watch now

Author Topic: ULoad  (Read 5673 times)

sugar n spice

  • Guest
ULoad
« on: April 12, 2015, 07:09:29 pm »
Anyone who has experience of buying franchise or leasing with Uload? As per the sales agent, P200+ lang ang kakaining kuryente ng machine since parang tablet lang ang konsumo nya. We can leave it overnight sa labas ng shop ko since it has an alarm system na mag-iingay pag may sumubok na nakawin. It's also 100% insured incase of unforseen events.

I just want to know the advantages and disadvantages of this E-loading system.

sugar n spice

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #1 on: April 18, 2015, 09:25:35 pm »
Tinuloy ko na rin. Atleast wala ako ginastos. hintay ko na lang kung mababawi ko yung kuryente ko at the end of the month.

JAZRINA

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #2 on: April 20, 2015, 10:36:36 am »
Sis, ok lang siguro yan kung electricity lang naman ang expenses mo at may shop ka naman talaga na paglalagyan. Dati may nakita akong ganyan sa mall malapit sa amin pro parang walang masyadong gumagamit. Goodluck! I hope maging ok yang additional business mo. :)

sugar n spice

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #3 on: April 20, 2015, 01:41:04 pm »
Thanks, sis!

So far meron na ring mga nagpapa-load. Para pandagdag kita, dito sa bahay namin naglagay ako ng sign na "E-Load Available". Tapos itinatawag ko na lang sa shop kapag may nagpapa-load.

Isang disadvantage na napansin ng tao ko, tulad ng ibang vendo machine, hindi tumatanggap ng disaformed na coins or gusot na bills yung machine. So sabi ko sa tao ko, palitan na lang nya, just make sure lang na hindi fake yung pera.

happynlove

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #4 on: April 21, 2015, 03:40:10 am »
Sis ano advantage nito over e-load and autoload ng smart and globe..yan sana kasi naiisip kong pangextra ngayon since prepaid yung smart ko, ako nalang magloload sa sarili ko. Aside from 24-hr pwede magload yung mga tao?

sugar n spice

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #5 on: April 21, 2015, 03:38:08 pm »
Yup 24hr. Naka-bolt screw yung stand and may alarm system din. Kaya kahit sarado ang shop, may nakakapag-load pa rin. Madali lang din ma-contact ang customer service nila. Sinubukan ko kahapon kasi tinanong ko bakit hindi pa pumapasok yung pina-load nung kapabitbahay ko. Yun pala kulang ng P10 yung hinulog ng tao ko. Tama naman kasi nag-tally sa laman ng kaha ng shop ko. So far wala pa naman ako masasabi pa. Kasi ilang araw pa lang  samin yung uload machine.

missreese

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #6 on: April 21, 2015, 07:02:52 pm »
ayos yan lalo pag malapit ka sa computer shop or may comp shop ka. since pwede na magload ng game load dito sa uload parang load central.

blackwidow17

  • Guest
Re: ULoad
« Reply #7 on: November 04, 2016, 09:53:52 am »
Sis nag avail ako ng isang machine. Ok naman po kaya ito?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close