watch now

Author Topic: Do you give alms to beggars?  (Read 23796 times)

Karla24

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #120 on: July 11, 2016, 04:47:59 pm »
No.. Cause it's just encouragement to begging.

nelle21

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #121 on: July 18, 2016, 04:08:46 pm »
I do... Sometimes. I give food, though.

Babydoll-

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #122 on: July 25, 2016, 11:29:48 am »
No. I feel that they are part of a "sindikato".

etxetera

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #123 on: September 13, 2016, 11:08:19 am »
Nope instead I make bili sa street vendor tapos di ko kukunin ang sukli. Madalas sa candy vendor one time old sampaguita vendor dun sa baclaran. I give 100 di ko na kukunin change why kasi sila naghahanap buhay ng marangal and that extra few bucks ay malaking bagay na for them ng buong araw. Ayoko mag encourage ng more beggars sa Pinas. On Christmas season I sometimes give pack candies randomly to street children.   

Cher_Y

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #124 on: October 04, 2016, 05:04:00 pm »
It depends sa mood ko pag meron ibibigay yesd nag bibigay ako kahit kaunti makaka tulong na yon.


wainnagahnduh

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #125 on: November 02, 2016, 07:27:41 am »
Always. Kung meron akong pera ano ba naman yung magbigay ng kaunti. Kesehodang ano gawin nila basta para sa akin okay nakapagshare ako.

jofriczer

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #126 on: November 24, 2016, 09:05:56 am »
Ako hindi, kasi may naexperience ako nagbigay ako sa matandang babae tapos nakita ko nagbili lang ng sigarilyo.

bluebeads

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #127 on: December 02, 2016, 05:36:44 am »
It depends on the situation.  I learned my lesson.

1)  Along Jupiter street in Makati a few years ago,  maraming mga beggars from the province na naglilibot doon and nag hihingi ng donation para makabalik sa province nila.  One time, I saw a kid (siguro 2-3years old) gising na naka tambay sa may side walk and it was 2 or 3am tapos ang lamig ng weather.  I bought Milo sachet sa convenience store and ni timpla ko sa styro cup.  I approached the Mom of the kid, ni abot ko.  sabi nya ganito:

Nanay:  Ano yan?
Me: Milo po para sa bata
Nanay: May gatas ba yan?
Me: Milo po, hot choco
Nanay: Di niya iinumin yan!
Me: Sige po ok lang, lagay ko lang po dito
Nanay: Aanhin ko yan?
Me: Sa inyo po, mainit yan, ang lamig po kasi
Nanay:  Kunin mo na, walang iinom nyan

Ay wow. Sorry naman diba?  From that time, di na ako nagbibigay pag medyo nakita ko na mukang attitude si beggar. 

2)  I was driving along Quirino ata yun or lampas Nagtahan somewhere there, tapos that time may take out ako ng Rice in a box, uso noon yun eh.. then a beggar approached my car.  Sabi ko, wala po akong case, itong rice in a box nalang.  Tanong niya

Beggar: "Baboy ba yan, di ako kumakain ng baboy"
Me:   "chicken po"...
Beggar: "ah sige.. walang baboy to ah!"

LOL ulet.. naloka ako! Choosy po siya!


So ayun.  Minsan i think twice na tuloy pag ganyan.. hehe sorry haba ng chika ko.

hael2011

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #128 on: December 02, 2016, 09:02:07 am »
Haha, my hubby had this favorite little girl na nag bebenta ng pranela ba yun? Yung basahan na iba ibang color? Lagi niya binibigyan yun kasi kawawa daw at maliit pa, pero lagi nagmamadali dahil Go na ang stoplight.

Merong 2 consecutive days na bumili siya ng pranela, one for each car namin. The first day, sabi daw nung bata, sir bili na kayo birthday ko ngayon. :) So hubby being the kindhearted man he is, bought one plastic and gave an extra 100 to the child.

Kinabukasan, nagbilin ako na bilan ako for my car. Nung pagbaba niya ng bintana, sabi daw ng bata. Sir bili na kayo birthday ko ngayon :) BWAHAAHA... Galit na galit hubby ko! Pinagsabihan niya daw yung bata na masama manloko at lalong hindi siya mabbless ni God. hahaha.

