lakwatsa 2 weeks post partum sis may mens parin ako pero sobrang konti nalang. may buo parin pero konti nalang din. sakit contractions ko kapag nagbbreastfeed pero ok daw sabi ni OB kasi mabilis lumiliit puson ko

I'm back sa prepregnancy weight ko actually. I lost 12kgs pagkapanganak, grabe

I was 67kgs before manganak and now nasa 55kgs nalang hehe! I think pumapayat pa ako lalo.
preggygielian hugs and prayers for you and your baby's safety sis. 1.8kg?? parang sobrang liit naman non considering full term ka. hindi siguro sis, nasa 2kg mahigit yan

normal naman sis na bumababa level ng AF nila habang papalapit sa due date. yan din yung sobra i-monitor sakin ni OB last time.
I remember dahil ayaw ko mag-labor, naghahanap kami ng sign na pwede ako i-emergency CS at the earliest convenience haha! aba, a week before ng talagang plano namin e biglang nag severe pre-eclampsia ako, ayon diretso CS tuloy. hindi namin ineexpect yung pre-eclampsia, lol. ang ineexpect namin is pagbaba ng AF at gusto ko pa Feb 14 na bday.
abbmg almost there na sis, hehe. i remember 36wks ako pinapainom na ako ng primrose oil. eventually napaanak ako ng 39wks din. walang naging effect primrose oil sakin sis. 2 weeks of taking it dyosko closed cervix ako pero nageefface ng 'konti'. yun na yun. marami pa nga ako dito sa bahay e, good for 3 days pa. bigay ko sayo you want? hehe. if you're in metro manila i can ship this for free. binigay lang din ni very generous OB ko sakin to for free e.
str4wb3rry not necessarily sis. may naiinduce na successful induction nila. depende sa katawan ng mommy. although ako, if hindi nag pre-eclampsia i wouldn't want induction din. ipapa-diretso CS ko, hanap nalang kami ng reason ni OB para mapalabas na emergency CS para ma-cover ng philhealth. ayaw ko din kasi mag-labor. kasi kapag induction baka mamaya nag-labor na ako, na-cs pa dahil hindi nag work induction. overkill naman para sakin nun, haha. arte lang. saka sis i-aim mo atleast 38/39 weeks ni baby para na maximize na nya yung development. lalo na ng lungs at brain nya. best nga ang 40wks e, beyond that medyo redundant na kasi patatabain nalang si baby nun pero ang lungs at brain nya is fully developed na. alam ko nakaka-excite. ako noon 36wks ok na sakin lumabas si baby. e hindi pala, nagpaabot pa 39wks pero dapat more than pa kung hindi lang nag shoot up BP ko. 40wks target namin e.
sa mga moms natin na naiinip na, naku wait kayo until 40wks kung kaya. ito yung important kasi para wala talagang problem si baby lalo na sa sucking and swallowing reflex nya. si little one ko napakagaling mag breastfeed. she can latch herself sa breast ko on her own na saka lakas mag suck talaga. dami nya nakukuha

now she's healthily gaining weight and doing perfectly fine. ako ang hirap sa tindi ng puyat pagod. may post partum blues pa pero nawawala kapag nakapag pahinga ako ng husto. siguro more on exhaustion lang talaga.