watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4  (Read 34191 times)

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #200 on: March 10, 2015, 08:07:16 pm »
@ mslcgrey, preggygielian

Hindi rin ako naglalagay ng powder, kahit na may powder puff pa. Takot ako malanghap ni baby yung powder, baka maging cause pa ng hika niya in the future.

Admittedly, gumamit ako ng isopropyl alcohol nung may cord stump pa. Tinuro kasi sa hospital. Nung nag check-up kami sa Pedia niya 2 weeks ago, nilinis din ng Pedia niya iyun gamit ang alcohol.

marieisabel

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #201 on: March 10, 2015, 08:25:29 pm »
@mslcgrey oh okay :) sinuggest kasi yun ng ob pero hindi pa ako bumibili since sabi din ng ate ng husband ko gagastos pa e pwede naman water o natural lang talaga. nakakainip na maghintay! hehe

@preggygielian thanks sis! sana madami din ako milk gusto ko rin talaga maranasan ang BF since first time mom ako. :)

congrats sa mga mommies na nanganak na! nakakainggit at nakakaexcite mabasa sainyo. ako, waiting game parin. almost 39weeks narin ako at cramping na to the max ang aking tyan pero no discarge parin. normal lang naman yung minsan sumasakit ang vagina? parang may tumutusok?

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #202 on: March 10, 2015, 09:00:52 pm »
gem08- sis congrats :)

mslcgrey- sis lactacyd baby bath gamit ko yun kasi sabi ng pedia nung pinanganak si baby la pa pimples. pag checkup niya ask ko n din kung pede na lagyan ng cream or moisturizer

preggygielian- sis happy n nag gain n ng weight si baby mo :D  baby ko minsan dede abot 30 mins nung first 2 days niya 5 hrs tuloy tuloy kaya napeel p nga nipples ko kc di kami marunong pa pareho magdede at magpadede

marieisabel-sis matulog ka lang ng matulog kasi after mo manganak, magtatanong ka kung ano ba ibig sabihin ng sleep kasi di mo maeexperience makatulog ng maayos hehe, normal lang masakit ang V malapit ka na kasi

LGV- sis kami nga nung day na naroom in si baby as in mega nagwawala siya. tapos iyakin pa talaga sobra anak ko nagiging sing pula ng mansanas yung kulay niya. naka semi-private kami naawa yung karoom ko kasi kakapanganak din niya pero may milk na siya nagoffer siya ng milk niya thankful naman ako kasi tumahan na yung baby. hirap ng feeling na parang helpless ka naiyak nga ako sa nanay ko sabi ko awang awa ako sa anak ko.



lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #203 on: March 10, 2015, 09:12:18 pm »
mga sis, you mean fully healed na talaga mga pusod ng babies nyo? like sarado na ganun? kasi yun kay baby, kita ko pa sa ilalim na part yun pinagtanggalan e. parang pumapaloob pa lang sya ganun. may part na mukhang sariwa pa pero yun taas na part e ok na.

galing kami pedia kanina ang mahal ng vaccine. hepa b 2nd shot 2500 waah. yun next daw  na vaccine yun may dPT, etc, 7k. sa mga pedia nyo magkano rate? grabe mamumulubi tayo nito hehe.


@preggygielian, araw araw pa rin sis yun sa katawan pero punas punas lang sya kasi nga ayaw pa namin buhusan water dahil yun pusod nya di pa totally nagcclose e. turo naman sa hospital yun ethyl alcohol para sa pusod ni baby. para daw mas mabilis mag heal. 3x a day nga dapat e pero di lang namin gaano nasunod kasi si hubby ko yun tigagawa nun at madalas once a day lang nya nagagawa.

