watch now

Author Topic: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake  (Read 71797 times)

emcee

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #200 on: June 17, 2015, 08:31:55 pm »
inferr nga, lakas maka high school ng mga scenes nila. me chemistry naman ang parang kahit sila e kinikilig sa scenes.

pero refreshing lang din talaga ang loveteam ni amor at eduardo. hahaha yung mas matanda pa yung refreshing na loveteam..

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #201 on: June 18, 2015, 08:35:43 am »
Nakakaaliw nga yung scenes nila sa car.. nakakakilig.. infairness!
Pero parang ang weird lang ni yna, dating seryoso pero pag dating kay angelo biglang naging comedy..
Kelan kaya lalabas si amor..
Bakit ganun si angel parang may something wrong sa katawan niya, parang losyang na siya tingnan or dahil lang siguro sa mga outfit niya na pang matrona..ang ganda pa naman ng face niya.. feeling ko din sa boobs niya, masyadong malaki kaya lalo siya nagmumukhang mataba..tska pansin niyo ba mga sis pag naglalakad siya umaalog yung boobs niya.. dapat siguro maghanap siya ng magandang bra para firm tingnan yung boobs niya, o kaya sports bra na lang para hindi mukhang lawlaw tingnan..
Pero so far, natutuwa ako kay madam claudia, hindi mo pa siya kaiinisan.. kahit nagsusungit siya and nagtataray sa mga staffs niya nakakatawa pa rin talaga.

zelda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #202 on: June 18, 2015, 08:59:35 am »
^ same observation of some KN fans! Believe me, though nageenjoy sila sa kilig scenes, napapansin na nila yun inconsistency sa character ni Yna. Bakit naging romcomish Yna ang nangyari? Samantalang yun sa balsa scene, you can see na di ganun si Yna. Again, I believe, one disadvantage, nang papalit-palit na directors. This Caza Corazon scenes were shot under Cathy Garcia Molina. Yun Macaspac moments nun kay Direk Rory.

Even yun dating ng Macaspac family sa Casa Corazon, nagiba na ang aura. :-\

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #203 on: June 18, 2015, 09:08:42 am »
for me i dont care kung naging comedy si yna.. i hate the old yna na puro iyak ng iyak..ang sakit sa ulo panoorin yung everyday na lang iyakan ang makikita mo sa teleserye. besides kaya nga kathniel ang nilagay sa role na yan para may kilig factor.paano naman kikiligin ang vieweres kung nagpapa-cute si angelo eh umiiyak at nagddrama pa rin si yna.
just like normal people na kahit naman may problema ang isang tao pag kasam na natin ang magpapakilig sa atin eh nagbabago aura natin.
mas ok sa akin ang story ngayon kesa sa old PSY where kristine hermosa always cry plus pa yung crumpled na yung face ni kristine eh wala pa rin tumutulo na luha, nakakainis panoorin.
atleast ngayon feel good naman konti.

lacluv

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #204 on: June 18, 2015, 09:12:46 am »
Hindi naman kagandahan yan.....

shout-out ng PSY2 writers (?) sa mga comments na hindi deserving si KB as Yna kasi nga pangit , unlike the original star Kristine Hermosa ;)

Pero relatable  sya, lalo na dun sa Pinays abroad with foreigner partner, na syempre pa mas pretty si hubby kesa dun sa girl, at pag me nagparinig ng ganyan.....gusto nya sumigaw ng "Matagal ko nang alam yan, hindi ako ilusyonada, noh!!!"  #MePinaghuhugutan

zelda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #205 on: June 18, 2015, 09:16:07 am »
Shoot-today-air-later mode na sila now.  :( Wala na talagang na-bangkong episode.
Nakakahinayang. Ang ganda-ganda ng cinematography nila nun una pero ngayon waley na.

Sana ipagupit na lang ni Jodi hair nya. Wala na ako masabi sa physique pero I think she must cut her hair short para walang tatalsik na wig sa sabunot scenes.  ;D And, sana pag-isipan nila ulit yun color. Baka medyo gawing katatawanan ng viewers. LOL

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #206 on: June 18, 2015, 09:41:37 am »
sa totoo lang, si Ian at si Jodi ang iniintay kong laging scenes dito, not the teens hehe

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #207 on: June 18, 2015, 10:47:11 am »
sa old PSY ba napagkamalan din ni jericho si kristine na mistress ni eduardo buenavista?
kasi sa new PSY diba daniel is having this tamang hinala na kath is eduardo's  mistress at sinundan nya then nakita nya na magkasama si kath at si ian (based on the "abanagn bukas"

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #208 on: June 18, 2015, 12:51:02 pm »
^as far as i remember sis walang ganun sa old PSY. Ewan ko kung bakit ngayon may ganun effect. Di ba nga kahit yung my pag nanasa si caloy kay yna ngayon, wala din ganun sa old PSY.  Nung lumabas yung friend ni angelo, feeling ko nanonood lang ako ng Got to believe.lol di ba yun din yung guy na yun.