Ayun mula non, di na siya nagbibigay. Kung meron man, mga food na lang. Never money.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #129 on: December 02, 2016, 05:52:59 pm »
madalang ako magbigay salbahe na kasi ang mga beggars e lalo na yung mga Badjao, nagbibigay ako dun sa mga blind na tumutugtog atleast hindi sila basta nanghihingi lang, nag-effort sila para dun sa konting barya na ibibigay natin sa kanila

bluebeads

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #130 on: December 02, 2016, 11:28:40 pm »
^ Yung story ko sa previous post ko na beggars from the province.. Badjao!! Yun nga, I forgot lang, pero yes nga.. medyo maldita sila =(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #131 on: December 03, 2016, 03:46:58 am »
Nakasakay ko sila sa jeep since nagco-commute lang ako. Namamalimos sila tapos may mga nagbibigay na passengers pero mas maraming di nagbibigay (isa na ako dun). Bago bumaba yung Badjao nag-curse pa siya in Tagalog, sabi niya "maaksidente sana kayo at mamatay na." Parang wow lang ha, ni hindi ko siya narinig na nag-thank you dun sa nagbigay ng pera sa kanya pero naalala niya mag-utter ng curse na intended para sa lahat ng passengers kadamay pati yung nagbigay ng money sa kanya.

Meron pa before na naka-nursing uniform yung girl and bago bumaba yung Badjao hinawakan niya sa uniform yung nurse sabay talon pababa ng jeep, nadumihan tuloy uniform nung girl . Nangsasagi din sila ng sadya or mang-aapak ng paa. One time may Badjao hinampas ako sa hita kasi di ko siya binigyan (pansin ko kasi that time everyday ko siya nakakasakay kaya di na ko nagbigay) nakaupo ako malapit sa door ng jeep tinulak ko siya habang umaandar yung jeep nalaglag siya hahaha

dismembered

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #132 on: December 07, 2016, 12:03:36 pm »
Nung college ako, merong batang manlilimos na everytime ko nakikita, binibigyan ko ng 5 pesos. Lagi yun, parang nakakatuwa na nakikita mo syang maging masaya kapag nabibigyan ko. Pero after 4 years, graduating na ako, medyo malaki na sya, parang awkward na magbigay sa kanya. Tapos pag hindi ko nabigyan, galit na sya na parang obligation ko na magbigay sa kanya at may utang ako sa kanya kapag wala akong baryang maibigay. One time nakita ko pa na nagsusugal sya at nambubully ng mga mas batang manlilimos. Hindi ko alam, pero parang nagiging mahirap tumulong sa kanya kapag ganun.

Last weekend naman, unusual beggar, kasi sa may kanto ng subdivision namin, may naglalakad na foreigner na medyo madumi ang suot at may mga plastic bags na sabit sabit. Tinawag ako. "Hey, can you give me some money?". Napabigay ako ng 20pesos kasi yun lang ang barya ko. Unusual kasi at english pa kaya napabigay din ako agad. Nag thank you sya and nagtanong sa akin, "are you waiting for jeepney?". Sabi ko lang yes then umalis na sya. Curious ako at gusto ko malaman ang backstory nya bakit sya nagkaganun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #133 on: December 08, 2016, 07:01:58 am »
^Hay bro sana naman hindi yan yung usual na kwento na maganda ang buhay nila dati kaso na-inlove sa Pinay niloko sila at tinangay ang lahat ng pera at papeles nila. Puro ganyan kasi ang backstory dun sa napanood ko na docu sa GMA or channel 11 ata yun. Kakagigil lang talaga ang ibang Pinay.

dismembered

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #134 on: December 08, 2016, 05:57:04 pm »
^ Pero in that case, hindi ba sila matutulungan ng US Embassy? The way I see him, mukha naman syang capable, healthy at medyo geeky american. Pero I don't know kung ano ang nangyari. Hindi ko napanood yung napanood mo. Gusto ko malaman kung ano ginawa sis.

