Author Topic: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?  (Read 34335 times)

ehlabart

  • Guest
Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« on: February 27, 2015, 08:19:24 pm »
Paano ba makalimot?

this issue happened almost 5 years ago, pero the pain is still fresh, memories cannot be faded. What should I do? Wala ako mapagsabihan kasi nagsasawa na ako magkwento, at yung iba hindi naman ako maintindihan gaya ng family ko na matagal na daw yun na dapat i should move on. Lalo naman kay hubby, baka maging hudyat pa ng pagaaway namin. To cut the story short, I found out na my husband was having an affair with his officemate, ang mali ko lang nagwalkout ako agad ng di ko inalam details kasi umamin na siya e.. pero pagpasok niya,at nagusap na kami nagiba story kesho daw na nilalandi niya kasi daw me hinihingi siya pabor to suprise me (di ako t****) so kahit ganon na nga nanagyari tinaggap ko padin siya kahit hindi ko na alam kung ano nagyari between them kahit kasi anong piga ko wala naman ako nalaman kasi nga naturuan na siya kung ano sasabihin at ang masakit pa neto halos lahat ng kaopisina nila is tanggap kung ano sila at nakikisawsaw sa relasyon namin. After a few months, nalaman ko continous padin sila though wala ako hard eveidence to prove it, dahil first time nga nangyari saken hindi ko alam kung ano gagawin ko at ano irereact ko e..Then it's been years na since that happened tapos just last year 2014 may nagtext kay hubby na sinisiraan ako na di daw sakanya yung pinagbubuntis ko kung ano ano pa at alam kung ano naging problem namin ni hubby that time (ayaw ko maniwalang naguusap pa sila) nabuking ko na friend nung girl yung naninira sakin pero hidni pa ako umimik dahil buntis ako that time hinayaan ko na. Ngayon, 2 na anak namin isang 6 year old at 1 month wala parin ako assurance or closure kung ano nanagyari sakanila, sobrang sakit padin ng pangyayari, oo alam ko mahal ako ni hubby nararamdaman ko yun, at pati sacrifices niya to give us a better life pero masakit at takot ako, i just want this pain to go away, or makalimutan ko na yun at matuto na akong magpatawad, paano ko makakalimutan yun? paano mawawala yung sakit, 5 years na pero bakit ganon? para akong depress padin,iyak padin ako ng iyak kapag nareremind ako na once in his life niloko ako at pinagtawanan nila ng kabitch niya. me episodes na magaglait ako bigla sakanya dahil naalala ko yun or me ginawa siya to trigger me, di na talaga healthy. anong steps ginawa niyo to forget those things? kasi ang nasa isip ko ngayon gusto ko bumalik yun dating kami noon, yung tiwala ng walang takot..  pero how? di ba dapat hindi ko na siya sumabatan at paulitulit balikan yun?tanungin kung ano nangyari sakanila at kung ano naging mali samin? .. sorry this post is too long, hirap na kasi ako..

The Greatest Is LOVE

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #1 on: February 27, 2015, 08:34:45 pm »
time heals sis...pero dapat huwag mo nang balikan at alalahanin pa yun past nya. deadma na.
kasi the more na kinukulit mo sa kanya yun, the more na baka maulit ulit...
just forget it. wala kang gagawin kundi kalimutan yun. make yourself busy...
makibonding ka sa mag anak mo, relatives, friends. manuod kayo sine together...
magout of town kayo ng pamilya mo...go malling every weekend.
manuod ka ng TV, Two wives..hehe..joke lang po 'to...pinapatawa ko lang kayo...
« Last Edit: February 27, 2015, 09:24:01 pm by The Greatest Is LOVE »

quinone

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #2 on: February 27, 2015, 09:13:14 pm »
i have never been in such a situation so take my opinion with a grain of salt. i think you can't forgive kasi ayaw mo maniwala sa kwento niya. forgiveness is a choice and when you choose to forgive dapat maniwala ka 100% sa kwento niya, have faith also na you will both do your best to make it work. ibang usapan na yun kapag niloko ka pa niya ulit.

