watch now

Author Topic: Induction of Labor  (Read 37059 times)

erza0916

  • Guest
Induction of Labor
« on: March 11, 2015, 01:27:04 pm »
To induce or not? Hello moms.. I'm 2 days overdue na and I'm wondering kung magpapainduce ba ako or not. Plano ko talaga hintayin hanggang 41weeks bago magdecide pero gusto ko narin magkaron ng idea about this.

To induce ibig sabihin may itturok na drugs or may gagawing procedure sakin para mapaanak ako. safe and normal naman yun..

Not to induce meaning hayaan ko ang katawan ko at si baby magdecide naturally kung kailan lalabas. No drugs, no stress.. yung bang wag pilitin kung ayaw.

Syempre lahat may risks. Assuming na normal lahat ng fluid levels ni baby. It's a tie sila.. so ano po bang maganda? Share naman ng experiences nyo s induced and not induced pero overdue labor. Thank you!:)

eilegna

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #1 on: March 11, 2015, 01:42:26 pm »
Consult your OB sis..

Sakin kasi, 5 days overdue na si baby nung lumabas..
Normal.. No induction done.

Pero pag nasobrahan naman kasi, baka makakain na si baby ng toxins.

rollinn21

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #2 on: March 11, 2015, 01:49:43 pm »
Hi sis erza0916,

Ilang weeks ka na ba? Ako nga 38 weeks 5 days pa lang naiinip na ako eh. Natatakot din ako ma overdue kasi diba what if makakain ng poop si baby. Todo lakad naman ako. Naka maternity leave nako since Monday of this week. Paano ba pababain pa si baby? Madami kasing nagsasabing matatanda sa akin na mataas pa ang tiyan ko. Nagwoworry tuloy ako. Balitaan mo ako kung anong sasabihin ng OB mo ha! God bless us!

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #3 on: March 11, 2015, 03:38:17 pm »
Hi sis erza0916,

Ilang weeks ka na ba? Ako nga 38 weeks 5 days pa lang naiinip na ako eh. Natatakot din ako ma overdue kasi diba what if makakain ng poop si baby. Todo lakad naman ako. Naka maternity leave nako since Monday of this week. Paano ba pababain pa si baby? Madami kasing nagsasabing matatanda sa akin na mataas pa ang tiyan ko. Nagwoworry tuloy ako. Balitaan mo ako kung anong sasabihin ng OB mo ha! God bless us!

My OB tore my membrane on the 36th week. IE sya na sobrang sakit, then dumugo. This is to kind of induce labor daw. Some says na after that procedure in less than a week nag labor na sila. Pero sakin, umabot pa ng 37 weeks. Nagmadali na kasi kami ni OB, kasi nakita sa 35th week ultrasound na may double cord si baby and medyo delikado diba. Nakakatakot. Pero I still ended up being induced. Kasi one day, hindi ko naramdaman ang kicks ni baby the whole morning. Tapos pumunta nako sa hospital. Nung chineck, okay naman pala movements (ewan ko bat di ko maramdaman) and heartbeat. Pero nung in-IE ako, 3 cm dilated na daw so sabi ni OB i admit na lang. Tapos ininduce na lang si baby. Sobrang sakit talaga. Buti na nga lang parang 2 hours lang yung masakit na pag labor ko.

For a few weeks, alam mo yung last few weeks, yan yung pinakamahirap para sakin kasi sobrang sobrang excited ka na makita nag baby mo na halos hilahin mo na ang mga araw. Lagi ko napapaniginipan na nag le-labor na daw ako, ganyan. Lagi ko ini-imagine kung pano ako magle-labor. Ano mauuna, blood ba, water, o cramps. Tapos all those were spoiled dahil ininduce ako! hahaha pero okay lang I was so excited naman na manganak na. :D

erza0916

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #4 on: March 11, 2015, 04:27:39 pm »
@rollinn21 40w2d na ako..ginagawa ko na lahat ng pwedeng gawin except sex (wala si hubs) ayaw parin nya lumabas.. sinabi naman sakin na mababa na sya pero hindi pa engaged meaning hindi pa sya napasok sa pelvis ko.. wala tayong magagawa kung ayaw pa ni baby. Matagal ka pa naman sabi nga nila hanggang 42weeks pa..ibayong pagiingat lang and close monitoring pag lagpas ng 40weeks dahil baka mag poop na si baby

@Queen Chokolah bakit parang ang aga mo naman strip yung membranes? 36weeks edi kaka full term lang ni baby? Hindi ko naisip yung stripping, almost natural inducing din yun diba since walang drugs na involved. Safe ba yun? Nung snearch ko nabasa ko within 3 days after stripping eh naglabor na..yung iba within the day pa..

