watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96221 times)

stormy

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #140 on: September 25, 2015, 06:33:10 pm »
- Kung makahingi ng pabor akala mo may patago lagi. Tipong "ikaw na magbayad ng seminar fee ko 10k lang naman". Hindi maging happy na maayos buhay ng kababata nila, gusto pakabig lagi. Pag d mapagbigyan e ikakalat sa iba na "nagbago na sya".

- kung kailan bababa ng jeep/bus, elevator etc tsaka mag-uusap ng mga bilin. Nakakahiya sa hotel sa SG hindi isara ang elevator kasi nag-uusap pa sila, isa nakasakay sa elevator isa nasa labas.

- kung kailan nasa harap na ng counter tsaka mag-uusap or magtatanong ano ok orderin :(

- ang dami na nga pedestrian lane sa BGC tawid pa rin ng tawid kung saan saan kaya ang bigat na rin ng traffic sa BGC daming walang disiplina na rin unlike years before na ang ayos pa.

*pagbaba ng bus/jeep tawid agad

- ang mga drivers basta natuto magmaneho e driver na kaya wala halos alam sa kalye, hindi sumusunod sa batas. Hindi alam mga traffic signs, kung saan-saan nakabalandra.

- mahilig magpa-awa, ayaw sumunod sa patakaran. Pag hindi mapagbigyan akala mo inapi at pupunta na sa mga senador na akala mo naman may tulong sa tao at bansa. Papogi points lang naman kasi batas na sila dapat ang mas may alam e hindi naman alam.

- mahilig sa pasalubong, ok lang yan sa pamilya at malapit na kaibigan, sa iba huwag na para mabawasan rin korupsyon e iwasan yun kultura ng pasalubong at hingi.

- ang hilig sa artista at shows sa tv, dun inuubos ang oras. Ang bilis makuha ng loob basta cute, maputi or sikat. Kaya nga ang showbiz sa pinas e kakambal na ng politika.


megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #141 on: September 25, 2015, 11:49:26 pm »
Pagdating sa line of thought, many Pinoy guys are actually defeatist--worse than pessimistic mentality. That is why I have no chance of ending up with a kapwa Pilipino. Umiiral parin ang kulturang macho dito sa bansa.

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #142 on: September 26, 2015, 12:09:31 am »
When it comes to politics, Pinoys never learn. Association by name since the lady Aquino's administration is what a lot of Pinoys base their votes on. And I dare not say it's just the not so educated ones, some are even educated themselves. Look at the present administration. Backed up by lotsa educated people and all they got from their votes - the blaming game thrown at the previous administration. Hindi dahil anak ng Aquino, Macapagal, or kahit sino mang previous president eh it makes them better.

junetwentythree

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #143 on: September 26, 2015, 08:43:46 am »
^ Agreed 110%. Don't even get me started with electing celebrities as government officials.

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #144 on: September 26, 2015, 10:08:21 am »
Quote
When it comes to politics, Pinoys never learn. Association by name since the lady Aquino's administration is what a lot of Pinoys base their votes on. And I dare not say it's just the not so educated ones, some are even educated themselves. Look at the present administration. Backed up by lotsa educated people and all they got from their votes - the blaming

Even educated ones are really BOBOTANTE people. Hindi ko nga alam kung saan nang-gagaling ang Critical pati Logical Thinking Skills nila. It's obvious that these "educated" ones might be dumbed-down, speaking of thinking outside the box of tradition.

marose17

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #145 on: September 29, 2015, 09:55:35 am »
Mareklamo
Chismis as a way of life
Balato, pasalubong, blow-out/libre mentality
Homophobic, racist, misogynistic, politically incorrect slurs are common, even among the educated class - in short, walang filter pag nagsasalita
Puwede na iyan mentality
Prone to voting for artistas, "pro-poor" kuno and ma-gimmick politicians
Prone to hype silly or inane shows and celebs
Unsportsmanlike attitude pag natalo in sports
Balat-sibuyas
Sense of entitlement of poorer relations - obligation tulungan sila ng kamag-anak na "meron" kahit struggling din at may sariling buhay/pamilya etc.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #146 on: October 01, 2015, 09:42:05 pm »
^I agree with this lalo na yung blow out mentality which is madalas sa opisina nangyayari yan. Yung tipong kapag bago ka at kakabigay ng sweldo sayo o di kaya pag birthday mo oobligahan ka na magpakain. They should be considerate naman paano kung yung kinakantsawan eh kahit singkong duling mahalaga sa kanya para sa responsibilidad sa pamilya. Tradition lang naman ang magblowout decision na dapat ng tao yan.

