Author Topic: Please Advice  (Read 7495 times)

realshaddy

  • Guest
Please Advice
« on: April 22, 2015, 10:53:37 am »
I need advice mga sis. I dont know if hubby really loves me or what. We've been together for almost 9 years na.
Kasi ganito ang situation namin before, mas malaki ang salary ko sa kanya, kaya halos ako lahat ang gumastos sa household namin. 2 lang naman kame. I pay for everything. Until 2 years ago, nakahanap na sya ng magandang work and malaki na talaga ang kinikita nya. Pero until now, di sya nagbibigay sa akin kahit konti monthly, yung pera nya sa kanya lang. Minsan nagbibigay sya 1k for grocery pero super bihira na yon. Grocery lang naman kase ang expenses namin talaga ngayon since we moved 3 years ago kase free na kame sa utilities and house. Pero nakabukod naman kame ng bahay. Kinausap ko na sya dyan several times, at nag agree na sya na magbibigay ng share, pero wala naman. At wala na din akong balak ulitin pa yon. Sa bahay din ako lahat ng chores. Minsan naiisip ko, nakikisama lang ba sya saken dahit its convinient for him? Baka di naman nya ko talaga mahal kase di naman nya ko sinusuportahan.
Ayokong isipin na pera lang ang basehan ng love nya, pero kahit sa chores sa bahay di nya ko tinutulungan. Minsan naiisip ko kung mahal ba ko,nitong tao na to.
Ewan ko din kung ako lang ba nag iisip na may problema kame kahit wala naman. Di din kase showy si husband sa feelings nya kaya minsan tinatanong ko sya kung mahal ba nya ko.
Paano mo ba masasabi na mahal ka talaga ng asawa mo?
Minsan nga kahit valentines day, walang kahit ano. Pag birthday ko, pag sinuerte meron. Pag pasko wala din gifts. Please dont get me wrong, di ako naghahangad ng magarbo na gift, kahit pinitas na bulaklak sa kalsada pag valentines day, sobrang happy nako dun. Ganun lang naman sana ang gusto ko, yung simple gestures lang. Kaso wala talaga.
Kapag ganun ba mga sis ibig sabihin di ka mahal ng asawa mo? O mababaw lang ako?
Nalulungkot ako everyday kase hindi na ko masaya sa kanya. Pero diko kayang iwan kase mahal ko.
Please advice naman

momentum

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #1 on: April 22, 2015, 11:05:37 am »
sakit naman niyan. parang feeling mo mag-isa ka nalang sa marriage.
I can't think of a better advice but to maybe have a serious talk with your husband. find a time na good mood siya and walang distractions. ask him why doesn't he help with the expenses, meron ba siyang pinupundar sa pera niya kaya hindi siya nakakapag bigay? sabihin mo kasi it is unfair na nung simula ikaw lahat and since 2yrs ago na gumanda na salary niya bakit ayaw niya mag help? ask him too why he doesn't want to help you with the household chores? maybe you just need to ask him to help kasi may ibang lalake talaga na walang kusa..kung hindi ka pa mag-aask ng help, hindi sila tutulong.

ask him what does he feel for you now? tell him to be honest kasi nahihirapan ka na. nasasaktan ka kamo sa kinikilos niya at treatment niya sayo. ask him rin if there is anything wrong or if may problem siya. Try to be calm during the conversation kasi kapag nagging na, wala kang makukuhang sagot sa kanya.

I suggest too that maybe for the next grocery/expense, huwag na ikaw ang bumili. hayaan mong you'll ran out of stocks sa house. pero siguro a few days before that magparinig ka na na mauubusan ka na ng budget at baka hindi na makabili ng needs ninyo. then when that times comes, kapag nagtanong siya bakit wala ng ganito ganyan, sabihin mo wala ka ng budget..make up an excuse na nangutang parents mo etc at pamasahe nalang natitira sayo  :P that way mapipilitan siyang maglabas ng pera. patigasan kumbaga

still trying to think of what else to advice. pero sa ngayon mas maganda na talagang mag-usap kayo ng masinsinan. lay out all your cards on the table. be ready rin sis emotionally kung ano possible na dahilan na sasabihin niya sayo bakit siya nagkakaganyan (be it may 3rd party, or may pinaglalaanang bagay na hindi mo alam, etc). Take care sis and hopefully ma-resolve pa ito.
« Last Edit: April 22, 2015, 11:08:11 am by momentum »

