watch now

Author Topic: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)  (Read 29091 times)

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #20 on: May 12, 2015, 03:21:11 am »
Baliw na ba ang writers nito? anong nangyayari sa mga taga lapresa?! May mga bipolar disorder na ba silang lahat? ahahaha matapos bigyan ng cold shoulder si xander sa maynila...heto sila abalang abala at darating daw si xander...baka daw papanik ng ligaw kay agnes... wtf?! Ang cheap di ko ma take!! parang mga pimp na binubugaw si agnes josko inayusan pa talaga at naghanda pa kakaloka!! tapos si agnes naman parang nagka amnesia ata...heller?! Di mo ba naalala kung paano mo pinagtabuyan si xander?!! ag ag ka ba?! akala mo sa tao wala nang pride?! Pupunta sa la presa para lang sa yo? ikaw na ang haba ng hair mo teh ahahaha! Tanging si mamang lang ang nagka idea na iba ang pakay ni xander.

Natuwa ako natupad wish ko na deadmahin ni xander si agnes hehe :) kulang pa nga kase dama mo na andon pa din ang love nya kase ang bait pa ng tingin nya sa simula.  Mas gusto ko sana yung complete deadma as in taas noo parang walang nakikita na agnes hahaha. Anong masasabi nyo sa offer ni xander sa kampon nina agnes? di ba ang bobo lang ahahaha kainis na mga writers to kase masyadong obvious na hindi tatanggapin nina mang bubs ang sinabi ni xander…ano para magkaron lang talaga ng conflict e! tsk! Sooo unrealistic!! saka si xander ba magsasayang ng panahon magpunta sa la presa para lang mapahiya?! o c'mon! Walang kwentang eksena yon para kang nanonood ng wow mali :P i know he is desperate to get the agri project moving but not that desperate para magmuka syang t**** at masama! dahil dami namang options pwede naman magusap sila but the writer has to go to that route talaga para lang magbuild ang tension between xagnes :P what a cheap shot!

Im waiting for the xander-alex-agnes scene na magkaharap harap sila...i will sit down grab a popcorn and enjoy every bit of it :) man! Ito na ang tamang "bat kase ang arte ko! bat kase ang tigas ko!!" breakdown moment :D hahaha!

Kung totoo ang nabasa kong spoiler, e di tama ang hula natin noon kung sino ang tunay na nanay ni alex :) oh well, another lousy reason ng writer bat may forever pa din ang xagnes. Hayst lizquen i wish the next project will be a light rom-com serye naman at pwede ibang writers this time!

« Last Edit: May 12, 2015, 08:03:06 am by Ms.Cacao70% »

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #21 on: May 12, 2015, 05:12:27 am »
^ sis, done watching the episode last night and na-disappoint nga lang din ako  :-\

maka-judge naman ito'ng mga taga-La Presa na hindi na si Xander yung nakilala nila before, bakit sila ba hindi nagbago?? Hindi muna kase pinakinggan ang offer.. sows!  :P

at ang ang cute ng tawa ni Alex, contagious! :D

last nine episodes na, ano pa kaya magaganap?  :-\

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #22 on: May 12, 2015, 10:16:50 am »
^oo nga e, parang akala mo sila hindi nagbago ng pakikitungo kay xander :P lalo na yang si agnes! lahat ng tao nababago ng experience at maling akala pero in fairness kay xander di pa rin sya nagbago sa mga walang utang na loob na taong ito, gusto lang nyang matuloy ang agri project for her mom and that offer he gave yun ang best offer according to the writer hahaha :P well, kahit anong sabihin ni xander, di sila papayag ipagbenta ang la presa sa grande at alam ni xander yon. binibitin pa kase ng mga writers ang la presa inn proposal na ultimately magiging solusyon sa problema nilang lahat.

i understand na kailangan ayusin nila si agnes bago magkatuluyan ang dalawa. kase masyado nilang sinira ang character ni liza dito. hindi realistic kung maging sila uli agad-agad na hindi muna nagsisi at natuto si agnes sa mga kaartehan niya sa buhay. the downside of it, sobrang nakakapagod na panoorin ang lovestory ng xagnes, daming nasayang na panahon. not even close to what they try to describe as legendary love. ugh!

