Author Topic: Most hurtful word he/she said Thread 3  (Read 24630 times)

highness127

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #60 on: June 30, 2016, 03:22:55 pm »
Si God na bahala sa kanila sis, basta ikaw go on lang kahit mejo mahirap, as long as wala ka namang tinatapakang tao :)

ai_eeze

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #61 on: August 03, 2016, 05:29:29 pm »
"I was never happy with you. you are just buying my happiness..."

grabe naman to. ang sakit nito.

ako naman, sa dami ng masasakit na salitang binibitiwan nya everytime nag-aaway kami, pilit ko na lang kinakalimutan. ayoko na lang din alalahanin. mga hayop na lalaki yan.

basta ang alam kong pinakamasakit na sinabi ko sa kanya: "hindi umiikot sa 'yo ang mundo ko".

kasi dati oo, umiikot sa kanya ang mundo ko pero napakarami nyang ginawang masasakit na i told myself that i have to love myself more than i love him. ibubuhos ko na lang lahat ng pagmamahal ko sa anak ko. ang matitira sa akin na lang. wala na sa kanya. ngayon nga tinatanong ko sarili ko, "mahal ko pa ba sya?" at ang sagot ko, parang hindi na.

DalagangPinay

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #62 on: August 08, 2016, 03:43:43 am »
ewan ko kung maiinsulto ako o matatawa sa sinabi niya sa akin:

guy: natatakot ako..
me: bakit naman?
guy: masyado ka kasing maganda para sa akin...
me: ha? what do you mean ???
guy: ah wala yun hehe...


Minsan di ko magets ang mga lalake...

Shadow Angel

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #63 on: August 08, 2016, 04:22:09 am »
Ang sasakit nga ng mga words na sinasabi ng mga taong mahal nyo. Kakasad naman, sana hindi mangyari sa amin ito. Wala pa ako maisip na sobrang sakit na nasabi ng asawa ko sa akin.

super bratinella

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #64 on: September 23, 2016, 05:12:25 am »
Akin na langgasin na natin ang tahi mo (CS operation)!

sinasabi pa lang niya nag tatago na ako..

LABYU

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #65 on: November 30, 2016, 01:43:01 am »
Sabi niya sa akin Pangit ka . yan na yung pinaka masakit ko narinig sa tanang buhay ko. After 10 years nagkita kaming di sinasadya, mas pangit pa pala siya sa akin na. Karma talaga oh :P

kittyinpink

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #66 on: January 13, 2017, 07:21:02 pm »
Sobrang dami na... And we're still together. Now I'm having second thoughts if I still want him to be part of my life...  :'(

easytwinkle08

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #67 on: January 15, 2017, 05:06:17 pm »
"DEMONYO lang ang gumagawa niyan"  :(

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #68 on: April 17, 2017, 10:00:51 am »
Last month lang.
May "close" friend kasi siyang girl na di niya maiwas iwasan.
he keeps on texting her at nagawa niya kong tiisin for 1 week samantalang yung girl pinuntahan pa niya.

Me: bakit ba hindi mo siya maiwasan ha?!
Him: Kasi guilty parin ako sa mga sinabi mo sa kanya!
Me: so, sakin hindi ka guilty? Okay na siya diba? ako yung umiiyak palagi! siya, masaya na siya!
Him: Kasi hindi niya deserve yun!
Me: So, ako deserve ko to?!

(Pang telenovela hahaha)

Isa pa ..

Me: wag mo ko iyakan, di pa ko patay.
Him: tagal naman.
Me: wow, di ko akalaing sasabihin mo yan.

bwiseeet xD

triciaaamaldita

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #69 on: July 02, 2017, 07:00:50 am »
"Kung hindi lang kita mahal pati ang pamilya mo, matagal na kitang iniwan sa sobrang sama ng ugali mo!"

And that left me speechless.....

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #70 on: July 02, 2017, 03:11:24 pm »
Minsan yung mga lalake, minsan lang magsalita, pero tagos hanggang buto. That's why we should be mindful of our words, too. Guilty din ako dyan hehe.

