watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4  (Read 34150 times)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #180 on: March 08, 2015, 11:03:50 pm »
Mga sis nagbabalat din ba babies niyo? Yung akin sa face, hands and feet medyo matindi :-( gumagamit ako ng mustela facial cream and body lotion...tinanong ko da pedia and she said normal lang naman na nagpapalit ng skin si baby...pero natatagalan na ako. Gaano katagal nagbalat yung inyo? Baby ko 17days old today pero nagstart siya magbalat nga mga 8 or 9 days old ata

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #181 on: March 09, 2015, 03:52:21 am »
^ naging inflammed ba skin ng baby mo sis? Before nung pagbabalat, ano na-notice mo sa skin ni baby?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #182 on: March 09, 2015, 07:29:49 am »
^wala naman sis basta nagbalat nalang...pero napansin ko na maputi body niya tapos yung face parang nagiba color..more on nagreddish...

marchbaby

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #183 on: March 09, 2015, 08:34:36 am »
Sis preggygilian, what's the weight of ur baby now? Low birth weight din kasi baby ko.

mjp

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #184 on: March 09, 2015, 08:36:17 am »
Hanggang ngayon peeling pa rin baby ko especially sa ulo at kilay, 6 wks na sya. Before buong body kasi nga Medyo may lanugo pa sa shoulders and back Nya. Pinkish sya noong bagong labas, ngayon mapula na. A few weeks ago dami din Nya pimples, ngayon konti na Lang. I'm not worried kasi ganyan din daughter ko, Mas madami nga pimples at Mas mapula pa Tapos may cradle cap buong head. Magclear naman mga 2 months sya siguro. Hormones daw yon Sabi ng pedia. Basta wag daw ma irritate, hindi  sila uncomfortable, tayo Lang kasi cute dapat ang baby. Pano naman kasi nagkaPUPP nga ako sa sobrang hormones eh usually sa may multiple babies yon common.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #185 on: March 09, 2015, 08:43:33 am »
Sis preggygielian, just use mild cleanser on your baby and if may mild lotion ka use it also. If no inflammation naman then normal lang yan.

Sis mjp, naku baby ko may baby pimples din but yun nga normal lang dawbyun. Tayo lang naman ang bothered. But now her skin in her face is getting better. Baby smooth na uli, nag-lighten nga skin tone niya.


preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #186 on: March 09, 2015, 01:45:33 pm »
@marchbaby: hi sis I hope you and baby are doing better! Baby ko ngayon mga 2.6kg na siguro...di pa kami nakakabalik sa pedia eh pero tinry ng asawa ko mag step on sa weighing scale with and without baby hehe tapos subtract nalang...nasa 2.7kg eh pero may damit si baby at may diaper...

Thanks for sharing sis mjp & mslcgrey hahaha tama tayo lang nabobother. Cute padin naman babies natin pero xmpre naiimagine natun kung tayo namamalat eh medyo conscious tayo haha! Gamit ko J&J milk bath...tapos mustela facial cream and body lotion. Iniisip ko kung ibahin ko pa ba ang panligo niya at binigyan din kasi ako ng mustela care package ng office ko at may cleansing milk dun.

Speaking of panligo...ilang beses sa isang linggo niyo pinapaliguan si baby? Kami kasi every other day ligo siya tapos every other day punas lang. Ang himbing himbing ng tulog niya pag naligo! :-)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #187 on: March 09, 2015, 02:11:34 pm »
^everyday punas ng katawan tapos yun ulo lagi ligo. di pa kasi ganun ka-fully healed yun pusod nya e.

speaking of, gano katagal bago tuluyan nag heal/close yun pusod ng mga babies nyo? saka nilalagyan nyo ba ng bigkis? yun mga oldies kasi dito, lagyan daw ng bigkis na may piso para daw hindi maging outie ang pusod.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #188 on: March 09, 2015, 03:14:36 pm »
@lakwatsa: cute cute ni baby niyo sis!!! talaga 1x a week lang ang katawan..hmmm gawin ko nga din yan hehe..napapaisip tuloy kami paano ang dalas ng ligo ni baby namin. Yung pusod parang 10th day ata natanggal na yung nakadikit pero even before namin inuwi sa bahay wala na yung may sipit eh...pero nung meron pa na nakadikit...sabi sa hospital cooled boiled water sa cotton balls lang then idry din ng cotton. No-no yung alcohol or cotton buds haha (tinanong ko yan ah..as in napatingin sakin "No!" haha! Clueless mom!) Tapos wala din bigkis.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #189 on: March 09, 2015, 04:23:49 pm »
Kami naman natanggal yung umbilical cord niya on the 9th day which saktong sakto kasi kinabukasan nun eh newborn photoshoot niya.

