Super wonderful experience yung BSB concert!

I love the crowd

Matured mga tao pero grabe tumili hahaha
Mahaba man yung pila sa entrance eh very organized. Ang dami ng entrance pero isa lang ginagamit tsk! There was a point na inayos ng guard yung gitna ng line and there were about 10 people na sumingit but everyone else was just looking. Yung sa likod ko sabi, "Wag na tayo sumingit let's do this the right way." Oha
Ok yung MOA arena very fast scanning system to go in tapos talagang naka-section mga tao hindi pwede maghalo. Sa labas it seems like a small place pero damn ang daming tao!
I noticed pala hindi puno. Yung gitna area na hindi nila binenta (yung may glass) may mga empty sections. Pero yung for sale sa public as in puno!
Haaay first time ko sila mapanood kasi strict ang parents ko noon eh. Grabe lang ang swerte swerte ng nasa mosh pit!! Pati yung kinuha mga phone para magpic!
Though I saw someone with selfie stick, pwede ba yun? Kala ko bawal at nakakasakit or something.
Di ko din masyado alam yung new songs nila hehe and I'm one of those who sit down na lang. Iba na din kasi yung feel ng new songs nila eh. Tapos gusto pa nila gumawa ng bago at magconcert ulit?
But when they sing their hits, damn!!! Sigaw kung sigaw! Super giddy din ako na may 10,000 promises kasi di naman yun super hit.
Ang lalandi nila haha! Maka-beautiful people/women tapos sigaw naman mga kababaihan hahaha!
May ringing sa tenga namin after the concert because of all the shrieking. Sakto may EENT checkup kami the next day hahaha!
Hanggang ngayon, di maintindihan ng husband ko bakit kailangan tumili. Lalo na daw yung pinatay yung ilaw eh medyo matagal din bago sila lumabas pero yung sigawan hindi natigil hahaha!
I only have a few photos/videos na ilang seconds lang haha! We were trying not to be like the selfie generation via electronic device nanonood ng concert instead of actually watching while there.
Pero ang ganda ganda ng effect nung pinabukas lahat ng phones!! Sobrang lumiwanag yung stadium haha.
Haaay, crush na crush ko noon si Nick pero parang Kevin na ako ngayon? Hahaha! Pero gwapo sila lahat oh my gawd lalo na nung naka-americana sila! Amazing how they can still sing and dance like they're not old. To think na ilang years na sila nagtu-tour
Sino yung worried sa videoke? Hehe di naman masyado kasi mas malakas pa din boses nila. But it's so funny how everytime they stop o pag wala audio yung mic, the crowd really picks up on the singing! Naaliw din sila haha sabi mawawalan na sila ng trabaho kasi yung crowd na kumakanta.
Sana next time they come back eh walang kasabay para pwede sa mosh pit!!! Proud to be a BSB fan
