watch now

Author Topic: PASSIVE INCOME? Totoo nga ba?  (Read 2125 times)

zu_0420

  • Guest
PASSIVE INCOME? Totoo nga ba?
« on: May 19, 2015, 03:19:39 pm »
Hi guys,

Gusto ko lang magshare ng experience ko. I invested 5k, then after one month I received 25k. Kaya lang, it's a risky investment since I've always believed in working hard for your money. So magpapatulong sana ako to assess the risk involved.

Alam ko naman na yung mga MLM schemes won't necessarily last unless you've got good-selling products to back it up. However, di ko rin po madeny na at the start, nagwowork po talaga siya. Bago pa rin kasi yung company, like mga last month pa nagstart and marami na rin kami nakabenefit. I was invited to invest again. I'm hesitant kasi I was planning to just risk 5k, then if may returns na, stop na ako bago ako mahook up. Hindi rin kasi sya healthy way of earning.

Pero sayang din naman kikitain ko if ever po magkareturns again. Kinakailangan ko rin kasi yung pera sa ngayon since unemployed si hubby. Do you think I should take the risk? Or should I invest my money somewhere else?

Thanks sa mga replies.

Zu  :-*

angelparvian

  • Guest
Re: PASSIVE INCOME? Totoo nga ba?
« Reply #1 on: May 23, 2015, 11:11:24 am »
para sa akin its okay to take a risk but calculate the risk. duda ako sa company na pagiinvestan mo tapos babalik ng 400% in 1 month. tama ba ako? kasi un ganyan kalaki na ROI can be scam and very risky. para syang aman future na scam. kumita un mga nauna pero un mga nahuli kawawa. para yang sugal papanaluhin ka sa umpisa pero habang tumatagal talo ka na pala.

ako naman i invest my money on stocks, and VUL. di baleng mabagal ang mahalaga safe and legit. wala ako nilolokong tao. MLM is nice pero sa panahon ngayon dami ng kalokohan at kelangan pang mag-LIE unlike nun mga traditional na system gaya ng avon, natasha, boardwalk, dxn, amway. pero ngayon sa invites na lang sila umaasa un mga modern system. sa pera ng ibang tao. sa MLM dapat produkto ang umiikot hindi sa invite nanggaling ang kita. scam na pag ganyan. im sorry kung may maoffend ako narealize ko lang yan nun nakalabas na ako ng networking. i still love networking pero dun na lang ako sa traditional.

fionaapple

  • Guest
Re: PASSIVE INCOME? Totoo nga ba?
« Reply #2 on: June 03, 2015, 08:02:49 am »
^ako rin, dun pa rin ako sa honest work. i have a full time job pero dahil may isang company na nagustuhan ko talaga products nila at gusto ko naman talaga gamitin, nanghinayang ako na bumili lang. so naisip ko maraming advantage kung magiging dealer ako nito:

1. i can use the products for my personal consumption at a discount.

2. i will learn how to approach people and be confident about selling my products.

3. i will be able to start my own business.

4. i get to help the people who make the products kasi may mga magagandang advocacy yung company, especially yung magkaroon ng livelihood yung nasa depressed areas.

ngayon kakastart ko pa lang magpa-order. relatives ko pa lang ang customers ko, pero sana maging daan to para matuto ako magbenta.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close