watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 37)  (Read 118563 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #520 on: July 14, 2015, 10:46:37 am »
in short wala ka-appeal appeal yong rampa niya :P  sana di na lang siya kinulot.  mukha siyang cabaret dancer tuloy hehe (peace)

einjhel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #521 on: July 14, 2015, 11:08:55 am »
Mga sis, ano masasabi niyo na binoycott daw ni sam pinto, max at andrea yung fhm night dahil hindi sila ang nagnumber 1 daw.

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #522 on: July 14, 2015, 12:16:45 pm »
^ Tingin ko, di naman magbabago ang results sa pagboycott nila. LOL Dahil amuse ako sa question ng sis, I found out:
Sam Pinto: Di pumunta dahil she'd had enough already. Nagback-to-back na sya e.
Andrea: (Sino 'to?) May prior commitment.
Max: May death threat daw.

Anyway, mas feel ko ang sagot ni Sam P na she'd had enough already. At least, mas honest, frank.

jha_10

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #523 on: July 14, 2015, 02:19:45 pm »
bakit si ellen nandun pero di sya nagramp? nagustuhan ko lang din si rachel ann daquis, simple pero ganda ng katawan.  :D

phurple0515

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #524 on: July 14, 2015, 02:48:11 pm »
^^ oh and to think, she was excited na even Marian is eyeing for her to be the No. 1 sa FHM, hehe.  Baka disappointed kasi nga madaming nagsasabing siya ang pwedeng mag-no. 1 tapos biglang out of nowhere si Jennylyn ang nanalo.

sunday01

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #525 on: July 14, 2015, 06:20:45 pm »
Big deal ba kung sino ang no. 1 o kung sino ang mga rumarampa sa FHM ?

Malaki ba ang market ng FHM o sa mga boys lang siya hit.

Gaganda ba ang career mo kung ikaw ang no.1. Diba it always depends on the talent and charisma ng tao.

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #526 on: July 14, 2015, 08:34:28 pm »
^ Wala naman masyado. 😊 The other sis just wanted to discuss yun reasons ng iba na di nakapunta.

I think FHM's event is solely for guys. Opinyon ko lang naman. So parang bragging rights lang na matawag na sexiest. Di naman ganun kalalim for me. Char!

hisana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #527 on: July 14, 2015, 08:48:10 pm »
hindi ko ramdam sex appeal ni Jen M. And true, ang pangit ng kulot niya.

I agree. I've seen Jennylyn in person several times already, and during those times, never ko naisip na she was someone exceptionally sexy or malakas ang sex appeal. But she looks cute naman.

mango_shake

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #528 on: July 14, 2015, 09:09:12 pm »
imo ngayon, sukatan na rin ng dami ng fans ang fhm.. battle of the queens na, hindi sexiest kaya big deal. unlike before, mga guys talaga pumipili.

^aw. let's just hope na it will pass. minsan kasi kahit yun nasa popular crowd, they're lonely.  :(

sana ibalik na lang yun mga Math Tinik, Siniskwela, etc.

hiraya manawari, batibot, etc.. the shows i grew up with. i remember nung nafeature sa kmjs ang batibot tapos sinasabayan ko yun song, naamazed pamangkin ko.. lol. wala na kasi silang ganun.

btw, i'm glad you're still with us sis. i hope maging aware ang pilipinas how serious depression is para sana maraming matulungan at masave. nakakalungkot lang na while others are struggling for their lives, marami rin ang nawawalan ng hope at bumibitiw.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #529 on: July 16, 2015, 06:38:58 am »
Ano masasabi ninyo mga sis sa issue ng lip synching ngayon? Yung kay Rhap Salazar, tapos nag react si Lea Salonga, Gary V.,  tapos si Vice Ganda naman pinagtanggol ang mga non-singers, saying karapatan nilang mag perform?

Ako kasi, tama naman si Rhap, Lea at Gary V... dapat ang mga kumakanta lang at nagkaka album eh yung mga magagandang boses.. yung masarap sa tenga na pakinggan :D

Hindi ako agree kay Vice, na karapatan ng mga non-singers na mag perform as singers... kasi for me, kanya kanyang talent yan eh.. kung wala kang talent kumanta, huwag na lang sana.


twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #530 on: July 16, 2015, 06:55:22 am »
Rhap shouldn't have to explain himself. He was merely expressing his opinion and he has a really good point. Shame on the other celebrities reacting negatively, it just goes to show that empty barrels are the ones who make a lot of noise.

