watch now

Author Topic: Pakialamera ba In-Laws niyo?  (Read 11944 times)

j.adore

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #20 on: August 28, 2015, 09:36:40 am »
Perfume_Lover, for the sake of your aunt, tell your cousin everything. Have him give her a monthly allowance na derecho sa kanya at hindi dadaan sa wife.
Check up on her and report to your cousin. Kung inaapi siya dun, ask your cousin ano plano niya. It's his mother for crying out loud!

On topic, my in laws are ok naman but when we see each other and when we talk, they have a habit of asking how much our things or experiences are.
I don't like talking about finances to other people. Problem lang my husband nadudulas to share the info.

Twinkle28

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #21 on: August 28, 2015, 08:11:59 pm »
Wala pakialamera mula sa mom and dad in laws hanggan SIL at BIL :) pati mga bilas mababait. Masaya kami lahat pag magkakasama, magugulo hehe parang tropa tropa lang. Cool lang din kasi mga byenan ko. :)

Dyewel

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #22 on: August 28, 2015, 09:33:57 pm »
Hindi paki-alamira MIL ko, pag may napapansin na hindi nya gusto si hubby ang kinaka-usap or dinadaan lang sa mahinahong pagtatanong.

MOMMY ko ang paki-alamira, lahat pinapaki-alaman as in lahat! Nong una, nagtatalo kami, pero ako ang piangagalitan ng asawa ko pag-alis ni mommy. Pakinggan ko na lang daw, at lilipas din naman at saka di ko naman kailangang sundin. Matanda na daw si mommy, turning 70 at wala naman daw yong gustong mangyari kundi ang mapa-buti ang pamilya namin. So, maximum tolerance na lang ako.

Laging kaaway ng adopted brother ko si mommy, deadma lang ako at hindi nakikisali dahil sanay naman ako na nag-aaway sila. Then one time nakisali SIL ko sa away nong mag-ina, minura si mommy.  Kahit alam kung super paki-alamira mommy ko hindi pa rin tamang pagtulungan nilang mag-asawa na murahin si mommy.  Pero kahit masama ang loob ko wala akong masamang sinabi sa SIL ko pero mula noon nawalan ako ng amor sa kanila (at ramdam nila ang cold treatment ko, example  before noon lagi akong may pasalubong sa kanilang mag-anak after that incidence madalang na).  Then yong mga pinsan ko na nakakita sa nangyari, na-shock din sa ginawa ng SIL ko. Sinabihan ko din si mommy na wag nang maki-alam, so literal na hindi na naki-alam mommy ko. Kahit nagku-kwento ang SIL ko na walang pera hindi na binibigyan, unless magsabi si kuya na pautang.

In short, sa mga sis na may MIL na paki-alamira: kahit anong inis at galit na nararamdaman huwag mumurahin/sasagot ng walang galang kay MIL, unless handa kayo sa consequences nito (Aloof dinner/overnight with hubby's family, end of financial help, etc). And maybe kahit pinapakita ni hubby na kampi sya sa iyo, nasasaktan yon pag may-sinabing masama against his mom, nanay nya yon at wag nating kalimutan napapalitan ang asawa hindi ang ina.

At balang araw magiging MIL din tayo, at siguro kahit mag-asawa na ang anak ko nandon pa rin ang mothers instinct ko na gabayan sya. Na hindi dahil may-asawa na ay pababayaan ko nlang. Naisip ko tuloy, siguradong paki-alamirang MIL ako, at kawawa naman magiging asawa ng anak ko! ;D
« Last Edit: August 28, 2015, 09:45:24 pm by Dyewel »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close