watch now

Author Topic: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake  (Read 71448 times)

mhed0404

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #500 on: August 19, 2015, 05:31:55 pm »
in fairness sa episodes nagiging exciting na ulit :) kaabang abang na

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #501 on: August 20, 2015, 12:14:30 am »
i love the episode kanina. Nagkita na din sa wakas ang mag nanay (Yna and Amor)

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #502 on: August 20, 2015, 01:43:26 am »
Kaloka anak ni amor si david.. so magkapatid sila ni yna.  Regarding claudia benta sa akin mga hirit niya. Siguro sinadya talaga na ibahin yung character niya dito sa remake. Nababagalan din ako sa love story ni yna at angelo. Sana maging sila na para  awayin na ni claudia si yna, then magkaron na ng conflict si yna, bea bianca and angelo. Sa totoo lang eduardo, claudia amor lang ang gusto ko dito. Mas nakaka kilig ang amor at eduardo kaysa sa KN...

brandi

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #503 on: August 20, 2015, 05:54:38 am »
Oopps, ang Pasion de Amor remake ay R.S.B Unit. Yan yun nagproduce ng Two Wives and Annaliza.

Bakit may dreamscape na logo sa umpisa?

forumera

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #504 on: August 20, 2015, 06:47:27 am »
Kaloka anak ni amor si david.. so magkapatid sila ni yna.  Regarding claudia benta sa akin mga hirit niya. Siguro sinadya talaga na ibahin yung character niya dito sa remake. Nababagalan din ako sa love story ni yna at angelo. Sana maging sila na para  awayin na ni claudia si yna, then magkaron na ng conflict si yna, bea bianca and angelo. Sa totoo lang eduardo, claudia amor lang ang gusto ko dito. Mas nakaka kilig ang amor at eduardo kaysa sa KN...
Paano naging si Amor nanay ni David? Di n kasi ako nakakanuod e

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #505 on: August 20, 2015, 08:22:21 am »
Baka ampon lang ni Amor si David? Kasi di ba napangasawa ni Amor was American? Hindi naman mukhang amerkano si David.

spinnn

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #506 on: August 20, 2015, 09:27:33 am »
I like the fact na connected din si David kay Amor. Kawawa naman si Eduardo. Hehe

oolong

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #507 on: August 20, 2015, 11:51:44 pm »
Ganda ng Yna-Amor scenes, nakakaiyak... The serye is getting exciting, can't wait for the next episodes. :)

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #508 on: August 21, 2015, 12:07:48 am »
Seems that Friend ni Amor ang tunay na nanay ni David. Namatay na mom ni David kaya si Amor ang parang tumayo na 2nd mom.


Si Angelo nalang ang walang kwenta sa story na to.. may progress na lahat, sya nalang wala lol

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #509 on: August 21, 2015, 04:05:23 am »
^oo nga sis. Dati meron isang episode na sinabi ni mark kay amor na hindi niya makakalimutan yung ginawa niya tungkol sa kanilang magkapatid. I guess si mark at david magkapatid.

Exciting na nga ang episode. Sana sinagot na ni yna si angelo para yung conflict kay claudia at yna is tumindi na.

Then sana si yna pa DNA na ni amor para malaman na anak niya to.

Ang gwapo ni Ian talaga. Hindi sha nakakasawa tignan. Kinikilig ako sa eksena nila ni amor kagabi. What if pumasok kaya sha sa loob ng bahay ni Amor, ano kaya nangyari. Lol

FOURever

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #510 on: August 21, 2015, 06:05:26 am »
My sister still gets excited to watch every episode kaya i think umookay naman ang PSY :)

Nakakalungkot lang na maraming tao ang pumupuna sa pagiging sakang ni Kath. As if flaw 'yun at factor para sa magiging roles niya at sa future niya. As if these people are perfect. Pwede naman ang positive criticism. Bakit kelangan haluhan ng kanegahan.

Aanhin ko ang julia barretto face as yna kung mas hindi pa ready sa acting.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #511 on: August 21, 2015, 09:19:21 am »
Umookay na nga mga episodes this week, and true si angelo nalang ang walang importanteng ganap. I love amor and yna's scenes together, sana maging mas close pa sila. At ang bea bianca nag-uumpisa na ah, mas bagay daw si yna at david dahil pantay lang sila sa buhay, as if naman pantay sila ni angelo ::) sana mas marami nang claudia vs amor/yna sa nga susunod na episodes.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #512 on: August 21, 2015, 11:13:19 am »
^ lol i skipped that part. Pero nakakatawa, sa totoo lang tama naman si Bea Bianca.. Pantay na pantay nga sa buhay si David and Yna kasi iisa lang nanay nila. Hahaha!

Kung alam lang nya e noh? Mas mayaman pa si Yna kesa kay Angelo.


My sister still gets excited to watch every episode kaya i think umookay naman ang PSY :)

Nakakalungkot lang na maraming tao ang pumupuna sa pagiging sakang ni Kath. As if flaw 'yun at factor para sa magiging roles niya at sa future niya. As if these people are perfect. Pwede naman ang positive criticism. Bakit kelangan haluhan ng kanegahan.

Aanhin ko ang julia barretto face as yna kung mas hindi pa ready sa acting.

I'm not her fan pero I like her face. Not as beautiful as Kristine H pero hindi naman pangit si Kath B. Maganda din sya.