FayeP

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #5 on: March 11, 2015, 09:28:00 pm »
sis ezra, ano sabi ng Dr mo ulit? kelan ka daw induce? at ano daw ba risk sayo?


sa panganay ko kasi I was induced for two days kasi a day before my due date, pumutok panubigan ko but I am not feeling any pain at di pa dilated un cervix ko....

so inadmit ako and on the first day ko dun, every 4 hours, naglalagay sila ng oxytocin sa IV bottle ko para maglabor na ko, pero wala talaga ako pain na nararamdaman.  Sabi nga ng OB ko dati baka daw mataas talaga pain tolerance ko kasi every 4 hours lagay ng gamot, eh deadma lang sakin...

2nd day ko dun, wala pa din di pa din masakit at di pa din dilated ang cervix, so dapat by 3PM i-CS na ko...so mga about tanghali tinest ako if may allergy sa gamot, un may tinurok sa braso tapos binilugan? ayun...pero nagdilate ng konti, without pain pa din for me, un cervix ko by 2PM...so di na lang CS..  Ang ginawa, every hour, dagdag ng shots ng Oxytocin sa swero ko...so every hour, add sila ng add ng gamot, naging successful naman sila, kasi by 8PM sumakit na tyan ko. So they moved me to the delivery room, pero the moment na tinanggal nila un swero, nawala na ulit pain.  So inire ko ng inire un anak ko ng walang pain at all for me kaya di ko ma-timing-an kun kelan ko iire para mailabas cya, by 8:43PM nanganak na din ako. The Dr had to push the baby out mejo hard para tulungan ako ilabas cya.

erza0916

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #6 on: March 11, 2015, 11:02:51 pm »
@FayeP hindi ko pa nakakausap si OB bukas pa appointment ko sa kanya.. last weekd 39w2d na nakita ko sya napagusapan namin and sabi nya hintayin daw namin pag 41weeks then saka namin ttingnan ang options pero depende daw sakin kung gusto ko na mag pa induce (for social reasons like dahil gusto ko lang or may relatives na dadating etc). So far wala daw syang nakikitang reason para madaliin dahil normal lahat. Bukas malalaman natin kung normal parin ang levels ni baby and safe parin mag hintay.

Hindi rin kaya dahil sa Oxytocin kaya tumaas ang pain tolerance mo sis? Karamihan sa induced labor stories na nalalaman ko nageending or almost nageending sa CS.. hindi ba effective yung induction?
« Last Edit: March 11, 2015, 11:08:59 pm by erza0916 »

FayeP

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #7 on: March 12, 2015, 04:26:13 am »
hmmm depende din ata sis...sa katawan talaga ng tao...un isang kakilala ko din umabot cya ng 41 weeks ng di sumasakit tyan...emergency CS kasi nakakain na daw ng poop un baby...mas mahirap pag ganun ang nangyari.....



Queen Chokolah

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #8 on: March 12, 2015, 09:17:24 am »

@Queen Chokolah bakit parang ang aga mo naman strip yung membranes? 36weeks edi kaka full term lang ni baby? Hindi ko naisip yung stripping, almost natural inducing din yun diba since walang drugs na involved. Safe ba yun? Nung snearch ko nabasa ko within 3 days after stripping eh naglabor na..yung iba within the day pa..

