Author Topic: Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)  (Read 1241 times)

mikewazowski

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 450
Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)
« on: January 30, 2015, 10:36:06 pm »
Haayy.. Bobo ako. Biggest insecurity ko to. Ang dami kong hindi alam, at hindi lang jn acadamics ha. Talaga, nalulungkot po ako :(


Napasok po ako sa isa sa mga best university sa Pinas. Hindi dahil matalino ako, kundi dahil nagpataas ako sa ibang school para makamura kami sa tuition fee. Lima kaming college, at may discount kasi enployee din don [textspeak!] dad ko.




Hay.. For real, BOBO ako. Ayoko na ganito! I am serious here

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3240
Re: Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)
« Reply #1 on: January 31, 2015, 12:48:17 am »
^ sis I'm sorry to hear that you feel that way. Nakapag tapos ka naman ng course di ba? So I guess hindi ka naman ganun ka 'impaired' sa akala mo.

Minsan if you know your weakness, siguro mas mainam huwag mo sya i-magnify and just do something about it. Ever since kc nung lumalaki ako, naalala ko na may nakapagsabi sakin (can't remember who) na walang taong bobo, pero tamad marami. It just means if you know you're weak at it, you just have to work harder than everyone else, but it doesn't mean di mo kaya humabol sa iba.

IMO, things that can help add to your wisdom:
Watch the news, read books, socialize with people na may matututunan ka, study again on stuff that interests you. Puedeng hindi naman puro libro, puedeng magluto, mag model, swimming, anything na gusto mo gawin.

IMHO, ito naman ang things na feeling ko di nakakadagdag masyado ng brain power:
Playing computer or celfone games - puedeng pa minsan minsan siguro pero kung palagi, iyan feeling ko talaga nakaka bobo. Too much tv or telenovelas, panay inuman/sleeping late/poor diet or unhealthy lifestyle - doesn't do justice to your brain cells.


« Last Edit: January 31, 2015, 12:55:41 am by Girltalker2 »

17glut

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 651
Re: Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)
« Reply #2 on: January 31, 2015, 01:59:29 am »
The more na iniisip mo yan lalo mo lang nilulubog ang self-esteem mo and believe me, out in the real world when you start working na, a low self-esteem is practically a career death sentence. Ang diskarte dyan is to focus on the things na alam mo and capitalize on that tapos sabayan mo ng tiyaga at pagsusumikap and you'll definitely go places.

For starters, oo totoo ang sabi ng iba na talagang walang taong bobo - lahat tayo may kanya-kanya lang na nalalaman. May mga bagay na alam mo na hindi alam ng iba and vice versa, so in short, may lamang ka na attributes from others. Always remember that.

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 803
Re: Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)
« Reply #3 on: February 15, 2015, 02:10:52 pm »
Dumadating talaga tayo sa yugto na nararamdaman natin na parang ang bobo natin. ok lang yan, but that doesn't mean that we should embrace it for a looong time. Kasi kasabay nyan ang pagbaba ng self esteem. Pakuwari ko'y alam mo na ang kahinaan mo, kung pakiramdam mong bobo ka, daanin mo ang mga bagay sa sipag at tyaga. Pag may hindi ka maintindihan , magtanong ka.. kapag nakagawian mo ito you'll find yourself getting smarter and smarter.

Baguhin mo yung mga hobbies mo.
Subukan mong maglaro ng puzzles, sudoko at iba pa. Mag-aral ka ng iba't ibang bagay, malay natin matagpuan mo na yung bagay kung saan ka pinakamag- eexcel at magiging confident.
Magtiwala ka sa sarili mo, kaya mo yan. ikaw lang ang makakakatulong sa sarili mo.
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

mebpa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 198
Re: Fixing Stupidity (seriously, ako to and I need help)
« Reply #4 on: March 14, 2015, 11:08:22 am »
who told you na bobo ka? baka naman meron ka iba characteristics na positive like mabait, trustworthy, friendly, compassionate. hindi naman kailangan matalino lang. try reading books, intellectual forums, news, articles; anything that would broaden your knowledge.

Like sa FB ko, napansin ko yun mga nasa pilot section nung high school (hindi naman lahat) yun iba nasa call center, yun iba may small business, yun iba parang stay-at-home parent, while others successful sa chosen profession nila; yun ibang nasa lower sections naman merong engineer, yun iba manager/supervisor, yun iba nasa ibang bansa doing different kinds of works/jobs.

my point is wala naman tayo box para ilagay kung saan lang ang tao, na pag bobo dito ka, pag matalino doon ka. iba-iba tayo ng path na dinadaanan at pinupuntahan. hindi komo bobo, bobo ka lang, pwede naman maging suited ka sa chosen path mo. yun nga lang, ikaw lang den makaka-alam nun.
"If you can't handle me at my worst, then you don't deserve me at my best.”

 


Latest Stories

Load More Stories
Close