Nastygal

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #23 on: May 12, 2015, 11:53:48 am »
No t for...

I like whats happening. Gusto kodin yung pagiging excited ni Agnes na dumating si Xander at gusto ko din yung parang casual an di alam ang gagawin ni Xander at gusto lang matapos na ang usapan. Bats parang lalo ako na excite how papano pa sila mag kaka ayos!

for me great job writers....

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #24 on: May 12, 2015, 09:20:23 pm »
I just like the scene na umaasa si Agnes na kakausapin sya ni Xander pero waley. She deserves it noh. Well, i understand naman the la presa folks reaction, pero sana pinag explain nila si Xander further, after all binibili naman, hinde naman hinihingi ang La Presa.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #25 on: May 12, 2015, 09:46:32 pm »
^binibili na kase dati yan ni kalbo (saavedra) sa kanila ng 10 million hindi sila pumayag. Ngayon si xander 20 million lalo silang nagalit. Its not about the money, pride nila yang lapresa alam mo na yan ang buhay nila. Siguro kung sinabi ni Xander na gagawa sila ng La Presa inn matutuwa pa mga yon pero parang ginagawan na naman nya ng pabor si agnes pag ganon, haba na naman ng hair ni agnes. hehe

still waiting for agnes to see alex and xander toether.. mukang hindi pa nangyayari... at wala pa din ginagawang move itong si agnes. Tsk!! Matatapos na lang bagal pa din usad.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #26 on: May 12, 2015, 11:11:02 pm »
Umasa daw si Agnes na baka napatawad na siya ni Xander? Ay ang kapal naman, nahawa na ata sa kapal ng mukha ni jay. Patawad ng walang sorry? Aba matindi!

Nabasa ko somewhere na anak ni Sherrie si Alex. I hope this is not true, another problem na naman kasi, but based sa pagsundo sa kanya ng kotse, looks like it.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #27 on: May 12, 2015, 11:48:04 pm »
hindi ko napanood ang episode kanina  :-\ gusto ko lang naman makita si Enrique, haha!  ;D saan ba pwede manood mga sis?

anyway, sabi rin ng nanay ko mukhang anak ni Sherrie si Alex, pero how did that happen??  :o dapat talaga makita na ni Agnes si Xander with Alex na masaya para matauhan sya at magsisi ng bongga

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #28 on: May 13, 2015, 12:00:33 am »
Baka naman anak ni Sherrie si Alex sa ibang guy? hahaha! kasi non sense na itago mo ang anak mo lalo na mukhang pera itong si Sherrie, mas magkakaroon sya ng malaking right sa Grande if ever.

and who knows, baka si Alex ang maging reason para magbago ang kagarapalan ng nanay nya. (kung si Sherrie nga ang mom)

Nakakatawa si Agnes, FEELINGERA talaga, baka daw sya dahilan bakit gusto bilhin ni Xander ang La Presa. lol

aba naman girl, hindi lang sayo umiikot ang mundo.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #29 on: May 13, 2015, 01:22:42 am »
grrrrr...kabuset si agnes!!  >:( sorry delayed reaction kase ngayon ko lang napanood hahaha  ;D nakikibalita lang ako kanina sa ig, twitter... pero...teka balik tayo kay agnes!  dati gusto ko syang sabunutan... ngayon parang gusto ko na syang sapakin arrgggghhh... tama kayo mga sisses!! she's so full of herself! kabuset!  :P kitid ng utak! kinukuha daw ang la presa dahil sa kanya. wow teh! hanggang doon lang talaga ang abot ng utak mo?! iniwanan mo si xander when his father died... ni hindi mo man lang inisip kung ano pinagdaanan nya sa grande hotel at sa mga naiwan ng tatay nya...teh! i can't...just wanna slap your pretty face right now with a jar of strawberry jam  :o

