watch now

Author Topic: Need help with my delinquent niece  (Read 11182 times)

momentum

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #60 on: March 04, 2016, 09:52:47 am »
sis may warrant of arrest na brother ko years ago pa nung bagong hiwalay pa sila ni SIL..well until now hindi parin siya mahanap. kaya bahala na si Lord sa kanya.

yung sa adopting mejo malabo yun. yes I think baka umulit lang ng umulit si pamangkin kapag ganun.
gagabayin and help nalang talaga namin siya..

she will give birth na end of May. hay.

brandi

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #61 on: March 04, 2016, 10:25:54 am »
I hope that this will be a wake up call to your niece sis momentum. I have this sister 2 years gap namin. There'd be times na iniisip na lang namin na baka middle child syndrome. Super opposite kami. Kahit ano na gusto niya, basta gusto niya gagawin niya. Feeling niya she's always api and kawawa. She got pregnant when she's 17. Akala namin yon na ang turning point niya para maging mature at matino pero hindi pa din pala. Until now sa amin siya nakatira. Ok lang naman kasi single mom siya pero ang nakakainis ay yung parang wala lang sa kanya lahat. Her son is doing OT and ST and attending a regular school. Lagi na lang siya walang pera daw. Btw, palipat lipat din siya ng work. Hindi namin alam kung sino pa ba talaga ang may problem. Pag may pera siya, kanya lang. Pag wala nanghihingi siya. Sa edad niya until now nagsisinungaling pa din siya. Feeling namin ginagastusan din niya yung bf niya na hindi na namin nakikita ang anino dahil hindi na pumupunta ng bahay dahil isa din siyang magulo ang buhay at hindi namin alam kung ano na naman ang work. You see, my sister is so lucky but until now, she doesn't recognize it. Pag sinasabihan siya ng ganoon, sasabihin niya hindi siya swerte. Kasi ako daw fave, ako daw magaling etc. late bloomer ako. So yung ibang nagparamdam sakin nung hs, college, or kung sinong malaman niya na bet ako, malalaman na lang namin, jowa niya na o kaya kinakarir niya. She's so full of lies to the point na hindi na namin alam kung ano pang totoo sa sinasabi niya. Lahat ng di magandang nangyari sa kanya isisisi niya sa iba o sa amin, in the first place, actions niya yun eh. She should be blaming herself alone for that. I am only praying lagi na sana magising gising na siya sa katotohanan at reality kasi kawawa naman ang parents ko esp her son. Parang mas anak ko pa ituring yung anak niya kesa sa kanya. Your niece should realize her responsibilities even at that early age. It's a consequence she needs to face because of her own doings. Kasi kayo ang mag suffer niyan. Sa case ng nephew ko, hindi ko masasabing we are suffering. A lot of times i would like to tell my sister to lave our house and leave her son. We don't see my nephew as a burden. Kung tutuusin yung sister ko pa ang mistulang burden sa amin. Lagi nakasandal. Sa oras ng problema kami. Pero pag masaya siya o may mga personal siya interests, wala na siya pakialam, sarili lang niya talaga.

momentum

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #62 on: March 04, 2016, 10:38:58 am »
^ sana nga sis wake up call niya pero hindi ko alam how will she be like as a mother and when she matures. kasi mapipilitan talaga siya now mag mature. sayang talaga siya pero wala na kami magagawa pa.

so sorry to hear about your sister..sana nga magbago na siya. ilang taon na siya now?
ito kasi si pamangkin 16 palang e. kaya mahaba haba pa ang pagdadaanan niya bago pa man siya mag mature. mejo rineready narin namin sarili namin na may possibility na magpaka wala parin siya once the baby is born. pero ang tanong sino mag aalaga naman ng anak niya bago pa man siya makakapag wala. kasi yung 2 siblings niya nagaaral at ewan nalang if papayag yung family friend na nagbabantay sa kanila na mag alaga ng baby kasi she has her own family that she goes home to at may edad narin siya. sa ngayon small business on the side lang sila like sell hotdog outside sa house, bbq etc. mukang hanggang duon nalang muna siya while caring for her baby since hindi pa naman siya makapag work. gaya rin ng sis mo may tendency rin siyang mag sinungaling nuon at make up stories at mag nakaw..so far nung nabuntis na, mejo nagpakatino. pero who knows when the baby is out?  :(

ang hirap talaga nito. minsan pinipilit kong wag isipin ito kasi hindi ako nakakatulog ng maayos tapos may pasok pa ako ng madaling araw. mas lalo pa nag grow ang fears ko para sa anak ko kasi babae din. nakakaparanoid talaga to. kaya panay dasal talaga ako kasi parang kaka worry ko nawawala na faith ko and feeling ko napaka helpless na talaga namin pero anjan naman si God..He has deisgned this path for her, whatever reason ni God I know it is for her own good..