noangel

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #3 on: February 27, 2015, 09:25:54 pm »
I need this too.. but I'm a kind of person who can't easily forget.
I remember every single detail and that pisses me off even more.

ehlabart

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #4 on: February 27, 2015, 10:57:36 pm »
thank you mga sis, hindi ko kasi makalimutan yung nude photos nung girl, yung fb status niya pertaining to that snake, tapos yung exchange ng conversations nila na dapat sakin niya lang ginagawa.. nakita ko lang kasi yung history ulit ng bbm niya 4 years ago, lately panay late siya uwi kahit i just gave birth lang kaya siguro nattriger ulit.. yung takot ba kasi na sinabi niyang wala na, pero after finding out about the affair tumagal pa ng ilang years kasi magkasama sila sa trabaho, though last year naman nalipat na siya ng branch kaya siguro totally wala na.. pero still, natatakot ako tumagal sila ng ganon at yung lies na alam niya di dapat pero ginagawa parin.. honestly, naisip ko to end this marriage nalang pero sino mas talo, kami ng mga anak ko, gusto ko magpatawad dahil mahal ko siya pero nahihirapan ako.. im so tired na mga sis, please pray na sana makalimutan ko na kasi gusto ko na makamove on at maging maayos na ulit kami totally. :(

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #5 on: February 28, 2015, 12:17:14 am »

^ sis, take it easy. Kaka panganak mo lang, your baby needs you to be healthy.

Na try nyo na ba mag counseling? Para ma express din ng hubby mo yung sorry nya at pagiging remorseful sa ginawa nya.

Pag nab-bring up mo ba iyang issue na iyan, ano reaction ng hubby mo?

I was once in your shoes, admittedly walang katahimikan, pero sabi naman kasi ng ibang sisses natin here mas madali mag move on kung dalawa ngayong magtrabaho for the marriage. Kung isa ka lang, I'm not sure if it is ever possible. :(  Tingin ko mine didn't work kasi ako lang pilit kumalimot, at para sa asawa ko (ex) eh lumang tugtugin na bakit pa kelangan pag usapan.

So try to talk to your hubby about your feelings para mas ma reassure ka nya.

vic219

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #6 on: February 28, 2015, 01:43:15 am »
Sakin kasi nung nahuli ko siya kinausap ko siya kaagad, hindi ko na pinatagal kasi ako ang mas mahihirapan, mas nasasaktan kasi lage ko maiisip yung ginawa niya, usap kami masinsinan, nagkapatawaran then closed book na para hindi ko isusumbat yung mga nagawa niyang mali.

miiilovestravis

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #7 on: February 28, 2015, 02:04:58 am »
Tama sis. Wag mo ng isipin pa ang nakaraan. Kasi minsan talaga or malimit yan ang nagpapanira yang past na yan. Alam ko mahirap gawin madaling sabihin. Pero sa ngayon isipin mo muna si baby 1 month old pa lang oh. Sa mga nangyare ibaon mo na sa limot. Nangyari na eh wala na magagawa. Be strong lang. And syempre Pray. God Bless sis!
« Last Edit: February 28, 2015, 02:15:36 am by miiilovestravis »

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #8 on: February 28, 2015, 02:23:28 am »
Sis, may topic ka na pala dito. We went through the similar situation, family ko rin nagsabi na kalimutan na daw at magsimula ulit, hubby also said na pano daw makakapag simula kung paulit ulit daw, na akala nila ganun kadali makalimot. Kaya naman kasi paulit ulit kase walang closure. I mean I don't know talaga between them, ang sinabi niya lang saken is di na sila nag uusap pero sa mga sinasabi saken nung kabit, na kausapin ko daw asawa ko at wag siya, pero panay pa din viber at fb message niya sa asawa ko. I'm currently pregnant, will give birth in two months. ayaw ko na talaga alalahanin eh pero everytime I see or hear things that would remind me of them nagbbreak down ako. Naisip ko na mas okay siguro ako kung maghiwalay na lang kame, pero iniisip ko mga anak namin. As a molther, I have other people to consider not to break the family even if my husband cheated on me. Time might not heal all things, but allow yourself to breathe. Kung di lang siguro ako buntis nako baka gabi gabi pa rin ako umiinom ng Margarita hahaha

Kasi minsan talaga or malimit yan ang nagpapanira yang past na yan.