zippity9

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #135 on: December 08, 2016, 06:37:42 pm »
at first hindi. a bit skeptical if they're just faking it or not. but someone told me na it's up to them if nanloloko sila ng tao basta ikaw nagbigay ng makakayanan mong tulong  :)

avitot

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #136 on: December 08, 2016, 08:42:07 pm »
ako I do but not all the time. especially if I see that kaya naman nila maghanap buhay pa.

pero if I see mga lolo and lolas or kids madali ako maawa and I would give sa kanila.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #137 on: December 09, 2016, 01:02:54 pm »
@Dismembered matagal na yun nung mapanood ko. Ang naalala ko yung German national na sabi niya dumating siya dito sa Pinas, millions daw ang money niya and nakapag-asawa ng Pinay. He opened a bar daw pero nagsara, di ko matandaan kung nalugi or what. Tapos yung natitira niyang money tinangay ng Pinay wife, di na nagpakita sa kanya. Tinanong siya kung gusto pa niya bumalik sa Germany, sabi niya oo kasi andun ang talagang family niya pero takot na siya umuwi kasi baka hindi na siya tanggapin kasi walang-wala na siya talaga. Kung uuwi lang din naman daw siya at magiging pulubi lang sa Germany mas mainam na daw na dito na lang sa Pinas. Mas bearable daw ang weather dito maski taglamig kasi wala siyang maayos na bahay.

Yung isa naman Japanese national. Ganun din inabandona ng asawang Pinay, ninakaw titulo ng lupa at pinagawan ng deed of sale. Saklap pa kasi yung pinapakilalang pinsan niya e lalaki pala niya.

bluebeads

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #138 on: December 31, 2016, 05:10:41 am »
May na experience rin pala ako.

Outside our office in Eastwood a few years back, there was an old lady crying.  Sabi niya nasa East Avenue hospital anak niya and need na ng blood ASAP.  If hindi daw magawan ng paraan, baka mamatay.  Basta she was crying and all.  I asked how much pa ang kulang niya, she said 1k.  So I gave her 1k.   Very believable siya because yung tears niya was legit.

Then I asked for her name yata or last name. 

Pag akyat namin ng office, we called East Avenue na hospital to try and investigate, kasi if totoo man yun,  We'd love to visit or make a follow up ano nangyari.   

Sadly, walang ganun na name and wala sila that time case sa charity ward na need ng blood story.

Lesson learned.

And then after a few weeks, one of my agents tagged me sa isang viral post on Facebook, may Lola daw asking for alms for her sick apo na need ng blood.   Ayun na, si Lola nga!!!!

Ang sad ko lang kasi bakit ganon? Ang tanda na niya. Tapos ganon?  SA ganito na case, ito ba yung may mga sindicato?


mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #139 on: December 31, 2016, 11:52:04 pm »
^Hindi siguro lahat member ng syndicate, yung iba kusang loob nila na manloko ng tao. Kaya kung minsan nakakaalangan magbigay ng tulong, nagpaka-Good Samaritan ka na ikaw pa nagmukhang t**** kasi naloko ka pala.

Share ko lang. I had an officemate before na nag-Awol. Dati siyang drug dependent pero nagbagong-buhay na daw mula ng magkapamilya. Everything was smooth until nagkaroon ng aberya sa pera sa office hanggang sa di na siya pumasok. Malaki din natangay niya sa mga officenmates namin. Tapos nun wala na kaming balita sa kanya. After a year (or 2 ata) biglang nagpakita, nanghihingi ng help kasi na-dengue daw anak niya need salinan ng dugo. Iniwan na daw siya ng asawa niya and puro seenzoned lang messages niya sa fb. We gave him money, medyo malaki din na-raise namin for him. Then humingi pa siya uli but this time an officemate called the hospital to check if may pasyente sila na ganung name pero wala daw maski sa charity or paid ward wala silang ganung pasyente. Then si ex-officemate kumontak na para kunin na yung nire-request niya na additional money, so yun sinabihan siya na may tumawag sa hospital para iverify yung claim niya and sabi sa hospital walang ganung bata ang naka-confine. Ex-officemate insisted na andun na nga daw sila pero wala ng naniwala sa kanya e.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close