Lady Dana, nanaginip po ako, sa apartment ko, sumilip ako sa bintana, second floor yun pero may mga nakasampay na damit daw sa labasan, then pag silip mo madilim at parang eskinita sya may mga ilang tao na dumadaan at maingay at magulo. madilim din. (in my waking life, another apartment lang naman talaga katabi nya at walang daanan)
tapos may tumatawag sakin na babae, "ate loraine, ate loraine" (not my real name), hindi ko daw sya makita. then sabi ko daw dun sa guard na andun sa loob ng apartment unit ko, sabi ko sakanya, wala ako dito. then etng girl gusto nya talaga akong makita, e hindi ako pwede kasi maliligo na ako at papasok nako sa office. mga 9:35pm na yun nung pag tingin ko sa relo (in my waking life ganyang oras ako nag-aalarm pero 10pm talaga ako bumabangon). so sabi ko sige maaga pa naman.. so dinala ko na yung twalya sa CR. at pinuntahan talaga ako ng girl. sya yung apo ng dati naming yaya sa bahay.. hindi naman kame close at bata pa sya, teenager pa.
tapos magtutoothbrush nako..parang weird nung unang lapat ng brush sa teeth ko kasi bago pa yata yung brush, anyway i kept checking my bedroom, yung keys at wallet kasi baka mawala kasi nga may ibang tao sa apartment ko. then sumama yung girl dun sa CR, magbrush din daw sya ng teeth, for some reason kumonti toothpaste ko sa brush so nilagyan ko ulit. tapos she asked me about sa love life nya. kasi feeling daw nya e she doesnt feel loved. feeling nya hindi sya mahal ng BF nya. so tinanong ko sya ano ba sa tingin mo ang dapat gawin ni BF nya para she will feel loved na, kasi kahit ano pang effort ni BF kung sya mismo may problema e hindi magbabago mararamdaman nya,, then parang sinabi nya na hindi lalake BF nya but lesbian pala. then nawala na sya bigla umalis na.
i checked ulit yung keys and wallet to make sure walang nawala sa gamit ko. then nag brush nako teeth, pag tingin ko sa salamin, merong ipin na nakaipit dun sa dulo, between upper teeth and lower teeth, yung kanto.. hinila ko sya. tanggal na talaga sya and hindi ko alam saang gums sya nakakabit noon, parang excess tooth sya like how wisdom tooth (in my waking life pala wala akong wisdom tooth) itsura nya parang pangil kasi pahaba sya at mahaba yung dulo.
then meron pang isa, andun din katabi nung isa kung saan ko sya nakuha, malaki naman. molar sya pero malaki mga twice the size of a regular molar. dun naman sya nakabaon sa dulo, tapos hinila ko sya. kita ko pa nga yung gums sa gilig na medyo maga ng konti. so pag hila ko ng tooth ko, may kasamang ugat, hindi naman bloody, whitish yung ugat nya, hindi ko pinilit hilahin kasi baka maputol so binalik ko sya and decided na bumaba sa first floor kasi andun daw yung clinic ng dentist ko.. nakatuwalya nga lang ako nun pero bababa ako.. then nagising na ako bago pa ako makalabas ng room..