@LGV, i feel you sis! ganyan din nangyari sa kin e. hopefully makapag ebf pa rin tayo sa mga sunod na araw. kelangan lang makahabol ng milk supply natin. yun sa kin kasi mahina talaga kaya naiinis si baby at iyak ng iyak. ikaw ba naman mabitin sa kinakain e di maiinis ka din di ba hehe. ;D

kanina nagpafeed ako nasatisfy naman sya pero after 1 hr gutom ulit so sa kabilang dede ko pinalatch. ayun bitin! iyak sya ng iyak. nilipat ko sa kabila tumahimik pero after a few minutes iyak na naman. pag pinipindot ko konti na lang lumalabas kaya ayun, binigyan ko formula. aba naka 20ml pa sya.

@gem_08, congrats sis!

@abbmg, asan yun video na yan sis? mapanood nga.  ;D matapang yata ang lactacyd. may freebie kasi nyan sa isang seminar na na-attend-an ko tapos ako ang gumamit hala, nagbalat ang skin ko hehe. try mo na lang gamitin physiogel or cetaphil sis para kay baby.

@marieisabel, lalabas lang ang milk mo sis kapag naexpel mo na ang placenta mo so wala effect ang pag inom ng mga galactogouges habang pregnant ka pa. pag nakapanganak ka na, dun ka na lang uminom ng mga supplements na iyan pero actually yun latch pa rin ni baby talaga ang pinaka effective na pamparami ng milk e hehe :)

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #204 on: March 10, 2015, 10:23:39 pm »
^sis eto courtesy of sis aiah..

http://newborns.stanford.edu/Breastfeeding/FifteenMinuteHelper.html

 to be honest naman kasi hindi ako nanood ng vid before manganak kasi kala ko madali lang saka malaki boobs ko so kala ko mas madami milk hehe di naman pala. pero ok naman yung technique, yung sa hospital kasi sila nagshoshoot kay baby sa nipple so di ko alam pano tapos ang sabi natural daw masakit matututo daw ang baby after ilang weeks. naku hinayaan pako magiiiyak sa sakit eh may technique pala haha. sis naku may bago bili pako yung pinakamalaking lactacyd... mahal din kasi cetaphil...

preggygielian- sis tanong ko lang pag nakaupo ka sumasakit ba yung V mo? kasi ang sabi ni doc sa may right side ang episiotomy ko pero parang mahapdi yung V ko eh technically sa gitna ng V at pwet right side yung hiniwa. may nilalagay din ako na ointment pero inaabot ko lang di ko tinitignan sa salamin kasi natatakot ako makita parang may nafifeel akong mahapdi sa left side. or baka ganun talaga feeling mahapdi ang V kasi dun dumaan si baby.

« Last Edit: March 10, 2015, 10:29:06 pm by abbmg »

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #205 on: March 11, 2015, 04:47:44 am »
Waaa due date ko na mga mommies pero wala parin akong nararamdaman na kahit ano..in 2 days pa next appointment ko sa OB..naninigas sya pero hindi masakit..like ngyon ang tigas tigas pero wala akong naffeel na discomfort or sakit kahit saan..likod, vag, sides.. wala..I'm so scared ma overdue and magkaron pa ng complications.. my OB doesn't seem to mind na mag overdue ako..wala syang nirerecommend sakin na gawin or inumin or kainin to induce naturally..lagi nyang sinasabi let my body and the baby decide kung kailan sila ready..eh nako inip n inip n ako.. I know she won't stay in there forever but it sure does feel like it..

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #206 on: March 11, 2015, 09:36:54 am »
@ezra: sis kung worried ka na message mo na si OB. Mahirap maparanoid or madaming tanong ang buntis hehe. Nagfalse alarm ako at exactly 39w ko nun dahil sa paninigas ng tyan mayat maya...braxton hicks pero di siya kasiguraduhan na manganganak ka na soon. ask mo kaya si OB mo sis kung kelan ka maiinduce if ever ayaw pa talaga lumabas si baby para alam mong may hangganan ang pagaantay mo :-)