brandi

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #63 on: March 04, 2016, 11:28:48 am »
My sister got pregnant when she's 17 and she's now 27 pero wala pa din nangyayari. Asa pa din. Isip bata. Pag kwento ko nga sa iba, sabi nila, kasalanan din naman daw namin. Kasi kaya siya ganyan dahil pinaramdam namin na naaasahan kami at lagi siya sasaluhin sa lahat ng problema. Given na yun eh. Siyempre kapamilya mo and i dont see anything wrong about that. Pero doon ako nagagalit at sumasama ang loob sa kakapalan ng mukha niya na sasabihin na hindi siya swerte? Gusto ko sabunutan eh. Lahat ng problemang dinala niya tinulungan siya sinupportahan siya pero ganoon ang sasabihin pa din niya after all? May times iniisip ko kaya namin to ginagawa is parang the parable of the prodigail son. Dahil siya ang mas nanngangailangan ng love and guidance. Pero hanggang kelan? Yes nagtatrabaho siya pero parang hindi din dahil wala siya naitutulong sa bahay. Kahit sa anak niya once in a blue moon lang. Pag sasabihin nga niya na ilalabas niya yung anak niya naiirita lang kami dahil kasama niya bf niya. Wala naman masama pero sis, very unusual dahil kahit kelan hindi niya inalabas o pinasyal ng kusa yung anak jiya. Gagamitin pa niyang front para makaalis siya! Come on. Sa dami ng kabalbalan na ginawa niya sa buhay style niya bulok. At ang nakakainis at nakakatawa pa, yung feeling na mukha ba kaming t****? Alam namin nagsisinungaling siya, talagang deny to death pa din siya. Andyan na sa harap niya lahat ng evidences hindi pa din siya aamin. Ang kapal lang talaga sis. Hindi ko nga siya pinagkakakausap eh. Pag nakikita ko siya naaalibadbaran ako. Napaka hangin at yabang. Makahawak lang ng pera akala mo kung sino na siya makapagsalita. Malaki ako makapag bigay sa parents ko, hindi ko anman binoboast yun. Pero siya pabilhin lang ng kunyari half gallon na ice cream, akala mo kung sino na siya umasta. Ewan ko ba hay.

Umpisa pa lang yung sa niece mo. Sana lang yan talaga ang maging eye opener niya. I walways believe na sa lahat ng ginagawa natin laging may 2 choices na nakaready dyan na parang program o flowchart. It's like good and bad, yes or no. Unfortunately, when my sister had the same issue, i think, she's chosen the not so good choice. Kasi kung hindi, things might have been different. Dapat may stable work siya, sinusupport niya anak niya, may time siya sa anak niya. Hindi eh. Parang mauubusan ng lalake, sarili lang iniisip, nakadepend lang ng naka depend, feeling dalaga until now.

momentum

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #64 on: March 04, 2016, 12:13:10 pm »
^ mahirap talaga situation ninyo at ugali ng sis mo..mukang matatagalan pa bago siya magpaka mature. buti nalang kamo hindi nadagdagan yung anak niya..

have you tried talking to your parents na simulan na ninyong paghati hatian ang bills, food budget etc? kasi I am a single mom, living with my mother, but I have always been sharing with the bills, food, etc.. bilang rent lang ang libre ko sa pagstay, yung yaya ko ang pinaglilinis at pinagmamaintain ko ng bahay..in short, hindi ako pabigat at lalong lalo ng hindi rin naman ako papayagan ni mama na maging pabigat sa kanya kasi single mom rin naman siya ever since 6months palang ako. so maybe this could work and force your sis rin to give money. magkaroon kayo ng family meeting, na lahat ng siblings na may work, hati hati sa bayad sa bills, food etc kasi sabihin ninyo kung nasa ibang lugar naman sila or nagrerent, kelangan rin naman nila gumastos for food and lodging,,buti nga kamo yung pagstay sa bahay e wala ng bayad..pero yung mga repairs, wear and tear ng bahay dapat hati hati rin kayo (ganito kami)

at hello, anak niya yun at 27 na siya, grabe naman sis sa pagka asa talaga niya sa parents mo at sayo..she says she is not lucky kasi she has not really realize nor felt how it is to be on her own and fending for her own kid. ako nga eh sobrang swerte ko kasi libre na ako sa rent sa pagstay sa bahay..kahit na part owner lang si mama ng bahay, along with her other 6 siblings.

