Author Topic: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?  (Read 21882 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #40 on: June 14, 2015, 01:31:39 am »
It usually depends on the environment a person finds himself in. If the wife or gf is not around, the man would really look for someone else temporarily.  Marami na rin nagsabi na marami talaga umaangkas pag nag dock ang barko.

Normally iyan lagi sinasabi nila/ng mga tao. Until siguro they meet their other half na seaman. Di naman siguro papakasal ang girl sa seaman kung alam nyang lolokohin lang sya. No one will ever know naman eh except yung seaman na manloloko or not. People can only speculate. The wife can only believe. But yung katotohanan eh nasa sa tao na iyan.

ilovejdy

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #41 on: June 14, 2015, 06:46:55 am »
i have a friend na seaman and its been like 3 years ng wala siya GF. He is enjoying life as a single guy. Pero I don't see him dating around nor does he have time to fool around sa barko. takot din siguro magkasakit. if you know what I mean.

so, it really depends on the person. If he had a history of being a cheater. SEAMAN or hindi..will always be a cheater.

fionnah325

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #42 on: June 15, 2015, 08:54:46 am »
tama kayo mga sis....seaman naman partner ko pero hindi ko naman nakita sa kanya na nanloloko siya at nambabae siya..depende din yata yan sa tao kung hindi nila macontrolsarili nila sa lungkot or miss ng mga loved ones nila

toinks.toinks

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #43 on: June 28, 2015, 07:53:22 am »
umaakyat sa barko, magkakasakit, temptations, paano? wala ng ganyan sa ngayon, huling narinig ko mga 90's pa yan, mahigpit na din lahat ng Port ngayon as in lahat, sa dami ng threat sa ibang bansa basta na lang ba magpapaakyat ng kung sino sino..sa cargo o tanker vessel masasabi ko zero tolerance sa mga ganyang bisita. kahit nga may kamaganak ka sa ibang bansa hindi pinapayagan na masilip ka sa barko, not unless dadaan sa immigration, custom etc kaya may notice at confirmation din.

moderno na din seaman ngayon, most cargo vessel may cash advance lang na 200 to 500usd monthly, the rest sa bangko na (nagoopen ng another account aside from allotment). kung lalabas ka naman o mamamasyal sa kung saang bansa o puerto ka, eh mapapaisip ka din, kasya ba yung 500 dollar mo sa taxi/service more or less 50 to 80usd, babae 100usd, room + inom + kain + souvenir + pasalubong...ewan na lang. isa pa eh kung gusto talagang ipilit ng seaman yung hilig nya eh byahe sya ng 1 to 2 hours papuntang downtown at wala naman magtatayo ng pier sa gitna ng siyudad, maliban sa Maynila, and 6 on 6 off ang duty kadalasan so mabilisan ang pasyal at pagbalik mo eh duty ka na naman...hindi naman pwede na pag nasa puerto relax ang crew dahil may cargo operation at yun ang bumubuhay sa shipping business at yun ang isang mahalaga sa trabaho ng seaman. kaya pag naririnig ko seaman manloloko nagtataka ko kung papano?

pag nasa lupa naman isa o dalawang bwan lang ang bakasyon may training pa, di rin pwede magbisyo at may medical na ubod ng higpit.

ang alam ko seaman na lang ang matino ngayon hehe

Pink_Sugar

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #44 on: June 28, 2015, 10:21:26 am »
^Siguro kung maghahanap eh sa labas pa, pero yung kwento nung kakilala ko na sa cruise ship nag wowork eh ang nakaka relasyon ng mga crew eh katrabaho din nila. Pag nasa barko dun sa jowa pag uuwi na eh sa asawa na. Hoping na lang si kabit na maalala syang itext o chat pag may time kasi pagbalik sa ship sila na ulit. kalowka. Sa bagay kahit saan naman nangyayari talaga yan, kahit sa hospital, call center, etc.
« Last Edit: June 28, 2015, 10:25:06 am by Pink_Sugar »