@abbmg: ako naman sis nung nasa hospital 30-45 mins siya nakalatch saakin haha kahit tinutulugan na ako. kasi pag nakatulog siya at ilabas ko na ang nipple ko biglang magsuck ulit!
Re: pain sa V: haha may donut ring ako til 4th day! Kasi may hemorrhoids din ako at sinabi ko sa doctor yun sabi ko din masakit ata yung tinahi sa V ko sabi niya malamang daw hemorrhoids yun. Eh xmpre mas alam ko ang sakit at sa V yun! Wala inupo ko nalang ng maayos na di siya matatamaan. Yung private ob ko may binigay na antiseptic. May time pa sis nag disposable undies ako..shax!!! Sumabit ata ang tahi dun hahaha nakakatawa ako mag-iba iba ng position para di masaktan. Ask mo ob mo sis ano pwedeng pang relieve ng pain :-)
« Last Edit: March 11, 2015, 09:44:11 am by preggygielian »

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #207 on: March 11, 2015, 10:29:33 am »
Thanks sis. Nako feeling ko ang taas ng pain tolerance ko..alam kong masakit pero parang hindi ako bothered.. sya nga pala..nakaka delay ba ng labor yung laging pag higa sis? Kasi ako baliktad body clock ko..gising na gising ako sa gabi hanggang madaling araw. Nakahiga lang ako nang nakadilat or madalas nasa phone since hindi naman pwedeng palakad lakad pa ako dito sa bahay sa ganung oras. Tpos pag umaga na nakahiga ako kasi tulog ako. Siguro hindi sya makababa dahil dun...

Meron din akong hemorrhoids ngayon, maliit pa lang pero sabi ni dra magfflare up pa yan dahil sa pag iri pagalabas ni baby.. nawawala ba yun ng kusa? Thanks sis!:)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #208 on: March 11, 2015, 10:37:11 am »
@ezra: sis parang kanya kanyang hiyang sa pagpapababa kay baby eh hehe! May mga sis tayo dito ginawa na lahat di padin bumaba si baby...meron naman ako kilala naglakad, naghagdan at nagpinya lang in a matter of hours nanganak na! yung hemorrhoids waaahhh tindi ata nung akin kasi nung nanganak alam ko may ibinalik yung doctor papaloob nung nililinis niya everything down there. Pero nung nasa postnatal ward naman na ako medyo maliit nalang at binigyan ako ng ointment tapos narelieve na ang pain at lalo siya lumiit. bumili pa nga ako ng Tucks sa US pero di ko nagamit...amazing ang ointment na bigay sakin sa hospital (Anusol yung name haha)...nakaupo na ako without a donut ring after 30mins na paglagay ko ng ointment haha! Basta sis ready mo donut ring cushion mo...yan ang isa sa pinakahelpful na dala ko sa hospital...pati ang pillow kung san pwede ko patong elbow ko pag nagbbreastfeed. Ang mahal kasi ng nursing pillow kaya sa ikea nalang ako bumili...mura na tapos pag di ko na kailangan pwede gamitin sa sofa as cushions.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #209 on: March 12, 2015, 10:53:08 am »
@erza0916, sis parehas tayo ng case! haha! korek naman si OB mo, your baby and body will know when it is time. tignan mo sa kin ininduce pa ko at 41w pero di rin umepek. hehe

sa sunod na punta mo kay OB, ask her/him na i-IE ka to check kung ano na effacement at dilation mo tapos pa-strip/sweep ka baka makatulong matrigger ang labor.

ako nun 40w2d nagstart na ang mucus plug discharge ko pero hindi sya bloody. ma yellow lang. 40w4d check up 3-4cm na daw ako pero no pain so OB did a strip/sweep pero di nagtuloy ang labor. 40w6d another check up at BPS test 3-4cm pa rin tapos OB did another strip/sweep pero wala pa rin kaya schedule for induction na ko at 41w. nung suko na ang lahat at sabi try again na lang kinabukasan ang pag induce kasi hulas na yun gamot na nilagay sa kin, OB did another strip/sweep at dun na nagsimula ang pagsakit at pag progress ng labor :D