LisaSupe

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #71 on: July 24, 2017, 09:36:08 pm »
"you are useless! Pabigat ka lang sa pamilyang ito!"  -sakit ito diba?  Parang sana mamatay ka nalang

Bridgette*

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #72 on: October 18, 2018, 04:34:16 pm »
"This is the last time that you will hear from me. Tapos na tayo *insert my name*. I can't do this anymore."

Metacarpal

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #73 on: October 19, 2018, 08:24:38 pm »
"Babae ka lang. Kayang kaya kitang palitan."
"Wala kang kwenta".

"Aalisin na kita sa buhay ko. L*ch* ka, b*tch."
-this after nya ako inaccuse na nilalandi ko daw ang kabarkada nya na nakilala ko lang for the first time at nakausap ko lang tungkol sa trabaho

"Eh di umalis ka. Di ka naman kawalan. At di ko rin hahanap-hanapin yang pagmamahal mo na yan."
- this when I said I want to give up na dahil di ko na kaya yung emotional pain.


P.S. One year na kami nito at hanggang ngayon kami padin. :( at hanggang ngayon ganyan padin sya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #74 on: October 21, 2018, 08:17:44 am »
^hanggang kelan ka papayag na ginaganyan ka nya? 1yr pa lang ganyan na sya mas lala pa yan pagtagal. Pumapayag ka sa verbal abuse kaya ganyan sya sayo.

TomHansen

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #75 on: October 21, 2018, 08:49:06 am »
^^ sobra naman yang bf mo. Wala nang pag-asang magbago yan sis sana hiwalayan mo na bago magpasko para you can also use the season para magmove on. One year pa lang kayo ganyan na siya susunod may halong physical sakitan na yan. Obvious naman ikaw lang ang nagmamahal sa relasyon niyo at gaya ng sinabi niya kayang kaya ka niyang palitan so why stay dun din naman mapupunta yun. Iwan mo na yan sis utang na loob.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #76 on: October 21, 2018, 10:24:24 am »
You know what to do sis lalo na kung nasasaktan ka na pala sa mga sinasabi niya. Ganyan siya sayo kasi hinahayaan mo siya. After ng verbal abuse at emotional abuse, physical abuse na susunod dyan. Love yourself para matutunan ka din mahalin at irespeto.

three8one

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #77 on: October 21, 2018, 02:01:48 pm »
try mo din I assess yung sarili mo girl, baka kaya nakakapagbitaw ng mga ganyan salita yung bf mo dahil may pinagmumulan, may pinaghuhugutan. hindi ako naniniwala na tatagal kayo ng 1 year kung walang masayang moments sa relasyon nyo. kung iniisip ng iba na dapat mag bago si bf siguro dapat may baguhin ka rin sa sarili mo. ngayon sa kabila ng lahat ng adjustment na ginawa mo at ganun pa din si bf, yun yung time na kailangan mo na siguro pagisipan na makipag hiwalay sa kanya.

saqqara

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #78 on: October 23, 2018, 01:02:14 am »
 This will always haunt me forever  :'(  :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'(  (My ex bf- (father of my son) told the other girl while the other girl told me, Na hindi daw niya ako love talaga in the first place and napilitan lang siya  kasi yung parents daw niya may gusto sa akin    ??? ???   teka WAIT uhmmmm SINO KAYA ANG nagmama ka awa sa pinsan niya na kausapin ko siya ?  (cousin kasi siya sa then bf ng friend ko)   Okay sana kahit sabihin na fall out of love pero sabihin na napilitan siya at never niya akong na love and he regretted knowing me? OUCH SOBRA parang may 18 tonne truck na nahulog  :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'(

iamfoursixnine

  • Guest
Re: Most hurtful word he/she said Thread 3
« Reply #79 on: October 30, 2018, 01:04:38 am »
?Sige maghiwalay na nga tayo, ibibigay ko na gusto mo basta wag mo nalang kami guguluhin at hayaan mo nako bumalik sa kanya.?

?this is coming from a cheating husband na binibigyan ko ng condition na wag na sya bumalik sa babae nya para d ko sila makasuhan ng concubinage. Ok lang sa kanya makulong at maghiwalay kami basta makabalik lang sya sa babae nya. Ang b*b* lang talaga..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close