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #2 on: April 22, 2015, 11:09:08 am »
The truth is ang tagal na panahon ko na gustong makipaghiwalay sa kanya kase hindi naman nako masaya. Pero hindi ko naman pa kaya makipaghiwalay kase mahal ko. Mahal ko pero di ako masaya. Pwede ba yon? May list nga ko ng pros and cons kapag magkahiwalay kame at mas marami ang pros talaga. Pero iniisip ko din na yun lang ba ang dahilan kung bakit ako susuko? Yung iba nga sobrang sakit na ng ginagawa ng asawa nila pero hindi nila hinihiwalayan. Ayokong mangyari na dumating ang araw na pagsisihan ko kase baka mababaw ang dahilan ko.
Eto pa pala mga sis, tuwing meron kaming maliit na bagay na pinagtatalunan, nauuwi sa sigawan tapos lagi nyang sinasabi saken na maghiwalay na daw kame. Kaya din siguro ako lagi malungkot. Minsan lang naman kame mag argue at kadalasan maliit na bagay lang pero sya lagi nyang bukang bibig, maghiwalay na daw kame. Kaya lagi ko naiisip namdi nya ko mahal.

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #3 on: April 22, 2015, 11:15:20 am »
Thank you sis momentum.

Lagi ko naman sya tinatanong kung mahal nya ko kapag good mood sya, lagi naman nya sagot oo. Manhid lang daw ako kaya diko maramdaman.
Regarding naman sa pera nya, iniipon lang nya lahat. Ako pa nga nag suggest sa kanya na ilagay sa bank. Kase naka lagay lang lahat ng money nya sa drawer dati.
Wala naman 3rd party. Iniisip ko minsan baka hindi na din sya happy sa pagsasama namin, pero when i asked him naman, happy naman daw.
Regarding naman sa grocery, ginawa ko na minsan yan sis, nagbigay sya ng 1k. Di naman sya maniniwala kung sabihin ko na wala akong pera lalo na parents ko. Kase parents ko nagbigay samin ng house at libre kame sa utilities c/o my parents din

momentum

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #4 on: April 22, 2015, 11:16:26 am »
emo abuser rin pala siya. ganyan na ganyan din (ex) husband ko. puro hiwalay lang ang alam. kahit maliit na bagay pinapalaki niya and yan lagi niyang bukangbibig.

Yes pwede na mahal mo siya pero hindi ka na masaya. ganyan na ganyan naramdaman ko.
Still sticking to my suggestion na have a serious talk with him. Lay out all the things you want to say and ganun narin siya. come up with an aggreement kung maghiwalay nalang ba ng tututo or will you both want to work it out. kapag ayaw na niya i-work out, hiwalayan mo na sis. no point ng ipaglaban ang isang bagay na ikaw lang lumalaban..sasaktan ka lang niya lalo. since sabi mo nga mas maraming pros kesa sa cons kapag naghiwalay, then it will be better for you. baka parehas narin pala kayong hindi masaya, hindi lang niya masabi sayo. baka gusto niya sayo nalang mangagaling.

talk and be honest. work it out or end it.
whatever it is you decide, be prepared for it. Good luck sis

momentum

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #5 on: April 22, 2015, 11:28:41 am »
I don't know pero hindi parin excuse na nag-iipon siya kaya hindi parin siya nagshashare sa expenses.
Actually dapat nga mahiya pa siya dahil house ng parents mo kayo nakatira at libre pa utilities.
alam mo ba ano pinag-iipunan niya? 9yrs na na ikaw ang nagshoushoulder ng expenses and out of that 1k lang binigay talaga niya? sorry to say this sis pero medjo maypagka kapal ng face hubs mo. napaka damot at makasarili. at so what kung hindi siya maniniwala na wala kang pera kaya hindi ka bibili ng stocks for the house? just don't buy anything, period. if he asks, then tell him nag-iipon ka na rin dahil wala ka ng naiipon since ikaw lahat halos gumagastos. Yan, hayaan mo siyang manigas hanggang sa mag-labas ng pera. and siya ang ipabili mo ng stocks, hindi yung pera lang bibigay niya  :P

buti wala pa kayong anak. kung sakali eh baka mas maging complicated pa situation ninyo.

If he says insenstive ka lang sa love that he shows, true ba ito? ano ba mga pinapakita niya na that shows he loves you? ano ba mga magagandang qualities niya? kasi for sure naman di mo pakakasalanan yan kung wala..at nung mag bf/gf ba kayo, kuripot din ba siya sa pera niya? ikaw din ba nagbabayad ng pang date ninyo?