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #210 on: March 12, 2015, 11:11:04 am »
lakwatsa - Korek parang gusto ko na nga din magiiyak nung time na yun ang sabi pa ng husband ko magpahinga daw ako baka stressed na ko kaya walang makuha which is maybe true din naman kaso paano ko papahinga eh sino magpapadede sya? Haha! Thank God yung place namin may grocery sa baba so madali na kame nakabili ng formula ayun guminhawa kame pare pareho. Medjo magaling na nips ko so baka bukas try ko na magpalatch ulit. Basta ang gawa ko BM sa araw since ako then formula  sa gabe kaya ayun maayos ayos na tulog nya hindi na grumpy baby.

Sino gumagamit dito ng breast shells? Kasi ang mahal ng breast pads tapos isang gamitan lang. Gusto ko malaman if effective ba hindi ba atapos yung milk? And worth it ba talaga sya?
« Last Edit: March 12, 2015, 02:29:27 pm by LGV »

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #211 on: March 12, 2015, 12:26:07 pm »
^ I was about to do this din kaso I noticed my daughter is grumpy at the breast na. She's becoming impatient na when feeding sa breast --- nipple confusion is on the way na hahaha. kailangan agapan so puyatan ulit kagabi. breast lang sya. magtiis sya. hehe. hay naku. magpapabisita nalang ako sa lactation consultant at papaturuan ko cup feeding si new yaya, parents ko and husband. cup feeding kami kahit formula sa gabi. actually maximum of 2oz of formula lang ina-allow ko ibigay nila kay baby. if still hungry, instruction ko is gisingin ako. nanghihinayang kasi ako sa binili ko dual electric breast pump kung hindi naman magagamit. i have expressed milk sa ref kaso kapag bote si chikiting, todo dede gusto. kasi naman ginagawa nya ako pacifier sometimes para makatulog sya.. can't do that sa bottle kasi ang tendency is ubusin nya yung milk even when she's full. she can control the flow sa breast but she can't do that sa bottle.

saka takot din ako humina supply ko, night feeding is very important sa maintaining supply so baka baligtarin ko. sa day nalang mag 2oz formula if sobrang kailangan hehe.

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #212 on: March 12, 2015, 01:47:04 pm »
Hindi naman gagana agad yung strip/sweep diba? Once a week ko lang kasi makikita si OB so dapat gawin na nya this coming appointment namin. Next appointment 41w2d na.. ayaw naman namin patagalin. Napagusapan na namin ni hubs na limit na yung 41w. Pag wala pa after induce na talaga. Not gonna risk makakain pa sya ng poop at ma CS pa ako. May ways ba para mapigilan sya magpoop? Or para malaman kung malapit n sya magpoop?

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #213 on: March 12, 2015, 02:31:43 pm »
Nako ganun ba, sa araw pa naman ako super pump tapos sa gabe formula. Sa formula kasi sya nakakatulog ng maayos at pati na din kame.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #214 on: March 12, 2015, 03:18:26 pm »
@LGV: yes sis, sabi din ng lactation consultant samin ang pinakahuling i-stop mo daw dapat eh ang night feedings. Kasi yun ang mas nakakapagproduce ng milk.

