watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3  (Read 56149 times)

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #400 on: March 21, 2015, 08:09:24 am »
^^ano sabi ni OB sis? Ganyan ang cousin ko dati, maliit din naman tyan nya pero nasasabihan sya ng matatanda na mukhang malapit na manganak. Ko and behold pag pa check up nya, mababa na nga si baby and she can to be confined until the baby goes full term.

^ same tayo. My legs are starting to feel numb lalo tuhod ko. 37w na kami ni baby boy.

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #401 on: March 21, 2015, 10:18:59 am »
^^sa akin naman PGP ko ang lala hehe ang aga din nito lumabas. Buti makaattend ka na sis :)

^wala naman nabanggit si OB ko sis, tinanong ko pa kung okay lang ba yung laki ng tyan ko kasi nga yung nanay ko.. Oo daw normal lang, mukhang marami lang daw ako dapat ilose na taba. Yikes hehe lapit na sis :)

Same weight pala ako last check up dahil siguro sa aking pagddiet kunyari hihi pero sakto kakalunch ko lang nun, so baka naglose pa din ako 1-2 lbs :D

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #402 on: March 21, 2015, 11:00:07 am »
^ Most of the time naka-wheel chair na ako kahit dito sa bahay lang. Parang hindi ko na kaya sarili ko. Wow lapit ka na talaga sis! Excited for you 😃

^^ Buti nga sis hehe. Hindi ko kaya ma-miss yung graduation nya. :) Kahit naka-wheel chair na go lang.

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #403 on: March 21, 2015, 01:48:24 pm »
^buti may wheelchair ka sis. 3-4 months pa lang ata ako nagpapabili nko nyan kay hubby, shempre hindi nya ako sineseryoso hehe Buti nga at ok ka na sis, para happy lahat sa grad :)


sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #404 on: March 21, 2015, 05:37:57 pm »
^^ naka wheelchair din ako tuwing lalabas ng bahay. 😂 kasi nakabed rest ako. Pero minsan lang ito.

^ thats good sis kung wala naman sinabi si OB.

had a check up today and 1cm na daw ako. Effaced na posterior pa din pero engaged na ang bagets. Buti nakabalik na si OB. Baka daw next week manganak nako. Waah! Kinabahan ako bigla. Almost 38w nako.

Inaatake na nga ako ng nesting. Gusto ko na bilhin lahat ng kulang. Linisin ang bahay i organize, magpagawa ng ibang shelves at cabinets. Hahaha. Adik lang.

abbey

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #405 on: March 22, 2015, 01:50:34 pm »
hinahanda ko na paunti unti mga kelangan sa osp. Question nga sis, ano ba ang ideal na isuot after manganak? yung hosp gown kasi papalitan din. Gusto ko sana yung mga pjs ko kasi komportable kaso naisip ko sagabal pag may episiotomy o tahi sa tyan.

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #406 on: March 22, 2015, 02:15:47 pm »
^ Regarding my experience sis, suot ko after manganak, CS ako btw, is yung button down na shirt and PJs, yung terno, pinaka convenient for me lalo at nagpapabreastfeed. Kung tahi naman sa tiyan, keri lang basta may binder. And medyo maluwag suotin mo para comfy. Kahit sa house naka- PJs lang din ako.

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #407 on: March 23, 2015, 02:36:57 pm »
kymmiiee sis san nakakabili ng ganung jammies? naghahanap kasi ako ngayon at wala akong makita na maayos :(

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #408 on: March 23, 2015, 03:42:40 pm »
^ mahirap nga maghanap sis. sa loob lang ng Landmark Dept Store ako nakabili.

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #409 on: March 23, 2015, 05:43:46 pm »
^^ Sis sa SM Dept Store lang. Ikot ka lang sa women's section. 500/pair lang bili ko and ang comfy ang ganda ng tela. :D

teyish

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #410 on: March 23, 2015, 07:54:27 pm »
Naku mga sis.hind ako nag eexercise. Naglilinis lang ng konti konti sa bahay pero hindi kasi ako pumapasok na sa office nung nagbuntis ako. Hehe. Yun lang hindi talaga ako malakas kumain as in yung saktong kain lang ng normal na hindi buntis. Pinilit ko na lang ng marami nung nagfetal biometry ako at medyo maliit si baby para sa aog nya. Tapos yun naka 6.1lbs din. Ni hindi ako naglalakad lakad. Usually kasi gumagala pa ko sa mall  yun na ang lakad ko. naswertehan lang na mabilis talaga lumabas si baby. Pero feeling ko effective na kausapin nyo si baby. Kasi ako nung sinabi ni OB na2cm na k, almost eveyhour ko sya kinakausap, tinatanong kung lalabas na ba sya, sinasabi ko wag nya ko pahirapan. Ok naman ni hindi sumakit tyan ko until nga na pinutok water bag ko.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #411 on: March 23, 2015, 10:04:08 pm »
goodpm mga sis,


