watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3  (Read 56046 times)

anjcam

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #420 on: March 25, 2015, 04:58:48 pm »
I'm on my 35th week already. Ask ko lang sinong manganganak or nanganak na sa asian hospital? Ni-reready ko na yung bag namin. Gusto ko malaman kung ano bang mga dapat dalhin? malapit lang naman kami kung sakaling may kulang pero ayoko ng sobrang daming dala. hehe! any tips?

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #421 on: March 25, 2015, 09:48:36 pm »
sis momxfive, ako din sa weekend na lang magpack, mabuti na lang nalabhan ko na mga damit ng bagets...


sis anjcam, sa first baby ko, sa totoo lang di nagamit lahat ng dala ko...so ngayon konti lang...ito lang mga basic na dadalhin ko:

-Philhealth docs
-digicam
-print out na may name ng baby, name namin mag asawa, saka address, kasi madami nurses di ba wrong spelling sa names, para pag sa records tama un spelling, kokopyahin na lang nila un name ng baby
-marriage certificate, photocopy at orig (baka sakali kelangan pala)

-PJs or nightgown for you para after manganak may pamalit ka, basta any comfy clothes na madali mabuksan un sa boobie part
-going home outfit for you
-toiletries like soap, shampoo, toothpaste/brush etc
-make up case, mawala na ang lahat wag lang ang pang kilay =)
-socks
-maternity pads

-mga 3 sets ng damit ng baby, top and bottom
-newborn diapers
-going home outfit for baby
-receiving blanket
-feeding bottle and formula, in case walang lumabas na milk pero meron yan tyaga lang
-mittens, socks, bonnet ni baby

-extra clothes and going home outfit for hubby
-socks para ke hubby
-books, magazines, tablet etc pampawala ng inip

ayan lang mga nagamit ko sa pagkatanda ko dun sa mga dala namin...kasi un toiletries ng baby meron naman sa hospital sila ginamit ke baby..kaya un mga dala ko alcohol, baby oil, baby wash di nagamit

MomiAnn16

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #422 on: March 26, 2015, 09:32:04 am »
Hi mga mommies.  exactly 37 weeks n kami ni Baby yesterday, naka-pack na rin kami ng Hospital bag 1 baby bag - all clothes ni baby, and 1 travel bag - clothes ko, toiletries at ni hubby.  Yung mga gadgets na lang (digicam, cellphone, chargers) ang hindi pa naka-pack.   So excited na rin makita si baby.   :)

Goodluck to all of us.

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #423 on: March 26, 2015, 01:58:02 pm »
yippee! ang lalapit na natin mga sis! Thanks sis @FayeP sa pagsh-share ng hospital bag. Napaprint tuloy ako ng names and address namin para kopyahin ng nurses ;) 37weeks na ko based sa LMP pero if based sa US, 36 weeks palang.

@MomiAnn16 saglit na saglit nalang makakasama mo narin baby mo :) kakatuwa!

yung gamit ni baby ready na :) yung sakin nalang ang inuunti unti. wala pa kasi akong PJs, alcohol, snacks then mga gadgets. Wala pa rin akong napapack na damit namin ni hubby. Balak kong mag mall pa pag nakaleave na ko ;)

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #424 on: March 26, 2015, 02:04:28 pm »
wala pa bang sumunod na nanganak na? hehe

kakaexcite yung mga mauuna!!!

Wala pa rin akong hospital bag haha kamusta naman. nakakatamad kasi. huhuhu

hindi ko pa rin kumpleto stuff ni baby at wala pa akong nabibili para sakin. ano ba to. haha

34 weeks na pala ako. sana 38weeks si baby lumabas. ayoko na ng 40weeks. huhuhu

Bibigab

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #425 on: March 26, 2015, 04:20:10 pm »
35 weeks na ako mga sis, isinugod ako sa Medical City kasi nasa biyahe ako nagcontract ng sobrang sakit. Pero according sa OB closed pa naman daw and mataas pa. Pero bat ganun first time ko maramdaman yung ganung sobrang sakit. Naexperience nyo din ba yung ganun?

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #426 on: March 26, 2015, 06:58:58 pm »
^ Me too, balik St. Luke's ako because of contractions. Sobrang sakit talaga kala ko manganganak na ako. Sabi rin ni OB closed pa yung cervix ko and my twins are doing well. Mababa na sila pero malayo pa naman daw. Strict bed rest ako right now. 😢 Feel better sis!

Nag-pre term labor ako during my daughter's legacy mass in school. Akala ko gagawa pa ako ng buti nalang medyo napigil ko pa until matapos yung program. After nun direcho agad kami sa hospital, closed cervix pa but mababa na yung twins ko, mag-35 weeks pa lang kami. Thank God they're doing well though. I always talk to them na konting-konti nalang naman, stay muna sila. :) Strict bed rest ako and won't be able to attend my daughter's graduation. I'm so depressed hay 😢

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #427 on: March 26, 2015, 10:54:57 pm »
sis bibigab and momxfive, ingat kayo mga sis, saka sa tin lahat, sa ganitong panahon uso na ang contractions satin...

sis ainge88 ako din pag nasa house ako tamad na tamad din ako kumilos kaya ayan wala pa din progress un maternity bag ko....

sis redhuman, mas maigi na un may handa tayong paper na kokopyahin na lang nila, kaasar madalas kasi mali spelling talaga ng mga nurses...


