watch now

Author Topic: Do you give alms to beggars?  (Read 23730 times)

killbill

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #40 on: June 13, 2015, 03:18:27 am »
Not anymore. Mas gusto ko na ngayon maging active sa mga outreach programs.

Andami kong na eencounter na mga style na kung pwede lang sila batukan ginawa ko na, may one time nasa megamall kami then a guy approached us sabi need daw ng tulong pamasahe kasi mag aapply ng trabaho may hawak pang envelope eh yung itsura naman eh hindi mukhang mag aapply tapos Sunday pa yun ng gabi.

Then nung Monday naman 1am na may babaeng lumapit sa table namin nanghihingi din pamasahe ang sabi mangungutang daw sana siya sa kaibigan nya na nagpapa 5-6 nakatira sa condo kaso wala pala yung kaibigan nya at need ng pera para makauwi sa divisoria "pahingi ako ng 20 or whatever" pa ang pagkakasabi. Nakakaloka.

Meron pa dati naiwanan daw sya ng mga kasama niya sa MOA tiga probinsya pa siya nakatira. Ang gagaling umarte.

prettygretchen

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #41 on: June 13, 2015, 04:26:53 am »
Para sa batang biglang susulpot at maglilinis ng windshield mo na galing tubig kanal lang. NO

sa mga bata na makukulit. NO

sa matatanda YES
Sa may kapansanan MINSAN

one time nag bigay ako 5 pesos sa may kapansanan ang sabi sakin "AANHIN KO TO??" Sh** akala mo may patagong bente oh. Hahaha!

Pero lagi ako may biscuit sa kotse. Hansel pa nga ang sarap kaya nun haha!

tomatostellar

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #42 on: June 13, 2015, 07:41:08 am »
ang heartless ko; NO talaga ako
pag may pagkain/inumin ako tapos may nakaka salubong akong nanghihingi, minsan binibigay ko na
pero money, matagal na kong di nagbibigay simula nung nalaman kong madaming sindikato pala na ganon
marami dito sa mga jeep along Alabang-Zapote road, sasakay na mga bata, kakanta ng isang stanza tapos manghihingi, di talaga ako nagbibigay

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #43 on: June 26, 2015, 04:01:39 pm »
hindi. kasi alam ko habang may nagbibigay di sila aalis sa streets. pero minsan naawa ako pag may dalang bata.. haay...

tsaka dati nung pumipila pa ko sa terminal ng megamall nakikita ko yung handler nila mga babaeng malalaki yung katawan.

tsaka dati may nanghingi sakin ng pamasahe niya kasi nadukutan daw siya, sinundan ko nakita ko nakipagdate lang sa babae. sa megamall din to.

reighnyielle

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #44 on: July 15, 2015, 02:31:50 pm »
Nakakapagbigay lang ako when I'm feeling spontaneous but most of the time ay hindi talaga since I'm a heartless b**** lol  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #45 on: July 20, 2015, 12:54:13 am »
Pag may spare food ako like biscuits or fruits sa bag, yun ang binibigay ko. Pero one time may binigyan ako ng biscuit, sabi ng bata "ate perahin nyo na lang" sabi ko kaya nga yan binigay ko kasi wala akong pera e. Mahirap magbigay ng money sa kids kasi baka nira-rugby nila. Yung ibang matanda naman ang garapal. Madalang ako magbigay ng alms sa matanda kasi feeling ko baka nagpabaya sila sa anak nila dati kaya tuloy nagkaganyan sila (sorry for being judgmental).