tapos di pa enough sa ego nya yon.. dinagdagan pa ng "oo nag expect ako.. na ngitian man lang nya...akala ko napatawad na nya ako" pucha naman agnes! :P  wala kang ginawa kundi mag-emote, yakapin si jay, magflashback at titigan ang lecheng promise ring na yan, ni hindi mo nga naisip puntahan si xander at humingi ng sorry.... kung hindi pa nagpunta si xander sa la presa hindi ka pa lalapit... ay nakoooo tigas muka talaga! sobrang pinahabol mo si xander tapos ikaw nag-e-expect mapatawad ng walang ginagawa?! please layuan mo si xander ko!!  you don't deserve him one tiny bit!! kahit na siguro sinong ina, hindi ka papangarapin maging daughter-in-law feelingera! ahahaha puso ko!! heart attack!  :o

buti na lang andyan si alex ahahaha sobrang baliw :) mukang bukas na makikita ni agnes ang AleXandria exciting!!!

yes, mukang anak nga ni sherri si alexandra sa character ni densio padilla. its either she had an affair with dencio noong kasal pa sila ni alex or kasal sya talaga kay dencio at gold digger sya kaya pinakasalan nya din si alex para yumaman sya. iniwan niya si dencio but dencio got her pregnant thus, alexandra. so hindi pa rin sila magkadugo ni xander. pero dahil dito, hindi pwede syang mahalin ni xander. boooo!!!!!


« Last Edit: May 13, 2015, 01:28:16 am by Ms.Cacao70% »

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #30 on: May 13, 2015, 10:11:11 am »
According sa nabasa ko na kumakalat na spoiler, anak ni Sherrie si Alex sa ibang lalake.

Just putting this here http://i.imgur.com/wiFpOq4.jpg hahaha

^lol! kalma lang but I agree with everything you said haha. Puwedeng tama ka rin sa iyong speculations about Alex. I just hope that she's not being used byt shrrie as a ploy. It's just a genuine friendship or relationship.
« Last Edit: May 13, 2015, 10:23:52 am by grace.kelly »

ellyrem

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #31 on: May 13, 2015, 11:43:11 am »
watched last 3 episodes.. hai.. yun lang masasabi ko.. wala naman masyadong nagaganap! natawa lang ako sa pag deadma ni xander kay agnes.. natuwa din naman ako sa pagiging excited ni agnes na makita si xander.. pero yun lang, awkward na ang situation.. ilang days nalang matatapos na. parang i dont see the light kung pano sila magkakabalikan.. IMO feeling ko its either alex or bettina ang magiging reason kung paano magkakabalikan si xander and agnes.. tama yung nabasa ko sa unang thread i forgot sino nag post na they will move mountain/ agnes will move mountain para matanggap ni xander si agnes or para maging katanggap tanggap ending nila.. something like that. but hopefully fingers crossed na it will be a success.. wish ko lang! kinilig din naman kasi ako sa kanila and nakakalungkot naman if baduy ang ending diba?  ;) ;D
« Last Edit: May 13, 2015, 11:00:37 pm by ellyrem »

scruffs

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #32 on: May 13, 2015, 04:27:27 pm »
Positive on yesterday's episode.
Ang paghihintay ni Agnes kay Xander. Buti na lang magstay sa hospital si Xander. Wag ka pakita kay Agnes ha? Haha

Jokes ni Alex!

WALA si JAY!!! Yes!!!  ;D ;D ;D

Mukhang ieexploit ni Xander ang pending case ng La Presa vs. Saavedra. Parang hindi pa ito matatapos next week. Dami pa sa na magandang plot, pero umikot lang sa self-centered at narrow-minded na si Agnes. Ang daming nasayang na oras at airtime nung ganun lang ang mga nangyayari.