toinks.toinks

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #45 on: June 28, 2015, 11:05:05 am »
yun nga ang asar eh yung tag kasi na "seaman pala asawa mo, kaya siguro ganito ganyan kasi seaman sya" wala naman nagsabi ng ibang profession though kahit saan naman pala eh meron. sa cargo lalo na tanker vessel absolutely walang milagrong nangyayari...sa passenger madami, tamaan na lang ibang seawoman o yung hubby nasa passenger pero karamihan mas garapalan na talaga, kung hindi bakod bakod system eh for sale naman (100usd) presyong international syempre...nakakainsulto lang kasi minsan dahil ang ibang lahi eh yun ang pagkakakilala sa atin...tsk :-\

fionnah325

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #46 on: June 29, 2015, 09:49:19 am »
^ hmm agree ako sa sinabi mo ngayon kasi mahigpit na sila..walang makakaakyat ng barko kung walang appointment...nong nagkabyahe dito sa pinas yong partner ko grabeh nga ang  stricto ng customs eh..dami pa naming pinirmahan na papel para lang makaakyat kami ni baby..kaya ang mga babae na sinasabi nila o di kaya ang mga seaman mga manloloko dahil madamaing babae depende lang yan kasi hindi na katulad dati...

sildusoleil

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #47 on: July 24, 2015, 11:01:48 am »
Pwidi pero dipindi. Haha joke. Sorry di ko alam kasi irrelevant ang infidelity ng isang tao base sa kanyang trabaho.

Kahit naman hindi seaman, kung ang lalaki ay manloloko manloloko talaga.

josebeth

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #48 on: July 30, 2015, 11:54:31 am »
not totally naman lahat. when you say sea man ba manloloko na agad? madami pading loyal sa mga partner nila. it depends padin upon the situation.

bk

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #49 on: August 01, 2015, 03:45:32 am »
nung nasa getting to know each other stage pa lang kami ng seaman na partner ko na ngayon, sinabi ko sa kanya na "di ba may kasabihan na seamanloloko daw"? Sagot nya naman sa kin luma na yan ang uso na seaman-niloloko. Kasi daw paano makakapangloko e pag nasa port yun yung super busy sila kasi may load/unload. Ang shift is 12hrs kasi 6hrs duty then rest then 6hrs duty ulit unlike pag nasa dagat na 4/4 hrs lang. Tapos ang layo pa ng port sa kabihasnan. Hindi ko maalala how much bayad sa taxi pag convert sa $. Ask ko din sya nun kung totoo bang mismong mga prosti umaakyat sa barko? Sabi nya sa kin panahon pa ni kopong-kopong yan. Simula daw nung 9/11 attack naghigpit na. Hindi na pwede basta umakyat sa barko ang hindi authorized personnel. (Although may mga nababasa ako na meron pa rin nakakalusot, at least not as rampant as before na)

Pero feeling ko ibang case kapag nasa cruise/passenger ship. Kasi mas madami temptation dun. Imagine 24/7 kasama mo sa barko at ilang hakbang lang kwarto nila from your own room? Kasi ang mga seaman naman meron sa cargo, tanker, passenger, crusie, etc. Kaya sabi ko sa partner ko, "wag na wag ka magpapasennger/cruise ship ha". Hahaha!

sarah012

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #50 on: August 01, 2015, 12:26:30 pm »
temptation talaga problema sakanila. hindi nila maiiwasan yun. di naman lahat may ilan padin who stay faithful on their partner.

seamans.girl

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #51 on: August 04, 2015, 02:13:10 pm »
I must disagree. Seaman ang partner ko, at medyo close kami sa isang official nila doon. Maselan na ngayon sa mga port at sa pag akyat ng mga babae... family man din ang mga officials nila doon.

