagong carwash, popost mo pa,.. or kahit nasa garahe lang pipicturan pa.


pero we all know naman na sa panahon ngayon, having a car is not just a luho, necessity na talaga siya sa panahon ngayon.. kasi sobrang palpak and stressful naman talaga mag commute.. lalo na kung may mga anak kang maliliit pa.

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #315 on: May 04, 2016, 03:28:53 pm »
The problem is... parang mas nagiging mas mahalaga yung kung ano ang mga bagay na nakikita kesa sa mga bagay na hindi naman nakikita. Gusto ng mga tao maiangat agad ang status/image nila kaya dun sa shortcut at bili agad ng mga bagay na panlabas maganda. Halimbawa sa car, imbes na investment ang iprioritize pero dahil yun nga ang mindset, bibili agad ng car kahit hindi naman necessity. Di natin masisisi ganito kasi talaga ang trend. Kung iisipin kaya madami ang naloloko sa networking eh. Tignan mo sa networking, ang unang show off nila na umaasenso sila sa networking is meron silang bagong magarang car. At dahil dun, madami din naeengganyo. Kung umasenso ako sa networking, una kong bibilhin real estate. hoho pero bihira yata ang may ganung marketing strategy sa networking kasi mas mahirap itago kung sino talaga may ari. :p

twinxz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #316 on: May 04, 2016, 05:17:36 pm »
I'm not religious pero siguro iniisip lang din nila na nasa bahay kayo ng diyos so baka pwedeng maging presentable naman sa Kanya and not dahil iniisip nilang poor kayo?

People dress kapag nagma-mall, nagddate, lakwatsa with friends bakit sa simbahan karamihan nakakalimot na, merong nakashorts, nakatsinelas pambahay, gusot ang damit - tapos nagkkwentuhan pa.. I used to go to church din dati and pansin ko na sa mga tao yan, if people respect Him sana respect din nila yung bahay Niya..

hi bro! sagutin ko lang :) IMO, presentable naman kami kasi naka-shirt & sandals naman kami na malinis, in short simple lang. Di naman kami naka-pajama/sleeveless/halter top. :)

Di rin ako Catholic kaya iba po ang POV ko sa pananamit--Aanhin mo yung panlabas mong pananamit kung wala naman sa focus yung heart and mind mo sa pag-church.

Share ko lang din po, na when I was living abroad, ganun din ako manamit when going to church, wala naman akong na-experience na ganyang tinginan sa ibang tao na nasa paligid ko.
« Last Edit: May 04, 2016, 05:19:29 pm by twinxz »

sarsingkit

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #317 on: May 04, 2016, 10:20:05 pm »
Eto yung mahirap sa progress sa Philippines. Filipinos do not want to rise together. They just want to rise period. Kasi naman, where is the fun in that kung mayaman ka pero lahat mayaman. It is not about riches but yung feeling of being superior above others. Halo halong negative behavior na to eh like crab mentality and over competitiveness.

Our wealth disparity is bringing the worst in us. Sana we use the rich people to inspire us and be happy na lang for people who succeed.

twinxz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #318 on: May 10, 2016, 04:55:35 pm »
^agree. mahirap lang talaga burahin kasi nasa history na natin.

red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #319 on: May 16, 2016, 07:15:13 am »
Mahilig umasa. Tapos kapag hindi napagbigyan masasaktan  ;D
wag ganun haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close