watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4  (Read 34271 times)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #240 on: March 16, 2015, 08:39:59 am »
^ yes sis uulitin talaga ang NBS. For babies na preterm, low weight or any health issues, their blood sample after birth may not give accurate results so pinapaulit.

sofiameredith

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #241 on: March 16, 2015, 08:44:12 am »
^I see. Ganun pala yun. Thanks sis mslcgrey.

sky_butterfly17

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #242 on: March 16, 2015, 09:41:47 am »
sis kymmiiee, yun nga din iniisip baka mas lalong risky pag nag trial labor. Baka mag pa elective CS na  lang ako after ng result ng US ko.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #243 on: March 16, 2015, 10:22:20 am »
mslcgrey nabasa ko din to sis eh, what to do daw kaya when this happens? latch unlatch then iyak? usually nga she does this kapag busog na busog sya and nagpapaantok. ayaw ko naman i-pacifier.  i tried pacifier last night though, nako utot ng utot si chikiting. hehe. ayaw ko na, baka kabagin na.
« Last Edit: March 16, 2015, 10:31:14 am by _AiaH_ »

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #244 on: March 16, 2015, 10:35:50 am »

mga sis, i think sinisingil na ako ng katawan ko sa pagod ko. This week 2x naging medyo fussy anak namin sa madaling araw. Ginagawa ko kasi sa araw every 2 hours siya magdede then sa madaling araw every 3 hours. Pero dun sa 2x na medyo fussy siya halos every hour nadede at once ibaba sa bed niya gising! Ang laki ng mata haha! So hele nanaman at offer ng dede. nung Monday 5am na siya nagpatulog at kahapon naman 3am. Nung isang araw nakwento ko na sa asawa ko na masaya may baby...pero ang hirap nga! Haha nung pagod na ako at medyo frustrated na, pag nagising siya pagkababa ko...di naman siya iyakin pero alam mong gusto niya magpabuhat/hele...yayakapin ko muna asawa ko kasi namiss ko siya haha! Ever since nagkaanak kami sa anak ko ako lagi nakaharap eh at magtatapik ng thigh.

Hello! I can relate ako sa experience mo.

Mabigat si baby nung pinanganak ko siya at 7 lbs 9 oz. Since lumalaki siya at mahilig dumede, that weight is increasing. Sa madaling araw, mahilig siya magpakarga. kapag tulog na, binababa ko na siya sa crib niya pero nagigising siya, tapos iiyak na naman, so karga at hele uli. Unfortunately, nangangalay na ako at mabilis sumakit ang mga braso ko sa bigat niya. :-( Magiging one month pa lang siya sa friday.

So far, ang pinaka-late namin na tulog is 1 am. Then, every 2 hours, nagigising siya (or ako ang nauuna) para dumede. For me, okay na ang every 2 hours na gising para makapagpahinga. May times nga na habang pinapaburp ko siya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, kamuntik ko na siyang mabitawan.

May rashes din sa mukha ni baby. Iba't ibang araw, iba iba ang areas sa mukha (una sa baba, then sa pisngi, then sa noo). Wala naman ako ibang pinapahid sa mukha niya, nor nilalagay kapag naliligo siya (tubig lang). Sabi ng mom ko, lagyan ng breastmilk. Kaso wala naman nangyayari, dumarami lang. Sa saturday pa ang follow up namin sa Pedia niya, doon ko na lang ibi-bring up ang concern ko. Sana wala na ang mga rashes sa binyag niya (which is next month pa naman. Hehe!)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #245 on: March 16, 2015, 10:44:33 am »
^ baby acne sis?

normal sa baby ko noon yan, on and off na rashes. meron sa umaga, sa gabi wala na. pero ngayon nagkaroon na sya very mild na baby acne. konti lang and hindi noticeable. on and off din.

napansin ko lang, nung nandun pa kami sa house ng MIL ko, mainit kasi dun. pati hangin sa hapon mainit, si baby dami rashes ang pupula. face and neck. now we're back here sa house namin and malamig dito, wala na. kinis baby ulit. malaking factor pala temperature sa kanila.

also may seborrheic dermatitis si baby sa kilay. pedia said last saturday na no need to apply anything naman daw.