MomiAnn16

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #428 on: March 27, 2015, 10:33:24 am »
Mga mommies, last check up nung March 21 ko ay 1cm na ako, kaya talagang ni-ready ko na hospital bag at documents, yung cert. philhealth contibution na lang ni hubby ang kulang namin sa documents.  Madalas na rin sumakit ang likod ko at manigas ang tyan pero kaya pa naman ang pain kaya di pa ako nagpapasugod sa hospital.  Ayoko na nga rin umabot ng 40 weeks.  pero di ko alam if maaaga ba ako or not kasi nga 1cm na.  sabi ni OB dahil medyo makapal pa naman daw lining mga 1-2 weeks pa daw. Bukas balik ko ulit kay OB for IE if nag po-progress ang dilation ng cervix.

Hopefully wala na akong nakalimutan i-pack, medyo malayo kasi ako sa hospital.

Bibigab

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #429 on: March 27, 2015, 11:29:21 am »
Nagpapractice lang mga babies naten kung paano lumabas. sana hindi naman tayo pahirapan. yung sakin breech pa sya til now. sobrang laki ng bata. :( baka ma cs ako.

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #430 on: March 27, 2015, 02:39:54 pm »
@bibigab punta ka spinningbabies.com sis, madami techniques dun on how to spin breech babies. :) I do the psoas release everyday ever since my 3rd trimester. isa ata yun na reason bakit hindi masakit likod ko.  ;)

@MomiAnn16 naku lapit na yan sis hehe hopefully hindi ka na abutin ng 40weeks! idaan mo lang sa lakad at squat!!

@FayeP ako rin nag prepare ng cheat sheet sa birth certificate ni baby hehe nakita ko lang sa net.

@momxfive naku bawal depressed sis! baka lalo ka mag pre term labor. positive thoughts lang tayo lagi!

Hay, OB checkup nanaman bukas, malamang pagagalitan nanaman ako sa weight gain ko. Psssh. pero andami naman nagsasabi na hindi ako masyado tumaba ngayon pregnancy na to. Hay

Naayos ko naman na nga kaunti yung maternity leave documents na kelangan dito sa office hehe next week kumpletuhin ko na yung gamit ni baby. habol ako sa last day ng sale sa SM.

hi_landprincess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #431 on: March 27, 2015, 06:05:45 pm »
Anong branch ng SM ang sale, Sis ainge88?

31 weeks and 3 days pa lang kami ni baby. Pumasok ako ngayon sa office. Pasaway lang talaga ang peg. Gusto na rin ni OB na wag na akong pumasok pero hindi na naman daw ako strict bed rest kaya I tried pumasok na rin pero sobrang hirap na talagang maglakad. Masakit na lagi tyan ko, likod and tagiliran. Hirap na rin akong matulog.

2x a week na rin ang check up ko kay OB. May nabanggit pala sya na baka i-schedule nya ako na magpa-admit para mabigyan ng steroids pampalakas ng lungs ni baby.

Excited na nakakakaba manganak hahaha. :) Gusto ko ng makita si baby pero sana umabot naman kami kahit 38 weeks lang. Ayoko din umabot ng 40 weeks eh.

abbey

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #432 on: March 27, 2015, 06:31:58 pm »
Onga sis anong branch ng sm? :) hehe ako din ayoko umabot ng 40 weeks, ambigat na nun. Kung pwede lang 38. ako din hindi pa ayos ang hospital bags. ang kulang ko na lang binder, breast pads at maternity pads. nursing bra pa pala.

MomiAnn16

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #433 on: March 27, 2015, 06:58:14 pm »
@ ainge88, Oo nga sis super lapit na.  gabi-gabi mga sis sumasakit likot ko at tagiliran, pero wala naman bloody show or other sign na nag start na ang labor, at saka pagkagising ko sa umaga, okay na ulit, wala na ang pain, bumabalik lang bandang hapon at gabi  :( . Kaya nga kahit ninenerbyos gusto ko na talaga makapanganak, kasi feeling ko mas tumatagal mas humahaba pa ang pain na ini-endure.  Tina-try ko maglakad pero 10 minutes lang ako tumatagal, sobrang sumasakit legs ko at pinapawisan ako ng todo.  pero sabi nga ni doc mga 1 - 2 hours daw dapat ang lakad para mag descend na si baby at mag progress ang labor.

