watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4  (Read 34062 times)

str4wb3rry

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #80 on: February 21, 2015, 02:47:11 pm »
congrats sa mga mommies na nanganak na at mga nagaabang pa :)

just got home from my weekly checkup (37w6d), ayun closed cervix padin pero malambot na..
nakakainip maghintay pag last few weeks na hahaha pero keri lang sabi naman ni OB maaga pa di pa nga daw ako nag 38w super inip na ako haha!

and sabi naman nya kahit closed pa ngayon di naten masabi pwedeng mamayang gabi mag dilate na ako.. meron naman daw ibang preggy na 4cm agad pero ilang oras/araw na di naman umaangat.. kaya pray pray pray lang lagi na lumabas sya in right time, super healthy and walang complications at all :)

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #81 on: February 21, 2015, 11:21:58 pm »
Congrats sa mga nanganak na andprayers to those who are waiting. I am due in 2 weeks. Same feeling puro discomforts lately buti nakakarecover. Ang wish ko lang naman umabot talaga sa planned date ng operation. As Ive said malaki tiwala ko na mangyayari yun :)

Im sure all of you are enjoying kahit pagod na pagod kayo, I can say I am ready though baka mangapa ako since almost 10 years ang gap. I really cant wait pero parang bigla akong kinakabahan lalo na sa paginject ng spinal anes, the kid in me haha! Ewan ko ba bigla nalang ako natakot thugh Im sure malalagpasan ko naman wag lang talaga sana makaaffect yung kaba ko sa blood pressure ko. Hayy :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #82 on: February 22, 2015, 02:43:30 am »
naaalala ko pa nun sa firstborn ko. ayoko na bumangon dahil sa antok! at nagmamakaawa pa ako sa husband ko kung pwede bang hindi na magising. ang sarap rin magtulog ngayon. pero baka hindi ko masyado matagal. mga 4-6 hours na siguro ang pinakamatagal. mahirap din masanay sa mahabang tulog. katulad nun umpisa ng pregnancy ko na sanay ako sa maikli at kinailangan ko habaan ang tulog ko. ang sakit sa ulo.

preggygielian: malamang mapaimpake nga ako! or si husband. basta binigay ko na sa kanya ang listahan at yung mga gamit. sya dapat ang maglagay sa bag e. tignan mo ako pa rin ang tatanungin nya kung nasaan.

LGV: relax lang sis. kaya mo yan.deep breaths.

sofiameredith

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #83 on: February 22, 2015, 06:52:01 am »
sis @LGV ako naman 12 years ang gap and  parang mas ninenerbyos ako ngayon...may bloody show ulit ako now at medyo marami compared last friday...may contractions na din though di ko pa ma-assess yung interval...

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #84 on: February 22, 2015, 06:58:05 am »
it's true na sleep is a luxury when you have a newborn. grabe. parang sa sobrang ayaw ko bumangon sa antok kahit naiyak na baby ko kung pwede lang hayaan ko muna. dyosko. sa gabi nandun sya sa mga lola nya. ang iyak nya, sinasabayan ko narin ng iyak ko kahit sobrang frustration ko kakadede. buti sa gabi nakakatulog sya mas mahaba although there are nights na hindi rin sya nakakatulog ng mahaba sa gabi. feeds every hour parin.

went to pedia kahapon, ayaw nya ako resetahan ng formula milk! hahaha. nag backfire yata pagpunta ko sa bf advocate pedia kasi talagang sobrang discouragement inabot ko when I told her immixfeed ko na si baby. i ended up going home na hindi ko alam paano ifformula anak ko so tuloy ebf.

i am looking forward to the day na nakakatulog through the night na anak ko. :( i literally feel like mababaliw na ako.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #85 on: February 22, 2015, 07:13:54 am »
^kaya mo yan sis. Its a sacrifice that moms who want to ebf must do. It will get easier in time.

Pamper yourself. I-request mo na lahat ng fave foods mo para gumaan pakiramdam mo. Try to have a routine set-up din. Yung bath time ni baby, gawin mo sa gabi para okay ang tulog niya. Get back to your usual activities as soon as possible. Lastly, let other people take care of your baby if alam mo naman na busog na siya.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #86 on: February 22, 2015, 08:01:28 am »
^thank you sis. sana makalabas na ako ng bahay. maski pagbili ng breast pump e hindi ko magawa kasi wala ako kasama pumunta sa store ni babymama at katipunan.

may humahalili na sakin sa pagaalaga kay baby. actually ngayon after feeding nya, kinukuha sya sakin. pero by monday to wednesday magisa ulit ako. sana hindi sya mag fussy ng days na yun dahil hindi ko kayang walang kasama :(

i'm still going through post partum blues siguro. hindi na kasi yata due to exhaustion to, anxiety na kasi nararamdaman ko sa bawat iyak nya.

