watch now

Author Topic: How do you deal with masasamang tao?  (Read 2577 times)

purpleice

  • Guest
How do you deal with masasamang tao?
« on: March 06, 2015, 01:41:33 pm »
Hello, sisses! Ask ko lang, paano ba i-handle ang masasamang tao? Here's my situation kasi. We live in a squatter's area. Mahirap lang talaga kasi kami, tapos yung parents ko instead of buying a decent house in a decent place, mas inuna na paglaanan yung pampa-aral samin. Kaya naman lahat ng perang naiipon, naka-allocate na for matriculation and basic needs. Proud ako sa parents ko lalo na sa nanay ko na masinop sa pera. Tatlo kaming magkakapatid at napag-aaral kami sa private schools lahat kahit pa sa slums lang kami nakatira.

Kaso, ang hirap talaga manirahan sa ganitong lugar. My parents taught us well. Kahit mahirap kami, lagi kaming sinasabihan na wag tutularan ang mga nasa paligid namin. Wag magnanakaw, mananakit ng kapwa, lalabag sa batas, etc. Dahil nga sa environment namin, di na nakakagulat na mga snatchers at drug addicts talaga mga kapitbahay.

Ang hirap kasi kahit anong pakisama sa mga ganitong tao, masasama talaga sila. Nandiyan na nagnanakaw sila ng tubig o kaya naman mang-jujumper ng kuryente. May karinderya din kami, tapos kanina nga lang may kilalang snatcher at adik dito na kumain samin tapos di na nga nagbayad tinangay pa yung plato at kubyertos. Ang sama ng loob ng nanay ko dahilbukod sa perang puhunan, gumigising siya ng maaga para lang magluto tapos ganoon lang gagawin samin? Ang hirap. Nakakasama ng loob. :( Tapos pag siningil mo sila pa siga. Naroon din ang factor na matatakot ka maningil dahil baka pag ginalit mo eh abangan ka na lang sa kanto at saksakin ka o holdapin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsisikap naman ako na maghanap ng tainong pagkakakakitaan, mag-ipon, mag-invest para makaalis kami sa lugar na to. Pinagdadasal ko palagi na sana talaga lagi kaming po-protektahan ng Diyos sa masasamang tao sa paligid namin. Dahil na rin sa ganitong environment ako lumaki, matindi ang trust issues ko. hirap ako makipag-kaibigan at magtiwala. Pakiramdam ko laging may masamang motibo o gagamitin lang ako ng ibang tao kaya hindi ako dapat nagtitiwala.

Haay :( Baka may advice po kayo. pasensya na sa mahabang post  :'(




17glut

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #1 on: March 06, 2015, 02:25:57 pm »
Dapat pumapalag din kayo paminsan minsan, yung tipong prangkahin na lang pero since mga halang ang bituka ang pinag uusapan dito walang ibang choice kundi lumipat na lang talaga kayo ng lugar. Ang mga ganyang klaseng tao ang hindi marunong umintindi dahil lugmok na sa bisyo. Nakataya din ang safety nyo, anytime tataluhin kayo ng mga yan.

desiderata

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #2 on: March 10, 2015, 11:54:28 pm »
SINABI mo na yung kasagutan sa problema'ng hinaharap niyo ngayon: MAG-IPON para MAKA-ALIS na kayo sa "delikadong" lugar na 'yan. Gawin mo lahat - yan lang at wala na'ng iba dahil sa tingin ko hindi niyo na mabago ang mga kapitbahay niyo; ang sitwasyon sa lugar na 'yan buhay niyo pa man iaalay ninyo.

Wala naman siguro'ng masama'ng mangyari sa inyo kung hindi niyo sila papatulan. Pero, hanggang saan niyo titiisin ang ganyang klase'ng mga nakakasuklam na pangyayari? Kaya niyo ba hanggang mga limang taon pa? Sampu? Dalawa? Isa?  Kung ano'ng kaya niyong tiisin, yun lang. Pero matuto di'ng magpasya kung kinakailangan, lalo na't "kaligtasan" na ang nakasalalay, liban sa may epekto na sa 'yong pananaw ukol sa pagtitiwala.

Gaya ng sinabi ni 17glut sa taas, mga halang ang mga bituka ng mga iyan, kaya wala kayo'ng laban kung prinsipyo lang ang inyong puhunan, dahil hindi naman ito ang kanilang lingwahe.

Tama yan, dasal lang palagi at sabayan ng pag-iingat.

Huwag niyo'ng sabihin kahit sino na lilipat kayo at baka pagnakawan kayo talaga at kunin yung pera'ng inipon niyo.

Yun lang, purpleice. Ingat ka.