Sinabi din saken to ng mama ko, sinagot ko siya, Ma ano pang masisira, eh sinira na nga nilang dalawa.

miiilovestravis

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #9 on: February 28, 2015, 02:45:07 am »
^sis, medyo makapal face nung babae ha? Buntis ka tapos panay ang pag private message kay hubby? Naku malapit ka na manganak sis. Wag ka ng mastress.  :-*

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #10 on: February 28, 2015, 04:00:44 am »
di lang medyo sis, NAPAKA kapal hehe. im not sure if she knows i'm pregnant.

ehlabart

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #11 on: February 28, 2015, 04:52:13 am »
@girktalker2
Sis di kami dumaan sa ganon, paano ba magpacounseling? Pag nabring up ko yun sasabihin niya "ano ibabalik mo nanaman" medyo galit, or deny na ganito kapag sinabi ko sabay sila nagopen ng bank account sasagot niya "sabay kA jan".. Hindi ko nga siya makausap na about don sis, either magaway lang kami o wala ako mahihita.. Masakit din kasi sa part ko na nakunan din ako dahil sakanila noon. Gabi gabi ako umiiyak that time tapos malalaman ko sa tracker wala sa office basa bagong ilog pasig tabi tabing motel... :'(

@vic219 yan mistake ko noon, kase di ko alam irereact ko or handle ng sitwasyon.

@miiiilovetravis haaaay sana ganyan kadali kasi ayaw ko nadin magduda,magisip kung ano ba talaga nagyari.. Sana mawala na to. 

@sk8ersboywife sis parehong.pareho nga tayo.. Ganyan din yung linya niya saken, ang kakapal nga ng mukha ng mga babaeng yan.. Ganyan din yung sinabi saken, take note sabi pa niya wala daw meron sakanila at inahing baboy daw ako at pakainin laNg.. Sila pa may ganang mangaway, masakit lang kasi yung mga bagay na di dapat sabihin din ni hubby sa ibang tao na kami lang dapat makaalam like family issues sa side ko alam nung beech at binobrought up niya.  After nun blocked ako sa fb pero si hubby hindi inaad pdin ni hubby non sabe wala naman daw talaga yun.. Tapos kahit lipas na yung panahon nakikita ko padin sa.email na mY forwarded message.. kawawa ka naman sis i hope na magbago na din yang asawa mo once makita baby mu, sabi nga ng nanay ko sure daw siya na di na magloloko si hubby dahil may anak na kaming babae.. bakit ganon sila di lang pala Ako nakakranas ng ganito.. Marami pala tayo.

miiilovestravis

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #12 on: February 28, 2015, 05:09:27 am »
^Nung nasa "teen" stage pa lang ako. Nangyare na sa amin ng Ex ko yan. Na kinakalantari eh kaibigan ko. Hanggang nagkaanak kami ng Ex ko ayun tuloy pa din sila. Iba-iba lang siguro talaga tayo sis, sa akin kasi noon para kong nagibang anyo as in nagiba ugali ko towards them. One time nangyari sa school(nagaaral pa ako non) Habang may field demo (nanonood kami) nakita ko si Girl kapit baby ko sinugod ko sya nun. Ayun, pinagtanggol ni Ex si girl nageksena si Ex sa school at binigyan ako ng malakas na sampal. Parehas sila makapal ang face. Hanggang dumating sa point na pinapulis ko na sila. Kasi kasal kami ni Ex. Naghiwalay kami. Matagal ko na ding bf sya nung HS pa lang and ang nagiging problema namin eh yung babae lang na yun.