Mas kilala mo husband mo sis, ikaw lang nakaka alam if worth it pa ba siya or hindi.
basta isip ka muna ng mabuti, pray and ask for guidance before having "the serious talk"

Obachan

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #6 on: April 22, 2015, 11:30:07 am »
Nakaka-relate ako sa feelings mo sis.
Mahal ko husband ko pero I feel alone and lonely.

About household chores, need talaga sabihin kung ano gagawin ng asawa ko otherwise hindi sya magkukusa.
So I suggest, maybe utusan mo sya at sabihin mo pagod ka na or "mabigat ito hindi mo kaya" para kumilos sya.

About finances, ask him kung me pinaglalaanan ba sya ng sweldo nya.
Kabaligtaran naman ng ginawa skin ng husband ko. Ako ang tinanong nya kung san ko dinadala sahod ko kasi hindi ako gumagastos sa bahay, except groceries.

One night umiyak ako sa kanya habang patulog na kami.
Sinabi ko na malungkot ako at hindi na ako masaya sa kanya.

Nagbago naman sya, mga 3%
Pero sadya atang me lalaki na not vocal on their feelings towards their partner.


realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #7 on: April 22, 2015, 11:52:14 am »
Sis momentum, thank you ha.

Wala naman sya pinag iipunan e. Tinatago lang nya pera nya. Yung 1k sis once in a blue moon lang yon. Kapag feel nya magbigay. Minsan nga 500 lang. Dati matipid talaga sya sa pera. Sinasabi nya dati mahirap lang sila. Mahirap ang buhay nila. Ok naman kame sa araw araw. Bihira naman ang arguements. Mabait naman si husband e. Pasensyoso naman sya paminsan minsan. Yun lang diko talaga alam kung mahal ba nya ko o manhid lang ako. Im trying to give him the benefit of the doubt. Pero minsan naiisip ko baka nakikita ko ayaw ko lang aminin sa sarili ko.

Sis Obachan thank you

Akala ko ako lang ang ganito. Meron din pala iba with the same situation. Nakaka sad lang talaga.

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #8 on: April 22, 2015, 11:54:21 am »
Ilan beses ko na din naman sya kinausap sa mga concern ko, nag usap ng maayos. Pero ganun pa din.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #9 on: April 22, 2015, 12:22:31 pm »
So what's bothering you sis is that you don't feel loved by your husband because of the things you have mentioned:

- not sharing with the expenses
- does not give importance to special occasions
- does not help you with household chores
- blurt out separation so easily na parang he doesn't value your marriage.

And being unloved by this important person made you feel lonely and miserable. As you said, the only thing that's keeping you in that marriage is because you still love him.

 Nine years na kayong married, matagal na rin. Masaya ba kayo noon during the first few years of your relationship? Hindi naman nya naramdaman mula sa iyo noon na wala syang silbi kahit na ikaw ang kumikita? I'm asking kasi baka he changed in the process by how you interact with each other. Otherwise it just simply is his personality.

There are five love languages, namely: acts of service, giving gifts, words of affirmation, quality time, and physical touch. And it seems like, wala syang naibibigay sayo kahit isa dito, tama ba? That's why you feel emotionally dried up.

Gusto mo bang ayusin ang marriage nyo? Parang mas maganda sana marriage counselling, yung kayong dalawa, kung sakali mang may deeply seated resentment. O gusto mo bang makipaghiwalay na at nagdadalawang isip lang kung tama o mali yung desisyon mo. Kung gusto talaga nyang makipaghiwalay sayo hindi na yan umuwi sayo, malaki na kinikita nya. What is the convenience he's getting from your marriage now?

Kung nagawa mo na lahat to be the best wife that you can, and hindi pa rin nakikipag-cooperate, magiging one-sided lang yung marriage nyo. Attend kaya kayo ng mga marriage retreats para marekindle yung relationship nyo?

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #10 on: April 22, 2015, 12:38:13 pm »
Thank you sis glamorosa

Ever since we started ganito naman na kame. Siguro napagod na lang ako kaya nag start nako mag complain. Dati kahit ako lahat sa gastos, wala syang nadidinig saken. Ngayon kahit malaki na ang kita nya, wala pa din sya nadidinig saken.

Diko na din alam paano mo ba masasabi na mahal ka ng asawa mo e kung sa maliliit na bagay di ka nya mapag bigyan. Kahit nga nag aargue kame na sya ang may kasalanan, babaliktarin nya yon, para ako ang maging mali sa huli. Magaling sya mambaliktad ng sisi. Lagi sa iba ang sisi. Ako naman to si t*anga, sorry lang ng sorry.

