Hello mga sissies! This topic is really helpful for TTC's like me. Kaya salamat sa mga sissies who've shared their inspiring stories. Kasi I too look out for success stories. Nakakalakas ng loob.
Married ako since 2014, diagnosed with PCOS. Sabi madali lang daw yun but I'm not as lucky sa iba. Tons of meds na nainom ko, clomiphene, duphaston, diane 35, femara, progynova. Sabi i don't respond to oral meds so nag-injectables ako, sadly failed pa din. Minsan naconfront ko na si God, nakakatampo na po kayo Lord, kasi pangarap ko maging mommy. Pero siguro isa ito sa way para marealize ko na magtiwala sa kanya. Impatient kasi ako e. Eto talaga yung pinakamahirap kong personal struggle. Kasi the thing about not having a baby is you don't get out of it, people remind you, question you. Hindi nman yun maiisip ko n lang na ayaw ko na magka-baby kasi gustong gusto ko. Dumating din sa point na naiiyak ako pag may nakikilala kong mga nabubuntis, masakit. Tapos yung katawan ko, nilalaro ako, may time 1 month ako nadelay, kala ko yun na, pero hindi pala. Never pa ko nadelay ng ganon e. Anway, nakarest ako ngayon sa meds.
May devotion ako kay St. Gerald, Padre Pio, St. Claire, Perpetual Help. Nagpunta na rin kami Obando and Manaoag, Quiapo. Although mahirap yung journey hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi rin ako nagsasawang magdasal. Pero may maturity na ang prayer ko, sabi ko kay Lord, gawin n lang ako healthy. Kung bigay nia si baby, maraming salamat. Kung hindi, tulungan n lang niya kaming tanggapin yung will nia. Napakalaking bagay na may support na nababasa na possible ang success stories. Kasama sa nightly prayers ko lahat ng mga TTC na kagaya ko. God bless mga sissies.