Idagdag mo pa dyan yung mahilig mag emotional blackmail.

pakonsensya effect about you should help poor people eh samantalang hinihingi rin lang naman yung pantulong.

robinemz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #147 on: October 02, 2015, 09:51:47 am »
yung mga pinoys na ang thinking eh bulok ang pilipinas. kahit ano naman gawin nila di naman maikakailang pilipino sila.
 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #148 on: October 02, 2015, 10:50:23 am »
>I'm not sure if its just me pero naiinis ako sa mga parents na mahilig kumuha ng ninang or ninong sa binyag kahit hindi naman nila ka-close. Naisip ko lang to kasi yung kapitbahay namin magpapabinyag tapos nagpasabi sa mom ko na kunin daw ako ninang. Sabi ko nga kukunin ako ninang hindi ko nga nakakausap mga yun. Gusto ko tumanggi pero nakakahiya daw sabi ng mom ko. Ang mga inaanak ko kasi ka-close ko mga parents nila, either friends or cousins ko mga parents. Sis ko nagninang din sa binyag 27 pairs ang ninong at ninang. Mukhang need nila makabawi sa gastos kaya ganun karami kinuha. Ginawang negosyo ang binyag.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #149 on: October 02, 2015, 08:05:22 pm »
^Kung ako lang sa lagay mo ha? hindi ako papayag na maging Ninang na lang ng hindi ko naman kilala, or if you think na it is just about gift, then much better as Ninang regaluhan mo ng Bible and nothing more. Ask them first if why getting you to be a Godmother in the first place kahit hindi naman kayo close? They must have valid reason and no one should force you to give any amount of money. You are not obliged at all. Pero if they force you to do that then you have a valid reason talaga na tumanggi.

Actually there is nothing wrong to get too many Godparents as long as they are related enough and have reason kung bakit nila kinuhang Godparents ang isang tao. I don't want to judge them agad na they are making it like business. But the weird thing here is kapag hindi naman ka close or kilala basta na lang nilang kukunin na Godparents. Actually marami rin kami or lalo na ako na kinuhang Godparents, for our kid. Sa side ko I've indicated the reason on the souvenir why I want them to be our kid's second parent then sinabi ko rin na I want to break the tradition that being Godparents is about giving gifts, siempre ayoko rin makasanayan ng bata o mapasok sa mentality na ang Ninong or Ninang ay hingian ng regalo tuwing pasko.

Ahim de Famille

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #150 on: October 02, 2015, 11:04:32 pm »
-Yung mga pasahero ng jeep na ipipilit nila na gustong bumaba sa bawal na babaan. Tapos pag di napagbigyan, yung pasahero pa galit sa driver.

-Yung mangugutang ng pera tapos pagdating ng singilan sila pa ang galit.

-Yung mga tao na di gumagamit ng footbridge at mas gusto pang tumawid sa kalye. Ugaling tamad talaga yan.

-Crab Mentality

-Yung kapitbahay na tanong ng tanong kung saan ako pupunta o kaya saan galing tapos gusto pang alamin ang detalye kung anong ginawa ko dun. Tsismosa lang dating sa akin.

-Mas inuuna ang luho kahit wala ng makain.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #151 on: October 03, 2015, 01:32:13 am »
But the weird thing here is kapag hindi naman ka close or kilala basta na lang nilang kukunin na Godparents.

That is exactly my point! Ni hindi ko sila nakausap, ni hindi ko nahipo or natapunan man lang ng tingin yung anak nila then all of a sudden Ninang na ko at kumare/kumpare ko na sila?!

I told my parents na ayaw ko at hindi ako pupunta. Pero yun nakakahiya nga daw kasi parang di naman daw ako nakikisama sa kapitbahay. If matino man lang sana sila na kapitbahay walang problema na makisalamuha. I'm planning to give baby items sana kahit mas mapamahal ako kaso sabi ng parents ko mas ok daw if money kasi yun ang need. Ayaw ko magbigay ng pera kasi for sure ipang-iinom lang yun but what to do, pagtatalunan lang namin yun pag-ipinilit ko gusto ko. Kainis talaga.


Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #152 on: October 03, 2015, 02:09:18 am »
^You see! parang malinaw na diba? Kung bakit gusto kang kunin Godparent? Ano yun sagip kapamilya or kapuso foundation? Kailan pa naging Charity ang binyag?  ;D I am sure Church baptism pa yan. I think yan ang isa sa mga pinoy na hindi ko talaga gusto yung pera pera ang usapan sa mga significant even without thinking the real concept lalo na dyan for both binyag at kasal. Mas pinahahalagahan pa yung kung gaano kaganda ang reception kahit wala namang pera worst case mangungutang pa. At ang pagkuha ng mga Godparents is about money and gift lalo na kapag Godparent ng binyag nasa concept na every Christmas dapat may regalo.  ::)

Saka bakit naman magiging nakakahiya pa nandahil lang hindi ka nakikisama sa kapitbahay? You are not even oblige to do it unless kung nakatira kayo sa iisang bubong. Sila pa nga ang dapat mahiya na basta ka na lang kinuhang Ninang. May neighbor rin ako na kinuha kong Ninang for our kid, the reason why I want her as Ninang dahil siya yung nagbigay sa akin ng advise during pregnancy and how to take care the kid well.