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #87 on: February 22, 2015, 08:56:59 am »
Sis Aiah, I can feel you. Haha. Nung una akala ko echos lang na kapag may newborn eh puyat talaga. Totoo pala ng bongga. Haha. Pinakamahaba na yung 3 hours na itutulog ko the whole night. Eh nagmmix feed pa ko ngayon, pag breastmilk kasi mas magaan sa tiyan so mas madalas magdemand si baby, compared sa formula na mabigat sa tiyan tendency mas matagal ang tulog. Minsan nga natetempt na ko na bigyan ng formula at night para makatulog kame parehas pero ayoko kasi gusto ko ipush EBF. Haha.


Grabe sa puyat, sa hapon lang ako tumatakas ng tulog, mommy ko muna nagbabantay pag ganun. Nung buntis pa ko, I have all the time in the world na minsan nabobore na ko kasi wala na ko mapanuod na series sa net or nagsasawa na ko kakasurf, ngayong mommy na ko, grabe ilang episodes na yung namimiss kong panuorin sa internet ng mga favorite kong series. Haha. Pag kasi pag may free time ka, instead na igawa mo ng kung ano ano eh itutulog mo na lang. Sleep is a luxury nowadays. Haha

Pero pag nakikita ko naman si baby, all worth it naman. I wouldn't have it any other way. Hirap ng motherhood pero super fulfilling naman. :)
« Last Edit: February 22, 2015, 08:59:25 am by kymmiiee »

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #88 on: February 22, 2015, 10:32:51 am »
@Aiah: hugs sis! Hanap ka friend na pwedeng samahan ka bumili ng pump at medyo igala ka ng konti para naalagaan mo si baby and may medyo "me" time ka pa! :-)

@kymmiiee: grabe talagang sleep is a luxury talaga!!! Hahaha 3rd day ko ngayon at ang pinakamahabang tulog ko ay almost 2 hours. Di pa nag 2 hrs kasi ginising ako for BP kanina. Pero after ko ng 2 hrs na yun, feeling ko ang dami kong energy hahaha!

Sa ngayon, physically, pakiramdam ko nag-gym ako ng 10hrs! Sakit sa katawan maglabour at magdeliver! Tapos wala pa enough sleep to recover from it. Pero worth it ang pagod at puyat pag nakita kong super hanap na hanap ng anak ko ang breasts ko Haha kahit tutulogtulugan lang ako once nadede na pero halos continuos naman ang pagsuck.

Madidischarge na din ako today pero wala pa ako news kelan madidischarge ang baby ko. kakausapin ko pa pedia kung may idea ba sila kelan madidischarge at paano na ako magbreastfeed. Sa ngayon every 3 hours talaga nababa ako to feed him tapos may top-up ng 15ml formula milk after feed ko via cup feed. Pumayag na ako mag mix feed at di pa nadating milk ko eh. Sana dumating na today!!!

Sleep sleep sleep.mga pregnant mommies! Hehe...at sa mga moms na may newborn...hugs!!! Kaya natin to! :-)

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #89 on: February 22, 2015, 02:26:05 pm »
mga sis para namang kinabahan nako manganak hehe

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #90 on: February 22, 2015, 02:55:43 pm »
ako din nun preggy pa ang lakas ng paniniwala ko na kayang kaya ko mag ebf. pero nun andito na si baby, hay sobrang daming challenges na di ko inexpect. like ang aga ko maengorge at di ko alam gagawin ko kasi di naman sya nabanggit sa mga seminar na inattendan ko haha!  ;D

@_AiaH_, marami kang milk sis, di mo kelangan mag formula. kung ganyan lang din karami milk ko di na ko magf-formula e. pero sadly, may signs na ng dehydration si baby kaya naging emergency resort ang pagbigay ng formula para makabawi sya. ang hirap ngayon ibalik sa ebf kasi nasanay na sa bote si baby at laging gutom din at fussy so lalong hirap humabol yun supply ko. di pa ko nakakakuha ng madami sa hand expression. wala pa nga yatang 5ml kadalasan. :(

ipadeliver mo na lang yun breastpump. pwede naman yun sis.


@kymmiiee, korek sis! relate ako sa kwento mo haha!
ano formula milk ng baby mo? totoo nga yun mas matagal tulog nila kapag formula ang ininom pero nag g growth spurt na yata si baby ayaw magpalapag kaya lagi sa dibdib namin natutulog.


erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #91 on: February 22, 2015, 05:39:18 pm »
Wag ka madiscourage mag EBF. Sobrang dream (dream talaga? Haha) ko ang mag EBF kay baby pero sa mga nababasa ko nako may part sakin na natatakot. Pero push ko parin toh! Number 1 priority ko si baby kaya kung anong best sa kanya ibibigay ko. Sacrifice talaga pero nababasa ko sa umpisa lang naman daw talaga super hirap. Pag nalampasan mo yan mommy malaking achievement talaga, malusog pa si baby. Good luck and keep strong!:)

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #92 on: February 22, 2015, 07:44:28 pm »
Sis preggygielian- di ba sis? Grabe lang. Haha. Sa gabi bangag mode talaga kaya pag sa umaga na pwede ko kahalili mom ko na mag-aalaga muna eh nilulubos ko ang tulog.

