watch now

Author Topic: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?  (Read 29280 times)

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #60 on: July 18, 2017, 03:17:17 pm »
I broke up with my almost 3 yrs bf way back 2013 because of another guy. Ugh. Nung nagkagf siya, I posted pa in my FB na I'm so happy na naka-move on na siya without tagging him super sincere happiness ko nun for him. Super guilty kasi ako nung iniwan ko siya, my parents likes him even my friends, wala naman kaming major fight nung iniwan ko siya, fell out of love maybe because may bago akong nagustuhan kaya naguilty ako ng sobra. At ngayon kinarma ata ako. :( Pero okay lang, ganun siguro talaga, hindi pwedeng hindi ka masasaktan ng sobra bago mo makilala si The one. hehe, lumayo na ko sa topic xD

yellowminion

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #61 on: July 18, 2017, 03:30:17 pm »
I saw her sa fb ng ex ko. Sabi ng bestfriend ko kamukha ko daw. Parehong round face kami pero mas makinis siya sa'kin. ;D ;D I'm happy for my ex kasi he looks really happy and yung buhay niya ngayon parang may direksyon na. I think his current gf inspires him to be a better man--something I was not able to do.  I was happy and thankful na we both have  found our happiness na with our current partners. Pero medyo inggit ako kasi mas makinis sa'kin hehe :)

simang

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #62 on: July 18, 2017, 04:46:56 pm »
Yung isang dinate ko dati, let's call him C-- hindi naging kami but we were almost always a couple, ilang beses kasi nangyari na nagdate kami for several months pero laging nauudlot, from highschool until probably 5 or 6 years ago ganun ang naging relationship namin. We're both married now, and natutuwa ako kasi it seems like ngayon mas ka-close ko pa yung wife nya. Madalas kami magchikahan about married life and parenting. Nung una ko sya nakita before they were married I kind of felt na sya talaga ang tipo ni C. Kaya I'm very happy now na they're one of our couple friends.

young_maiden

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #63 on: July 18, 2017, 08:43:39 pm »
Wala akong paki. Mas maganda pa rin ako sa mga pinalit niya sa akin. :-D

hon3ykow

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #64 on: August 06, 2017, 05:50:50 pm »
Common friends kami at halos lahat kaibigan ko sa fb even sister nya.first time ko uli sya nakit sa Tagal na rin ng panahon he's Living in Europe with his family,antay Lang sya sa pictures.Respeto ang naramdaman ko,masaya pa rin mukha nya Gaya dati.he aged Gaya ko.happy ako sa Kanya,yun ang titignan ko sa buhay na may respeto pa rin kahit Hindi naging Kami.

fastlove

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #65 on: August 07, 2017, 01:11:13 pm »
Ramdam ko lahat  nayari  samin..  waah

jelai424

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #66 on: August 08, 2017, 02:07:34 pm »
I don't care

nessy

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #67 on: December 20, 2017, 08:04:49 am »
Dedma lang ako. ala akong pakelam although sya super insecure. Nasa kanya na nga insecure pa rin!! Hay naku ewan ko ba!!!! Pero sabe ko nga, dedma lang ako. Nakakatawa lang kase kahit wala akong ginagawa iritang irita siya saken.

cbj021

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #68 on: December 26, 2017, 09:43:33 am »
Since breaking up almost 8 yrs ago, i've seen the guy 3 different girls. Seeing the first GF was tough. Even if i wasn't emotionally invested in him anymore, syempre you cant help but compare that girl to you  ;D  Of course at that point i thought nagseselos ako, but in hindsight, it's just my competitive nature kicking in haha.

I'm already in a happy relationship, to be married in 2019, but i still find myself checking in on him to see if he's still with girl #3. I guess over time it just became a matter of curiosity-- I think it's the chismosa in me, much like how you'd check in on very old friends in FB to see kung kinasal na or may anak na, parang ganun yung curiosity ko sa buhay niya.  :P

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #69 on: January 04, 2018, 09:35:27 pm »
Downgrade sya. Pinagpalit ako sa may anak na.. well siguro yun ang gusto nya.. a simple girl from the province.. Eh city girl ako at career woman..

