watch now

Author Topic: Do you give alms to beggars?  (Read 23641 times)

iloveshimmer

  • Guest
Do you give alms to beggars?
« on: April 23, 2015, 04:59:09 pm »
And why?

huggykaye

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #1 on: April 23, 2015, 05:48:47 pm »
Yes, sa mga matatandang mahihina na... kahit na sabi nila baka sindicato lang sila, pero pag matatanda na at alam kong sa pangangatawan nila hindi nila kaya magtrabaho, nag aabot ako ng pagkain o kung magkanong barya... bakit? awa. marami namang taong walang konsensya sa mundo. konsensya na lang nila kung sa iba mapupunta  yung pera... pero naaawa talaga ako sa matatandang nasa kalsada na mukha ng mahina...

iloveshimmer

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #2 on: April 23, 2015, 05:55:53 pm »
^trulalu sis.. Ano ba naman yung magbigay ka ng kahit piso. Actually kahit sindikato yun di rin naman sila makakauwi at makakakain hangga't walang kita. Nakakaawa lang talaga. Pero nakakainis yung mga ibang todo kalabit tapos hihingin yung hawak mong pagkain tapos di ka na makakatanggi. Yung kakilala ko namura pa siya kasi hindi nya nabigyan 😫
« Last Edit: April 23, 2015, 05:58:03 pm by iloveshimmer »

huggykaye

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #3 on: April 23, 2015, 06:08:57 pm »
ako nga ilang bese nakurot kasi hindi ko binigyan, pero bata kasi yun... ang binibigyan ko talaga matatanda lang... kasi pag bata o  may edad na medyo malakas pa, dapat trabaho na lang hanapin nila, basta hindi ka lang manghingi, pagpaguran mo yung kikitain mo, konting dangal naman sa sarili sana...
« Last Edit: April 23, 2015, 07:15:12 pm by huggykaye »

ickyvicky006

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #4 on: April 23, 2015, 07:04:48 pm »
Depende. Pag yung halatang fake, nope. Pero kapag yung nakaka awa talaga like old people and kids, yes. I also look around pag mag bbigay ako. Kasi minsan bigla na lang may iba din na ssugod and mang hihingi, medyo nakakatakot na kapag ganun

Misis_Maku

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #5 on: April 23, 2015, 08:01:48 pm »
I usually give snacks or food not money. Though, yung iba minsan choosy pa, di na lang magpasalamat. Hehe

17glut

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #6 on: April 23, 2015, 08:17:29 pm »
yes, i do lalo na dun sa mga matatanda. Ewan ko kung bakit pero mas naaawa ako sa mga matatanda kesa sa mga batang namamalimos.

huggykaye

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #7 on: April 23, 2015, 10:45:50 pm »
I usually give snacks or food not money. Though, yung iba minsan choosy pa, di na lang magpasalamat. Hehe

Na experience ko dati, sinoli sa kin yung lemon square, bata yung namamalimos... Sana kinuha na lang nya laman tyan din yun.. Dun ako napaisip, baka yun ang biktima ng mga sindicato...

aquacharly

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #8 on: April 23, 2015, 11:19:04 pm »
Old beggars - yes
Blind beggars - yes

Mga may bitbit kids - no. Syndicates! IMO
To young people - no... Matuto sila to work, not beg

Miss Taken

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #9 on: April 24, 2015, 01:43:52 am »
Yes especially dun sa mga matatanda na biglang sumasakay sa jeep or kapag may nakita lang ako sa street, nagbibigay talaga ako. Naiisip ko kasi yung grandparents ko at I know na hindi na sila capable na magwork para sa needs nila.

Ang takot ako sa mga badjao kasi ilang beses na akong nakakita na nagagalit sila pag hindi ka nagbigay eh hawak naman sila ng mga sindikato. Sana nga mismong yung driver na yung magpababa sa kanila once na sumakay sila sa jeep.

killbill

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #10 on: April 24, 2015, 04:17:48 am »
Sa matatanda and sa mga bata. Pero kadalasan food.

