watch now

Author Topic: Facebook Pet Peeves - Thread 3  (Read 8211 times)

tennisgirl

  • Guest
Facebook Pet Peeves - Thread 3
« on: February 11, 2015, 06:56:43 pm »
Hello mga sisses...naaliw ako sa mga posts nyo. mag-popost sana ako kaya lang may warning na lumabas. Kaya nag-start ulit ako ng new thread.

Meron akong mga fb friends na ganito ang posts:
1. Yung 2 mga bago pa lang sa Canada. Yung isa nag-post ng picture na nasa likuran nila yung bagong bili na SUV nila. Yung isa naman nagpost ng picture ng bahay nila. na may nakasabit na parol. Ang sabi sa caption, thank you daw dun sa magregalo ng parol. May nag-comment na, "pinapakita mo lang yung bahay mo eh".
2. Yung isa naman, puro selfie at lagi nyang nilalagay na nagsusukat or buminili sya ng Nike shoes. O kaya lagi nyang sinasabi na nagaargue sila lagi ng daughter nya kung sino mas maganda, mas maganda ang legs, etc..
3. Yung isa naman picture ng daughter nya. Cute naman yung bata kaya lang pag inaraw-araw, nakakaumay na.

~ anna ~

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #1 on: February 20, 2015, 09:10:31 pm »
^Turn-off nga naman pag sobrang vain.

lilstar

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #2 on: March 27, 2015, 12:55:50 am »
FB pet peeve ko e ang mga mega post ng pag yaman nila bec of MLM. Ok lang naman pero sana they don't post their checks, cash and IDs kasi mejo off. I also dont like them posting na parang ang dali lang yumaman pag sumali ka sa kanila. Don't give false infos. I'm not against reselling kaso sana wag naman over price., lol.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #3 on: May 25, 2015, 02:10:27 pm »
Pet peeve ko sa FB si SIL . Alam niyo yun kanya kanyang trip pero minsan nakakasawa na yung taong lahat pino-post gaya nung nilibre niya kami mag picture daw muna kasi pang post sa facebook. Tapos nung nagkita kami sabi niya bakit daw di ko na nili-Like yung posts niya? Syempre di din naman na ako nagtitingin masyado sa fb lalo na ngayon wala na akong helper madami na akong ginagawa,saka di ko naman gawain na ganon kasi ayoko na din mag facebook. Bakit kaya may taong ganun parang nagtatampo pag di mo Like yung pictures di naman obligasyon ng taong i-Like yun,parang ano to sapilitan?

mama7

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #4 on: June 08, 2015, 06:50:59 pm »
1. Yung mga taong nagpo-post pa ng padala galing abroad from relatives. Balikbayan Box, tapos aayusin sa sahig or table yung mga Chocolates,Pringles, eh sus nakakabili din naman ng mga yon dito pumunta ka lang S&R ang dami nyan. Nakakatawa kasi nagmumukha silang ngayon lang napadalan ng package kaya kelangan pa post sa fb tapos kanya kanya tag ng kamag anak tapos sila sila din nag uusap haha!

2. Taong mahilig mag selfie, parang kala mo naman nag iiba itsura niya oras-oras.

3. Taong mahilig mag “Thanks God” o yung kinakausap si God sa Fb wala naman facebook yon. Minsan tempting nga, parang gusto ko na mag reply na “Welcome daw sabi ni God” hahaha!

Kaya ako yung FB ko di ko na binubuksan kasi parang yung iba wala naman pinapakita puro material things na lang, o yungbawat galaw nila. Mas masarap yung di lahat post mo para di lahat sa buhay mo alam ng mga tao pero ayun buhay namn nila yan.

jesusadusa

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #5 on: June 10, 2015, 04:36:45 pm »
people who would post selfies, feeling GGSS  >:(

tapos isang album pa na puros mukha lang naman nila.  kala mo naman kagaganda!

pinklilac

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #6 on: July 23, 2015, 07:25:27 am »
1.mga dinadaan sa status ang away then later on magbabati rin.
2.binubuhos ang pag e emote sa fb

megamabushii

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #7 on: July 23, 2015, 08:26:11 am »
Mga ka-cheapan tapos mga kadiring photos.

At isa pa, 'yung kaklase ko nung highschool na walang kinatanda, tinatag 'yung mga iba naming kaklase like, badtrip lang. Dinelete ko na lang para walang highschool drama na gulo.

simpleemie

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #8 on: July 23, 2015, 08:48:01 am »
yung magpopost ng album tapos puro mukha nya makikita mo. Syempre deadma ako, pag nakita ka sa personal tatanungin kung nakita mo na yung post nya at bat di ka nag like. Sapilitan teh?! Minsan may sumagot sa kanya 'ila like ko pag nagustuhan ko e kung hindi bat ko ila like'.
😊

akosimaiatot

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #9 on: July 23, 2015, 08:59:39 am »
haha I hear you mga sis I have some friends na inunfollow sa fb because of this..bumili lang ng headband 1 album agad ang picture na post  :P
« Last Edit: July 24, 2015, 09:15:05 am by akosimaiatot »

imyerdamsel

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #10 on: July 23, 2015, 10:22:04 am »
Relate ako sa above posts. Lol ;D

1. Yung childhood friend ko na walang ginawa kundi mag post ng random throwback pictures every single day. Di nakuntento sa pag upload nya ng random tb pictures, gumamit pa ng Timehop. Lol. Tapos itatag yung mga kasama nya sa picture (na tingin ko naiirita din sa gawain nya everyday).