Hindi ko sure if considered as beggars yung mga bulag na tumutugtog, sila madalas ko bigyan.

prettydefined

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #46 on: July 20, 2015, 01:44:30 pm »
I do nung na sa hometown ko pa ako. Dito kase sa Manila hindi ko na maintindihan kung sino ang totoong beggars yung iba daw sindikato. :|

jelliebean28

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #47 on: July 20, 2015, 02:26:53 pm »
^True na sindikato daw yung mga ibang beggars lalo na sa Maynila. May naka chikahan akong ale, pagkadaan nung namamalimos samin nagshare sya, dati raw nagbibigay sya sa mga nanlilimos pero one time madaling araw along recto daw nakita nya bumaba sa isang malaking truck yung mga beggars, magmula nun hindi na sya nagbibigay. Ako kapag may biscuit or tinapay yun na lang binibigay ko. :)
^^Agree ako na tulad nung sa Slumdog Millionaire. Kinikidnap tapos bubulagin or tatanggalan ng kamay/paa etc para mas nakakaawang tingan. Sad.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #48 on: July 20, 2015, 09:57:44 pm »
Meron kami na experienced sis. Inabutan namin ng piso. Galit pa sya. Muntik na ibato [textspeak!] piso sa kotse namin.

Choosy na mga beggars ngayon sis kaya ako namimili na talaga ako ng bibigyan. Pati food ngayon inaagaw na nila. Pagkasabi nila ng pahingi agad nakahawak na sila sa food mo or sa straw ng iniinom mo.

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #49 on: July 22, 2015, 11:48:25 pm »
ako nga ilang bese nakurot kasi hindi ko binigyan, pero bata kasi yun... ang binibigyan ko talaga matatanda lang... kasi pag bata o  may edad na medyo malakas pa, dapat trabaho na lang hanapin nila, basta hindi ka lang manghingi, pagpaguran mo yung kikitain mo, konting dangal naman sa sarili sana...

^same experience sis. I had this experience way back college days sa pilahan ng tricycle sa SM North. Nakakatrauma lang kase yung saakin nasugat pa. Parang saakin naibuhos nung bata lahat ng inis niya sa lahat ng ayaw manghingi ng limos sa kanya.

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #50 on: July 23, 2015, 12:03:58 am »
No
All encounters are from syndicates and those who can work naman.

Knock on your car window 3x and they will leave. Means you know galing syndicate and that you won't give.

^ginagawa ko rin yung 3x na knock sabi saakin ni hubby pero hindi ko alam na iyon ang meaning.  akala ko ganun lang talaga ang ibig sabihin kapag hindi ka magbibigay.  now i know.

thanks for sharing. :)

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #51 on: July 23, 2015, 12:17:20 am »
Nung dalaga pa ko lagi ako nagbibigay lalo na sa matatanda.. Pero nung nakilala ko si hubby pinipigilan na niya ko magbigay kasi tinuturuan ko lang daw silang maging tamad.. Kaya minsan nagbibigay na lang ako sa mga nakakaawa talaga na matanda..

Nung nagkababy na ko sobrang naaawa na ko sa mga pulubing bata lalo na pag may mga baby. Grabe sobrang heartbreaking talaga..lalo na pag dumadaan kami sa blumentritt tapos traffic pa. Sabi ni hubby wag ko na lang daw kasi tingnan..

Naalala ko nung college ako nasa jeep kami tapos may nanlimos na "pipi". ..may dala siyang papel na nakasulat na pipi daw siya and pahingi daw konting tulong ..tapos may nagbigay na piso, grabe nagalit siya.. Tapos binalik niya yung piso. Kaya parang naturn off na yung ibang pasahero. Wala nagbigay sa kanya. Kasi imbes na maawa ka maiinis ka eh.
And one time din nasa loob kami ng car ni hunby tapos may kumatok na badjao hindi namin binuksan yung window kasi takot kami.. Hindi na lang namin pinansin.. Aba nagalit din.. Pinukpok ng malakas ng kamay niya yung salamin.