So fine, pwede naman kumanta ang mga non-singers na to, free country. But it's a huge insult to singers for these other celebrities to be given albums when there are great artists who are unfortunately shelved and cast aside. Daming talent na nasasayang lang.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #531 on: July 16, 2015, 08:36:58 am »
Understandable naman ang reaction ng mga legit singers, craft nila yan eh, pinaghihirapan nila i-hone yan, tapos itong mga singer-singeran na puro autotune naman nakaka-platinum pa. Kahit naman sa mga ordinaryong empleyado pag alam mong mas magaling ka, magrereact ka pag ang na-promote eh yung mga ganda lang ang puhunan. Ang dami lang talagang  butthurt dahil alam nilang wala talaga silang karapatang magka-album, unang-una na yang si vice ganda, kung maka lait ng nga puchu-puchung performance wagas, pero pag siya nangpuchu-puchu ng craft ng iba, karapatan niyang mag-perform ::)

Naalala ko nga 10-15 years ago, yung mga ganyang novelty songs pang-katuwaan lang talaga, ngayon sila na ang mainstream, naging underground na karamihan yung mga legit musicians.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #532 on: July 16, 2015, 08:41:03 am »
^True. It's sad to see OPM die a slow painful death because of these non singers.

Yan si Vice, marunong pa masyado sa nag-tweet. So if Raph wants to say 'hate'. Let him say it, that's prolly the extent of his feelings. And please, I don't think he is the epitome of word choice and proper manners kaya pwede itigil ang pagppreach. Magsama sila ni Boy Abunda. All talk, no sense.

chinkywinky

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #533 on: July 16, 2015, 09:30:24 am »
Buti nga may naglakas-loob na magsalita, na totoong singer. Kasi nauuso satin na kahit walang karapatan, talagang nabibili yung album dahil sa mass appeal. It's about time na pag-isipan ano ba talaga gusto nilang mangyari sa OPM.

pinklilac

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #534 on: July 16, 2015, 09:37:47 am »
I think kasalanan yan ng mga tumatangkilik  ng albums. Etong mga "non singers" kakanta lang  dahil napag utusan lol..trabaho lang ika nga..
Ang mga producers naman keber na kung sino ang totoong singer.they are after sa sales at profit lang.
Sana magkaisa ang mga tunay na singers.
Mag produce din sila tutal naman  marami sa kanila mayayaman na..


g3rl_23

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #535 on: July 16, 2015, 11:42:51 am »
not siding on anyone on the issue about singers or anything.  pero in a sense, may tama din si vice.  not becuase you are a singer doesn't mean na ikaw lang ang may karapatan kumanta at magka-album.  bakit yung ibang mga singers din naman, they also venture to acting.  you don't see the actors complaining na "bakit nag-aartista ang mga yan, bumalik na lang sila sa pagkanta", do you?? hindi naman di ba.  if you are really an artist and wants to stay long on the industry, you'll accept all the offer given to you.  you can't be picky lalo na if you are new and be thankful for the the blessings.  you can't blame the non-singers if they accept making an album. aba inoffer na sa iyo eh, tatanggihan mo ba ang trabaho.  and as non-singer sila, doing an album  another achievement na naman for them yun.  hindi lang naman singers ang nangangarap magka-album. 

this does not happen only sa pinas.  like in korea, idols does not equall to singers.  not all of them can really sing pero they nagkakaalbum naman sila.  when they join the company, work really hard para lang ma-launch sila as idols.  not all of them are given a chance to have solo album but try other field like acting, hosting, emceeing or kung ano man maibigay sa kanila. they work work work para lang hindi sila mawala sa kpop scene and para hindi sila makalimutan ng fans nila.  same as the artist here, yung mga non-singers na nabibigyan ng chance na magka-album, is not as if naman they don't prepare for it, they practice and pinagpupuyatan din naman nila yun, they work also hard for it.  so really, who are we to judge them. 

as for rhap.  was really happy for him when he guested at ellan.  pero ngayon, with this issue, all is see is bitterness. why??  okey na sana kasi yung tweet nya na hate nya yung mga nagly-lyp sinc, duon naintindihan ko.  kakafrustrate nga naman panuorin na nakikita mong nakanta tapos di masundan ng bibig yung kinakanta.  but i also understand the artist, singer or non-singers both dahil mahirap din naman kumanta lalo na pagnasasayaw ko, or maybe saving your voice for later engagement.  iba-ibang reason naman why non-singers and even singers mismo, they also lip sync, they have their reason why they do it.  in that area, i understand rhaps frustrations.  pero yung duktungan pa nya ng "yung iba nagkakaalbum pa" sorry pero for me, bitter lang ang dating nya sa akin. 