Di ko tuloy alam kung anong kulang sa akin. Maybe I was too much for him to handle.

amethyst028

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #70 on: January 06, 2018, 11:34:53 am »
^wow sis ingat sa pagsabi ng downgrade. Porke?t single mom downgrade na agad?  Had an ex na we broke up then reconnected pero may gf na siya that time. For a while torn siya between me and the other girl. Mas lamang ako sa girl well financially and sa itsura pero ang ending he chose the girl kasi mas mabait, mas accepting, mas understanding, lagi lang happy and positive, para silang best friends hindi siya inaaway. After so many years ko lang na realize yun. So wala talaga yan sa itsura or sa status. It?s the way you make a guy feel.

Back to the topic, dun sa ex ko na dad ng son ko. Pag nakikita ko pic ng girl naiisip ko na lang ang malas niya walang kwenta ang bf niya. If they end up together forever burden niya si ex. Kung matalino siya she will get out before she wastes her youth on him.

hushush

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #71 on: January 06, 2018, 04:18:13 pm »
^i agree with this one. Mas gusto ng guy yun feeling that his wife needs him. Nuon di ko din maintindihan bakit ako pinagresign ng husband ko sa work. May kasambahay naman kami na mag-alaga ng bata.. Yun pala mas gusto nila na maging dependent sa kanila ang wife nila kesa maging self-sustaining..
May friend din ako na siya na halos nagprovide sa husband nya. Bahay, kotse.. Bakasyon.. Anong nangyari, ayun til now nambababae yung husband nya at nagkaanak pa sa babae. Tsk tsk..

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #72 on: January 06, 2018, 08:32:31 pm »
^ Sorry for the word it's just the bitter me speaking.  Di ko naman jinajudge yung girl kaso I'm feeling frustrated. Kasi eto ako eh. Parang di ko na kasi alam kung magstrive pa kong magsucceed sa career o maging simple girl na lang sa province para lang maituring na wife material. Siguro talagang hindi kami bagay, iba yung preference nya, tapos di ko naman mabago sarili ko kasi nakilala naman nya ako na ganito na ko.  Although sinasabi ko naman na willing ako magcompromise for him, to give up my career. Sya hindi willing magcompromise. Gusto nga nya ay stay at home ako. Pero diba, ang hirap din naman maging dependent na lang sa kanya.

Wala hindi na talaga nagwork at hindi na kami magwowork. Parang magkaiba talaga yung mundo namin. Pinili ko ang career ko at pinili nya rin ang career nya.
« Last Edit: January 06, 2018, 08:39:57 pm by fall2pieces »

amethyst028

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #73 on: January 06, 2018, 11:21:57 pm »
^i understand sis syempre you are hurting kaya mo yun nasabi. Baka lang kasi ma offend yung ibang single moms.

Really, it all boils down to how you make a guy feel. Pag feel niya na you respect, understand and accept him he will stick around. And guys like girls who are independent. Don?t buy into dumbing yourself down to keep a man.

May darating na guy don?t worry about it. Huwag ka na manghinayang sa ex mo pabayaan mo na siya. Don?t blame yourself for the failure of your relationship. Walang mali sayo. Just think na it was not a good fit kaya hindi nag work. Next please.

Stop overthinking. Kasi mas lalo ka lang mahihirapan and baka ma apektuhan pa ang self esteem mo pag sinisi mo sarili mo. It just wasn?t meant to be kaya nawala. God has someone better for you. Have faith. Pray ka lang palagi and soon you will realize na ok ka na. Good luck sis!