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #246 on: March 16, 2015, 02:25:11 pm »
Sige nga sis Aiah, tyagain ko na din sa gabe kahit yun sana yung dapat na tulog hehe well tama naman kasi sa madaling araw masakit din nga talaga mamaya ko simulan magpump ng gabe and madaling araw. Thanks for the tip! :)

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #247 on: March 16, 2015, 07:46:20 pm »
^ baby acne sis?

normal sa baby ko noon yan, on and off na rashes. meron sa umaga, sa gabi wala na. pero ngayon nagkaroon na sya very mild na baby acne. konti lang and hindi noticeable. on and off din.

napansin ko lang, nung nandun pa kami sa house ng MIL ko, mainit kasi dun. pati hangin sa hapon mainit, si baby dami rashes ang pupula. face and neck. now we're back here sa house namin and malamig dito, wala na. kinis baby ulit. malaking factor pala temperature sa kanila.

also may seborrheic dermatitis si baby sa kilay. pedia said last saturday na no need to apply anything naman daw.

Not sure. I showed pictures of my baby's face to a colleague. Sa kanya, mukhang erythema toxicum. Supposedly sa saturday pa ang follow up namin sa Pedia niya but mapapaaga kami by 2 days sa sobrang worry ng parents ko. Wala kasi akong ginagawa sa rashes niya. My mom advised na maglagay ng breastmilk over the rashes kaso wala effect.

Hopefully, it is just baby acne or erythema toxicum. Huwag sana skin allergy.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #248 on: March 16, 2015, 07:52:55 pm »
sis Aiah, dati ayoko rin talaga ng pacifier but i have read about it and as long as proper ang pag-gamit mo ng pacifier kay baby it is okay to use. babies love to suck. main reason is this is their way to get food. but they also want to suck to soothe themselves. so kapag ganyan latch unlatch iyak ng paulit-ulit then gusto lang niya mag-suck without the milk. so you can use a pacifier until dumating yung time they can thumb suck na (actually, hand suck nga eh).

you can give the pacifier and iluluwa din nila iyon kapag ayaw na nila. ang technique is kapag niluwa na nila after a few minutes of sucking at hindi na sila umiiyak, wag mo ng ibalik yung pacifier. until 3 months you can use a pacifier kasi by 3 months most babies already know how to thumb suck. thumb sucking is a natural development sa mga babies so we should not fear it. they will give that up din when they are ready.

sis bleudskymd and to others, if ayaw nyo na for a long time ihehele si baby para lang makatulog, train them asap to sleep on their own. mahirap gawin and time consuming but for me mas okay ang long term benefits. ibaba nyo si baby ng hindi pa siya tulog talaga. kasi if tulog na saka nyo binaba kapag medyo naalimpungatan siya magugulat siya kasi iba na yung environment niya. isipin nyo na lang if kayo, nakatulog kayo sa bed nyo then nagising kayo nasa kusina na kayo or ibang lugar talaga di ba magugulat din kayo. of course, this is not advisable to do kapag nasa growth spurt, mental leap, after vaccination, or teething si baby. those times, i-comfort nyo talaga babies nyo whatever way.


preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #249 on: March 16, 2015, 07:56:11 pm »
@bleudskymd: magkasunod pala tayo! Ako naman one month baby ko sa thursday! :-) ang laki nga ng baby mo! Yung akin di oa ata naabot ng 7lbs haha at pinanganak kasi siya na 4.442lbs lang since IUGR diagnosis samin nung 39th week. Ang hirap sis noh pag nangalay, nagpatulog tapos ibababa gising nanaman? Naffrustrate ako minsan pero iniisip ko lang ang tagal kong inantay si baby at di niya kasalanan yun haha kaya hug ko muna daddy niya for about 10s then attend kay baby na ulit.

Mga sis, gusto niyo ba ng fb group? Hehe malapit na matapos ang quarter natin and it would be really nice kung in touch padin tayo since halos same lang birthdays ng mga anak natin.

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #250 on: March 16, 2015, 08:08:10 pm »
@ mslcgrey, yup you're right. Ayoko mamihasa baby ko na laging kinakarga or hinehele para makatulog. Nabasa ko nga dapat na kapag inaantok na, pahigain na; kaysa naman sa pag-"sound asleep na".