Plus, walang bahid ng panloloko partner ko. haha! Proven na yung faithfulness niya, I tested him (kahit alam kong hindi maganda ginawa ko.) I know he loves me.

lenjeearroyo24

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #52 on: July 10, 2016, 05:02:16 pm »
true.he cheated on me.

nintendo

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #53 on: July 13, 2016, 03:51:21 am »
Sakin hindi. We've been together for more than 6+ years never kami nagkaroon ng trust issues. Depende din kasi talaga sa tao yan e. Sa confessions page ng mga seamen's wife/gf may mga seamanloloko meron ding seaman niloloko.  ;D ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #54 on: July 16, 2016, 09:27:40 am »

Got curious about this topic again. Parang kakaiba ata talaga mga Filjpino seafarers in particular. Perhaps due to their sheer number. Parang call Centers din, sa dami ng population nila out there, they tend to gain some reputation locally and abroad.

Stumbled quite a few articles on Filipino seafarers, below is one -

http://www.theatlantic.com/international/archive/2013/08/the-strange-sexual-quirk-of-filipino-seafarers/278285/

TomHansen

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #55 on: July 16, 2016, 11:51:56 pm »
^ ang angas ni seven. lol

Di naman nakakapagtaka kasi we're in a country who idolize matsismo pesonalities. we have pacquiao the hypocrite, the revillas, fpj, isama mo na si Ogie/Regine. Naging normal na yung cheating dito sa pinas dahil malakas ang loob ng mga lalake dahil mahirap/matagal/magastos magpa-annul plus kadalasan sa mga seafarers housewife yung asawa = walang sariling pera..


mysterioza_me

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #56 on: July 19, 2016, 12:55:56 pm »
Akala ko yung bolitas ang issue, yung cheating pala. But kidding aside, may point ka bro, my dad used to work as a desk officer before and ang mga reklamo ng physical violence nada-drop lang kasi ayaw ng wife or gf na ituloy ang demanda sa takot na wala ng matanggap tuwing 15th and 13th. Katwiran nila yung hubby lang ang nagwowork and mabait naman daw kasi kapag hindi lasing or mainit ang ulo. I think ganyan din mentality ng ibang misis kaya ayaw idemanda mga nangangaliwang mister, yung iba naman gustuhin man magdemanda ang iisipin naman is magastos.

britzm

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #57 on: August 18, 2016, 10:43:38 pm »
seamanloloko? oh come on! kahit tricycle driver sa kanto o construction worker sa tabi tabi pwede magka mistress eh. ewan ko bakit lakas maka stereotype netong profession na to  ::)
worse, yung pag nalaman na seaman ang bf/husband biglang "seaman asawa mo?" with matching panlalaki ng mata, tapos ngiti.

stylus

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #58 on: August 19, 2016, 10:08:38 pm »
Seamanloloko :) depende yan mga sis. Kung may ginagawang milagro at nahuli mo.. eh di manloloko. Kung hindi mo pa nabubuking, eh di wow! ;)

Yung ex ko for 6 yrs, 4 yrs nandito lang sya. Last 2 yrs namin together nasa barko.. although hindi umamin pero may nakita akong photos sa hard drive nya may ka-date sya. Pinay rin. Friends lang daw. After nun kasi wala nako tiwala eh. At mahirap ibalik ulit ng tiwala kasi kailangan na naman nya lumayo after 2 months of stay dito sa philippines. Umalis sya ulit, pagbalik nya after 8 months, nakipagbreak nako. Di ko na talaga maibalik yung trust eh. Sayang lang time naming dalawa kung kami pa rin.

KC0025

  • Guest
Re: SEAMAN-SEMANLOLOKO DAW?TOTOO BA YAN PARA SA INYO?
« Reply #59 on: October 28, 2016, 12:56:37 pm »
Most people are so judgmental talaga. Porket seaman, kadugtong agad is manloloko.
There are some and there are not. Depende sa tao yan. Wag sana nila idugtong sa profession ng tao. Wag i-general. 
Personal experience, of course not. My sailor is loyal. Alam ko yun. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close