kelangan talaga sis tough love sa kanya..ang mahirap is kung yung mismong parents mo eh tiklop sa needs niya :( hindi talaga siya matututo to stand on her own. kawawa nga ang bata..hays..

si pamangkin naman, wala ng parents, so wala na siya sasandalan kundi kami and lola niya na nasa US. yung lola niya, syempre ayaw sa kanya, napipilitan nalang talaga isupport..kami naman we give what we can when needed, pare pareho lang kasi kaming single moms ni mama ...

brandi

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #65 on: March 04, 2016, 12:42:49 pm »
^sinasabihan naman siya sis pero dedma parang wala lang. Bumili lang ng konti kala mo andami niya na naibigay. Sinubukan ko din naman na siya kausapin before, pero no effect pa din. Kaya nga sinasabi namin kahit umalis siya, iwan na lang niya anak niya. Mas mahihirapan pa anak niya pag sinama niya. Mapagmalaki eh. Ilan beses na din niya sinabi na aalis siya dito makaipon lang daw siya. Bat hindi pa ngayon. Ginawa pa kaming parang pinagbibigyan lang niya di ba.

argento

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #66 on: March 05, 2016, 02:09:45 am »
mabubuntis uli yan niece mo ts, pagkapanganak. di na magbabago yan.

if it happens to me id kick her out.   

X_03

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #67 on: April 04, 2016, 04:08:11 pm »
hi TS...ang sad ng story mo at nkakagigil ang brother mo...lahat ng actions may consequences talaga.

May naalala lang ako hindi ko alam if makakatulong sa iyo tong information na ito, pero if ever check mo din bahay paanakan siya sa taytay. tapos ang tabi non bahay ampunan. very caring ang mga midwife dito at matouch ka talaga sa ginagawa nila. Hindi ko lang matandaan kung anong women's group yung laging nanganganak don pero halos lahat don sila nanganganak yung sa group na yun/organization inaalagaan sila para maging healthy sila througout their pregnancy then don sila sa bahay paanakan nagdedeliver, given na dapat healthy and no complications ang pregnancy kasi parang lying in siya pero more love talaga. May mga nanganganak don na from the org na di ko maalala tapos dinadala yung baby nila sa bahay ampunan... sad pero yung  mga mom na ganon may point din sila, kesa naman daw mag danas nang hirap yung baby nila mas mabuting ipaampon nalang, kasi yung ibang nasa org. eh mga narape kaya ayun... eto website http://www.helpintl.org/shiphrah.html

momentum

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #68 on: April 04, 2016, 05:01:41 pm »
^ thanks sis will check that out.

Sa ngayon when we think about it, nakakaawa na ilagay siya sa women's home kasi wala na nga siyang parents, pati ba naman siblings niya mawawala pa sa kanya. Dito nga samin mejo hirap sila imbitahan kasi nabobored daw sila dito, sa malayo pa kaya and with people she doesn't even know.. While pregnant at ineskapo ng bf

She will give birth naman na this May.

Will see how will she cope up when she gives birth. We offered dito muna siya mag stay samin when the baby is out para gabayan and turuan siya on how to take care of a baby.. And para ma-ease ang post part depression. Then kapag gamay niya na, pwede na siya umuwi with her siblings. Kung ayaw niya dito then kami nalang pupunta punta duon, altho it will be harder for her and for us.

We're hoping na ito ang magtutulak sa kanya to be a responsible person and to straighten out her life. If it doesn't and she still goes back to her old ways, then we'll cross the bridge when we get there...

X_03

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #69 on: April 04, 2016, 05:30:43 pm »
sa bagay sis TS tama yung sinabi mo, since pregy din ako ngayon naiintindihan ko at talagang mas mainam na mapalibutan ka ng family mo who genuinely loves and cares for you. I think makakatulong sa niece mo ang true friends, sana makahanap siya non. sabi nga ng Bible "Do not be misled. Bad associations spoil useful habits." 1 Co 15:33. Isama ko kayo sa prayers ko. :) stay strong sis TS!

momentum

  • Guest
Re: Need help with my delinquent niece
« Reply #70 on: April 04, 2016, 05:47:13 pm »
^thank you sis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close