I had a scare yesterday, kasi buong morning nag ikot ikot kami ng kasama ko sa assoc sa village namin para sa collection ng monthly dues...pag uwi ko, mega wiwi ako, nagulat ako pagtayo ko may konting patak ng blood sa may rim ng bowl...tinawag ko agad hubby ko kasi kala ko dinugo ako....

un pala, di naman dugo, may naupuan akong lamok! kasi pagsuot ko ng leggings ko parang may something sa likod ng hita ko at un, patay na lamok jusme!

akala ko manganganak na ko eh, 36th week ko na kasi

abbey

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #412 on: March 24, 2015, 01:28:54 am »
@sis kymmiiee - ah ok so not necessarily naman na dress o parang duster. hehe so pwede na siguro mga pjs ko.
@sis fayep - haha kaloka lamok lang pala! :D

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #413 on: March 24, 2015, 03:20:08 am »
sis abbey, naloka talaga ako na kinabahan nun nakita ko may blood dun sa rim kaya mega sigaw ako ke hubby...

jusme!

pero un nga, a lot of people say na ang taas pa daw ng tyan ko kaya ilakad lakad ko pa daw...may nagsabi pa nga na ibang medyo oldies na na lagyan ko daw ng bigkis un upper part ng tyan sa may ibaba ng boobies para makatulong sa pagbaba ng tyan...

kako iexercise ko na lang, saka pumapasok pa din kasi ako sa office, sa April 10 pa ang last day ko bago mag ML kaya baka matagtag pa ako...

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #414 on: March 24, 2015, 07:05:14 am »
Sis sachism bumili ka rin wheelchair? Sana husband ko ipawheelchair din ako lolz bisyo ko hehe pero grabe sakit ng singit and sa may pelvis ko.

Sis fayep galing naman ng pagkaipit ng lamok haha lapit ka na din pala.

Galing kami landmark nung isang araw, naghanap lang ako ng pregnancy belt, bra extender & nursing bra.

Tapos kahapon nag sm ako magisa. Nagshop ng konti. May promo sa Baby Co, pag 3K may lamp hahaha ako naman si bili para lang sa lamp na freebie. Puro cycles at momy poko binili ko saka alcohol, wipes. Nauto ako sa nipple shield na P480  pero parang gusto ko na ipaexchange ng diaper at detergent uilt. Kasi parang makacause din mg confusion hehe ay isa pa yung cotton buds na pigeon na P360 something 😁

Sa 8th month na siguro ako magaayos, pag ok na din nursery at may cabinet na si baby. San ba may cute cabinets? Ayoko nung mga orocan eh.

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #415 on: March 24, 2015, 12:29:35 pm »
@FayeP kaloka naman yang  lamok na yan sis.hahaha sa dami ng mapupuntahang lugar, dun pa talaga sa mauupuan mo..hahaha

@sachism @kymmiiee thanks mga sis, since hindi na ko makakapasyal sa landmark, check ko nalang sa SM Dept store. Last weekend kasi nasa Town Center ako, wala rin akong nakitang matino. :( ang hirap na pa naman mag ikot ikot.

betsyness

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #416 on: March 24, 2015, 03:19:27 pm »
ako need ko ata new panties. :)

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #417 on: March 24, 2015, 04:40:38 pm »
Sis annamarie88, yung wheelchair ko binili ni hubby around my 5th month kasi nun pa lang ang hirap na talaga gumalaw, lalo na dalawa pa sila.

Had my check-up and everything's fine naman. Yun nga lang, ang laki daw masyado ng boys ko. Controlled naman yung diet ko, di na rin ako gaano mahilig sa sweets. 34 weeks na kami, OB opened the possibility na mag-CS na ako kasi iba naman daw to sa past pregnancies ko. Ang sakit sakit sakit talaga ng lahat sa akin! Hirap tumayo, maglakad, gumilid, kahit nakaupo masakit pa rin. Gusto ko na manganak pero wag muna ngayon 😅 But yay, we already have final names for the boys!! 😃

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #418 on: March 24, 2015, 09:07:36 pm »
mga sis, kumusta kayo ngayon araw?

tomorrow magpa US ulit ako, then CBC, urinalysis...para pagdating weekend, mapakita ko sa OB ko, gusto daw nya makita kun ok pa un water ko sa loob....


then mga one week before due BPS ata ang papagawa nya sakin...

inuudyukan ako ni hubby na mag ayos na ng maternity bag para ready anytime, pinag widraw na din nya ako ng para sa lying in na bayad para if ever sumakit eh ready na....pero di pa din ako nag pack ng bag, kako sa weekend na lang para ala ako pasok...

ready na din un philhealth documents ko at un iba pang documents na binigay ng HR like un sa SSS, sa BIR etc...

parang ang tagal din mag intay ng time....medyo naiinip ako konti

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #419 on: March 24, 2015, 09:45:02 pm »
^ Me too wala pang maternity bags. Sabi ko din sa weekend nalang after my daughter's grad. Ang hirap pala pag twins, doble doble talaga lahat. Lol

Almost ready na rin yung nursery ng boys ko!! 😃 Dumating na yung wooden cribs namin, konting ayos nalang talaga. Yung excitement ko feeling ko first baby tuloy hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close