^baliktad naman tayo sis cutemama.  ako talagang hindi nagbibigay kahit gaano kaawa ko na pinipigilan ko dahil for me kapag binigyan ko sila ay babalik sila ng babalik sa kalsada at maglilimos.  prone to accident and makaka-accident pa sila.  meron naman kase dapat tayong gov't institution that should handle kase kasama sa mga taxes natin every month, kaya lang nga alam na. pero si hubby ang nagsasabi minsan na magbigay din tayo kase mas maganda na yung nagbibigay kesa ikaw ang naglilimos. may point naman siya kaya kapag kasama ko siya at sabihin niya bibigyan namin.

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #52 on: July 23, 2015, 12:25:09 am »
ang heartless ko; NO talaga ako
pag may pagkain/inumin ako tapos may nakaka salubong akong nanghihingi, minsan binibigay ko na
pero money, matagal na kong di nagbibigay simula nung nalaman kong madaming sindikato pala na ganon
marami dito sa mga jeep along Alabang-Zapote road, sasakay na mga bata, kakanta ng isang stanza tapos manghihingi, di talaga ako nagbibigay

^na experience ko rin yun mga singers sa jeep sa Alabang-Zapote. kapag pinapababa sila nang jeepney driver hinahampas nila yung side ng jeep ng malakas. buti nga wala na ngayon. nagtataka nga lang ako kase diba DSWD yung harap nang ATC. ano na nangyayari?

Mlabable

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #53 on: July 23, 2015, 12:34:34 am »
Never ako nagbibigay ng pera, food lang talaga para sure ako na pangkain niya. Lalo na yung mga bata sa may Guadalupe makikita mo sumisinghot lang ng rugby.

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #54 on: July 23, 2015, 12:40:27 am »
^ hay sis Mlabable.  baka naman yung nakukuha nila na pera sa panglilimos ay rugby ang binibili. sana medyo usigin naman ang mga magulang ng batang ito. :(

seamans.girl

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #55 on: July 24, 2015, 12:24:00 pm »
No. I don't. Let me tell you a story. Bumibili kami ng mama ko ng tinapay sa isang bakery down the road where we are living, tapos may lumapit na Badjao, buhat nya ang baby nya. Nag hihingi siya ng limos.

My mom doesn't want giving money to beggars, she always gives them food. Binili namin sila ng chocolate cake slice kasi mukhang tomjones na sila.

Akalain mong tumanggi yung Badjao, gusto niya pera daw. Ayaw ni mama ko, so yon, iniwan namin yung mag inang beggar at kinain namin yung cake.

prettydefined

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #56 on: July 24, 2015, 12:53:44 pm »
^^ Oo sis marunong sila tumanggi at naloloka ako sa part na yan haha! Kami nga muntik na mabato ng piso. Heheh! Kase gusto nya 5 ata. :)

dara_01

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #57 on: July 24, 2015, 09:54:17 pm »
^ waaa...kalurkey, binigyan na nga galit pa.  pano kaya kung saakin natapat yun tapos wala talaga ako binigay, ano kaya ang gagawin niya saakin?!?

Mlabable

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #58 on: July 25, 2015, 12:48:15 am »
Yung Badjao parang mga sindikato may hawak diyan eh. Kaya pagkain talaga inaabot ko sa kanila, nakakaawa lang talaga minsan yung mga baby na buhat nila ang puputla ng kulay. Tinatanong ko nga minsan husband ko kung pano kaya nakapunta yan dito sa Manila. Ang dami-dami nilang Badjao dito, bat di nalang silang magtanim ng gulay sa probinsiya. Sigurado pang may makakain sila.

Yung mga batang hamog naman sa may Guadalupe nakakatakot talaga. Hindi ko nga sila malapitan. Grupo sila tas may plastic na sinisinghot lagi.

mjcaluag

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #59 on: July 27, 2015, 01:15:05 pm »
OFCOURSE! I always do and I'm happy doing it. kahit many people said na ipang bibisyo lang nila but I chose padin naman  kung sino mga bibigyan ko, may mga bata kasing namamalimos while holding plastic with rugby. usually mas binibigyan ko yung mga matatanda kesa sa mga bata pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close