After a year siguro nakamove on na ko kasi wala na din talaga ang love. Napilitan lang din naman ako magpasakal ay kasal sa kanya. Awa ng Dyos ok naman na kmi ngayon siguro since matured na din kami. May lived-in partner na ako at may baby na din kmi. Pinaalam ko din kay Ex sympre sa papel kasal pa rin kami. Pinagdasal ko talaga noon na help ako ni God na makayanan lahat. (sa love naman kasi hindi ako masyadong nahirapan kasi nung kinasal kami mga 20% lang ang love ko sa kanya) Napatawad ko naman na sila matagal na. Naisip ko din pasalamat ako nangyari yon kasi sobrang saya ko na ngaun, hindi man perfect ang relationship namin pero masaya kami, tahimik.

Kaya mo yan sis.  :-*
« Last Edit: February 28, 2015, 05:19:20 am by miiilovestravis »

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #13 on: February 28, 2015, 05:24:31 am »

Masakit din kasi sa part ko na nakunan din ako dahil sakanila noon. Gabi gabi ako umiiyak that time tapos malalaman ko sa tracker wala sa office basa bagong ilog pasig tabi tabing motel... :'(

take note sabi pa niya wala daw meron sakanila at inahing baboy daw ako at pakainin laNg.. Sila pa may ganang mangaway, masakit lang kasi yung mga bagay na di dapat sabihin din ni hubby sa ibang tao na kami lang dapat makaalam like family issues sa side ko alam nung beech at binobrought up niya. 

see, paano ka nga ba makakalimot sa mga ganyang alaalang napakasakit. reason why I'm not tracking him anymore eh. sinabihan din niya kaya ako na stop tracking him. hayyy chest pains sis! na track ko na rin siya dyan dati pero di talaga sya umuwi nun sa kanila, 4am na siya umuwi.

saken sabi ni kabit "we're even now" parang, what did I do to her to make her feel we're even?! saken nga tawag nya chaka, baduy, epal. lahat din ng family issues naming alam ni girl at broadcast sa fb.

kami pa rin naman sis. sweet siya maasikaso. nagresign na rin silang dalawa sa dati nilang work, yan ay nung na realize nyang mawawala rin pala ako sa kanya. wala na rin daw siyang ginagawa. di na rin ako nag investigate. never na. ayaw ko na, nakakapagod. at masakit.

bwiset12

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #14 on: February 28, 2015, 07:46:47 am »
depende pa din sayo yan sis at sa pinapakita ng hubby mo sayo. for me ha, madali magpatawad. dahil sa gusto ko magkaayos kami i chose to forgive him kahit na sobrang sakit ng ginawa nya. mine nga eh nagkaanak pa sila ng kabit nya. ang mahirap talaga makalimot. everyday dillema ko yan. everyday lagi ko pa din naaalala yung mga ginawa nya. pero sinasarili ko na lang. nung nagbakasyon sya, pakonti konti inopen up ko sa kanya yung ginawa nya. pero in a very malumanay way lang. kasi kahit naman isumbat ko pa kanya paulit ulit yung nangyari wala na din naman magbabago. ang mahalaga okay na kami. abroad na sya ulit, kaya paranoid mode nanaman ako. minsan pinapaalalahanan ko sya na mag goodboy dun at wag masyado magpacute. yung viber nya namomonitor ko naman kasi bago sya umalis naiconnect ko yung viber account nya sa desktop ko. kaya yung viber nya naoopen ko. pray ka lang din sis. be happy pag magkasama kayo. lagi ko iniisip tong quotes na to. "There's no reason to look back, when there's so much good things to look forward to."

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #15 on: February 28, 2015, 03:02:28 pm »
hubby also said na pano daw makakapag simula kung paulit ulit daw, na akala nila ganun kadali makalimot. Kaya naman kasi paulit ulit kase walang closure. I mean I don't know talaga between them, ang sinabi niya lang saken is di na sila nag uusap

Hay naku went through this roller coaster of emotions. Wala naraw pero ayaw pag usapan. Gusto ko kausapin kabit through him to make sure wala na talaga, e sabi ng hubby ko (ex) huwag nadaw kasi kawawa nanga raw yung tao, lalo ko paraw kakawawain, as if naman nang aaway ako e gusto ko lang ma-confirm.

Well, eventually it turned out tama hinala ko. Sila pa nga so I left.