2. Yung lahat ng selfie at group pictures niya may quotes obviously from google! And don't forget the nonsense hashtags! I really hope people know the reason why they use hashtags. SMH

3. Too much in love pictures/quotes. We get it, ok. Don't need to post it every day to assure their friends that they're doing OK in their relationship. Well, kanya-kanyang trip yan. But for me, a little mystery on your personal life is better.

4. Posting recently acquired materials. Nakakainis yung ipagyayabang yung expensive buys. Pero mas nakakainis pala makakita ng nagpopost ng makeup products that you know were fake. LOL.

5. Wrong grammar. I understand seldom mistakes.. pero yung every single post wrong spelling, grammar and thought? Lalo na yung "I bet your pardon?"..Kaloka! sakit sa ulo. Parang yung "blessing in the skies" lang. Aral muna bago FB!

..and the list goes on. Kaya I only use FB to chat with my close friends then I make sure to filter out those nonsense posts. ;D
« Last Edit: July 23, 2015, 10:27:26 am by imyerdamsel »

mrsBuens

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #11 on: July 23, 2015, 10:32:38 am »
^ sisses ito naman saken:

1. yung cousin ko na lagi na lang galit, parinig/patama sa kaaway nya na kapitbahay. ..minsan sa asawa naman nya.. parang puro nega kasi nababasa ko.

2. same cousin sa #1...pero selfie naman. hehe nalulong sa gluta kasi...

3. [textspeak!] defensive ko na mga workmates na involved sa MLM. Kala mo lagi meron umaaway sa kanila.

4. yung ginagawa diary yung FB. hehe...

5. yung nagpopost ng pics kasama ang special someone na nakahiga, nagkiss or about to kiss na halata naman sa hehe...


sweetashoney

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #12 on: July 23, 2015, 01:26:06 pm »
Dati marami akong kinaasarang FB posts pero dahil unfollowed ko na yung iba so now parang wala akong maisip except yung mga walang humpay magparinig sa fb

simpleemie

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #13 on: July 23, 2015, 01:59:03 pm »
haha yung mga wrong grammar na feel na feel nila. Daming ganyan sa fb pero di ako naaasar kase napapatawa naman nila ko. ☺

akosimaiatot

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #14 on: July 24, 2015, 09:17:59 am »
yung magpaparining ng bongga pero di naman nya friend sa FB yung pinaparinggan nya, ending yung mga nakakabasa ang na stress sa bad vibes nya hay!

Miss Taken

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #15 on: September 02, 2015, 01:15:08 am »
1. Mga sweet-sweetan masyado na magdyowa sabay away-bati naman sa fb
2. Yung lahat ipo-post pati ba naman yung simpleng sugat lang. TMI.
3. Mga trying hard sa english eh pwede naman kasing magtagalog na lang

mysterioza_me

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #16 on: September 02, 2015, 06:12:20 am »
>GGSS
>Mahilig magpatama sa kaaway sa fb status (tag kaya nila yung kaaway nila sa post para fierce)
>pag may newly bought gadget/appliances agad naka-post, ok lang naman if 1-2 pics kaso 1 album para sa isang gadget. From unboxing hanggang sa  actual na paggamit may picture.
>Nagpo-post ng image ni Jesus Christ tapos may nakalagay na Like or Share if you Love God.
>Nagse-send ng chain message

purple.strawberry

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #17 on: September 02, 2015, 10:13:09 am »
- Posts about networking yung mga may hawak silang pera o kaya mga "ikaw ba gusto mo maging empleyado forever?"
- Mga disturbing images tapos 1 like = 1 prayer, as if naman nagpapray yung mga naglilike nun. Pag ganito talaga unfollow kaagad
- Puro reklamo sa work, government etc parang buong timeline niya e reklamo

Ahim de Famille

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #18 on: September 22, 2015, 09:31:43 pm »
-yung nagpaparinig sa mga kaaway nila
-yung nagpopost ng porn
-chain messages

cosmochick

  • Guest
Re: Facebook Pet Peeves - Thread 3
« Reply #19 on: September 27, 2015, 02:56:01 pm »
lately, I unfollowed those who post anything about aldub and pabebe wave... puhleeeezzzzz!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close