One more thing na I totally find it weird though I think it is just me, I am seeing invitations of wedding na halos alam ko bongga talaga yung tipong pinagkagastusan yung venue, wedding preps and all. Yung tipong alam ko namang ang halaga ng venue ay nasa 50 to 100k just for the rental. Meron pa nga million pa ang nai-down. Pero sila itong nakikitaan ko parati na they are asking for monetary gift na parang you are obliged to give money. Parang ang feeling ko tuloy you are going to pay for their expenses on the wedding in other terms bawi gastos lang sa bonggang event. I understand na yung mga material gifts wouldn't be necessary to them kaya they are asking for money. but again I still dislike the idea na you are asking for it. Mas maiintindihan ko pa nga mga budgeted wedding na they are asking for monetary gift lalo na yung alam mong pobre pa but of course they wouldn't be still exempted or much better na huwag na lang mag ask. Rely on tradition na lang like pakimkim and so on.

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #153 on: October 03, 2015, 02:23:13 am »
I totally get the ninang/ninong kahit hindi ka-close. Half of my inaanaks, I barely know them. Hindi ko nga kilala parents nila. Kinuha lang ako ng friend ng mom ko para sa apo nya. I said no and reasoned out na how can I be a good ninang if I don't even know the parents, not even my mom's friend. I just see her sa work nila before. Sinabihan lang ako na it's not nice to refuse pag kinuha ka na godparent.

I made a deal with my mom na if mamamasko sila, sya ang haharap para lang hindi ako tumanggi though I didn't show up sa binyag. Nadala lang ako when I agreed to go to one tapos ang mga kasama kong ninong at ninang are not older than 12. I was 19 that time. As expected, sa Pasko lang sila pumupunta dito sa house. I sleep all day during Christmas kaya hindi ko rin sila nakikita. Pag nagrereklamo si mommy bakit daw ako nagtatago, I remind her of our deal. Tapos pag sinasabi nya na para naman daw makilala ko, I always say na naaalala lang naman nila tayo pag Pasko so sayang lang pag nag-effort ako. Ang bad ko. 😁

Pero anak ng pinsan or good friend ko, no problem for me.
« Last Edit: October 03, 2015, 02:25:15 am by sugardrop »

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #154 on: October 03, 2015, 02:36:13 am »
^Yan pa pala I forgot to mention, parang ginagawang emotional blackmail or blasphemy na hindi mabuti ang tumanggi ka kapag may nag offer na maging Godparent ka, when you know obviously na yung iba it is just about the money and gift after all. Ako may mga tumanggi rin sa alok ko na maging Godparents sila karamihan mga bakla yun. Yung isa dahil may work during weekends, yung isa mag abroad na which is valid naman then yung isa transgender and anti church yung tipong sampal sa kanya kapag ginawang Ninong, may kokontra naman kapag ginawang Ninang. Ayaw lang niya ng gulo, pero I understand naman. Ang pinaka concern ko lang naman kapag may kinuha akong Godparents is yung presence nila during the baptism, yun ang pinakamahalaga sa akin kahit wala silang regalo.

pinklilac

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #155 on: October 03, 2015, 05:16:56 am »
Ako rin di ko gusto yung kumukuha ng mga Godparents  kahit hindi  close.
Ang mga ninong at ninang  ng anak ko lahat friends namin  ng ex ko.
 
Nakaka irita  yung tuwing Pasko ang mga magulang hindi magkandaugaga sa pamamasko lol yung tipo na pinapa balik balik ang anak pag di naabutan ang GP na akala mo may utang sa kanila.
Yan ang hindi namin ginagawa ng sis ko sa mga anak namin. Hindi sila namamasko or namasko EVER! katwiran namin hindi natin alam baka mga gipit  yung mga GP .At pede naman magkakilanlan ang mag ninong/ninang  pag ordinary  days at hindi Pasko lang.
May ninong na unemployed deaf/mute ang anak ko at may mga Pasko na kusa magbibigay sa anak ko dahil siguro nahihiya rin. Ay! pinapabalik namin ng nanay ko.Sabi namin sa anak ko wag tatanggap dahil walang work ninong  nya. Kako mag bless lang tuwing magkikita sila.at ok na yun.
Yung osa kong nephew minsan nag ask sa sis ko bakit daw sila hindi namamasko.
Kaya ang Pasko sa Pinas napaka stressful  dahil sa mga makakapal ang mukha.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #156 on: October 03, 2015, 08:43:21 am »
@Purple_Power I agree sis na nawawala ang tunay na concept ng mga sacrament na yan at yan ang kinaiinis ko. Naging pera-pera na lang. Even yung mga kids na namamasko hindi alam kung ano ba ang Christmas, basta ang alam lang nila pagChristmas dapat may money or gift sila and mind you mas gusto nila ang pera. I remember an inaanak na umiyak kasi material gift binigay ko sa kanya at dun sa isa pera kasi binatilyo na.