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #209 on: June 18, 2015, 01:29:00 pm »
- package deal kasi ang mga friends ng kathniel sa mga projects ng kathniel sis..
requested talaga sila ni dj and kath kasi gusto ata ng 2 na bigyan din ng exposure yung mga friends nila at binibigay naman talaga ng network ang hiling ng kathniel.
according to kathryn before mas gusto nya daw kasi talaga kasama rin mga friends nya sa mga projects para mas magaan ang loob sa work.
and in fairness din naman marunong naman din sa acting so hindi dahil ni-refer lang ng kathniel. kumbaga hindi rin naman nila pinapahiya ang kathniel.
like si pamu ngayon ko lang naappreciate na magaling din naman pala sya umarte.nakakatuwa yung role nya sa PSY.

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #210 on: June 18, 2015, 01:58:26 pm »
^as far as i remember sis walang ganun sa old PSY. Ewan ko kung bakit ngayon may ganun effect. Di ba nga kahit yung my pag nanasa si caloy kay yna ngayon, wala din ganun sa old PSY.  Nung lumabas yung friend ni angelo, feeling ko nanonood lang ako ng Got to believe.lol di ba yun din yung guy na yun.

^ meron actually yung trip din ni caloy si yna sa old PSY. pero hindi na na-elaborate further kasi nawala nalang basta si jay manalo sa story and julieta later became a born-again christian matapos pinadukot ni madam claudia (or was it mark?).

i think yung angelo suspecting yna of being a kabit was in the old version as well... pero saglit lang kasi naging katulong na nga nila ito sa mansion.

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #211 on: June 18, 2015, 04:03:52 pm »
^ah talaga sis? Forget ko na rin kasi. Lol sino kaya si Mr.P na finacier ni Claudia?

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #212 on: June 18, 2015, 04:07:21 pm »
^ si mr. powers? haha! kalokang theory namin ng sister ko... baka tao lang yan ni amor na ginagamit niyang front para lumabas na corrupt ang mga buenavista. ;D

but we'll never know. sa old PSY nga may "general" (which i forgot na until i watched the youtube clips) na until the end eh hindi natin nalaman kung sino.

oolong

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #213 on: June 18, 2015, 04:24:55 pm »
mga sis medyo natutuwa na ako sa character ni AP as Mdm Claudia, natawa ako sa scene na nagdala si Mdm Claudia with her angels ng mga t-shirts sa office ni governor. Iba talaga aura ni Mdm Claudia noon compared sa version now but i think its fine kysa naman walang humor plus sobrang sama pa ng ugali na parang hindo na makatutuhanan.

As a KN fan, i really love the kilig scenes. Ilang ulit kung pinanood online scenes ni DJ and Kath.

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #214 on: June 18, 2015, 05:17:05 pm »
pwede ngang P stands for powers..
and ok na rin nga sa akin si angge as madam claudia.. feeling ko ganun talaga role nya medyo comdey an madam claudia para hindi mabigat sa dibdib ang mga scenes.
sa ngayon di pa ganun kasama ugali nya pero feeling ko pag dumating na si yna at amor sa buhay ng mga buenavista eh dun na titindi ang sama ni madam claudia..ngayon kasi parang ang ikinaka-stress pa lang nya is family nya at ang election.

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #215 on: June 18, 2015, 09:55:37 pm »
^ si mr. powers? haha! kalokang theory namin ng sister ko... baka tao lang yan ni amor na ginagamit niyang front para lumabas na corrupt ang mga buenavista. ;D

but we'll never know. sa old PSY nga may "general" (which i forgot na until i watched the youtube clips) na until the end eh hindi natin nalaman kung sino.

 Naku sis same tayo ng naisip. Lol  baka nga tao yun ni amor si Mr.P. stand for Mr. POWERS.LOL Ang tagal bumalik ni amor. Sha talaga ang inaabangan ko. Sana next week bumalik na sha. Para rumble na.lol

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #216 on: June 18, 2015, 10:21:47 pm »
^ true, ang tagal bumalik ni Amor! hehe

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #217 on: June 18, 2015, 11:02:05 pm »
nagpapayaman pa daw si amor hehe

zelda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #218 on: June 19, 2015, 05:59:48 am »
I haven't watched the orig but sabi nga nila included nga yun hinala na kabit si Yna ni Eduardo but sandali lang nga ata.

Mas gusto ko ang ep today. May conflict na. Lumalabas na ang sungay ni Madam. So far, she's doing everything just to remain in power and for money.  ;) Maganda ang conflict na naprovide ni Yna sa Buenavistas, lalong dodoble ang pangil ni Angelica. Ramdam ko na sya nun confrontation nila ni Eduardo re sa paghihiwalay. Di ko feel masyado yun umiiyak sya after seeing that hanky.

So, makikidnap kaya si Yna once malaman na spy sya ni Gov? Then dun na rin malalaman ni Angelo na wala naman talagang May-December affair, happy na ulet then pasok na ulit si Amor.

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake
« Reply #219 on: June 19, 2015, 09:28:41 am »
kinakabahan ako minsan kay madam claudia ang galing kasi nya umacting na bait baitan pero may masamang plano pala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close