Sino si Rob Rubin?
He's a psychic / paranormal expert / tarot reader.
====================================
Sa mga FTs na nasa page 1, 3 na na-try ko.
1. Danny Cinco - Sa world trade center December last year nung may Xmas bazaar. May mga sinabi sya na nagkatotoo na. Meron namang hindi pa at parang imposibleng mangyari kasi sobrang grand. More on sa future ang reading nya at about sa personality ko. Sayang lang di ko na-record kaya nakalimutan ko na ang karamihan ng sinabi nya.
- Sabi nya mapopromote daw ako this year. I got promoted last August.
- May susunduin/ihahatid daw ako sa airport. Nagkatotoo naman.
2. Ruby - 1st time kong nagpa-read sa kanya August this year. Magaling sya sa recent past, current situation at near future. Nabasa din nya ng tama ang personality ko at ng ex ko.
- Na-sense nya na heartbroken ako. Sya nag-confirm na 3rd party nga daw ang reason. Nung hindi pa kasi ako pumupunta sa kanya, not sure pa ko sa hinala ko. Pero days after ng reading may mga info akong nalaman about my ex na mas nag-confirm na tama ang reading ni Ruby.
- Nabasa nya din na may issues ako sa parents ko. Ito yung sobrang mind-blowing for me kasi hindi naman talaga ako close sa parents ko so hindi ko masyadong pinapansin yung issues ko sa kanila. Pero dahil sa reading ni Ruby, somehow nalaman ko feelings ng parents ko at nagdecide ako na itry ayusin o iimprove ang relationship ko sa kanila.
- Yung ibang hula hindi naman big deal pero nagkatotoo like may darating daw na mga bisita sa bahay, may uuwi daw na taga-abroad, etc..
3. Master Hanz Cua - Nagpa-read ako sa kanya this month lang. More on sa future ang reading nya so hindi ko pa alam kung magkakatotoo. Mas detailed sya mag-explain kasi sinabi nya ang mga months kung kailan mangyayari. Sa December naman, from week 1 to week 4, sinabi nya mga possible events.
- Sabi nya kakausapin daw ako ng boss ko about sa isang project. That time hindi ko masyadong pinansin kasi 3 years na ako sa current project ko and feeling ko hindi na ko malilipat. Pero kahapon, kinausap nga ako ng boss ko about sa malaking project na gustong ipa-handle sa kin. Saka ko lang naalala about sa reading ni Master Hanz.
- Same sila ng reading ni Ruby. Sabi din nya, 3rd party nga daw ang reason kaya nakipag-break ex ko sa kin.
- Nabasa din nya na may issues ako sa parents ko.
- Positive ang readings nya about sa 2016 ko so nakaka-excite.

Pero may sinabi din sya na meron daw sadness sa February, hopefully hindi magkatotoo.
- Sa 4th week ng December daw may minor accident daw na mangyayari sa kin. Sana lang talaga sumablay sya. Hehe.
Lahat silang tatlo nagsabi na sa abroad daw ang swerte ko. Kaya eto nag-aapply apply na ko.
Okay naman silang lahat pero personally pinakagusto ko so far si Master Hanz. Magaling kasi syang mag-explain saka mas specific (may months). Professional ang dating pag nagpapaliwanag. Si Ruby kasi prangka at medyo harsh (sensitive pa naman ako lalo na may pinagdadaanan). Pero if you want to know more about other people (sa ex nyo o new gf/bf ng ex nyo o friends/officemates), go to Ruby. Pag gusto nyo naman malaman about your past lives and significant future events hanggang pagtanda/pagkamatay, kay Danny Cinco naman.