watch now

Author Topic: Nasunugan... I don't even know where to start.  (Read 4037 times)

killbill

  • Guest
Nasunugan... I don't even know where to start.
« on: February 13, 2015, 12:46:35 pm »
Our house burned down yesterday morning, unfortunately walang natira sa amin. Ngayon sobrang gulong gulo ang isip ko kasi we don't even know where to start. 

We have been living in our ancestral home ever since. Yung bahay was built mga 1960's pa ang sa kapatid ng lolo ko na matandang dalaga nakapangalan. I think 7 sila magkakapatid tapos 3 lang ata sila lolo ang nag asawa then the rest mga mantandang dalaga na and matandang binata and mga patay na din sila ngayon. Even before mamatay mga lolo ko and mga siblings nya may ongoing dispute na kasi hindi naasikaso yung pag transfer ng title saka yung hatian ng lupa, ume epal yung 2 kong 2nd cousin na dun din nakatira kasi yun bahay was divided into 3 parts. Kami ng family ko sa main house nakatira, yung isa ginawang bahay yung garahe sa baba and yung isa naman nagtayo ng bahay sa likod naman. May kalakihan din kasi yung lot nasa 306 square meters. So ngayon nasunog na siya, We don't have the finances to build a new house and hindi naman wise to put up a home dun since yung ibang malayong kamag anak namin na nakatira dun is nag cla-claim din. Hindi din namin alam if paano ito ibebenta if ever kasi nga yung nakapangalan sa titulo ay patay na.

Pansamantalang nakikitira muna kami ng daughter ko sa bahay ng boss / friend ko.

Hindi pa din kami nakakahanap ng apartment na mauupahan for me and my family.

Iniisip ko naman if mag loan na lang ako and get our own place kesa sa mag rent kaso mahal dito sa Mandaluyong. Mahirap din naman kung sa malayo kami mapupunta kasi yung work namin and school ng anak ko is malapit dito. Naka mura nga ako sa lugar but yung bubunuin ko naman sa biyahe and pamasahe.

Please give me any inputs what to do, lahat kami ngayon ay sobrang devastated at hindi pa alam kug ano ang uunahin. Saka legal advise sana regarding dun sa dispute sa property.

sugardrop

  • Guest
Re: Nasunugan... I don't even know where to start.
« Reply #1 on: February 13, 2015, 04:57:46 pm »
First off, sorry to hear about the bad news. You'll get back on your feet. :)

Re: land dispute - kailangan muna mai-transfer yung lupa sa pangalan nung mga anak-anak nung kung kanino man nakapangalan yung title. Then from there, dun pa lang pwede ibenta yung lupa. Medyo malaki magagastos pero mas cost-beneficial yun kesa to put up a new house as you mentioned.

Rent na lang muna until you're able to fix yung sa lupa. :)

phexchanger

  • Guest
Re: Nasunugan... I don't even know where to start.
« Reply #2 on: February 24, 2015, 08:18:44 am »
Pwede namang ibenta iyong property from the ancestors direct to the buyer pero babayaran pa rin iyong corresponding taxes, like inheritance taxes and since sabi mo nga, matagal ng patay iyong mga nakapangalan, baka masyadong malaki na ang penalties kasi ganyan nangyari sa amin.

Saan ba area niyo sis, baka may makita akong mga for rent habang gumagala, i message ko sa iyo.

killbill

  • Guest
Re: Nasunugan... I don't even know where to start.
« Reply #3 on: February 26, 2015, 12:05:58 am »
Dito ako sa Mandaluyong. Nakahanap na ako ng 1br for rent malapit sa school ng daughter ko. Kasama ko din ang mommy, bunsong kapatid at helper. Nagsisiksikan kaming 5 dito sa unit.

Sa totoo lang since nasunog bahay namin wala pa akong matinong tulog. Ayoko naman abusuhin ang pag inom ng sleeping pills. Lahat kami stressed from the tragedy at madami pang complications dahil sa mga kamag anak. Ngalngal ng ngalngal kung kani kanino at kung [textspeak!] ano pa ang pinagkakalat na hindi naman totoo.

I am meeting up with my lawyer friend tomorrow afternoon for legal advise.

Pinipilit ko na lang magpaka positive although ang hirap.

At the same time I am very grateful kasi napaka daming tumulong sa amin. (Thanks din sa mga GT sisters ko na nagdonate at walang sawang nakikinig ng problems ko sa viber)

twenty5

  • Guest
Re: Nasunugan... I don't even know where to start.
« Reply #4 on: February 26, 2015, 02:55:31 pm »
Hi sis, Kmusta? Sorry to hear about the bad bews sis.

Basta sis Pray ka din lagi ask assistance kay Lord. Alam ko na kaya  mo yan :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close