watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3  (Read 56180 times)

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #320 on: March 11, 2015, 05:29:28 pm »
momxfive - good job kayo 3!!! cheers to healthy babies

RE: WIWI - kasali din ako sa wiwi club. walang choice kundi tumayo para umihi kahit in the middle of the night at antok na antok. ako sinisipa ni baby pag medyo nagpipigil ako ng wiwi.

RE: maternity bag - magstart pa lang ako magpack. 32 weeks and 1 day na kami today.

sa mga malapit na manganak goodluck! konting kembot na lang kasama na natin si baby.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #321 on: March 11, 2015, 09:20:58 pm »
mga sis hello


naranasan nyo din ba to? parang un gums ko namamaga na ewan, basta parang feeling tender and swollen, pero di naman masakit ngipin ko...basta kakaiba lalo na pag bago matulog nafi-feel kong kakaiba cya....

hay tapos un mga binti ko walang katapusan ngawit!


complete na ba mga gamit nyo?

diapers at infant formula na lang kulang ko....baka bago na lang manganak bumili...pero plan ko mag breastfeed, sa panganay ko kasi up to less than 3 years old nagpabreastfeed ako, mixed feeding nga lang pag may pasok....

abbey

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #322 on: March 11, 2015, 11:27:58 pm »
Ako din paunti unti ng naghahanda :). 34w na ko. wala pa pala ko baby bag. San ba okay bumili na hindi masyadong cartoonish at saktong presyo lang? baby couture daw eh.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #323 on: March 12, 2015, 04:22:50 am »
un sa panganay ko, bumili ako sa sm ng carrier baby bag tapos may nagregalo ng isa pa I forgot the brand...di ko din nagamit kahit alin sa dalawa, mas gusto ko un mga tote bag ko nilagyan ko na lang ng bag organizer para maayos un mga damit ng anak ko, diapers, feeding bottles...


kaya ngayon balak ko bags ko na lang din...

nga pala mga sis, may sipon at low grade fever na naman ako...religious naman ang pagtetake ko ng vit. C ko at pag inom ng gatas, ng juice

hay preggy troubles
« Last Edit: March 12, 2015, 04:28:00 am by FayeP »

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #324 on: March 12, 2015, 05:48:59 am »
sis abbey, un sa baby couture meron silang styles na di halatang diaper bags eh...di ko lang alam price though....pero cute sila..


may gumagamit ba sa inyo ng mustela double action stretchmarks cream?  kasi sa mommy mundo nun nakaraan eh may sample nun, ang ganda pala nun gamitin. Ang ginagamit ko kasi talaga is sunflower oil ng HHN, pero ito kasing mustela, nagustuhan ko dahil di oily at mabilis maabsorb and kahit naglagay ako after ligo at pumasok sa office, pag uwi ko at paghubad ng pants, may effect pa din un cream...

magkano ba un ganun? sa trinoma di ba meron? kaso sasadyain ko din...out of the way...

abbmg

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #325 on: March 12, 2015, 07:42:36 am »
hi mga sis :)

lurker ako sa thread niyo kasi dun talaga ako nakatambay sa 1st quarter of 2015.  nakakamiss yung buntis yung may gumagalaw sa tiyan mo. pati yung excitement ng pamimili ng mga gamit since FTM ako.

gaya ng sabi ng iba, enjoy being pregnant, matulog ng matulog, kasi ngayon parang palutang lutang ako pero nakakaadjust na ng kaunti with my 9 days old baby girl.

Jem17

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #326 on: March 12, 2015, 08:39:44 am »
Gals, possible ba na wala akong strecthmark ngayong preggy period ko, pero after manganak dun magkakaroon? i don't know bakit wala akong stretchmark ngayon to think na wala rin naman ako nilalagay na mga beauty products..TIA

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #327 on: March 12, 2015, 10:24:31 am »
@abbmg ako naman lurker dun sa thread niyo hehe isa isa na kayong nanganganak! kakaexcite! congrats sa safe delivery and healthy baby mo sis :) if only pwede ko masulit ang mga tulog hehe pero naku, torn rin ako, gusto ko na makita si baby girl pero gusto ko rin yung pregnant ako kasi laging priority hehe

@Jem17 ako rin sis, wala pa bago, yung andito lang yung from my 1st pregnancy hehe swerte mo wala ka pa :) ilang weeks ka na?

@abbey baby couture rin gamit namin noon, pero nung lumaki na si baby yung bag ko na lang yung gamit ko kasi ang dami na namin bitbit hehe sa Trinoma meron sila stall dun.