My hubby puts bigkis on our baby kapag naalala para daw lumiit ang waist but siguro in a week twice lang siya nakakapagbigkis.

Si baby everyday ang ligo. Warm water naman gamit ko then sa   gabi. Part of our bedtime ritual. Hindi naman nagkakasakit si baby. Actually, may time na medyo nagkasipon (naagapan ko naman agad with vitamin c) ako but di nahawa si baby.

Sa mga dating moms na, how do you know na menstruation na yung bloody discharge and hindi lochia pa rin?

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #190 on: March 09, 2015, 09:21:08 pm »
Hello! Makikisawsaw din ako sa usapan.

May pimples din si baby. Nag umpisa sa may baba niya, then may lumitaw sa may left cheek nya, then sa right cheek naman. May lumalabas, may nawawala. But wala naman ako ibang pinapahid sa mukha niya, lalo na kapag naliligo. Gumagamit naman din kami ng kulambo kapag natutulog siya. Naisip ko nga baka nagkaka allergy siya sa damit ko, kapag nakadikit siya sa akin.

Re: bigkis - yung mom ko lagi akong pinagsasabihan na maglagay ng bigkis, kapag nakikita niya na walang bigkis ang apo niya. Yung yaya naman, naglalagay ng bigkis pagkatapos maligo ni baby. Tapos nilalagyan pa nila ng acete de manzanilla. Sabi ng pedia niya and iyung batchmates ko na nag-specialise sa Pedia, nakaka-cause ng first degree burns yung manzanilla. Johnson's baby oil lite na lang ang ilagay, bago maligo. Ewan ko ba sa nanay ko; mas may alam daw siya kaysa sa Pedia ni baby (ganoon?!)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #191 on: March 09, 2015, 09:59:51 pm »
^sis di ba yung manzanilla nilalagay kapag may kabag lang daw? Baka ma-1st degree burn nga baby mo if everyday maglalagay. Personally, i don't want to use that kahit may kabag si baby.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #192 on: March 09, 2015, 10:06:21 pm »
@mslcgrey: wow buti ka pa sis nakapagphotoshoot na! :-) ako dapat march 8 kaso pinaresched ko ng march 22 kasi maliit si baby. Sana matigil na pagbabalat ng face niya kakaloka nagbabalat pati sa eyebrows!

@bluedskymd: haha nako sis...palakasan nalang ng tanggi minsan sa magulang or in laws. Hehe buti wala naman nagpupumilit pa saakin kundi nakoooo haha! :-) make sure sis na mas gawin ang sabi sa hospital and doctors. Pansin ko ang daming kung ano ano sa dating panahon eh.

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #193 on: March 10, 2015, 12:15:21 am »
aiah-sis pano yung pinipisil para lalo pumasok? kasi ako tinatanggal ko latch niya actually sabi sa vid wag daw gamitin yung finger pero yun gamit ko kasi mas madali

LGV-sis di ka nag iisa yan din yung akin nabalatan pa nga nipples ko masakit nga talaga ako din umiiyak ako sa family ko sabi ko masakit. nakapag hand pump din ako kahapon kasi nagpunta ako ng dentist kanina. try mo watch yung vid na pinost ni sis aiah kasi nakatulong siya though may times na masakit pa rin latch ng baby ko.

may pimples din pala yung baby ko bat may ganun? 5th day lumabas tapos parang pimple na may puss pero super tiny version
« Last Edit: March 10, 2015, 06:16:36 am by abbmg »

gem_08

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #194 on: March 10, 2015, 01:10:05 am »
Hi mga sis! I gave birth na nung Mar8 to a 7.7lbs baby girl via repeat CS. Smooth naman naging operation although they have to use morphine on me kasi di tumalab yung unang saksak ng anesthesia. Ebf din kame pero di pa ganun kadame milk. I think colustrum pa lang nakukuha nya kasi mayat maya nagfefeed. We' ll be discharged tomorrow :) Thanks sa inyong lahat andame kong natutunan dito! :)

marieisabel

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #195 on: March 10, 2015, 11:56:31 am »
Hi mga mommies! Ask ko lang kung ok lang ba magtake na ng malunggay capsule before lumabas si baby? I'm going for 39wks next wk na. Hindi kasi masabaw dito sa bahay kaya mejo worried ako sa milk ko. Thank you!

bleudskymd

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #196 on: March 10, 2015, 01:15:08 pm »
@ mslcgrey and preggygielian

Hindi talaga ako naglalagay ng manzanilla, kahit pa nung nagkaroon ng kabag si baby. Pagkatapos maligo, nilalagyan din ng mom ko and yaya ni baby ng powder si baby, tapos madami pa. Eh nabasa ko sa instructions ng NICU ng hospital na iwasan muna ang powder sa newborn, which is what I do/follow. Ewan ko ba kung bakit sinusunod na pa rin nila ang mga sabi-sabi ng mga matatanda. Kahit naman wala powder, mabango pa rin si baby.