Tapos pala ako nakabreast shells sa daytime then Kushies washable breastpads sa gabi and disposable breastpads pag naalis :-) i got milk collection shells ng medela and so far so good! tinatapon ko pa ang milk na nacocollect...di pa ako nakapag sterilise ng mga bote ko eh saka di ko alam paano diskarte sa pag keep nung nacollect habang nagfeed si baby sa kabilang breast. Kanina lang nangyare ang natapon hehe kasi todo bend ako para asikasuhin si baby sa rocker. Pero so far so good! :-)
« Last Edit: March 12, 2015, 03:20:20 pm by preggygielian »

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #215 on: March 12, 2015, 07:08:23 pm »
Talaga sis okay sayo ang breast shells? As in hindi naman sya tatapon tapon at mababasa ang damet? What brand gamit mo and how much? Ang gamit ko ngayon breast pads na disposable yung avent malapit na nga maubos nanghihinayang ako bumili.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #216 on: March 12, 2015, 10:08:44 pm »
^yes sis ok naman siya hindi naman tapon tapon, kanina lang ako natapunan kasi mega-bend over talaga! Hehe! Nabili ko Medela milk collection shells for HK$158 http://www.bumpstobabes.com/index.php/ProductDetail.html?id=608 issue ko lang sakanya dahil silicone yung nakadikit sa areola ko may times na parang nangangati ako (katihin kasi ako pag may weird na dumidikit sa skin ko minsan).

shinta

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #217 on: March 13, 2015, 10:02:34 am »
hello mga mommies and mommies-to-be. tagal ko ng di nakabalik sa thread na'to.

congrats sa mga sisses na nanganak na! mommy na din ako, since last Jan 8 pa. 2 weeks earlier siya than my due date, pero okay naman. she's healthy. 2 months na si baby, and we're getting the hang of it. di tulad nung first few weeks na di pa namin alam ang gagawin.

i'm also breastfeeding. gusto ko sana exclusively pero nagkaroon si baby Yani ng breastmilk jaundice kaya I had to formula feed her for 3 days, tapos after nun mix feeding for two weeks kasi di pa totally nawawala yung yellow color niya. but she's okay now, maganda na ang kulay. pinapaubos ko na lang yung natitirang formula and exclusively breastfeeding na kami after. buti na lang di nagka-nipple confusion si baby. pero ngayon mas gusto na niya dede ko kesa sa bottle.

ang naging prob ko lang is yung breast pumping. nasasaktan ako at ang bilis kong mag-engorge kaya tinigil ko na. i'm using spectra m1, lowest setting na tapos massage mode pa para di masyadong masakit. pero ang tagal naman bago maka 4oz.

kaya pag lumalabas tuloy kami, formula na lang pinapadede ko or sometimes, I breastfeed in public, may cover naman.

ang sarap magka-baby. kahit pagod, puyat, ok lang lahat pag ngitian ka lang ni baby  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #218 on: March 13, 2015, 11:23:15 pm »
@_AiaH_, nag FM ka na rin pala. anyare sa supply mo? :(

ganun ba night feeding ba? baligtad din ako sa umaga kami bf tapos sa gabi fm para mas mahaba tulog at para makapahinga kami pare pareho pati nips ko. hehe

ako naman problem ko ang hina ng supply ko. sa umpisa kasi ng session namin maayos at kuntento sya pero after a few minutes maiinis na sya kasi malamang naubos na nya or super konti na lang ng nasisipsip nya. pag pinindot ko kasi may lumalabas pa naman pero ayun nga iyak galore na sya kahit anong pilit ko ikeep nya yun relatch nya e aalisin nya talaga at iiyak.  pag nita try ko hand express, di man lang ako nakaka 1 oz kahit anong tagal ko na nagpipiga. parang 10ml nga lang yata lagi haay. gusto ko pa naman bumalik ebf pero di ko alam pano kaya makakahabol supply ko.  :'(

@erza0916, sa iba umeepekto agad yun pag strip/sweep e. sa isang friend ko sa check up nya nun nag bloody show sya, 3cm na rin sya pero no pain tapos yun OB nistrip/sweep sya then same day nagprogress labor nya at nanganak sya.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #219 on: March 14, 2015, 09:43:37 am »
^sis, baka kaya humihina supply nyo kasi you are supplementing. Yan kasi effect ng supplementing. Since walang naglalatch sa gabi, your breast will not ptoduce more milk for your baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close