Pero sayo sis, ang suggestion ko lang, huwag mo na muna siguro isipin yun, focus ka muna sa pregnancy mo. Mag ipon ka siguro muna (secret savings), palakihin mo nang husto ang savings mo. Tsaka Na kayo mag usap after mo manganak. If ever things workout, i-surprise mo nalang hubby mo with a honeymoon trip. If it didn't workout, at least may pang shopping and makeover ka :)




i have never been in such a situation so take my opinion with a grain of salt. i think you can't forgive kasi ayaw mo maniwala sa kwento niya. forgiveness is a choice and when you choose to forgive dapat maniwala ka 100% sa kwento niya, have faith also na you will both do your best to make it work. ibang usapan na yun kapag niloko ka pa niya ulit.

Ya easier said talaga. Because once you are in that situation, hindi mo maalis yung "doubt". Puedeng pikit mata ka, and just trust him - but if his actions equate to not being cooperative, nagagalit kung tinatanong san sya galing (pero wala ka naman proof na niloko ka ulit), then where do you stand?


I need this too.. but I'm a kind of person who can't easily forget.
I remember every single detail and that pisses me off even more.

Peace of mind - hindi mo ito mabibili talaga.  I really do not know how to make the bad memories disappear, nawala lang ang bigat sa loobin ko when I forgave him and moved on (ended the relationship).  Kasi that was the only way I know how to.   :(



Sakin kasi nung nahuli ko siya kinausap ko siya kaagad, hindi ko na pinatagal kasi ako ang mas mahihirapan, mas nasasaktan kasi lage ko maiisip yung ginawa niya, usap kami masinsinan, nagkapatawaran then closed book na para hindi ko isusumbat yung mga nagawa niyang mali.

The book can easily be closed kung maayos kausap ang kausap mo. Pero kung sya mismo eh paligoy ligoy na nililigaw ka, and so many questions unanswered, you definitely cannot close the book.


Pero sa ngayon isipin mo muna si baby 1 month old pa lang oh. Sa mga nangyare ibaon mo na sa limot. Nangyari na eh wala na magagawa. Be strong lang. And syempre Pray. God Bless sis!

This I agree. Puede mo ipagpaliban ang laban.  Especially if you are currently confused and still do not know what to do.  Di ba nga sa gyera, kung pagod ang mga soldiers, nagpapahinga?  Tapos paghanda na sila, tsaka nalang ulit sila haharap sa kalaban.  And when I say laban, it does not necessarily mean literally mang-aaway ka. It can also mean fighting for your marriage when the right time comes.  For now, best to take it easy. Set your priorities - sa baby mo at sa sarili mo (healthwise and finances). Kung ready ka na, tsaka mo na i-figure out how to address issues ninyo ni hubby.   

Prayers can work wonders.  Pray for enlightenment and strength.  When everything else seems to not work, God is always there fore you. Try mo mag communicate often with Him.


@girktalker2
Sis di kami dumaan sa ganon, paano ba magpacounseling? Pag nabring up ko yun sasabihin niya "ano ibabalik mo nanaman" medyo galit, or deny na ganito

Dapat both parties open. Kung napipilitin lang, walang use.  As I have said, just prepare muna yourself and your baby. Be at your best lagi for the meantime.


@sk8ersboywife sis parehong.pareho nga tayo.. Ganyan din yung linya niya saken, ang kakapal nga ng mukha ng mga babaeng yan..

If at all possible, hayaan nyo na ang babae. Ang importante is between you and hubby.  That is, kung wala na talaga si babae sa eksena.

Sino ba iyang babaeng iyan such that kelangan nyo pagtuunan ng attention di ba?  Just ignore, ignore, ignore.


« Last Edit: February 28, 2015, 04:37:19 pm by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #16 on: February 28, 2015, 06:37:54 pm »
Quote from: ehlabart
, dahil first time nga nangyari saken hindi ko alam kung ano gagawin ko at ano irereact ko e..

From here, parang you're not in touch with your emotions, na tipong kailangan pang alamin ng utak kung anong dapat i-react. Emotionally, it would be rage, pain, feeling of betrayal, fear, distrust - maraming emotions. Behaviorally, depende, others would yell at their husband, slap them on the face, destroy things, ask questions about the infidelity ng paulit-ulit so their mind can follow the infidelity story.