One time naka pila ako sa sakayan ng fx sa Megamall may batang lalake na lumapit, binigyan ko ng isang slice ng pizza (yung tig 50 pesos na pizza hut 2 slices) instead na mag thank you hinihingi pa yung isang slice eh pasalubong ko na yun sa anak ko. Kaloka 😳

j.adore

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #11 on: April 24, 2015, 10:36:40 am »
No
All encounters are from syndicates and those who can work naman.

Knock on your car window 3x and they will leave. Means you know galing syndicate and that you won't give.

Raserei

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #12 on: April 24, 2015, 10:52:33 am »
If I have extra food in my bag, I usually give it to children or old folks. Hindi ako nagbibigay ng pera.

mooncake and leaves

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #13 on: April 24, 2015, 11:46:57 am »
No. But between money and food, I would rather give money. Kebs saan nila gamitin. If I give food and nagkasakit sila, sisihin pa ako. Also, a lot of bums hate getting food. They'll accuse you of trying to poison them or like what happened to a friend, tinapon sa harap nya and nagalit.


tamarind26

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #14 on: April 24, 2015, 12:12:29 pm »
Yes for the simple reason of sharing.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #15 on: April 24, 2015, 01:05:18 pm »
weakness ko nakakakita ng matandang pulubi kaya binibigyan ko talaga tapos bibigyan ko pa ng pagkain. Meron akong nakita dati sa pinas matanda na mukhang pulubi, gusto ko ng habulin kaso nasa kabilang side ng kalsada tapos walang tawiran so di ko nagawang lapitan hanggang ngayon naiisip ko pa sya. Iniisip ko kasi lagi kung magbibigay tayo sa kanila hindi naman natin ikakahirap yun so ok lang.

heartfortress

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #16 on: April 24, 2015, 01:41:37 pm »
Yes, but most of the time food ang binibigay ko para at least may makain sila  kahit san pa mapunta ang ibang pinaglimusan nila. Di ko lang maiwasan isipin asan ang mga magulang ng mga batang namamalimos, nakakaawa kasi yung mga bata.

iloveshimmer

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #17 on: April 24, 2015, 10:10:27 pm »
^may 3 katok pala dapat. Pano mo nalaman sis @j.adore? Eh yung nagpupunas bigla ng car window, sindikato din kaya yun? Pero at least may labor, sapilitan nga lang ^_^

j.adore

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #18 on: April 24, 2015, 10:18:30 pm »
May nagshare lang and it works. Oo kasi nagwork sa kanila yun. Ewan ko lang ano sa ibang lugar.

Problem lang yung may tubig pa mismo mas dumi lang kotse di abot yung ka to.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Do you give alms to beggars?
« Reply #19 on: April 24, 2015, 10:40:12 pm »
Yes. I can't help it. Every day when I go to work lagi akong may nadadaanang pilay na nasa gilid ng kalsada nakaupo doon maghapon. Ang init init pa naman. Everyday din binibigyan ko sya. Kahit 5 pesos lang. Pag napadaan ulit ako, magbibigay ulit ako.

Meron din ako nadadaanan minsan, mag asawa tapos me baby. Ka edad ng baby nila ang baby ko kaya awang awa ako talaga. di sila nanlilimos pero sa gilid ng kalsada sila nakatira. Nung pasko binilhan ko ang baby nya ng 6 pairs na damit lang. tapos crackers, tsaka mga products na pinamigay din samin ng company namin, mga sabon, shampoo, etc. Nakakatuwa kasi next morning suot na ng baby nya yung binigay ko. Binigyan ko din yung pilay na kuya ng products.

Pero yung mga batang siga na kung maka hingi akala mo may pinatago sayo, di ako nagbibigay. Yung mga batang kawawa, oo. Lalo na yung me mga dalang kapatid pa.

Sa mga adults na wala namang kapansanan, never.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close