Pwede naman kasi na simpleng binyag lang kung wala bakit need maghanda ng bongga. Ano ba naman yung 1-2 pairs ng GP tapos simpleng kainan sa bahay or sa labas. Ang importante naging Kristiyano ang bata.

@sis sugardrop sabi ng parents ko hindi magandang asal ang pagtanggi sa binyag. Nagtatalo lang kami pag-ipinilit ko katwiran ko. Tama sa Pasko lang nakakaalala. May inaanak ako malapit lang sa house namin, nakakasalubong ko lang di ako pinapansin, pero pagPasko laging present at dun lang nakakaalala magmano. Nakakawalang-gana.

Di ko rin ma-gets yung mga namamasko na magulang pa talaga ang nagdadala sa bata kahit alam naman nila na wala sa Pilipinas mga GP ng anak nila. Yung sis ko naka-base na abroad for 5yrs since F napangasawa niya and yung bro ko every 2-3yrs lang umuwi, ending abonado si mommy. Sabi ko nga dapat wag na bigyan para di mawili pero kawawa naman daw ang bata. Dati binibilhan ko ng mga regalo tapos bibigyan pa ni mommy ng pera, sabi ko sobra na yun pasalamat na lang may natanggap maski wala GP nila sa Pinas. Ngayon dedma na ko bahala siya. Laging sinasabi nakakahiya or kawawa ang kids if wala iabot. Sa totoo lang sino kaya ang mas nakakahiya.

pinklilac

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #157 on: October 03, 2015, 09:22:47 am »
^ oo nga sis  kahit nasa abroad mga GP nila     super punta pa rin ng mga kids.
Mag aabono ang pamliya. Eh what if hibdi naman pala nagpapadala ng pera ang mga overseas GPs ?
Or kung mag send man eh sapat lang sa pamilya?
Kasalanan ng mga magulang yan.

Mga choosy pa sila ha. Makikita mo pag hindi sila happy sa gift  medyo nakasimangot talaga.
 Eh kamusta naman yung mga nagpapabinyag na humahabol bago mag Pasko? Puno mga sumbahan a week before .
Tas ang mga baby na hindi pa marunong mag bless at maglakad bitbit din ng mga magulang pag pasko. But wait there's more! LOL  kasama pa mga kapatid  ang ending bigay si GP sa siblings. .
 Arrrgh!kapal to the maximum level
« Last Edit: October 03, 2015, 09:26:13 am by pinklilac »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #158 on: October 03, 2015, 09:53:15 am »
Sinabi mo pa sis ikaw pa nga mahihiya minsan pagpinintasan yung bigay mo kasi di nila like yung color or maliit lang. Yung sis ko nagsabi na magpapadala, sabi ko wag na kasi alam naman nila na wala siya dito sa Pinas mawiwili lang. Kaso ito si mommy nagbibigay kasi kakahiya daw, sabi ko i-shoulder niya ang expenses. Pwede naman sabihin na magmano na lang sa kanya kasi wala GP nila. Tapos pati yung mga extrang bata (kapatid or pinsan) na kasama aabutan din. Paldo ang mga bata pagpasko pero ang mom ko butas ang bulsa.

Dumaan din naman ako sa pagkabata pero nung nag-grade 3 na ko tinatanggihan ko na bigay ng Ninang ko pagPasko kasi lagi naman ako nasa bahay nila.

pinklilac

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #159 on: October 03, 2015, 10:51:46 am »
^ sis ang nangyayari tuloy napapabunot ako ng cash additional  don sa gift.
Buti ka nga sis  maaga pa lang natuto ka na kung paano mahiya. Yung iba makakabuntis at mabubuntis na eh namamasko pa ..

Kame ng sis ko asar na asar talaga kaya siya naman ginagawa kahit may kasamang kapatid  ang inaanak nya hindi talaga niya inaabutan kase nga mamimihasa. E hindi naman nya close  friends mga yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close