Ms.Cacao70% kuhang-kuha mo ang mga reaksyon ko! Ganyang-ganyan lahat ang tumatakbo sa isip ko. Hindi na siguro mare-redeem ng mga writers ang serye na ito, kahit na gawin nilang open-ended ang ending, much more magkatuluyan ang Xagnes para mapatunayan lang na may Forever!  >:( :o

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #33 on: May 13, 2015, 11:34:29 pm »
Kaloka tong si Mang bubs at Agnes, isang beses lang hindi kausapin ni Xander si Agnes, masama na? Like hello, ilang bese ba pinagtabuyan ni Agnes si Xander at ilang bese ba nila hindi siya pinakingan. Bwiset na mga judgmental hahaha.

Ito namang si Jay, ang hilig talaga unahin ang landi at yabang. Asikasuhin niya kaya ang nanay niya muna.

Nakakaawa si Agnes kanina but only because of the effective acting of Liza, but overall? I'm like, you deserve that you biyatch.  ;D  Kung hindi kaya bibilin ni Xander ang La presa hahabulin kaya siya ni Agnes? I am all for Lizquen but story-wise, I still don't see the forevermore of Xagnes.

Meteor garden lang ang peg ng epi kanina

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #34 on: May 14, 2015, 12:35:33 am »
Nabwiset din ako sa reaction ni Mang Bubs. Hello? ilang beses bang sinuyo ni Xander si Agnes nun. Tapos ngayon isang step pa lang ni Agnes asa na agad sila na open arms si Xander for her. Duhh!

Isa pa tong si Jay, i used to like him nung mga unang episodes, pero nung nagtagal na, feelingero much. Pag daw sinaktan si Agnes, malalagot sa kanya? Come on! Kairita lang. Agree with you sis grace.kelly saka na sya manligaw, ayusin nya muna situation ng Nanay nya. ka highblood.

Ano na kaya mangyayari? Of course Xagnes pa din. I just wonder pano nila gagawin yun na hinde tayo maiirita.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #35 on: May 14, 2015, 12:49:40 am »
"mas pinili kong matakot kesa ang magpatawad" - agnes  -->  TEH!!!! 3 MONTHS... 3 MONTHS namin tiniis ang takot mo buset ahahaha  :P tagal mo namang natakot!!?! di ba dapat ang sinabi mo kay papang "mas pinili kong MAG-INARTE AT BASTUSIN si xander kesa ang magpatawad"  >:( wow, kung hindi ka isnabin ni xander hindi ka pa magigising sa kaartehan mo  :P so kung hindi pala dumating si xander sa la presa, di mo mare-realize na wala kayong utang na loob lahat... tsk! tsk! thumbs down  :P etong si mang bubs at mga taga la presa puro mga kunsintidor kay agnes kaya nag-feelingera tuloy!

waaaaah! kiniss ni xander si alex ;D sakit sa bangs! pero aminin nakakakilig ahahaha. mas ok sana kung nakita ni agnes yung scene na yon bulls-eye sana sa sakit! bagay din sila talaga e saka mabait naman si alex. at least may ginagawa syang kabutihan kesa si jay na puro pagpapacute at kaepalan lang ang alam.chos!

na-enjoy ko yung habulan and isnaban scene...go xander! wohoo! pahabulin mo ang babaeng yan! dapat pinatakbo mo yang sasakyan mo paikot-ikot ng grande hotel hanggang mapagod ang bruha nyahaha... i know, im rude... but she's ruthless! pero in fairness, naawa din ako sa kanya doon sa cemetery crying in the rain scene lalo na yung napa ngiti sya dumating si xander. maganda ang slow mo ng expression ni liza doon, perfect! magaling talaga si liza sa mga silent cries  ;)

but as usual, si xander pa din talaga ang may unconditional love sa kanya. di pa rin nya talaga  matiis si agnes. i just hope hindi sila mag reconcile doon. it wouldn't make sense at all  :-\ hindi pa talaga alam ni agnes ang meaning ng true love, yung walang hinihintay na kapalit. she's doing this for the land and for her own peace of my mind. pero i dont think she's really looking through xander, yung mahalin nya yung tao kahit ano pang mangyari. wala pa akong maramdaman na ganon kay agnes.