I don't know why and ano connection ng pagiging sakang nya sa teleserye? Yung ibang tao kasi may mailait nalang. Masabe lang mas magaling yung mas gusto nilang artista. Napaka babaw lang.
« Last Edit: August 21, 2015, 11:17:10 am by izabelle »

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #513 on: August 21, 2015, 11:18:11 am »
ang dami ko nang na-miss na episodes. pero teka, yung mark din ba dito eh connected kay amor? if david is also connected to her aba... magaling ang pag-plant niya ng mga tao around the buenavistas. hehe!

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #514 on: August 21, 2015, 11:32:25 am »
^ yes sis connected din si Mark.

zelda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #515 on: August 21, 2015, 11:56:34 am »
Bakit may dreamscape na logo sa umpisa?

I checked yun latest ep nila it was just "ABS-CBN at Telemundo Internacional." I also checked yun sa Nathaniel, and it says, "ABS-CBN at Dreamscape." RSB Unit ang PDA since si Ruel Bayani isa sa producers.

Susko dumami ang ganap this week.  ;D Almost 2 weeks akong di nanood, at yun nga nabasa ko sa TFC ang simula ng pang-aapi ni Madam kay Yna, bumalik na agad ako. At, di ako nagkamali.  ;D

I think, hindi magkapatid si Mark and David. Kilala ni Mark ang kapatid nya, at di ba sabi ni David na natutuwa sya pag nakikitang kumikilos si Mark for Amor pero di alam nun huli na idea rin ni David lahat. Kaloka! Spy at spy! Ikaw na Amor ang di maka-move on!

Kinilig ako sa usapan sa harapan ng bahay ni Amor!  ;D Ewan ko sa yo Eduardo. Halatang medyo hurt si Amor nun sinabi nyang, dumaan lang sya to apologize for Claudia's actions. LOL Until now, nagpapa-hopia ka pa rin! Bakit ba mga ganitong lalaki ang napupunta sa mag-inang Yna at Amor? LOL

Hmm di ba sa orig na PSY, anak-anakan ni Amor si Bea Bianca (Electrika Powers)? If si David dito ang anak-anakan, then ganun pa rin kaya ang role ng Bea Bianca 2.0?

Gustong-gusto ko ang scenes ni Amor and Yna. Naitatawid ni Jodi na magmukha silang mag-ina.  :)
« Last Edit: August 21, 2015, 12:10:02 pm by zelda »

Leven

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #516 on: August 23, 2015, 07:33:26 am »
Sorry sa Kath fan..napakainsensitive ko naman..Yeh the sakang thingy nga pala is not part sa role niya as Yna(retoke topic lang naman kaya na brought up ko)....she's a perfect example of a filipina beauty..she's pretty..cute...but not an Yna type role...and worst No.1 na ngayon ang OTWL na teleserye, saw it last night sa PBO news. Wrong choice for ABS na sinagad nila ang love team na KathNiel, sana pinagpahinga muna at pinag isipan ang next project. tsk

khaleesiCersei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #517 on: August 23, 2015, 02:01:48 pm »
^agree sis, hindi sya bagay as yna. Naging super pabebe tuloy yun character.. And kasi naman pacute masyado magsalita si kath parang hindi mahirap. Halata kasi onscreen na masyado syang self conscious..yun parang gusto nya lagi syang maganda tingnan. Tsaka mas bagay pa rin talaga sa kanya ang mga patweetums since mukha syang nene at parang ang awkward pag pinilit sa kanya ang medyo mature roles. For me, ok naman si dj as angelo. Parang ready na sya sa ganon eh.. Since na hit sya ng puberty medyo naging manly na yun dating nya. Pero sana ibang yna,, like julia montes etc.. Yun mga ganong type. Hindi pa tweetums.. Kaya hindi maganda ang reviews ng mga tao kasi they expect more since psy is a remake at alam nila na maganda yun original.

lacluv

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #518 on: August 26, 2015, 09:47:27 am »
Last week review: Sa mga mata pa lang nila Jodi at Kath naiparamdam na nila yun kanilang emosyon kaya kahit simple lang yun scene ng first meet nila, heartfelt naman.....at may pasabog talaga yun tuod, ooops.... I mean si David........(Male actors often get praised kahit parang tumutula lang sa harap ng camera kasi nga cute ang mukha while Female actors have to be f*****g genuises - that's why lagi kong inookray yun boys, lolz)

Wala talagang chemistry si Angelo at Bea B,  hindi ba sila nag-screen test? But at least may mabilis na ang pacing at maayos na ang transition, siguro naisip nila na may audience pala sila na tulad kong jeje......yun Vietnamese fans nga nila ang sipag mag-sub ng PSY2, ayusin naman dapat ,kakahiya sa foreign market!
« Last Edit: August 26, 2015, 09:50:08 am by lacluv »

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #519 on: August 27, 2015, 12:33:32 am »
Bea Bianca character is hanggang ganda lang ng face, bukod doon waley na. Pero kasi baguhan lang sya so I'm not really expecting anything from her.

I think mas naging Ok sana kung kumuha nalang sila ng ibang artista for the role, marami naman bagay sa role.

Mas nagiging interesting na story dahil mas madami ng kaganapan ngayon. :D I hope mag evolve na din ang character ni Angelo dito, parang napag iiwanan na.

As for OTWOL being number 1, wala akong nakikitang "worst" or masama doon. Iisa lang ng station ang PSY and OTWOL at hindi sila magka competition. "worst" yan para sa kabilang station na katapat na show pero walang kinalaman yon sa PSY.

Nasa isip lang ng ibang tao ang competition.
« Last Edit: August 27, 2015, 12:41:09 am by izabelle »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close