@ preggygielian, I think we should follow sis mslcgrey's advice as early as possible. It's for our own good. Kung ano-ano nang sakit sa katawan ang nararamdaman ko ngayon pa lang (oh well, that's motherhood).
« Last Edit: March 16, 2015, 08:10:50 pm by bleudskymd »

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #251 on: March 16, 2015, 08:51:56 pm »
@bleudskymd & mslcgrey: mga sis i do this pero di palagi. Napansin ko baby ko marunong magsoothe ng sarili sa bed niya. Meron time na ako antok na talaga at binaba ko na siya at nagising. Pagkagising ko after a few mins tulog na din siya :-) ttry ko siya ng mas madalas.

Naggrowth spurt ata anak ko ngayon! :-( buong araw gusto lang matulog. Dedede antok na antok. Dedede merong iiyak siya kasi mag unlatch siya then push away with both arms tapos padyak ng padyak tapos ang gusto naman eh breasts ko talaga! Kaya ayaw ko malapit ang other hand niya kasi ganun na ganun gawa niya most of the time. imposibleng nipple confusion kasi nipple ko lang ang natikman niya from day 1.

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #252 on: March 17, 2015, 05:31:49 am »
hi mga sis :)

re Baby acne- yung baby acne ng baby ko medyo nagsubside na kasi dati parang maliliit na pimples na may puss ngayon napalitan na maliliit na butilig butlig na lang may sa baba at cheeks... panic mode ako 5th day ata niya ng super dami lumabas, may check up sa pedia mamaya so i'll ask na lang din ano ba gagawin pag may ganun or anong level ng skin irritation dapat maalarma.

mga sis yung first check up ng baby niyo after ng hospital, may vaccine na ba na binigay? meron yung baby ko while in the hospital BCG at hepa, nag newborn screening na rin siya. actually tinanong ko yung nurse ano yung BCG di din niya maexplain ask ko na lang sa pedia. kelan ba yung mumps measles varicella na vaccine?

excited nako kasi ask ko na rin sa pedia kung pede na lagyan ng hikaw baby ko mamaya. hehe

sis preggygielian ano ang magiging name ng fb group? sige add niyo ko :D

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #253 on: March 17, 2015, 09:10:02 am »
Baby ko din mga sis dami pa butlig butlig sa mukha. Susulpot tapos mawawala susulpot uli sa ibang part naman ng face niya. Physiogel Cleanser at Physiogel Lotion ang prescribed ng pedia. Kaloka sa mahal ang pang ligo lang ni baby. Hehe.

May FB group na mga sis? Pa-join!!!! :)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #254 on: March 17, 2015, 10:07:32 am »
mslcgrey sis sobrang thank you sa tips mo. saan mo nababasa? basahin ko din. meron na ako wonder weeks eh, bumili ako ebook. meron ka pa ibang binabasa na nakukuhanan mo ng tips na yan?

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #255 on: March 17, 2015, 10:20:56 am »
hi mga sis :)

re Baby acne- yung baby acne ng baby ko medyo nagsubside na kasi dati parang maliliit na pimples na may puss ngayon napalitan na maliliit na butilig butlig na lang may sa baba at cheeks... panic mode ako 5th day ata niya ng super dami lumabas, may check up sa pedia mamaya so i'll ask na lang din ano ba gagawin pag may ganun or anong level ng skin irritation dapat maalarma.

mga sis yung first check up ng baby niyo after ng hospital, may vaccine na ba na binigay? meron yung baby ko while in the hospital BCG at hepa, nag newborn screening na rin siya. actually tinanong ko yung nurse ano yung BCG di din niya maexplain ask ko na lang sa pedia. kelan ba yung mumps measles varicella na vaccine?

excited nako kasi ask ko na rin sa pedia kung pede na lagyan ng hikaw baby ko mamaya. hehe

sis preggygielian ano ang magiging name ng fb group? sige add niyo ko :D

yes sis. naforgot ko na rin para san ang BCG pero yan nga din ginawa kay baby. tapos sa 1st month yun second dose naman ng hepa vaccine. tapos 2nd month balik naman kami for 5 in 1 at rotavirus. kung meron binigay sa iyo na baby book yun pedia mo (or kung may nakuha kang freebie na ganito sa mga seminars na naattendan mo before) meron dun info kung ano yun mga kelangan vaccine ni baby. :)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #256 on: March 17, 2015, 10:32:32 am »
@abbmg & kymiiiiee: "GT 2015 1st Qtr Babies" -- ok na ba name? Hahaha! Wala ako maisip na cool na name dahil antoj pa haha! :-)