@FayeP inom ka lemon water and kaunting honey (if hindi ka GD) para sa sipon mo. rest lang and more fluids! hope you fell better soon! meron rin sa Trinoma na stall ng Mustela. :) Sa Rustans ata meron rin Mustela. Maganda nga yung stretchmark cream nila, kahit hindi mo talaga mapprevent yung stretchies, it's good for hydrating kasi ang kati ng tyan ko pag walang lotion hehe

@momxfive naku good news sis na okay ka na and yung boys mo :) praying for a normal delivery for you adn the twins!!

update lang para sa mga wala sa FB group: magpapa 4D sana kami ni baby kahapon kaso fail naman. hehe naka pwesto na kasi si baby and medyo mababa na siya at nakaharap na sa spine ko so hindi na makita yung face niya. soa mga sis na maaga pa, best daw to go in for a 3D/4D scan is before 30weeks para hindi pa naka position si baby and marami pa fluids mo. surprise na lang kung anong hitsura ni baby girl hehe

MomiAnn16

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #328 on: March 12, 2015, 10:31:28 am »
Gals, possible ba na wala akong strecthmark ngayong preggy period ko, pero after manganak dun magkakaroon? i don't know bakit wala akong stretchmark ngayon to think na wala rin naman ako nilalagay na mga beauty products..TIA

- dun sa panganay ko po mommy wala akong stretch mark the whole time of my pregnancy, pero pagkapanganak ko po saka naglabasan ang stretch mark sa tummy at abdomen.  Nung una lagay ako ng lagay ng moisturizer at stretch mark lotion (palmer's) pero hindi pa rin natatanggal agad.  after a year saka lang sya nag-lighten.  Ngayon sa 2nd pregnancy ko, lumabas ulit ang stretch mark (very visible) starting lumaki ang baby bump at 3 or 4 months.

I'm 35 weeks preggy, almost done packing hospital bag for baby.  Yung sa akin at kay hubby naman next to pack.   :)

Jem17

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #329 on: March 12, 2015, 11:11:56 am »
sis ainge88, 33 weeks na ko bukas, sana hindi ako magkstretchmark during and after pregrancy  :)
too late na din pala ako, busy kasi kami palagi kaya wala time makapunta ng MOA for CAS..
anyway, much better na surprise na lang si baby, kahit yung gender nya hindi pa rin ako 100% satisfied sa result since yung regular ultrasound lang ako last january. kaya gamit ni baby,  unisex pa rin binili ko.. ;)

angeline24

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #330 on: March 12, 2015, 11:33:20 am »
Thank you mga sis sa feedback regarding CAS. 3 days to go and im so excited na talaga. Hehe.

Kelan nyu naman nafeel si baby na malikot na? Ako kasi 5months na ang tummy ko pero i can feel my baby na super likot na. pag nasa meeting ako or natutulog nagugulat talaga ako sa kanya. nakakatuwa!

JAG84

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #331 on: March 12, 2015, 12:41:09 pm »
FayeP, 1,750 yung Stretch Mark cream ng Mustela. Yan din gamit ko kasi I had PUPP so di ako pwede sa coco based creams. I tried HHN's sunflower oil once pero di ko gusto yung scent nung 1st trimester ko. Ok nga si Mustela kaya lang hindi ko siya regularly nalalagay kasi akala ko di na ko magkaka-stretchmarks. When I hit 33 weeks (4 days ago), di ko kasi nakikita yung under ng tummy ko, may nag-start na pala lumabas. :( Ngayon I use it regularly ulit. 2x a day na. Pagkaubos, yung isa nilang stretch mark cream naman gagamitin ko. Yung post-stretch mark na. Hehe!

Bibigab

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #332 on: March 12, 2015, 02:31:42 pm »
Hi mga sis, new here. EDD is on May 3,2015. naka-leave na ako 3 weeks prior to my delivery date.
Ask ko lang kasi I have to travel 3 weeks before my delivery sa province namin kasi doon ako manganganak dahil sa super expensive na expenses sa hospital. Safe paba yun? working ako sa office. upo upo lang naman ako bali ang nakakastress lang sakin is yung biyahi from fairview to eastwood plus ang mga pasaway na hubby. TIA!

hi_landprincess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #333 on: March 12, 2015, 03:30:41 pm »
Sis Sachism, Isoxilan pinainom sa akin. 3x a day for 7 days. Binigyan din ako ng Candid VT.