Di din naman sya open sa marriage counselling e.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #11 on: April 22, 2015, 12:53:20 pm »
So ever since ganyan na estado ng relationship nyo. I'm starting to wonder why you married him. Common naman sa atin na we long for companionship and intimacy. Kaya lang kung yun lang naging basehan sa pagpili ng mapapangasawa, kadalasan dun nagkakaproblema.

It shouldn't always be the case though, kung willing ang dalawang mag-asawa to make the marriage work. Sabi mo ayaw nya ng counselling.

Parang prayer and miracle na yata ang tangaing pag-asa mo.

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #12 on: April 22, 2015, 01:13:33 pm »
Truth is we're not married. Kaya nga anytime naman pwede ako umalis or sya ang umalis.

And tama ka sis, milagro at prayers lang. And most of the time malakas ako sa Kanya 😊

ri-anne

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #13 on: April 22, 2015, 01:30:17 pm »
You're not married and you don't have kids. Easy to let go na pala kaya lang mahal mo, so you can't.
You still want the relationship to work, but you know what, it will only work IF - BOTH of you are willing to do your part in sustaining and nurturing your relationship. Hindi pwedeng one-sided.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #14 on: April 22, 2015, 01:40:25 pm »
hmm... baka kaya you want to stay in that relationship is because you're afraid to be alone. Kahit sobrang lungkot mo na, eh you still choose to stay.

You maybe suffering right now, but you're choosing that suffering on you, kahit pwedeng-pwede mo namang i-let go.

It's your choice naman din if you will continue on praying for the change to happen.

realshaddy

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #15 on: April 22, 2015, 02:28:28 pm »
Thank you sis ri-anne. And youre right.

Sis glamorosa, siguro nga im afraid to be alone, pero hindi din e. I have my ever supportive family with me, always. Diko lang ma explain, pero wala pa lang ako lakas ng loob to let go. Im still praying for it. Lahat naman yata mahirap sa hiwalayan.

Nakakalungkot lang. Pero na realized ko na hindi lang pala ako ang nakaka experience ng ganito. Meron din pala iba. Iniisip ko na lang, yung ibang couples, mas matindi pa ang pinag dadaanan pero pinipilit pa din maiayos ang lahat

imprincessfiona

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #16 on: April 22, 2015, 02:47:19 pm »
sis realshaddy ang sakit naman ng ginagawa ng asawa mo. nakakapanghina at nakakapagod naman kung ikaw lang lagi ang iintindi sa kanya. ever since ganyan na pala sya sa'yo, all of those years akala nya OK lang sayo yung ganun. talaga bang mahal mo sya o takot ka lang mag-isa? magkaiba yun sis. based kasi sa kwento mo parang wala akong nakikitang sign na mahal ka nya. parang napakamanhid naman ng asawa mo sis. pero ikaw din kasi ang tunay na nakakakilala sa asawa mo kaya parang mahirap din naman na magpayo kung ano ang dapat gawin.ipagdasal mo na lang sis ang asawa mo to change for the better. o baka naman need nyo lang magdate paminsan minsan to rekindle the romance in you. im just so sad to hear something like this.

huggykaye

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #17 on: April 22, 2015, 03:08:38 pm »
kulang na lang sis maging palamunin mo yang asawa mo, nakasandal sa inyo ng parents mo, ano ba sya ampon nyo? pasensya ka na sa mga salitang to.. pero try mo basahin ulit yung kwento mo, isipin mo ibang tao nagsasabi nyan, ano sa tingin mo dapat nyang gawin? pauwiin mo na lang yan sa kanila...

glamorosa_09

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #18 on: April 22, 2015, 03:14:33 pm »
@imprincessfiona

they're not married sis...

@realshady

what I meant by alone is to be left without a partner.

Iba kasi yung advice na binibigay sa mag-asawa o sa may anak na, compared to unmarried and without kids. Iba rin ang case nila.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Please Advice
« Reply #19 on: April 22, 2015, 03:26:20 pm »
@imprincessfiona

they're not married sis...

@realshady

what I meant by alone is to be left without a partner.

Iba kasi yung advice na binibigay sa mag-asawa o sa may anak na, compared to unmarried and without kids. Iba rin ang case nila.
^I see. That means mas madaling makipaghiwalay kasi no kids and not married? But 9 years is 9 years, right? Kaya lang paano naman kung hindi ka na masaya sa partner mo? Let go and move on?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close