« Last Edit: March 11, 2015, 12:00:17 am by desiderata »

mebpa

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #3 on: March 11, 2015, 08:41:31 am »
proud den ako sa parents mo. but nakakatakot yun sa story mo is yung mga adik. wala kasing sinisino mga yan kahit kamag-anak pa. mahirap den kase patulan yun mga people na nothing to lose. marami den kase mga tao na holding grudges na kahit ikaw yun tama or konting bagay lang naman masyado na magtanim and OA yun ganti nila. if your parents can't find medyo mura na appartment sa medyo tahimik na lugar, no choice ka nalang muna. but, wag nyo patulan yun mga ganyan tao kayo den kase talo. iwas nalang sa kanila if kaya. sana pagdating ng panahon maging okay kayo ng family mo.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #4 on: March 11, 2015, 12:01:45 pm »
Nakapagtapos ka na ba sis? If yes, do your best para maialis sila dyan. Mag housing loan ka sa Pag IBIG, kahit yung mga rent to own. Kasi aminin natin, mahirap talaga tumira sa ganyang lugar. Kahit anong gawin mo, hindi mo mababago ang mga ugali ng mga kapitbahay nyo. Hindi nyo naman kelangan lumipat sa malaking bahay sa mga mamahaling village. Simpleng bahay sa "normal" na subdivision okay na yun. I really admire your parents kasi alam talaga nila kung ano ang importante. Iginagapang kayo makapag aral lang.

purpleice

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #5 on: March 12, 2015, 10:07:22 pm »
Salamat po sa mga nagreply sa post ko. Kaka-graduate at pasa ko lang po sa board exam this year. Naghahanap pa po ako ng work saka sidelines na rin. Tapos research pa ng ibang mga paraan to increase cashflow. Grabe kasi minsan di ako makatulog pag naririnig ko yung mga adik sa labas na high na high. Sobrang takot na ako para sa safety ng pamilya ko. Baka mamaya niyan maisipan na lang nilang manloob ng bahay at patayin kami dahil wala sila sa tamang pag-iisip. Sobrang hirap manirahan dito. Noong nag-aaral ako ang hirap magbasa, magmemorize kasi ang iingay ng mga bata tapos maya't maya may riot. Pag sinumbong mo mga bata sa magulang sila pa galit. Nakakasuka ang ugali ng mga tao. Sana talaga, one of these days, makaipon na ako ng sapat para makalipat kami at kayanin kong masuportahan ang buong pamilya namin.

quinone

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #6 on: March 14, 2015, 11:05:58 pm »
are you a prayerful person? do not ONLY pray na makaalis kayo diyan, huwag mo rin kalimutan tanungin ang Diyos what he is calling you for. seek Gods will. baka hindi lang ang pag-ahon ng family ninyo ang essence ng buhay mo. huwag mo solohin ang pag-ahon ng life family ninyo, dapat buong family yaan ang gusto at hindi ikaw lang.

pray for them also, yung mga masasamang tao diyan kasi God loves them too and they will continue to live bad lives if nobody prays for them.

j.adore

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #7 on: March 15, 2015, 12:51:42 am »
Anong course mo? Baka pwede kita tulungan makahanap ng work.

Nagtagal kayo diyan ng walang nangyayari sa inyo kaya mukhang ok naman ang pakikitungo niyo sa mga kapitbahay niyong masasamang tao.

Siguro, ituloy niyo lang ang pagtitiis hanggang sa makaipon kayo para makalipat sa ibang lugar. Do not engage in any confrontation, ni magsumbong sa pulis para maiwasan na gantihan kayo. Pag nasa labas sila, manatili lang kayo sa loob ng bahay. I'm assuming alam niyo yung mga oras na ganyan sila? O wala bang pinipiling oras..

Tama yung suggestion, wag niyo ipaalam kahit kanino na aalis kayo. Ang mga pera/ipon, siguraduhing nasa banko lagi. Yung sama ng loob, isipin niyo na lang, may maganda kayong kinabukasan basta tuloy-tuloy lang ang pagtitipid at pagpursige niyo sa buhay.

About your trust issues, one day, God will give you someone to help you out. Trust. Believe!

gwyne21

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #8 on: March 19, 2015, 03:35:05 pm »
Once na may work ka na sis, strive to save tapos lipat kayo ng lugar. Meron namang mga simpleng apartments sa mid-class areas. Same with what others mention, continue praying for your family's safety and strive talaga na makalipat as early as possible.

purpleice

  • Guest
Re: How do you deal with masasamang tao?
« Reply #9 on: March 26, 2015, 08:49:55 pm »
Thank you po sa lahat ng nagreply. I have a good job right now. bago pa nga lang kaya tiyagaan palang sa pag iipon. Nursing graduate po ako (malayo ang asenso, I know) pero gusto ko po kasi sana magdoktor (hindi maging nurse) kaya ko po kinuha to. okay lang naman kasi may iba pa po akong skills na puede kong pagka kitaan kahit nag aantay pa ako matanggap sa ospital. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close