Emotions are energy. Stuck sila sa katawan mo. Hindi sila nakalabas, kaya after five years, hindi nabawasan yung impact sayo. Ang bigat pa rin ng dinadala mo.

Quote from: ehlabart
yung takot ba kasi na sinabi niyang wala na, pero after finding out about the affair tumagal pa ng ilang years kasi magkasama sila sa trabaho, though last year naman nalipat na siya ng branch kaya siguro totally wala na..

Mahirap din yung situation mo dahil dalwang beses kang niloko. After nung una, siguro you gave him another chance, tapos broken ulit, ARAY! Parang sugat lang na hindi pa masyadong healed, tapos pinalo ulit. Add mo pa tong nude photos, imprinted on your brain na. Torture naman.

And then hindi ka pa 101% sure kung wala na sila. Aba, mahirap maging kampante sa ganyan. Hirap na nga mag-move on na 500% sure cut all ties na, paano pa yung hindi ka ganun ka sigurado.

Can you really tell yourself right now at this very moment, na wala na talaga sila ng husband mo? Na yung mga nararamdaman mo ngayon ay flashbacks lang at hindi dahil may ginagawa na naman syang kakaiba?

Iba approach kapag flashbacks lang. Iba approach pag may ginagawa na naman kakaiba husband mo.
« Last Edit: February 28, 2015, 06:44:34 pm by glamorosa_09 »

mctina_20

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #17 on: March 03, 2015, 03:31:00 pm »
You will never be over it until you get what you want. As painful as it will be, but we wanted to know every detail of that affair, we want to hear it  without the excuses and feel it until the pain kill us. You need to hear and see him how sorry he was for hurting you.

It is not your fault why you can't get over it, he is the one that betrayed your trust, he must do something to get it back.

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #18 on: March 04, 2015, 12:23:57 am »
Hay naku went through this roller coaster of emotions. Wala naraw pero ayaw pag usapan. Gusto ko kausapin kabit through him to make sure wala na talaga, e sabi ng hubby ko (ex) huwag nadaw kasi kawawa nanga raw yung tao, lalo ko paraw kakawawain, as if naman nang aaway ako e gusto ko lang ma-confirm.

Well, eventually it turned out tama hinala ko. Sila pa nga so I left.

Pero sayo sis, ang suggestion ko lang, huwag mo na muna siguro isipin yun, focus ka muna sa pregnancy mo. Mag ipon ka siguro muna (secret savings), palakihin mo nang husto ang savings mo. Tsaka Na kayo mag usap after mo manganak. If ever things workout, i-surprise mo nalang hubby mo with a honeymoon trip. If it didn't workout, at least may pang shopping and makeover ka :)


ang nasabi lang ni hubby, is wala na raw sya pakelam sa babaeng yun. na wala raw kwenta yun. ang sa akin naman, nung ginawa ba nila yun naisip niya mga sinasabi niya ngayon na walang kwenta. saka sis. sorry, ayaw ko sya ayain mag honeymoon trip. they did that, nagpunta sila ng baguio na walang may alam samen kahit sa family niya. nalaman ko na lang, thorough investigation. gusto ko mag travel ako, yung mag isa na lang muna ako. nabi-bitter ako regarding couple traveling.


You will never be over it until you get what you want. As painful as it will be, but we wanted to know every detail of that affair, we want to hear it  without the excuses and feel it until the pain kill us. You need to hear and see him how sorry he was for hurting you.

It is not your fault why you can't get over it, he is the one that betrayed your trust, he must do something to get it back.

naiisip ko yan, kung eto ba makakatulong saken? kasi nga for me, open book pa rin siya. may mga inamin naman siya, but mga pictures and convos nila, they kept it for themselves. naka private sa albums nung girl sa fb which only the two of them only know and can see.

aquacharly

  • Guest
Re: Paano ba magpatawad at makalimot sa nakaraan?
« Reply #19 on: March 12, 2015, 09:33:52 am »
Ang pagka gets ko:  hirap ka up to now kasi feel mo hindi pa tapos yang office affair.  Hindi mo ma-confront ang husband mo kasi wala kang hard evidence; at pinagtatakpan ng office mates.  You are trying hard to convince yourself na ok, walang problema kasi feel mo mahal ka ng hubby mo --  but mabigat ang duda mo.  I have to say this, sorry, but ang mga husband na nagloloko -- may capacity sila to love their wife and love another one. 