sorry kung napahaba ang post ko.  i know na its important na maibalik ang sigla ng opm, sang-ayon ako dyan.  pero to pick-on stars because they where given an album, blame the producers not the artist.  and for rhap na others parang saw him as hero for speaking up about this, para sa akin, bitter lang talaga sya. :)

momi

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #536 on: July 16, 2015, 12:10:08 pm »
Very well said.👏🏻👏🏻👏🏻

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #537 on: July 16, 2015, 12:48:37 pm »
Ang Sa akin naman.. yung mga singers na naggagawa ng pelikula o umaarte sa tv as long as marunong at magaling silang umarte din. malaking Why Not?

Kung may talento ang isang singer na umarte din bakit natin sisilipin yun? Eh sa marami siyang talento diba?

Ang punto lang nina rhap, lea at gary V. Eh kung hindi ka singer at hindi ka nabiyayaan ng talento sa pagkanta at magandang boses eh bakit ka kakanta? Lalo na at magka album pa.

Yun ang point. Doon sila nagkaiba.

Ang singer na magaling umarte eh okay kasi talento niya ang parehas na craft.

Eh ang mga non singers? Talento ba nila ang kumanta?

Nagkakaalbum nga ang mga non singers by using auto tune.. na para sa mga real singers (rhap, lea and rachel go) at para sa akin eh pandadaya yan sa mga fans nila.

Kung walang talent sa pagkanta at kung hindi nabiyayaan ng magandang boses.. then sana mag focus na lang kung ano talaga ang talento.

Parang dancer yan na pilit pinapasayaw eh parehas kaliwa ang paa..

Wala nga lang auto tune sa dancing kaya hindi pwedeng dayain. :D


yumi03

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #538 on: July 16, 2015, 01:01:42 pm »
^ I agree. Greed na kasi ang umiiral sa Philippine Entertainment world kaya binibigyan ng albums ang mga non-singers dahil siguradong tatangkilikin ng fans nila. Meron na silang kita sa movies and TV tapos pati recording papasukin para lang mas pagkakitaan ang fans. Imbes kasi na may chance na mapansin at ma-promote ang songs ng mga totoong singers sa shows and radio, syempre naagaw ng mga non-singers na nagpro-promote din ng mga albums nila. Ganun din sa concerts & mall/town shows na imbes na mabigyan sila ng chance, syempre mas gugustuhin ng mga producers yung mga non-singers dahil sure na kikita sila kahit puro lip-sync naman ang ginagawa. I think yun yung point ni Rhap and other singers.

Maraming non-singers sa K-Pop pero iba naman kasi sila. Usually nasa group sila at nagte-train talaga sila before they debut. Kung hindi man sila magaling kumanta, marunong naman sila sumayaw or nadadala sila ng ibang members nila. Hindi katulad dito na solo talaga ang album ng non-singers kaya puro lip-sync at pagpapa-cute ang nangyayari.

Pero I think pana-panahon naman yan. May time na mga bands ang sikat, may time na mga real singers, at hindi mawawala ng mga novelty songs/albums. Sila Juday and other stars na non-singers din ay nagka album before pero ang problem kasi, halos lahat na ng talents especially ng ABS ay may album at concerts.
« Last Edit: July 16, 2015, 01:08:13 pm by yumi03 »

honey.mae

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 37)
« Reply #539 on: July 16, 2015, 04:06:03 pm »
basta may solid fanbase, may chance mag ka album sa pinas lol

pinalaki lang naman yung issue, most singers naman nag li lip-sync pero may point naman si rhap tungkol dun sa mga non-singers nag kaka album pa, yung kay vice and boy abunda's comment tungkol sa paggamit ng word na "hate" i think may pagka oa.

yes, sa korea maraming idols turned actors, pero sobra din namang daming negative comments ang natatanggap nila sa mga netizens if di sila magaling umarte, and yung mga nagkakaroon ng album kahit di kagalingan kumanta dun, remember before sila magkaroon ng album or i-introduce ng mga agency nila, katakot takot na trainings ang inabot nila, karamihan bata pa lang nagtra training na, so sobrang pressure sila dun unlike dito sa tin.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close