Mga sis, pag newbie lang ang nagpopost at promote, medyo mag-research pa ha at wag basta maniniwala. At pag may pera ng ilalabas isa lang ang payo ko.. HUWAG!
Anyway, to share my FT experience, addict din ako magpahula dati. Si Bro Ed ang resident FT ko, twice a year ako kung magpa-read sa kanya. What I like about him, he just shares his knowledge/tips paano maka-counter yung padating na malas o kung recent ka na minamalas FOR FREE. Dati yun. Pero around 4 years ago (that time more than 5 years ko na siyang resident FT) , I noticed he started charging more na, which at first was okey kasi nga tiwala naman na ako. Then I noticed, yun mga hula niya nagiging epic fail na. Madalas tapos na (as in nangyari na) yun mga hinuhula niya sa kin. I remember he shared to me before nung bago ko pa lang siyang FT na he has that gift kasi nga daw di siya namemera. Ang kaso ayun nga, nagbago siya ng mag-start na siya mag-guest sa BNO. Anyway, kaya di na ko nagpapahula ngayon sa kanya kasi nga epic.
Yung si ate baby naman, nag-try din ako sa kanya.. pero kasi konting tanong lang then pag may dagdag kang tanong, dagdag bayad din (parang metro ng taxi haha). Tapos nag-aalok din nga siya ng ritual na yan ng pagsisindi chorva which I did not made patol (ayoko talaga ng feeling na parang ineextort ako ng pera.. hey, this is just me ha). Eh yung reading naman niya nothing great.. alam ninyo yung hinulaan ka lang anong klaseng personality ka at kung ano ako nung past life ko daw hahaha! Lagi na lang akong prinsesa sabi ng mga FT. As in walang significant na future hula kaya medyo di ko feel bumalik sa kanya.
May isa pa which I forgot the name.. she used tarot cards.. ewan.. di rin gaano okey. Pinaka-okey pa din si Bro Ed for me (nung nag-uumpisa pa lang niya ako hulaan kasi nga sa latter part di na siya naging okey kasi nangpe-pera na din siya).
To conclude.. with all due respect sa mga FT natin.. I believe ang panghuhula is a gift. Pag inabuso yun gift, nagtatampo. Also, natauhan na din ako ng sinabi ng chinese boss ko dati na pag daw nagpapahula numinipis daw ang swerte kaya talaga tinigilan ko na. Ang gara nga eh, nang tinigilan ko na ang pagpapahula, gumaan ang buhay ko at tuloy tuloy ang pasok ng swerte sa kin.
Mas maniwala kayo mga sis sa fengshui.. yun practical na placement of things ha.. hindi yung magastos na may bibilhin kang mga kung ano anong item para daw auspicious. I believe yun placement of healthy plants (turo ni Cityhunter yun sa fengshui thread) is really very effective. Sobrang gaang ng chi pag ang ganda at healthy ng plants (hindi ako green thumb pero pansin ko ng kinakausap ko na plants ko grabe ang gaganda at daming flowers nila which nakakagaan ng pakiramdam pag nakikita ko sila). TApos kung medyo may budget ka, okey din ang crystals (yun tunay ha hindi yun peke). Yung citrine at amethyst, ang gaan gaan talaga ng pakiramdam ko mula ng magkaron ako. Hindi ko napansin na meron ako.. naalala ko na lang ng sobrang ganda ng pasok ng swerte sa kin at yun lang ang bagong meron ako eh. Ewan ko din ha.
So, wag kayo masyado nababaliw sa pagpapahula. Yeah relate much ako sa inyo promise kasi more than 8 years din ako regularly na nagpapahula dati eh. Minsan, I admit, naeengganyo pa din ako magpahula.. trip lang ba.. pero pinipigilan ko na sarili ko.. magpapa-facial na lang ako, at least madagdagan pa ganda ko. Lol!
Sorry for the long post.