@ gem_08, congratulations! Tiyaga and pasensya sa paglalatch sa iyo ni baby. Lalabas din ang breast milk. :-)
« Last Edit: March 10, 2015, 01:24:50 pm by bleudskymd »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #197 on: March 10, 2015, 01:38:19 pm »
sis bleudskymd, no no rin ang powder! if ever sensitive ang skin ng baby mo sis, baka mas lumala yung rashes if naglalagay ng powder.

sis marieisabel, ok lang naman magtake ng malunggay supplements but remember latching pa rin ni baby ang best stimulant to have milk. much better if you just eat healthy and drink water if hindi ka masabaw sa ulam.

sis preggygielian, sabi kasi ng photographer mas okay daw if within the 1st 10 days yung newborn photoshoot so ayun saktong ika-10th day ni baby. may lanugo pa nga siya but konti na lang.

sis abbmg, normal lang naman daw yung baby pimples or baby acne. just use mild cleanser on your baby like cetaphil. if dry ang skin ni baby, keep it moisturize with a mild lotion or cream din. may cetaphil lotion or physiogel lotion/cream or in our case we use atopiclair cream kasi mukhang may atopic tendency si baby. super ingat kami ngayon sa anything that touches our baby skin. cotton dapat damit niya pati kami kasi nadidikit yung face niya sa chest namin during burping time or pag pinaghehele namin siya.

congrats sis gem_08!

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #198 on: March 10, 2015, 05:27:00 pm »
Congrats sis gem_08!!! Yes sis, majority daw day 4 nagkakaron ng milk! :-) enjoy breastfeeding! :-)

@mslcgrey: onga sis eh...best takaga mas bata ang baby. Kaso ang baby ko kelangan pa maggain ng weight. kakatuwa ang suprr bata na mga babies mag newborn photoshoot! :-)

@bleudskymd: ay oo sis no-no ang powder din pati nga alcohol daw sa pusod ni baby eh bawal eh. Parang lahat ng alam kong ginawa sa mga kapatid ko nung bata sila haha no-no pala! Ang bango bango ng babies noh? Kahit amoy milk sa face or lungad na hehe mabangong mabango padin! :-)

@marieisabel: sis kahit yung tita ob ko ayaw ako magtake niyan kasi beat daw talaga si baby. Madami nagsasabi na maganda nga malunggay pero sa ngayon ako hindi naman ma-malunggay or soup...more on water lang and ok naman ang supply ng milk ko.

Kanina nagpunta kami sa clinic at ang baby ko nasa 2.592kg na! :-) nakakatuwa na in 2 weeks naka 500g siya -- all breastmilk! :-) pinanganak baby ko na 2.015kg tapos nadischarge kami bg Day 5 with weight of 2.090kg. Pero naku kagabi we think nagstart siyang maging sobrang clingy and needy! 5am na kami pinatulog ng daddy niya...everytime ibababa namin magigising tapos mag-iingay ingay, stretch at bukas nanaman ang big eyes niya (di kasi siya super iyakin na baby eh).

Ang weird lang sabi ng nurse...dapat daw 30mins nagsusuck si baby! Waaahhh eh sabi ng pedia godsister ko 10-15mins normal naman na daw. Isa pa sabi ng nurse wag daw hayaan na makatulog sa pagpapadede...susko naloka naman ako kasi laging tulog baby ko after feeding. usual time ko magfeed is 15-20mins. Kayo ba mga sis?

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #199 on: March 10, 2015, 06:38:13 pm »
Mga sis based on my experience sa first born normal lang talaga magbalat ng matagal and yung baby pimples dati nga halos hindi sya nawawalan bukod sa air siguro eh yung pag kinikiss and inaamoy din sya may balbas or wala hindi talaga maiwasan.

Sis abbmg, oo nga ganun din sakin sis as in sugat sugat talaga ang probem ko ngayon hindi talaga sya naglalatch at tingin ko talagang hate nya yung left boobie ko kasi halos wala naman talaga nipple na masuck eh. So tinuloy ko lang pagpump and basta hinahand express ko lang yung let para lang hindi mawalan ng milk at mabawasan naman pagkaengorged. Ayoko magpakamartyr sa EBF keme na yan at hindi pala biro makitang nagugutom ang anak mo tapos wala ka magawa. Sa sakit na nafeel ko at nakita kong frustrtion din ni baby habang umiiyak na wala ng boses halos parang natrauma ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close