Waaahhh anak ko 3am-6:30am di kami pinatulog kanina! Ngayon lang siya naging ganun ka-fussy at naiyak iyak! May kabag ata buong araw :-( tinext ko pedia godsister ko at kinwento ko dami niya napupu (pati ako napupuan sa damit ng marami! Waah) tapos after nun malakas na dumede. Yung madaling araw naman baka di sanay na mainit init na panahon. Naku paano na kami sa summer! Hinilot din namin ang tyan niya (from chest pababa) nung madaling araw ayun burp ng burp. di kami matuloy tuloy sa philippine consulate para sa passport niya at lagi kami puyat.

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #257 on: March 17, 2015, 11:02:23 am »
BCG (Bacillus Calmete Guerin) is a vaccine against Tuberculosis. May schedule ng pagbigay ng iba't ibang vaccines like Polio, Measles, Mumps, Rubella, Hepa, DPT (diphtheria, pertussis, tetanus), which is called Expanded Program of Immunization or EPI. The first 2 vaccines given are BCG, first dose ng Hepa B. Yung MMR (measles, mumps, rubella) is given at 15 months pa.

Hindi ko matiyempuhan na ihiga si baby kapag antok na siya. Most often lalo na sa gabi and madaling araw, nakakatulog siya habang dumedede, then ipapaburp ko pa. Kapag hindi ko naman ipaburp, magkakaroon naman siya ng hiccups.

Nabati ko yata siya kagabi. Fussy siya mula 1:30 am hanggang 5 am. Nasa growth spurt stage nga rin siya ngayon.
« Last Edit: March 17, 2015, 11:07:35 am by bleudskymd »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #258 on: March 17, 2015, 11:19:03 am »
May butlig pa rin sa face si baby but like sa inyo mas konti na lang. Cetaphil cleanser and Atopiclair cream naman gamit namin. Tama kayo ang mahal ng panligo ng mga babies natin.

Sis Aiah, try to read din yung Secrets of the Baby Whisperer. 

As much as possible, we want to train our baby regarding feeding, playtime, and sleeping. For us, eto yung babagay sa lifestyle namin. But it is easier said than done. Sa umaga hanggang early evening, i have the energy to do this but kapag late evening and sa madaling araw ayun sa pagod and antok hindi na. Kailangan meron din talagang dedicated to do this in the middle of the night.

Join din ako sa fb group. Okay din talaga na may support group tayo as we go through the first stages of motherhood.

Mga sis, naigagala nyo na ba mga babies nyo?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #259 on: March 17, 2015, 12:02:09 pm »
Sorry mga sis! Di pala nacreate ang group kaninang mga 10am hehe kelangan pala mag add muna members then create group! Ayan pwede na siya isearch :-) add other members na nasa thread din natin kung friends niyo sila sa fb :-) salamat!!! Let me know kung gusto niyo palitan name: "GT 2015 1st Qtr Babies"

@mslcgrey: sis mukang maganda ang book na yan ah...hanap ako dito or online :-) salamat sa pagshare ng tips! Naigala na namin 3x (other times sa doctor lang talaga) yung 3x na yan isa nung 7th day niya walking distance lang kasi ang mall from our house at bibili kami ear thermometer niya. Isa naman nung sabado (23rd day) para mag sushi! haha kasi andito in laws ko at nung sunday (24th day) nag simba then naglunch sa labas then naglakad sa park sa may sea side pauwi. Tulog naman palagi baby namin pag nasa labas kasi i think warm siya sa damit niya.

Baby ko din may parabg whiteheads nung pinanganak sa ilong tapos nawala then ngayon may mga butlig sa mukha pero di pa masyado halata. Medyo nagbabalat padin siya around the eyebrows saka patilya. Nilalagyan ko lang ng facial lotion na Mustela. Panligo niya J&J then nilalagyan ko din siya ng body lotion na Mustela.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close