watch now

Author Topic: Business with in-laws: help!  (Read 1931 times)

caterpillar-girl

  • Guest
Business with in-laws: help!
« on: February 22, 2015, 03:06:45 pm »
Hi guys. My mother and father in law bought a piece of property, around 250 sqm. Nakapangalan yung lupa sa tatlong anak nila: my husband and his 2 elder sisters. Now my husband and I are thinking of putting up a building there, parang apartment style since madami call centers malapit dun at yung surrounding area madaming apartment na never nababakante ng nagrerenta.

Is this a good idea? First, we might have to share construction expenses with the parents kasi BAKA dun din sila tumira sa first floor kasi matanda na sila and theyre thinking of moving out of their big house. Tapos yung remaining floors (we're thinking 4 floors lang) ipaparenta. Paano hatian dun? Fifty fifty? Paano naman kapag hindi sila tumira doon at kami lang ang gumastos sa construction? Also, nakapangalan nga yung lupa sa kanilang 3 magkakapatid. Pero yung dalawang ate ng asawa ko walang ilalabas na gastos sa pagpapagawa ng apartment. The eldest is living abroad, and the other one naman is not that financially ok. Will we have a prob with this in the future? Ayaw ko talaga pag awayan ang pera, pero sayang din yung lupa at sayang yung business opportunity. Please help. Anong mabuting arrangement sa situation na to?

Workforce

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #1 on: February 23, 2015, 10:19:33 pm »
Yup mukhang magkakaproblema kasi tatlo ang mayari. Much better if you buy the share from them at current value. Kasi pag binarat mo ang price sasabihin nila ibenta na lang sa iba. Ending niyan ibebenta niyo lang ang land sa iba tapos hati hati na lang sa money. Ganyan ang nangyari sa exhusband ko dalawang magkapatid. Yung isa working abroad na kahit matagal na wala dito gusto pa rin ang share. Malaki ang property sa greenhills estimate ko mga 1000 sq meters or more. Mga tatlong mansion kaya mabuild. Ending binenta na sa iba or ipa rent sa ibang tao. Kasi di naman kaya bilhin un share since milyon milyon un.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #2 on: February 24, 2015, 11:27:04 am »
Thank you sis sa input mo. Parang hindi naman ako willing bilhin yung share nila, baka hindi na namin kayanin ng asawa ko. Sa ngayon, at least. Gusto lang namin sana maging productive yung lupa, pero syempre ayaw din namin pagawayan ang pera.

quinone

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #3 on: February 24, 2015, 11:40:38 am »
maybe you can have the lot leased sa iba? may mga ganon diba? yung tenant mismo mag put ng structure sa land. or kayo ang mag lease sa 2 niyang kapatid, but of course i think with this setup you might need to consult a lawyer.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #4 on: February 24, 2015, 05:29:21 pm »
Yup dapat lahat black and white kasi pag nakisawsaw pa pati mga asawa jan mas magulo  :P,
I agree dun sa buy them out na lang. Pero kung hindi talaga kaya siguro pweding yung mga unang bayad sa renta eh mapunta dun sa expenses nyo sa pag papagawa then yung susunod tsaka nyo gawing 3 parte.
Regarding dun sa parents para sakin di na sila kelangan singilin or makihati pa sa gagastusin nyo just because titira sila dun if ever, parents naman un eh.
Dapat lang malinaw yung usapan sa lahat ng parties at may kontrata.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #5 on: February 26, 2015, 01:28:04 pm »
Thank you quinone and Ma.Jewel!

Kung magpapatayo kami ng building kasi, hindi namin kaya na kami lang buong building. The only reason we offered na maki share sa building is if HALF kami ng expenses, since baka nga dun sila titira. If half kami, kaya pa. Kung solohin namin, baka hindi e.

And also, if ever half nga kami sa construction, at ipaparenta yung building, paano ang hatian sa renta? Bilang malamang ang mga in laws ko ang mag manage ng mga uupa. Hindi na rin namin kaya ng asawa ko ang mag manage pa ng building, at asikasuhin ang mga umuupa, etc. Bale construction lang talaga samin.

london

  • Guest
Re: Business with in-laws: help!
« Reply #6 on: March 08, 2015, 08:03:34 am »
^ you should put up a corporation para clear dun lahat. kaso madugo din pagawa ng bylaws.
at least dun you could specify percentage ni ganito, ganyan etc.
madami ng nangyari na pag buhay pa parents nagkakasundo mga anak pero pag nawala na, ayan world war na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close