Harapin mo ang KATOTOHANAN --  open your eyes at hwag  gawin na ikaw mismo nagbibigay ng excuse para  pagtakpan ang  inconsistencies ng asawa mo.  Hwag mo lokohin sarili mo.

Yang cuento mo na hinarass kang hindi ka buntis sa asawa mo. Lol. Ang mga kab1tch pag tumagal tagal kasi --   hindi nila ma take na ang husband and his wife still have sex.  Nagiging selosa si lukab1tch.  Lol

Sis, pag ganyan ang situation na feel no meron pang susunod na kabanata --  hindi ka talaga makakalimot.  Bitbit mo yang bigat sa dibdib at isip mo -- pati sa pagtulog (nightmares). 

Paano magpatawad?  The ability to Forgive is a grace we pray for.  It is God who gives us the strength/capacity to Forgive.

Sa tingin ko -- everyday pinapatawad mo husband mo.   You forgive because you love.   kaya mo pa, kasi-- --  everyday you still hope -- umaasa kang magbabago sya.
Pero baka dumating ang araw na your heart grows tired. Sa pagod mo -- hindi mo na magawang patawarin sya every day.  Pag tigil ng araw-araw mong pag patawad -- kelan kaya uli mo sya mapapatawad? -- walang makapagsasabi.  Walang puede magdikta sa yo na: o sige, forgive na kasi 1 month na, or 1 year or ano man. Decision mo yon -- kung kelan mo uli sya patatawarin.  Tapos, pag na reach mo yung time na yon --  then, you forgive because it's The End. Or, you forgive because you Accept that sh1t happens even to The Undeserving. 

So there -- paano magpatawad?  Pray for Divine Guidance.  Face The Truth. 
Decide:  ano gusto mo gawin (hindi yung sabi ng iba dapat mong gawin)....  Hanggang saan mo pa kaya mag dasal at umasa?  Hanggang saan mo pa kaya mag suffer?   
Dyan mo mahahanap ang sagot kung  paano ka magpapatawad.   

Importante din patawarin mo sarili mo.  Kung nag suffer ka ng 5 years, patawarin mo sarili mo kasi 1 ka sa dahilan bakit ka nag suffer.  Pumayag ka mangyari yan sayo. 
At importante din, kung umabot kayo sa The End -- mapatawad mo sya at yung kab1tch kahit hindi sila humihingi ng tawad.  Ikaw ang may pangangailangan na patawarin mo sila.  Hwag mo sila bitbitin forever in your heart -- walang taong ganon ka importante.

Makalimot?    Never.   Hindi mo makakalimutan mga ganyang pangyayarii.
Pero darating ang araw hindi mo ma alala ganon ka dalas.
At darating ang araw pag na alala mo, hindi na masakit.
Peksman, ako nga Bihira ko na ma-alala.  At pag na-alala ko --  natatawa ako  sa kag@goohan ng husband ko noon, at ang kat@angahan  nung kab1tch na umasa sila mag tatagal.   Hahaha

Sis, alagaan mo sarili mo nang mas mabuti -- emotionally, mentally, spiritually & physically.
Kung monkey business man ang iba, at decision MO na hindi hiwalayan ang husband mo --  hwag kang maging loser. Pa bayaan mo ang mga chonggo. 

Kung decision MO humiwalay --  everyday gumawa ka ng paraan para maging matatag ka financially, emotionally, etc etc etc.  pabaya an mo mga chonggo.  Importante ang TIMING - kung kelan ka nakapuesto na matibay at matatag ka na. Timing is crucial. 
It is best to kick chonggos out of your life from a position of strength, tandaan mo yan. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close