watch now

Author Topic: DNA Test  (Read 10047 times)

crzysxycl

  • Guest
DNA Test
« on: May 07, 2015, 06:50:12 pm »
Hi sisses! Ask ko lang kung may nakapagpa DNA test na sa inyo. Saan kayo nagpagawa? Talaga bang accurate ito? Nag google ako, cheapest is 8,500 kaso natatakot naman akong doon magpagawa, baka hindi lumabas ang totoo, haha! Kaya dun nalang siguro ako sa 15k. Btw, wala naman sigurong kasong pwedeng isampa sa family namin kung ipapa DNA namin secretly yung bata no? Sorry daming tanong. Maraming salamat po sa sasagot.

Brief background: Yung pinsan ko kasi nalaman lahat ng kasinungalingan ng GF nya. Kasama dito yung pakikipag kita pa rin nya sa ex nya. Not sure kung ex na nga ba talaga kasi kahit nung preggy at nakapanganak na sya, nakikipag kita pa rin pala dun sa guy so parang sila pa rin diba. Sobrang perwisyo na inabot namin dahil sa babae. Magaling umarte si ate, mahusay mag iyak iyakan kaya napaniwala yung pinsan ko. Hindi maiwan yung babae dahil takot na mapabayaan yung baby. 2 months palang yung baby at nakatira sila ngayon malapit sa parents nung babae. Gusto sana namin malaman kung talagang sya ama nung bata para kung sakaling hindi, wala ng usapan, iwanan na si babae.

angelholics

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #1 on: May 08, 2015, 08:09:07 am »
hindi kame natuloy magpa DNA test para sa alleged anak ng father ko. Anyway, sa NBI daw merun, pero sa St.Luke's sana namin balak ipa DNA...hair strand daw.

good point to think of kung may kasong pwede isampa if secretly un DNA. baka may GT lawyers dito na pwede mag enlighten sa question mo sis :)

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #2 on: May 08, 2015, 11:47:42 am »
^hi sis! thanks sa reply. nag check din ako sa st. luke's, nasa 60k sya.. ang mahal haha! sana nga may lawyer girltalker na makasagot. I asked din yung lab na kinontact ko, wala naman daw kaso. praning lang tito ko, hindi ko alam saan nya nakuha yung sinabi nya na bawal daw yung secret DNA testing. kung iisipin, hindi naman makatao kung ipapaako sa isang lalake yung bata kung hindi naman kanya lalo pa may sayad ang babae, malamang hindi papayag na ipa-DNA kaya patago nalang gagawin.

angelholics

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #3 on: May 08, 2015, 11:54:51 am »
yikes nagtaas na...nun 2010 nasa 50k un dna ng st.luke's qc

right...mas hindi makatao un ipa ako ang responsibilidad sa iba :) sana nga may makasagot :)

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #4 on: May 08, 2015, 12:50:50 pm »
^ang laki pala ng itinaas ng st. luke's hehe. yung iba nga meron pang offer na court approved, DNA. mas mahal ito kasi parang may mga papeles na kasama. kami kasi peace of mind lang habol namin. thanks sis.

angelholics

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #5 on: May 08, 2015, 01:07:40 pm »
tama sis :) peace of mind.. para sa nakaloko sympre masaya sya :) saka pag St.Luke's kase may pangalan so hopefully hindi na sila aapila pa na fraud un DNA result...

sa totoo lang kahit un nanay nakikipag DO pa sa ex nya.. kung sperm cell ng cousin mo ang swerteng na meet ng egg cell edi si cousin pa din ang ama...

in our case..anak or hindi sya anak.. sa NSO, anak sya ng tatay ko hahaha  ;D .. so legally whatever.. ka share si kiddo sa future .. sayang lang un 50k DNA test kaya hindi na din namin tinuloy


crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #6 on: May 11, 2015, 03:25:47 pm »
^tama sis, masaya talaga yung nakaloko. feeling ko hindi anak ng pinsan ko, kasi parang kakaiba yung sagot nung girl sa kanya nung sinabi ng cousin ko na siguraduhin lang ni girl na sya ang ama nung bata. kung sure siyang pinsan ko nga ang ama, dapat mas matapang sya, sya pa magpapatunay na anak nga ng pinsan ko, kaso may kakaiba talaga. o baka hindi rin sya sure kung sino talagang ama? tsk tsk, hay ang k*ti kasi ni ate. backup lang bale sis kaya nagpa DNA test kami, kasi hindi maiwan ng pinsan ko yung bata. kahit inis na sya sa babae, nag stay pa rin sya doon dahil baka mapabayaan daw yung baby. kung mapatunayang hindi nga kanya, mas madali na para sa kanyang umalis na doon. second chance na rin para mabago nya buhay nya. dami pang iba dyan na matino at mas mamahalin sya.

ganun ba yun sis, pag naibigay na ng tatay yung apelyido sa bata? hindi ba pwede pang ipabago yun?