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #74 on: January 06, 2018, 11:43:23 pm »
^ Thank you sis. Siguro nga hindi talaga meant to be.  Hindi kami para sa isa't isa. Kahit anong pilit pa ang gawin hindi talaga kami magwowork. At least I/we tried, yun na yun. Siguro naman at one point minahal nya rin ako at nagtry din sya. It will take a lot  of courage for me to forgive and forget but soon it will come... I'm just praying it will come.. Na sana maging okay na ko, okay na ang lahat. At mahanap ko na din yung taong para sakin.

mimiku

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #75 on: January 08, 2018, 08:30:56 pm »
^there is nothing wrong with you. It just that he was not feeling compatible or comfortable with who you are. Not all guys are like him. Iba iba ang preference ng guys. Some like yung mga simple but some prefer the strong ones. Never base your worth on how he perceives you. You are you and someday someone will come along and love everything about you. Your ex gave you a chance to meet your perfect partner. Hindi mo pa marerealize yan ngayon. But trust God. The right one will come along soon.

fall2pieces

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #76 on: January 08, 2018, 10:51:02 pm »
^ I've come to terms with the fact na hindi kami compatible. At times during our relationship naramdaman ko na rin yun  pero di ko pinansin. Hindi pa lang ako nakakaget over with the way he treated me when he left. Iniwan nya na lang ako ng bigla na hindi ko man lang nasabi yung gusto kong sabihin. He never gave me the chance  to speak, he cut off contact with me like nothing happened. Nung nalaman kong may iba na I felt na kaya pala ganun kasi may iba na, kaya ganun na lang kadali sa kanya na mang-iwan.

Anyway yoko ng maalala pa yun.. it's just that I have to move on and hope na mahanap yung taong babagay sa akin. Mahirap sa part ko kasi nakakapressure na rin lalo sa mga taong nsa paligid. Minsan tatanungin ka kung nag-asawa ka na, ganon. Nakakasawa na rin. Wala eh, hindi ko pa nakikita yung perfect fit for me. It's taking me longer than others I know, I'm in my 30s now.. but maybe, it's better than settling for the wrong one.. 

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #77 on: January 09, 2018, 07:08:20 am »
^Nakakainis naman talaga yung ganon na mawawala na lang parang bula. I mean, wala ba kayong pinagsamahan to abandon you just like that? The bitterness doesn't really come from him having someone new, it's the way he left. But then it only goes to show that he's not worth your tears. If he did that to you, he will also do that to her pag may iba ng gusto.

anim_p

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #78 on: January 09, 2018, 09:25:08 am »
Hi sises! Meron ba sa inyo na friend niyo yung naging new gf ng ex niyo? But like after 5 years na naging sila. Well my impression is confused then gulat. Wala na naman sakin because it was so long time ago. Pero nakakafeel ako ng betrayal somehow. Is this normal?
tsaka parang kadiri kasi nun kami pa close na sila pero parang siblings lang turingan nila kaya hindi ito naging big deal sakin nun kami pa. But now romantic na relationship nila. Hahahaha!
Nakakatawa na ewan,
Ano ba dapat ang mafeel?


amethyst028

  • Guest
Re: Ano nararamdaman mo kapag nakikita mo ang new gf ng ex mo?
« Reply #79 on: January 09, 2018, 10:10:45 am »
^ako sis had a bf na ex pala ng sister ng best friend ko. I didn?t know and have never met the guy. Mga 2years sila and first bf niya. Na me-mention lang yung name pag naku-kwneto ng best friend ko yung sis niya.

When the guy started courting me nagsabi ako sa best friend ko kasi siya yung common friend namin sa fb. Dun ko nalaman na ex pala. Sabi ko sa best friend ko to tell her sis and kung ok lang ba sa kanila kasi ine-entertain ko. If not hindi ko na kausapin. Ok lang naman daw sa kanila.

During our relationship awkward sobra and panay pa ang post ni ex ng pics namin which my best friend never liked any of our pics. Feel ko rin na medyo iwas sakin sis niya. May bf na yung sis niya that time and pati yung bf iwas din. Basta alam mong awkward kayong lahat. We broker up after 1yr, and a half. Nung wala na kame back to normal na. Close na ulit and chummy chummy na parang walang nangyari.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close