me double cord coil kasi sya sis. Tight pa. Medyo delikado baka masakal sa loob. So sabi ni OB, papa full term lang daw and palalakihin ng onti, tapos start na kami "naturally" inducing the labor, which is yun nga yung stripping of membranes. Nasa tamang weight naman sya although on the lower side. He was only 2.3 kg nung lumabas. Pero mabilis din lumaki :) Safe naman sis, wala naman gagawin dun pupunitin lang yung membrane. Pero sobrang nasaktan talaga ko. Hanggang ngayon pag naaalala ko ang sakit haha. Tapos niresetahan ako ng evening primrose ata yun. pinapasok sya sa vagina. Pampalambot ng cervix. Nabasa ko, yung iba nag gaganun kahit hindi naman nagmamadali manganak kasi nakakatulong daw sya apparently para madaling lumabas ang baby and they were claiming, na mas maliit yung naging punit sa vagina nila (sorry ha, wala kong ibang maisip na term).

gwyne21

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #9 on: March 12, 2015, 09:44:54 am »
Hi sis erza. I gave birth last year by induction. Saktong 40th week ako ininduce. We decided to go for induction dahil medyo malaki na size ni baby based on ultrasound (about 8 lbs) and natakot ako na baka mag-poopoo na siya sa loob. Yung younger brother ko kasi ganun nangyari, 4 days overdue si Mama and nakakain na pala brother ko ng meconium that time.
 

Ms.Mafi

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #10 on: March 12, 2015, 09:57:50 am »
Hi sis, i gave birth excatly 40 weeks, pero nagkataon kasi na mababa na amniotic fluid ko (oligohydramnios) kaya kailangan na ako i-induce. Pero kung ako papipiliin mas gusto ko hintayin nalang kung kelan talaga gusto lumabas ni baby :)

Isang patient ng ka kilala kong OB eh 42 weeks. NSD no induction. Normal naman si baby.

Pero nasa saiyo padin yan sis. :) consult you OB din :)

erza0916

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #11 on: March 12, 2015, 10:04:57 am »
Thanks everyone! Meron talagang maagang nagppoop na baby ano? So hopefully hindi excited magpoop si baby para mahintay pa namin na lumabas sya naturally.. do you think may ways para maiwasang magpoop sya sa loob or may signs ba na magppoop sya or nagpoop na? (Dami kong nasabing poop.haha) iba iba talaga ang babies natin, may 4days pa lang post due nag poop na and meron din namang umabot ng 42weeks. Is it also because of our diet? Like the food we eat na nattransfer kay baby? Like kung high fiber diet tayo eh high fiber narin si baby?

katrinac

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #12 on: March 18, 2015, 03:30:55 am »
Hello sis :)
Ako induced labor ako, dami tinurok sakin na gamot. Pero na emergency CS din ako. hindi nag progress yung labor. Buti hindi nag poop si baby sa loob ng tummy ko.

erza0916 - yes sis you're right. may babies na maaga mag poop sa loob, pero parang wala atang way na malaman.  (not 100%sure)

abbmg

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #13 on: March 18, 2015, 04:51:05 am »
sis erza- parang may nabasa ako na kapag may kulay green or yellow ang discharge mo sign daw nagpoop na si baby sa loob. di ko lang maalala sang website yun. kamusta ka na?

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #14 on: March 18, 2015, 09:14:35 am »
sis erza- parang may nabasa ako na kapag may kulay green or yellow ang discharge mo sign daw nagpoop na si baby sa loob. di ko lang maalala sang website yun. kamusta ka na?

yup sign po yun

rollinn21

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #15 on: March 18, 2015, 04:34:33 pm »
Hope sis Ezra has given birth na. Ako waiting game pa din  :-\. Kinakabahan ako ma induce parang mas matindi pa yun sa painless.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Induction of Labor
« Reply #16 on: March 19, 2015, 08:59:23 am »
^mas masakit nga ang labor ng induce sis kesa sa normal. I was induced and nagpa painless din ako after a while :) buti naging okay ang lahat. di pa dapat ako papayagn sa epid kasi 3cm pa lang ata nun (or 5?), hindi umuusad, baka pag nagpa epid ako mag stop lalo at ma emergency CS ako. pero di ko na talaga kaya sabi ko bahala na. buti after the epid bumilis ang pagbaba ni baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close