tama ka @grace.kelly, wala pa din ang forevermore sa xagnes ::) sana moving on na lang sila pareho. mainlove na lang si xander kay alex, si agnes naman don na lang sya kay jay buti nga muahahaha! tapos fast forward na lang uli another 2 years..magkikita sila somewhere, they will smile at each other tapos bitin na lang ang ending  :-* .  pasensya ka na hindi ako makalma ahahaha  :D

edaganda

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #36 on: May 14, 2015, 06:02:28 am »
Kinilig ako sa AleXander! Nice yung scenes nila, good vibes! :)

liana

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #37 on: May 14, 2015, 06:58:58 am »
tama ka @grace.kelly, wala pa din ang forevermore sa xagnes ::) sana moving on na lang sila pareho. mainlove na lang si xander kay alex, si agnes naman don na lang sya kay jay buti nga muahahaha! tapos fast forward na lang uli another 2 years..magkikita sila somewhere, they will smile at each other tapos bitin na lang ang ending  :-* .  pasensya ka na hindi ako makalma ahahaha  :D

I like your version of ending sis :) sana ganun na lang kasi at this point we don't feel that Agnes deserves someone like Xander. Ganda na sana kahapon, kaya lang sa dulo di pa rin natiis ni Xander and pumunta pa rin sya kay Agnes.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #38 on: May 14, 2015, 07:31:09 am »
Kinilig ako sa AleXander! Nice yung scenes nila, good vibes! :)

korek! nakaka good vibes talaga pati na yung holding hands nila pa sway-sway pa  :) nakakatuwa kiligin si alex tapos si xander ang pogi pag nagpapacute parang sa book 1 lang :D sana hindi naman nila gawing kawawa ang character ni alex dito. she's so nice she deserves a happy ending waaaaay more than agnes  :-\

I like your version of ending sis :) sana ganun na lang kasi at this point we don't feel that Agnes deserves someone like Xander. Ganda na sana kahapon, kaya lang sa dulo di pa rin natiis ni Xander and pumunta pa rin sya kay Agnes.

tama lang siguro ang ganon di ba sis? kase walang sense na tanggapin sya agad ni xander, ang dami nang nangyari at si agnes, obviously she's not mature enough to be with someone right now. she got  some growing up to do! maganda na maghiwalay muna sila tapos kung gusto nilang i-push pa din na may forever, magkita na lang sila uli by chance several years later. don sa lugar na gusto nilang puntahan pareho noong first date nila. then in between their small chitchat they will find out na pareho pa din silang single... biglang titigil ang mundo... magkakatinginan sila...tapos background music ng forevemore -THE END-  ;D waaaaah nyahahahah e di wow  :o

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE (THREAD 2)
« Reply #39 on: May 14, 2015, 10:18:33 pm »
I so love the scene of Manong Bangky and Xander, probably one of the best scenes in forevermore. Truly heartwrenching and at the same time, touching. Ramdam mo ang lungkot lalo na ni manong Bangky, he was not just acting there, totoong emosyon. Kahit yung pinapakita yung inerview sa mga cast, mukhang nakabuo nga sila talaga ng magandang bonding. Si Xander and Manong Bangky talaga ang may forevermore hahaha. At least Xander found another father in him.

How come the other La Presan cast are better actors than DL? Kapag galit ang mga la presans alam mong galit, si DL kapag galit, nakakatawa. Ang ganda na sana ng scenes kanina kung wala lang siya. I hope the other cast will get another acting gigs. Tonight is a good epi pero di ko pa rin mapapatawad ang pagsira sa book 2. I also have to hear thank you and sorry from la presans.

Okay na ang takbo, hindi na dragging. They should have kept the phasing like this. The best they can do for Xagnes is another time skip. I feel like it's too soon after everything that happened, although I was hurting a bit for Agnes there. "I'm looking forward to doing business with you". Awww, sabi nga sa kanta be careful what you wish for cause you just might get it. Arte mo kasi, sinimentuhan tuloy ni Xander ang inilibing mo. Peg mo muna si Basha "Sana ako na lang,sana ako na lang ulit".  ;D
« Last Edit: May 14, 2015, 10:40:14 pm by grace.kelly »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close