watch now

Author Topic: How to stay positive while TTC  (Read 11752 times)

HMisabelle

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #60 on: August 08, 2016, 02:39:32 pm »
^haha. kaya mo yan, sis! para sa future baby!

dpmallo19

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #61 on: August 12, 2016, 03:56:45 pm »
napadaan lang po. birthday kasi ni hubby nung aug 8 tapos wala na kong maisip na i-gift sa kanya kasi simple lang naman talaga siya so tinanong ko na lang, ano bang gusto niya. hala, baby lang daw. ayun, may kurot sa akin siyempre kasi ako yung hindi normal samin. gusto ko rin naman magka-baby e, ayaw lang talaga. ayun. e idadasal ko na lang talaga. baka pwedeng birthday wish ko na lang ;).

barbillie

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #62 on: August 12, 2016, 04:29:08 pm »
Nagbreakdown ako nung last na dumating si AF. Sabi ko ke hubby, ready na ko, ready ka na, bakit si baby hindi pa. Buti na lang si hubby mas malakas loob sakin, lagi nya sinasabi wag daw ako mastress kasi nakaka-affect daw yun sa health. Think positive lang daw and isipin every cycle na it's one step closer to having our bundle of joy.

damonsgirl

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #63 on: August 12, 2016, 04:41:16 pm »
Aww sis barbillie. Hugs.

HMisabelle

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #64 on: August 12, 2016, 04:42:10 pm »
Ako din. Gang ngayon medyo nalulungkot pa rin, cd2. Nakakainggit din kasi yung mga kaibigan mo na halos sabay sabay nabuntis at ikaw na lang natira. Pero nilalakasan ko loob ko kasi gustong gusto ko talaga magka-baby kahit makaisa man lang. 😩

dpmallo19

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #65 on: August 12, 2016, 05:00:14 pm »
aww. magkakabatch pala tayo sa paghintay ng baby. naku, ilang beses na din ako nagbreakdown e. yung halos lahat na lang nagbuntis na ako hirap na hirap. na-uunfair an din ako pero inisip ko na lang din eto yung challenge ko. kaya aja lang tayo mga sis. nakuha ko to dun sa friend ko na TTC din na naging preggy. sabi niya, nagtampo rin siya kay Lord. pero triny daw niya maging positive pa din. dati nalulungkot siya para sa sarili niya pag nakakakita ng preggy lalo na pag kakilala niya talaga pero after nun change mindset. inadopt ko yun, instead of ma-sad. matic na ngayon na pag narinig akong buntis, nagsasabi ako ng quick prayer. Lord bless niyo po yung mommy and si baby.

think positive na lang tayo mga sis. yun din pinagprapray ko e, kahit isa lang. pero kung hindi talaga open na ko sa adoption (hehe sorry off topic) pero gusto ko lang talaga may chikiting sa bahay.


damonsgirl

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #66 on: August 12, 2016, 05:06:28 pm »
Ibang klase talaga yung sakit sa dibdib mga sis. Pero kapit lang talaga. Ako nga di talaga umasa na mabubuntis sa iui kasi ginawa ko naman na lahat at feeling ko di rin magwowork sakin un. Pero ang galing talaga ni God. Inaayos lang nya talaga yung buhay natin para sumang ayon ang lahat pagdating ni baby. :)
« Last Edit: August 12, 2016, 05:52:35 pm by damonsgirl »

HMisabelle

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #67 on: August 12, 2016, 05:08:09 pm »
Tas kung kelan ttc, saka mo mapapansin na ang dami daming buntis sa paligis. Nakakainggit. Dati mega iyak ako pag dumadating si af but now nalulungkot pa rin pero di na ako umiiyak. Mas madali ko na matanggap. Tingin ko, nakatulong din na sabay kami nagpe-pray ni hubby sa gabi. Nakakagaan ng pakiramdam. Tama, kahit di natin maintindihan, kelangan pa rin magtiwala sa Kanya.

wifey

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #68 on: August 12, 2016, 06:07:23 pm »
Sharing my go to verse in this journey: Romans 8:18 "I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us"

I learned that this suffering is temporary only, though while living, the pain is real but I always pray for God's strength to endure them and always, always be hopeful :)

God bless us all mga sis  :)


MedChic

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #69 on: August 12, 2016, 07:27:41 pm »
Mga sis, im with you with this journey. Im starting the change in me. Talagang determination lang. Naka ilang pagiyak din ako, and ilang cycle na may grief. Isipin ninyo, ako nga OB na nagkamiscarriage and talagang nag struggle ng matagal sa infertility.

Pero nothing is impossible. Prayers lang talaga.

I was at the moment of giving up. Adopt na lang sabi ko kay husband. Pra maka move on na. Namaximize ko na lahat. (Except IVF) Pero heto, effective talaga ang lifestyle change.

Tama, ready na ang mag asawa, ready na lahat.. Si baby na lang.

🙏🏼🙏🏼

Baby dusts to all. Mga isang trak. Pasambot na lang kahit malakas ang ulan!.

HMisabelle

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #70 on: August 12, 2016, 08:56:54 pm »
Thanks sis wifey for sharing that.

Thanks din sis medchic sa palaging pagdamay.

iamalphine

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #71 on: August 15, 2016, 06:03:57 am »
basta mga sis kapit lang tayo kay LORD...lagi naman wish nating mga TTC eh kahit isa lang...masaya na tayo don...kaya wag tayo papatalo sa lahat ng negative thoughts, positive kahit minsan mahirap...enjoy lang ng baby hehe...magugulat na lang tayo may nabuo na...gawin na lang nating breather itong forum since may mga tao na hindi tayo naiintindihan...GODBLESS to us...and BABY dust!!!! ;) ;) ;)

HMisabelle

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #72 on: August 15, 2016, 06:46:28 pm »
^oo, sis. kahit mahirap, positive vibes lang lagi. baby dust para sa ating lahat!

chamism

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #73 on: October 09, 2016, 11:37:02 pm »
share ko lang story ko, since 2012, TTC kami ni hubby. Ang dami na naming pinuntahan na Infertility specialists pero wala. We stopped muna for awhile, pero 2015 we got pregnant! Super happy namin until we found out na ectopic pregnancy pala siya. Grabe yun, hanggang ngayon naaalala ko pa kung pano kami humagulgol mag asawa sa labas ng clinic. Na depress kami nun. Pero buti, kaming mag asawa, solid kami. Galit ako sa mundo nun, pag may nakikita akong buntis gusto ko sapakin. lalo na sa office na kasabayan ko mabuntis, na nakita ko pagbalik ko after maternity leave malaki na tyan niya, ako nawala na baby ko. I didnt like the person I was turning into. So I just prayed. I prayed for a happy heart. Hindi muna kami nag pray for a baby, pero siyempre, longing pa rin kami. I prayed lang na sana bumalik na yung happy heart ko. Ang galing lang prayers, bumalik ang happy heart ko! At mas matindi pa, napaka positive ko ngayon, hindi lang sa TTC journey namin mag asawa pero sa life mismo. Hanggang ngayon, a year after our ectopic preganacy, we are still waiting for our rainbow baby. Pero now our journey is different, relaxed, happier and more positive! baby dust sa ating lahat :)

wifey

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #74 on: October 10, 2016, 11:14:30 am »
^very nice and encouraging testimony sis chamism :)

yannuh

  • Guest
Re: How to stay positive while TTC
« Reply #75 on: October 10, 2016, 01:21:32 pm »
^^aww nakakagood vibes ang post mo sis chamism :) That's the spirit! Baby dust!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close