watch now

Author Topic: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?  (Read 29267 times)

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #80 on: January 09, 2018, 10:39:14 am »
sis @kvandenhaak oo sis diba, di naman talaga yung pinagpalit ka yung nakakainis kasi somehow inexpect ko na din yun kaso yung ginawa nya na bigla na lang syang nawala. yung tipong ngayon kausap mo bukas wala na. ibig sabihin walang halaga sa kanya lahat yung ilang buwan na paguusap nyo, lahat ng pinagsasabi nya sayo lahat ng pangako nya sayo balewala lang. nakahanap lang ng iba bigla na lang mawawala hindi sabihin yung totoo. kahit na ba nawalan na sya ng ganang kausapin ako, respeto na lang sana sa kung [textspeak!] man pinagsamahan nyo ng taong yun. kaso wala eh, hindi marunong rumespeto yung mga taong ganun..

sassy_gal18

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #81 on: January 10, 2018, 02:02:03 pm »
I don't know kung sila na nung girl pero last time i checked my ex's ig account bago nya ko binlock mukhang nagddate na sila nung girl.

Alam ko there's something going na sa kanila before pero iba pala yung feeling pag may proof na yung guni guni mo.

Unang kita ko, yes it hurts, it hurts a lot parang for a minute tumigil ikot ng mundo ko. Yung inner soul ko paranf nagwalling sa lungkot. Una ko naisip 'kala ko ba ako buhay mo then why may kapalit na agad?' Btw, ako nakipag hiwalay. Then sumunod na naisip ko, lahat ng mga ginagawa saken ng ex ko before dun na nya sa bago nya gagawin again, ouch nanaman.

The girl is older than me, prettier than me, mas can afford than me and looks smarter than me. Hindi ako nakafeel ng anything bitterness. Bago saken yun haha usually laitera ako pero ewan ko nakikita ko lahat ng good dun sa girl.

I guess kahit ako nakipagbreak I still love my ex kaya mas nananaig yung feeling na masaya ako dahil in good hands sya napunta. May babae na magmamahal sa kanya ng buong buo na deserve naman nya talaga.

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #82 on: January 10, 2018, 04:45:21 pm »
Mas matatanggap nyo ba kung sa tingin nyo mas better kayo dun sa pinalit sa iyo? Or the other way around?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #83 on: January 11, 2018, 04:19:38 pm »
Mas madali tanggapin pag better ka sa pinalit kasi andun ka sa idea na maiisip mo na maaalala ka pa rin nung ex mo somehow kahit may bago na sya.

Pero in my case i still love my ex, ok lang rin if better than me. Para mas makapag move on sya.

But yung comparison based lang sa physical appearance. After all yun lang yung majjudge natin ex pa rin natin makakapagsabi if we?re better than their new ba or the other way around. Hindi rin naman natin malalaman hahaha unless makausap ulit natin si ex.

amethyst028

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #84 on: January 11, 2018, 06:39:27 pm »
Mas matatanggap nyo ba kung sa tingin nyo mas better kayo dun sa pinalit sa iyo? Or the other way around?

for me kung pagka break namin meron na agad kahit sino pa yun either better or not than me masakit pa rin kasi ang bilis naman niya naka move on. pero kung matagal na yung break up then may new gf na siya mas gusto ko siyempre better than me coz it means nag upgrade siya. ako rin naman after ng ex ko nag a-upgrade ako i always look for someone better than the last. yun naman ang point kaya kayo naghiwalay kasi you are both not good for each other so you will both find someone na better for both of you.

simang

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #85 on: January 11, 2018, 08:18:30 pm »
^But how do you know really if it's a downgrade or upgrade? For example, your ex is now dating someone who's not as attractive as you, or not as smart, or not as accomplished, pero they get along well, they understand each other, they're happy together. Kasi exes (lalo na girls, pero not all), they tend to compare mostly based on physical, kaya pag nakita nyang mas maganda sya sa bagong gf, agad agad magkoconclude na nagdowngrade si ex, but in reality, the ex may have seen something sa bagong partner na you don't have, and for them, it's the complete upgrade that they needed. I guess my point is yung 'acceptance' hindi based dapat sa kung ano yung pinalit. It's really the realization that he didn't choose you.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #86 on: January 11, 2018, 11:04:54 pm »
Mas matatanggap nyo ba kung sa tingin nyo mas better kayo dun sa pinalit sa iyo? Or the other way around?

