watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3  (Read 56365 times)

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #260 on: March 04, 2015, 11:04:21 am »
@momxfive grrrr  >:( galit ako bigla. sorry. affected. huuuugs sis. baka masama sayo yung stress sis. wag mo na lang pansinin muna si hubby. :( kakainis naman siya. bakit ganun. hirap hirap kaya ng pinagdadaanan mo. tsk. kaloka siya ha. sorry adding insult to injury pa ako pero nakakainis yung attitude niya. emotional abuse!! hmph.  >:( anyway, andito lang naman kami sis if need mo amg vent. please take care of yourself and the twins.  :-*

31 weeks today and less than 1lb lang na gain ko last week. wuhooo! pero grabe tiniis ko talaga lahat ng cravings ko. haha sabi kasi ni OB 8lbs max na lang ang pwede ko igain. kaloka.  :o

@FayeP kumusta yung mommy mundo? nanalo ka ng prizes at raffle? hehe

@angelpat wow. ang mahal hehe walang pinagawa si OB na ganyan sakin. Ilang weeks ka na?


momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #261 on: March 04, 2015, 11:23:35 am »
Sis teyish, sabi ko before sana mag-stop na kami nung nagka-girl and boy na magka-sunod. Then I got pregnant again after 9 years, tapos now. Puro unplanned. Pero gusto ni hubby 5 and more kids, sya lang nagpa-plano kala mo sya nagbubuntis >:(

Sis ainge88, ganyan talaga ugali ng hubby ko ever since. He never listened to me, puro sya lang yung tama. Buti pa kung emotional abuse lang, pero physically abused na din ako. Awang-awa na ako sa twins ko. :( Take care as well sis!

32 weeks today!! Sakit ng lower back ko, hirap mag-lakad and drive. But no choice naman. Looking forward to a stress-free day, rest lang all day pero napaka-impossible! Drained na drained ako everyday to think na wala naman akong work talaga, house-school ng kids lang lagi. Ang arte arte kasi ng asawa ko. Nakakainis. Ang baba ng tummy ko kaya sobrang worried ko feeling ko anytime lalabas na sila. Wag pa naman sana. :(
« Last Edit: March 04, 2015, 11:25:38 am by momxfive »

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #262 on: March 04, 2015, 01:46:03 pm »
momxfive - grabe naman yung husband mo at ang tiyaga mo ha at ang pasensya mo sa asawa mo napakahaba. pero syempre para sa kids lahat naman gagawin ng nanay eh. kung ako nasa kalagayan mo iniwan ko na yan matagal na - mali yung advice pero kaya nga kayo magasawa eh dapat magkatuwang kayo sa lahat ng bagay. give and take and pareho kayo dapat nagpaplano hindi puro siya lang. sana naman mauntog na siya at matauhan.

anyways sis, wag mo pansinin lahat ng stress nakakaapekto yan sa twins kaya din siguro nahihirapan ka  na. bukod sa 2 sila eh nafeel na din nila yung stress mo. hayaan mo na lang si hubby mo inisin mo na lang din pag inaaway ka deadmahin mo na lang ng siya naman yung mastress.

stay safe ah.

speaking of test, ano ano pa bang test ang ipapagawa sa atin malapit ng manganak bukod sa ultrasound?

anjcam

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #263 on: March 04, 2015, 02:06:58 pm »
^im on my 32nd week and ang pinapagawa sakin CBC lang saka urinalysis. Wala pa ngang ultrasound e. Pero kinapa na ni doc last check up, nakapwesto na naman daw si baby :)

angelpat

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #264 on: March 04, 2015, 02:13:16 pm »
@angelpat wow. ang mahal hehe walang pinagawa si OB na ganyan sakin. Ilang weeks ka na?

25 weeks na ako.  Mahilig talaga magpablood test OB ko.  Parang every other month may blood test sa akin.  Okay naman ang results.  Sana okay din ngayon.  Kainis nga kasi greatest fear ko ang karayom!  Huhuhu.  Hindi ko na lang tinitignan kapag magtutusok na ang nurse.  Lahat ng ito para kay Baby.  Nilalakasan ko na lang loob ko.  Dati umiiyak pa ako noon sa 1st pregnancy ko kapag may ganyan, ngayon sa 2nd ko hindi na.  Lahat tayo na Mommies, kakayanin talaga ang lahat para sa mga anak.

