Author Topic: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?  (Read 9244 times)

miiilovestravis

  • Guest
Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« on: February 28, 2015, 01:37:52 am »
Hi mga Sis! Kayo friends ba kayo ng mga or ng Ex ni Hubby?

Ako kasi ewan ko ba. Ugali kong kaibiganin mga ex ni hubby bukod sa yung iba eh kakilala ko talaga. Dumating sa point na yung isang Ex nya tinulungan ko pa maghanap ng work. Yung isa naman friend ko na din tapos may ngasabi lang sa akin na mukhang addict bf nia (nakaka-offend nga naman) tapos na kwento ko sa knya ng di sinasadya ayun medyo nagtampo. Nageffort pa ko para maging ok kami. Kalurks! Normal ba itooooo?!

Pero yung isa nyang ex na schoolmate ko ng HS na pasimuno sa mga tsismis about sa akin yun talaga, NEVER ko naging friend.  8)
« Last Edit: February 28, 2015, 03:07:13 am by miiilovestravis »

momxfive

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #1 on: March 01, 2015, 12:55:33 am »
I don't know why, but yes. Hindi naman friends talaga, pag nagkikita kami usually "hi/hello" lang.

But may ex si hubby na friend ko kasi same school yung daughters namin since pre-school, lagi kaming nagkikita pag may event sa school or pag nagsusundo kami ng sabay. Funny lang kasi nagbibiruan yung daughters namin na sisters pala sana sila :D Close din sya sa buong family ni hubby since she was his first girlfriend, pag may occasions sa bahay lagi syang invited. Kahit minsan ayaw ko, no choice naman ako hehe.

erza0916

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #2 on: March 01, 2015, 04:50:38 am »
^grabe ang awkward naman nun hahaha your kids joke about being sisters tapos madalas pa nasa family parties yung first love ng husband mo. Wala naman dapat ika galit kasi you're all mature naman pero from someone else's POV (like mine) ang awkward lang hehe..

I'm not friends with any of my hubby's exes. Walang point maging friends sa kanila and wala naman akong chance makita sila so ok lang. Hehe

j.adore

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #3 on: March 01, 2015, 08:11:11 am »
FB friends hehe. She added me after having met at their barkada get together. I no longer initiate any comments likes etc since after parang nag da moves siya kay husband.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #4 on: March 01, 2015, 01:11:03 pm »
Yuck no haha

momxfive

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #5 on: March 01, 2015, 01:46:35 pm »
^grabe ang awkward naman nun hahaha your kids joke about being sisters tapos madalas pa nasa family parties yung first love ng husband mo. Wala naman dapat ika galit kasi you're all mature naman pero from someone else's POV (like mine) ang awkward lang hehe..

Yes awkward din for me at first but eventually naging okay na din hehe. Buti nalang din may kusa yung ex ni hubby kasi minsan hindi na sila umaattend. Pero pag Christmas hindi nawawalan ng gift yung ex from hubby's parents. Feeling ko nasasayang-an sila na ako napang-asawa ni hubby, not the ex :D

pinklilac

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #6 on: March 01, 2015, 01:52:43 pm »
Friends kame ng ex wife ng husband ko. Nag attend pa nga ng wedding namin. Naging mas madali siguro dahil foreigner si ex..

Angelite

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #7 on: March 01, 2015, 05:09:04 pm »
Never met any of his ex-gfs. If ever okay lang sa akin to be friends. Ako na ngayon, past na sya. For as long as it stays that way then no issue for me to be friends.

sachism

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #8 on: March 02, 2015, 11:06:47 pm »
It depends on our personality. For me, no. Aside from No Chance and interaction. It just feels awkward.

juwie

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #9 on: March 05, 2015, 12:26:18 pm »
Friend ko sya before pero nung naging kami na, ex-friend na haha. Di nya matanggap na kami na eh. FB friends kami and FB friend ko rin yung gf ng ex-bf ko. Weird. pati ex ko FB friend ko. Saya pala. :)

princessrio

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #10 on: March 05, 2015, 01:46:05 pm »
Eh yung hubby ko at mga ex nya, hindi sila friends..so malamang hindi rin kami friends nung mga ex nya haha..

Saka kung friends man sila ni hubby, i will not befriend them. Dami ko na friends e.

clueless_bride

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #11 on: March 10, 2015, 03:35:00 pm »
No! walang rason para i-friend ko sila at ayoko din naman. ano naman pag uusapan naman? compare notes about hubby na ex nia? haha

jieunae

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #12 on: March 10, 2015, 04:58:21 pm »
I think possible naman maging friends kng:
1. Sobrang tagal na naging sila ni hubby e.g. highschool
2. Kung hindi kayo ang magkasunod sa pila ng mga ex's ni hubby
3. If wala naman bad encounter with each other e.g. kung may agawan/sulutan na nangyari between you and the ex

In my case, meron talaga ibang ex's na never ko magiging friend nor kahit pakilala o kausap man lang.Awkward.Mafefeel mo din naman sa sarili mo kahit ex ni hubby e good or bad vibes.Pero hindi din ako magkukusa na kaibiganin sila.Hihingiin na lang yun ng pagkakataon kung sakali.

rannastillero

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #13 on: March 11, 2015, 02:54:15 pm »
Di ako makarelate dito, first GF kc ako ni hubby ahahhaah ;)

iloveshimmer

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #14 on: March 11, 2015, 02:58:34 pm »
^^nako sis, di pa sawa sa babae pag ganyang first gf ka hahahahaha!!!
Ganyan kasi yung sa bestfriend ko. Anyway, iba iba naman mga lalaki. Good vibes! :)

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #15 on: March 11, 2015, 03:14:59 pm »
No :)

yannuh

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #16 on: March 12, 2015, 08:39:49 am »
^medyo lahat ng ex nya except for that one b*tch na naging cause why we broke up for several months tapos nagkabalikan ulit. I dunno, parang i can never get over that incident saka [textspeak!] person responsible haiii :s

imprincessfiona

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #17 on: March 12, 2015, 02:01:03 pm »
^buti na lang ako ang first and last gf ni hubby kaya di me maka-relate but then depende sa situation talaga.

armie8

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #18 on: March 12, 2015, 02:14:01 pm »
For me, it's a BIG NO! Karamihan kasi ng mga naging ex nya mahaharot hehe!!!

April30

  • Guest
Re: Friends ba kayo ng Ex ni Hubby?
« Reply #19 on: March 14, 2015, 10:41:03 pm »
No. Yung iba pag nakikita ko, civil lang. Yung iba i've never met talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close