watch now

Author Topic: Pag di mo feel nanay or tatay nung bata, bakit parang di mo rin feel yung anak?  (Read 2527 times)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Alam ko na dapat di mo idadamay ang anak. Pero, nakikita ko kasi sa ugali nung bata ( niece ko)  ugali ng asawa ng ate ko.( na di ko gusto)  i try to be nice naman, pero talagang na bra brattinella han ako sa bata eh. Evident na evident ugali ng asawa ni ate sa bata. Madali akong mag init ng ulo sa kanya. Super spoiled brat. Eto namang tatay kahit nag tatantrums anak niya, di niya sinasaway. Nag iinarte sa harap ng tao, okay lang!! 4 years old na yung bata.pag di nakuha gusto, naghuhuramentada!  I avoid na lang na samahan ko or asikasuhin ko, at baka di ako makapag pigil makurot ko sa tigas ng ulo. Kaya I let the parents handle their own kid. Nakakahiya isama eh, pag naglalaro sila ng anak ni kuya, binu bully anak ni Kuya. Pinag dadamot sariling laruan ng bata. Tinutulak ng anak ni ate or hinahawi niya pag may gusto siya at kailangan makuha niya. Yung anak ni kuya marunong ng " may I borrow, after you can I be next?" Anak ni ate " NO! Me lang! Sabay hawi, or tabig. Mas younger anak ni kuya. ( ka fo 4 lang yesterday)
Pati sa elevator, gustong gusto ng mga bata pumindot ng elevator buttons, gagawin ng anak ni ate na babae, after niya pumindot, tatakpan ng kamay niya para di maka press yung iba..  Kami nahihiya sa sister in law ko. Parang wala kasing tinuturong manners sa anak. To think 6 mos older yung anak nila kesa kina kuya. Ayaw ko na ngang isama pag nag yayaya yung kapatid na lalake ( 10 years old) nakakahiya sa ibang magulang ng bata.
« Last Edit: April 06, 2015, 07:54:12 am by hazelbrown_eyes27 »

17glut

  • Guest
pag ganyan, pare-pareho mo na lang sila iwasan

hazelbrown_eyes27

  • Guest
^ Hay, sis, talagang iniiwasan ko sila makasama. Para di ako mastress. Inaanak ko pa naman si brattinella.( fave ng family ng asawa ni ate)  masigabong pagtitimpi ang kailangan. Swear! Baka makuha ng anak ni kuya ang ugali. Thurs-Sat lang kami nag sama. Ayun! Kuha na ng mga anak ni kuya ang pag tawag ng " DADA" sa daddy nila, eh, di naman sila nag bababy talk. Direcho sila magsalita eh. 

Nagbigay na nga ng hint si sis in law na " nagtaka ako bakit dada tawag sa daddy nila, marunong naman kayo magsabi ng daddy ah!" Although kwento, syempre.. Pabiro man.. Patama na din. Nakita kasi ni sis in law kung paano pagdamutan anak niya ng anak ni ate. Mukhang nag titimpi din si sis in law.) makahalata pa na laging sila invite ng invite, bigay ng bigay tapos pinagdadamutan lang ang anak nila.

Last time sa Estancia kami nag scooter sila.( toys r us) sa labas ng store, kitang kita ng mommy ng anak ni kuya paano tabigin anak niya nung nag sabi ng " ate, may I borrow the scooter after you?" Sabi naman ng isa " no, this is mine! Tabig! Ay! Napasigaw talaga ako. At akala ko mapapaupo yung isa sa tabig. Pinangaralan ko talaga. Kita ko napa purse ng lips si sis in law na parang " isa pang tulak sa anak ko, makikita mo. May masasabi ako!" Galing kaming graduation ng anak ni kuya. Tinawag na lang niya anak niya tapos, pinasakay sa ibang bike. Hiyanh hiya ako sa pagka brattinella nung isa.
« Last Edit: April 06, 2015, 09:57:53 am by hazelbrown_eyes27 »

j.adore

  • Guest
I really believe some people should not have kids especially pag di mapalaki ng maayos.

Anyway, ganyan talaga kapag walang nagsasaway. Ninang ka naman pala. You have a bit of right to teach the child, say para sa future concerned ka etc.
Try different methods or ask from a psychologist. If it gets bad kasi, pwede makasakit at baka isa sa inyo victim or worse, yung ibang pamangkin mo.

Good luck!

hazelbrown_eyes27

  • Guest
^ sis I do reprimand the kid. Lalo na pag sumosobra na. Or I tell my sister to let her handle the kid if she needs spanking. Ayoko makapalo ng kid, di naman sa akin. Pero minsan, cant help pero nangigigil ako. Kaya Nagiging stern ako sa pag saway. Disiplinada siya pag sa akin kasi di pwede ginagawa niya pag kasama parents niya sa akin. Di ako softy eh. Even her parents, di niya sinusuod. Ilang talks na nila ni ate.
« Last Edit: April 06, 2015, 02:08:56 pm by hazelbrown_eyes27 »

aquacharly

  • Guest
If she misbehaves when with you, no parents around:  correct her gently.

If I were in your shoes -- do not tell her parents how to discipline her, unless you are specifically asked.  Hands off.

Bakit ka mahihiya sa SIL mo?  Hwag mo akuhin ang guilt dahil sa kakulangan ng iba na discipline nila and instill good breeding in their kid. 

antithesisofbarbie

  • Guest
minsan talaga may mga nakakainis na bata kahit na minsan okay naman tayo sa magulang nila...

un lang gaya ng sabi ni TS minsan inis tayo sa magulang at nakakainis din un bata.. pag ganito na un situation umiwas nalang din sa pareho kung maaring iwasan or limit the interaction :)


hazelbrown_eyes27

  • Guest
@aquacharly- I dont tell her parents naman how they should discipline their bratty kid.( kahit gustong gusto ko) but, sinasabi ko lang sa sister ko how her daughter behaved.. Then, siya na bahala sa anak niya. 
 
Ako kasi mainitin ulo ko.( nakikita ko pa ugali ng brother in law ko na di ko gusto sa anak niyang girl) kaya mainit din dugo ko. Sinabihan ko siya gently, pero.. Mukhang di ubra eh. Di ko na lang sinasama. At ayokong ma stress sa anak nila.
 Sabi naman ng sister ko, sawayin ko daw pag may ginawang mali.
 
 Yeah! You are right there.. Dapat di ako mahihiya sa SIL ko, since the kid isnt mine naman. :) Will remember that.Thanks!!:)

@ antithesisofbarbie- yes, di ko na sinasama yung bata sa amin at talagang nakaka HIGH BLOOD! Sobrang bratty, gumagawa pa ng story, bully.. Ang sarap kurutin!!! Kaya I limit na lang the interaction with her. ( pwede ko bang bawiin ang pagiging ninang ko sa batang yun?!) handang handa akong bitawan siya sa gigil ko.  Ganun siya kagrabe! ( di po lahat ng bata ay di marunong magsinungaling.. Dahil princess ito ng pagka sinungaling!) biglang umiyak ba naman, at sinabing sinasaktan ko siya. Eh ang layo namin sa isat isa. Ganun!!  Minsan ang sarap tampalin. Pag sinasabi ko sa ate ko ( mom niya) para siya ang mag discipline sa anak niya.. Ang sama ng tingin ng tatay niya ( bro in law)  kaya ang sarap pag untugin ulo ng mag ama.
« Last Edit: May 11, 2015, 09:11:15 pm by hazelbrown_eyes27 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close