Yung first BF ko, maganda ang pinalit sa akin. Did I feel bad about it? Not really. I felt bad about her...lol! The other day I saw some of their pics on Facebook. They were at a reunion of some sort. She's still pretty pero losyang na. And I heard they weren't doing good. There's cheating involved on both sides. And he looks horrible. I am definitely in a much better place with much better jowa...lol!

amethyst028

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #87 on: January 11, 2018, 11:42:22 pm »
@simang mismo. Yun na nga we tend to compare and usually based sa pics lang on social media so wala tayong idea about the other girl looks lang talaga and kung may mga post siya about what she is up to and kung may content sa about niya on fb liked her work, age etc. Then we just base it from there.

I guess if you are in a better place deadma na sayo yung other girl. Usually bitter lang yung may feelings pa hindi naman natin mapipigilan yun. But for me yung dad ng son ko may mga naging gf?s siya after me, mga pretty, sexy and magandang work pero ang naiisip ko lang is ang malas nila dun sila napunta sa walang kwenta. Sayang ang beauty nila diyan. 

plumpolka

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #88 on: January 12, 2018, 06:02:14 pm »
@anim_p
my last ex, naging gf nya yung BFF ko nung college kami. although we belong sa isang group lang din naman, e 3 girls lang din kami, the other 1 has her own bf na so kaming 2 talaga yung laging magkasama. then nagkaaway kami kasi pinagselosan ko sya sa then-bf ko nun. fast forward, 4 yrs after or so, sila na pala. pero alam ko break na sila ngayon e. haha i remember pag ma yreunion kami, i really make things awkward for her. i will say, "nakita ko naman na lahat yan!" to  the guy na pa-joke lang. tawa lang sya, then si girl, mapapainom ng tubig. they never admitted to me na sila na pala so parang hinuhuli ko lang naman sila.



@fall2pieces
i feel you sis. i also have this bitterness sa single mom. pero sa isang single mom lang naman. i respect most of the single moms but i always have an exception. LOL

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #89 on: January 12, 2018, 10:19:50 pm »
^ Yung feeling na okay  lang sa kanya magpaka-tatay dun sa anak ng girl basta wag lang ikaw?  Parang ganun ako ka-bad na GF? LOL. Yoko ng magdwell pero merong ganong feeling nung umpisa.

Ireremind ko ulit sarili ko na di ko na ibabase ang worth ko sa opinyon ng isang tao lang. Yun na lang lagi kong iniisip. Kung hindi maganda tingin nya sa akin, it's just his opinion, not everyone else's.

If someone can't see your glory and can't appreciate your worth then that person is not worth it. Not deserving of your time, to ever think about that person again is a waste of time. It's hard to erase him from my memory but I have to. This I have to live through day by day until I can't feel the pain anymore.
« Last Edit: January 12, 2018, 10:23:18 pm by fall2pieces »

basha0207

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #90 on: February 19, 2018, 03:59:15 pm »
Nakita ko.. and nasaktan ako. sobra. Alam ko ako un unang umayaw sakanya.. kaso nagparamdam sya ulit... gustong bumalik tapos bgla ko nlng malalaman may gf n pala..

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #91 on: February 21, 2018, 09:35:46 am »
Yung nililigawan ni ex, mukhang bakla sa picture hehe. Ewan ko sa personal xD Saka mas matanda siya samin ni ex, literal na matanda, pati sa itsura bwahahahahaha. So, anong dapat kong maramdaman? Balakayojan. xD

 

Latest Stories

Load More Stories
Close