angelholics

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #7 on: May 12, 2015, 06:18:36 am »
hi sis ang pagkaka alam ko once acknowledged na ng father sa NSO..court na pede magpabago nun.. so gastos..ouch!

i agree, kapag lumabas un DNA habang bata pa un anak mas mabilis matatanggap ng pinsan mo - matatauhan na sya. kase pag tumagal mapapamahal na sya lalo duon.

kung si ate naman ay hindi sigurado sa kung sino ang ama.. sya na ang maganda hehe :) pero tulad nga ng sabi ko, ang ama ay kung kaninong sperm ang naka eyeball ng eggcell nya..

tama..kung si ate ay may multiple partners e, the cousin deserves someone better..  :)

gab54

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #8 on: May 16, 2015, 07:35:53 am »
Try mo mag inquire sa Hi-Precision. May paternity test sya. Reliable naman ang lab na yan, they have almost 20 branches na. Dun kami ng family ko if may mga blood tests, x ray, etc. Usually 50% cheaper siya than hospital

donya_dyosa

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #9 on: May 17, 2015, 03:23:47 pm »
^ tama si sis... try rin muna hi precision.. i mean... isang murang test at isang mahal na test... pag pareho result.. alam na.. =) pag magkaiba.. hanap ng 3rd test hehe
what is 60k naman kung malalaman nyo na anak pala ng pinsan nyo talaga... or what is 60k kung di nyo pala kaano ano? at least 60k lang kumpara sa lifetime financial support ..

ipush na habang 60k palang at ng mastop na ang pagalinlangan kung anak ba or hindi. but in terms of sila pa ba dapat? NO na... hiwalayan na grabehan ha... yung bata nalang ang topic.

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #10 on: May 19, 2015, 12:45:51 pm »
Hello sisses. Salamat sa replies nyo. Nakapagpa DNA test na cousin ko, 15k inabot. Sa may QC lang yung lab nila, sinend lang yung kit then pina LBC namin. Nakatyempo rin na makuhanan ng sample yung baby, nakiki-ayon sa amin ang pagkakataon.

Sana nga hindi nalang nya anak. Update lang pala sa status ni ate, hay nako ang kapal lang talaga ng mukha - kasal na pala sya. Nag request kami ng cenomar and boom, may record! We are thinking kung anong pwedeng isampang kaso sa kanya. Hindi naman pwede adultery kasi asawa lang nya pwede mag file nun. Kahit complaint lang siguro gagawin namin, makabawi man lang kahit konti. Kasi pati parents at relatives nya, kasabwat. Kinunsinti sya sa kal*ndian nya, susme! Ang ganda ganda ni ate, kamukha ni boobay! Sorry, hindi ko ugali mamintas ng tao, yun lang ang totoo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #11 on: July 06, 2015, 08:23:55 pm »
^i'm curious so what's the result of the DNA test?  ???

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #12 on: July 15, 2015, 09:09:54 pm »
^99.99% probability of paternity sis, malas lang! Ang hirap tanggapin, haha. Paran gusto tuloy ng tita ko pa test sa ibang lab. Haha, proof na hindi nya matanggap. Well, ako rin naman.

lovemeagain30

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #13 on: July 16, 2015, 02:51:19 pm »
If the clinic has no what so ever connection or influence with the mother PLUS if she also doesn't know that there was on going DNA test to her child -- then the result is Accurate. No need to re examine it to other clinic. Same results lang yun.

Accept the truth nalang dear and deal with it. The mom could be a whore but still the sperm donor that unlucky created your nephew was from your cousin.

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #14 on: July 17, 2015, 09:26:33 am »
^Yup sis, ganun na nga lang talaga.

AbiGrace

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #15 on: August 17, 2015, 03:18:26 pm »
Hello mga sis! My friend is looking for a cheap but very reliable dna testing. Feeling nya kasi napikot sya nung asawa nya ngayon. Saan yung 15k?

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #16 on: August 17, 2015, 10:27:12 pm »
Sis, sa may sct gandia lang. Eto number 7032155

Uso ata talaga ang pikot.. Tsk, may mga babae talagang desperada, akala nila walang way para lumabas ang katotohanan.

j.adore

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #17 on: August 18, 2015, 03:56:07 pm »
Ang mahal pala ng ganito?

A relative of mine needs it. Thanks for sharing the information!

crzysxycl

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #18 on: August 19, 2015, 02:25:46 pm »
^yes sis, mahal sya. mura pa nga yang nahanap ko, though meron ako nakita na 8k lang pero natakot naman ako baka hindi accurate. goodluck!

karenvillaflor

  • Guest
Re: DNA Test
« Reply #19 on: August 29, 2015, 02:26:07 pm »
^really need help mga sis. yung kuya ko kasi may baby na pero nag karoon sya ng iba tapos yung wife nya at yung other girl is sabay nanganak kaso yung other girl madaming lalake at gusto ipaako kay kuya yung baby nya pero is not really sure kasi kung sakanya yun. so we need a cheapest DNA test yung mura lang for us to know kung anak din nya ba yung dun sa other girl. pwede refer naman kayo. thanks!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close