I went to my 2nd ob yesterday, as usual na-IE ulit ako to make sure na okay lang yung cervix ko. So far, okay naman kaso nung late afternoon na may spotting na naman ako. :( Pumasok pa naman ako sa office to attend sana a meeting yun pala canceled. Ayun, nagsabi na lang ako na hindi ko pa pala kaya pumasok pero I intend ulit pumasok on Monday for our QBR. :) (makulit lang)

Ilang weeks na lang malapit na natin makasama si baby. Start ko na rin pala mag-diet. Hahaha. Malaki na raw si baby eh may ilang weeks pa before my due date at sabi ni OB mabilis daw lumaki ang baby pag 3rd trimester daw. Dahan dahan at baka mahirapan tayo sa pag-ire. :)

Jem17

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #334 on: March 12, 2015, 05:12:00 pm »
Mga sisteret, ask ko lang po, totoo ba na ang malamig eh nakakalaki ng baby? napapahilig kasi ako ngayon sa halo-halo lalo na mainit ang panahon..meron ba ditong mommy na kahit na anong hilig sa malamig at ice cream eh nai-normal pa din baby nila sa first pregnancy nila. TIA.

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #335 on: March 12, 2015, 06:28:34 pm »
^gaano kadalas sis? 😂sa first preg ko kasagsagan din ng summer ang 3rd tri ko. Halo halo ako once a week. Madalas na ang 2x a week. Normal delivery naman. Baka lang pag sobrang dalas sis e tumaas ang sugar? 😂

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #336 on: March 12, 2015, 09:07:40 pm »
Finally! Nakahabol din ako after ng pagkahaba habang backread. Whew!

@Jem17 yan din tanong ko before pero sabi naman ng iba yung sweets daw together with the malamig ang nakakalaki ng baby. Madalas ako mag smoothie and milk tea :)

@momxfive praise God that okay kayo nila babies! Sobra akong nabother sa mga nabasa ko. But glad you're okay na. Basta rest ka lang and ayun nga wag ka na pa stress ;)

Re maternity bag sa mimiflo ako nakabili nung grand baby fair. Hindi sya mukhang diaper bag parang simpleng tote bag lang. Nakapaglaba na kami ng damit paplantsahin nalang :) yung binders and pajama ko, bibilhin ko nalang on my 37th week para isabay ko na sa paglalakad lakad ko sa mall :)

Re lotion HHN sunflower oil din gamit ko. Kaso yung tyan ko ngayon puro stretchmarks na plus may rashes pa. Sabi ni OB due to hormones daw pero ang saklap ng pwesto dun pa mismo sa mga strtchies ko kaya nakakamot ko rin.

Nakakatuwa marami nang malapit ang due date satin :) I'm on my 35th week na. Let's all stay safe and healthy for our babies mga mommies :)

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #337 on: March 12, 2015, 09:18:48 pm »
sis jem17, un stretchmarks maaaring di pa magshow ngayon kasi malaki pa un tyan at banat ang skin, but after lumabas si baby syempre mag deflate ang tyan at there goes the stretchmakrs.  Although sa previous pregnancy ko, nawala din mga marks after 3 months or so kasi parang di malalim. Ewan ko lang ngayon pregnancy na ito kasi makinis pa tyan ko, nagkaron din kasi ako ng eczema nitong January at nawala na din marks nya. Baka paglabas ng bagets, di lang sure...

sis JAG84, medyo pricey pala un Mustela, pero super ganda talaga eh...bukod kasi sa HHN sunflower oil, nagtry din ako ng iba pang lotions kasi nagkaron ako ng eczema nitong January pero ito Mustela so far ang pinaka maganda...ganda din presyo haha, parang nag dalawang isip ako bigla...

sis Bibigab, safe naman bumiyahe as long as hindi naman sobrang lubak lubak un daan papunta sa inyo...Basta baon ka food at water, saka keep yourself comfy during the byahe...

Jem17

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #338 on: March 13, 2015, 09:25:27 am »
Thanks a lot mga sis for answering all my queries..dami kong natututunan dito, buti na lang na-discover ko itong site na ito.. :D

^sis sachism, as of now,mga 3x na ngayong week ako nakakakain ng halo-halo..but i'll try my very best na lang siguro na i-control ang aking cravings.hehe..thanks sa reply.

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #339 on: March 13, 2015, 10:41:40 am »
hindi naman per se yung malamig yung nakakataba hehe kasi kung cold water naman yun hindi naman lalaki si baby dahil sa water. usually kasi yung malalamig na kinakain natin matatamis. Shake, Ice Cream, Halo-Halo, Palamig na lahat eh may sugar. Yun yung nakakapalaki kay baby hehe

Iwas muna ako sa mga ganyan since may GD ako  :'( sarap pa naman ng halo-halo ngayon kasi mainit na. huhuhu

@Bibigab san ka sa Fairview sis?? Kami rin taga doon hehe nakakastress ang traffic haha


 

Latest Stories

Load More Stories
Close