Naka-kuha na si hubby ng cert. of contribution sa Philhealth so complete na rin ang documents ko.  Ready na lahat - camera at CP na lang ang ida-dagdag sa bag pag tumakbo na sa hospital.  Tomorrow check up ko. Baka sa SM ako  mag-ikot ikot after para ma-i-lakad, at least malamig dun baka mas kayanin ko maglakad ng matagal tagal.

Good luck to us all, malalapit na taung manganak  :)

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #434 on: March 27, 2015, 09:41:15 pm »
This twin pregnancy is really no joke. Talked to my OB and sobrang emotionally draining. 35 weeks pa lang kami pero yung weight namin pang-overdue (40+ weeks) na daw ng singleton pregnancy and super low na ng twins ko. I don't even know kung ano bang position dapat gawin ko kasi kahit saan ako masakit na masakit talaga. Hindi na ako makapag-lakad kahit tayo man lang!! Then parang bumabalik pa morning sickness ko. Hay sorry dami kong rants ;D

Sabi ni OB, nearly 9lbs na silang dalawa. :o Baka ma-induce ako sooner or later. :( Pero gusto nya umabot kami ng 36 weeks, feeling ko naman aabot kami and possible pa rin mag-normal delivery. Yay! Sobrang mixed emotions ko right now. :)

Take care mommies! Konti nalang. :)

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #435 on: March 28, 2015, 01:50:28 am »
Sis momxfive kaya siguro ndi ako binilhan ni hubby kasi ayaw nya magtulak. Lol. Naku ingat ingat sis. Aabot yan :)

Ako naman nakapamili na a few days ago, wala si hubby, mas masaya mamili, walang kontra 😁 Diaper bag na lang kulang ko, saka yung nursery hindi pa maayos kasi lagi wala hubby ko.. Para makabili na ng cabinet para malabhan na mga damit at crib pa pala. Hehe Plano namin isang navbag, share kami then diaper bag for bebe. 

Mag 31 weeks na ako, lagi nasa left side yung mas mataas, tumutukod yung paa or tuhod siguro. Hehe ang kulit and ang sakit din minsan. Hirap ako talaga upo, lakad, higa, bangon sa bed & change position. Lagi ko naiisip gusto ko na manganak para matapos na hirap! Pero kailangan umabot ako full term. Hehe tiis pa more.

Lapit na kayo mga sis, please take care! :)

abbey

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #436 on: March 28, 2015, 10:48:39 am »
@momxfive - akala ko nanganak ka na hindi pa pala kinongratulate pa man din kita :D gusto ko pa naman dati kambal pero wag na lang pala hehe isa nga lang ang bigat na. Ingat ingat! Konti na lang.

mga sis nalilito ko sa dadalin sa osp para kay bebe. Sabi ni mudra sapat na daw ang diaper kasi mainit tapos nakablanket naman lagi. So kahit mga kimono ties o top lang dalin ko?

mae_719

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #437 on: March 28, 2015, 10:54:47 am »
Hi mga mommies... Pasali po!

I'm on my 38 weeks & 5 days na po and super duper inip na inip na. Ayaw pa lumabas ng baby girl ko. Last check-up ko nung wednesday bago ako i-I.E ni dok super pray ako na sana open na cervix ko hehe pero sad to say close pa at mataas pa daw. Haist! Sobrang hirap na talaga matulog lalo na pag mag change ng position nagigising ako talaga kasi sobrang sakit sa likod.. Di bale 10 days na lang due ko na sana manganak na ako kasi super excited na ako makita si baby  :) konting tiis na lang....

Good Luck sa ating lahat!!!

MomiAnn16

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #438 on: March 28, 2015, 06:45:46 pm »
@momxfive - ingat po palagi mommy, 35 weeks ka na, 1 week na lang, kaya na yang umabot.  Go go go, kaya mo po iyan.

@mae_719 - pareho tayo, gusto ko na rin manganak, 37 weeks and 3 days n kami ni baby, pero upon check up kanina 1cm pa rin similar to last week check up, hindi pa nag progress.  Lakad lakad pa more sabi ni OB.  Haist, super sakit na sa likod pero di pa rin nag po-progress sa labor.

@abbey - ang nasa hospital bag ko na damit ni baby is side shirt, mittens, booties, pajama, Diaper and receiving blanket.  yan din dala ko nung sa panganay ko at nagamit naman all.

Ingat po tayong lahat mga mommies :-)

hi_landprincess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #439 on: March 29, 2015, 02:34:38 pm »
Take care mga mommies. Lapit na ng due natin. 31 weeks and 5 days pa lang din kami ni baby. Pumapasok na ulit ako sa office. Kinakausap ko nga si baby na okay na sya lumabas by May 10. Sana kaya ko i-normal. Dami nagsasabi biglang laki ang tyan ko and parang ang baba na nga. Sana umabot kami kahit 37 weeks lang. Ang hirap pa naman na mag-diet ngayong panahon na eto. Parang ang sarap ng ice cream or halo-halo hahaha. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close