Sis lakwatsa- S26 Gold sis. Pero goal ko talaga 2-3 bottles lang ng formula per day until eventually eh maging ebf na. Pag breastmilk kasi maya't maya eh gising at nanghihingi. Haha. Pero baka nga growth spurt lang din and eventually eh kahit bm eh makakatulog na siya mahimbing.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #93 on: February 22, 2015, 08:37:01 pm »
@ezra: hirap sis. Kasi not everything goes according to plan. Lalo na kung ma-plano ka na tao tapos biglang may complications or something na unexpected...ang hirap pero kakayanin yan kahit paunti unti! :-) tanggapin ang lahat ng tulong na kayang ibigay ng family/medical team. Dream ko din yan...ebf! Hahaha kaso may glucose issues anak ko at sino ba naman ang colostrum ko para makipagtalo sa formula milk nila or breastmilk na wala pa ako? nagpa-2nd opinion din ako kung tama ba na sa ngayong wala akong breastmilk pa eh okay lang formula talaga. My pedia godsister said yes. basta sis, do what works best for baby and mommy. Yan din turo sa breastfeeding classes ko nun, hindi ka naman nagiging masama na nanay kung mag mix feed ka. Mahirap din magproduce pag sobrang stressed ka kaya hanapin lang what works best daw :-)

mga sis nagpa-extend ako ng stay sa hospital para mas malapit ako sa anak ko at makakababa padin ako every 3hrs to feed him. Sabi ng pedia niya he would probably be discharged in 2-3 days kung ok na glucose niya at hindi siya majaundice. Sana sana max na ang 2 days.

haha naaaliw ako sa anak ko pag nagbbreastfeed...kala mo sleeping pills ang product ng breasts ko! Makakatulugan lang ako talaga hahaha! Pero pag talagang ayaw na niya kahit anong kiliti ko sa jaw niya...pinapatong ko nalang siya sa chest ko tapos skin to skin. Ang baho din ng utot wahahaha natatawa ako talaga. 3rd day na niya today at napansin ko mas nageexplore na yung mga mata niya saka pag may narinig nagrerespond na. kanina daddy niya may hawak sakanya...hahaha hinahanapan ng breasts hahaha!!!

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #94 on: February 22, 2015, 11:01:23 pm »
Thanks sis tigerlily :)

Sis sofiamredith mas matagal pala sayo tama nga yung sinasabi nila na iba talaga pag super tagal ng pagitan, basta may smething but anyway yeah kaya natin to! :)

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #95 on: February 23, 2015, 10:20:00 am »
37w1d.. pede ba malaman kung pano bababa ang baby bump? sabi ng nanay ko ang taas taas pa daw kasi niya..

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #96 on: February 23, 2015, 11:32:46 am »
^gusto ko rin malaman yan kasi feel ko mataas pa si baby, although gusto ko talaga na masulit nya at makabuo talaga sya ng 40 weeks, ayoko naman mag overstay sya. Sakto lang baby ha hehe 37w6d na ako and ngayon lang ako nagsimula maglakad lakad, sinasabi ko "bed rest" pero sa totoo ang tamad ko lang since day 1 haha ok lang ba yun mga mommies?

Sis preggygielian oo naman!! Fight fight fight!! Hehe sana maging stable na ang supply ng breastmilk mo para tuloy tuloy na.. ok lang naman ang mixed feeding lalo na pag may ganyang issues. Wag ka lang mawalan ng pag asa hehe.. God bless and goodluck!:)


_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #97 on: February 23, 2015, 12:58:36 pm »
^ kusa si baby sis. kapag nag descend na sya as baby prepares sa upcoming labor bababa yan.

napansin ko bump ko unti unti bumaba hanggang sa hindi na labored breathing ko pero nayari ang pantog ko hehe! ihi to the max.

sofiameredith

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #98 on: February 23, 2015, 03:33:59 pm »
Gave birth na yesterday via CS 38w6d...may blood show na ko at 4cm dilated...kaso pasaway ang bp ko ang taas at parang nagrupture na placenta ko nakaharang at masyado na bleeding. Kaya emergency CS na...c baby nakaintake na rin ng meconium kaya nung nag chest xray dami nya phlegm kaya ayun may pneumonia pinag antibiotics & under observation ngayon with oxygen...ako naman under observation pa rin bp...pls pray for us mga sis especially sa baby boy ko...🙏🙏🙏

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 4
« Reply #99 on: February 23, 2015, 05:08:17 pm »
^congratulations sis!!! Praying for you and your baby boy!!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close