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #265 on: March 04, 2015, 07:14:36 pm »
angelpat dami mo na palang blood test sis. tama lahat para kay baby

zira oo sis. bilib ako kay momxfive. pero baka stressful din ang work ni hubby? kahit ganun, d pa rin maganda awayin ang buntis. ipagpray mo na lang ng bongga yan sis momxfive

teyish waaah never pako na IE sa pregnancy ko na to. Haha. Scared much din ako. May mga ilan pa din akong kulang.


momxfive stay strong sis. cute pa naman ang kambal  ;D

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #266 on: March 04, 2015, 08:24:52 pm »
Thanks sis zira and sis sachism! I'm still trying to be positive for my little ones 😃

Hirap na ako mag-drive. Waaaah. Tumatama na yung tyan ko sa steering wheel. But anything for my bagets kakayanin! Btw, may naisip na ba kayong names for your babies? Take care everyone ❤️

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #267 on: March 04, 2015, 10:41:13 pm »
hi mga sis,

sis ainge88, naku wala ako napanalunan sa raffle, but I was able to get the Mustela travel kit bilang isa ako sa mga naunang magregister...saka loot bag...

on my 32nd week na din, next week magpa US ako ulit sabi ni Dra.

nagkaron kami ng maternity orientation kanina lang sa HR office, nag explain lang un HR namin about sa SSS, philhealth at company benefits namin pag preggy...dito pala sa office, on your 8th month, makukuha na un half ng SSS pay, kasi abono muna nila....so mga 2 weeks from now un =)

maaga din ako magleave, since April 22 ang due ko, April 13 di na ko papasok at June 12 naman ako babalik....


izapache

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #268 on: March 04, 2015, 10:42:53 pm »
ay hindi napost yung ginawa ko nung isang araw... :( ang haba pa naman non huhuhu

matagal na akong member ng girltalk pero dun lang ako sa beauty section nagbabasa. now that im preggy dito na lang hehe. im 23 wks preggy, end of june ang edd ko. ako na yata pinaka late dito? dami ko nababasa puro 30+ wks na gosh malapit na!!

gusto ko lang sana i-share yung nangyayari sakin kasi medyo kakaiba sya kumpara sa mga kakilala kong nabuntis. this is my first pregnancy, nag eexpect ako ng usual symptoms pero waley. unplanned sya... nalaman ko lang na buntis ako nung hindi na ko nagkaka-mens. nung first checkup nung 6th wk ko sinabihan na ko ng ob na magpa-bloodtest for sugar, blood typing, thyroid, hiv, etc. kaso napakita ko yung result halos 2nd tri na kaya napagalitan ako ng ob, kasi pre-diabetic na ko tapos hypothyroid pa, kaya sinabihan pa ko na baka daw mentally retarded si baby sabay refer sa endo. wala man lang assurance na pwedeng maagapan sa gamot. kaya lumipat ako ng ob. alam ko naman kasalanan ko na hindi ako agad nakapag test pero tama ba naman na sabihin yon sa buntis? anyway. ok na yung hypothyroid ko, test na lang ulit this march to make sure na waley na talaga problema. yung sugar ko naman name-maintain ko pa, nag consult din ako sa dietitian e. ang problema ko yung weight loss. my pre-preggy weight was 130 lbs. nawalan talaga ako ng gana kumain pero hindi ako nagsusuka. mahina lang tsaka ayun nga, walang gana. pero nung nag consult na sa dietitian napilitan ako kumain ng madami kasi ang daming serving e. kaso nagulat ako lalo pa ko nag lose, 3 lbs yata. kaya ngayon nasa 115 lbs na lang ako. mas nasusuot ko pa nga yung mga damit ko ngayon kesa nung hindi pa ko buntis. pero ok naman yung tests kay baby pag inuultrasound tsaka doppler. kaya hindi ko na rin masyado pinapansin yung pagpayat ko tsaka lumiliyad na lang ako ng todo para mahalata ng mga kapitbahay na lumalaki tyan ko hehe muka lang kasi akong busog e. ayun lang naman...

thanks sa pagbabasa and good luck to us all mommies  :-*

MommySugarG

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #269 on: March 04, 2015, 10:54:27 pm »
:) Hi mommies. Im new here and hindi ko alam if im on the appropriate group to ask.. Im due on april 3rd week.. and i wanna know whats your experience before labor, during labor and when the baby comes out na.. to those who went to painless labor.. and if hindi ba talaga pwede isama si hubby sa operating room? thanks... :D :D :D :D

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #270 on: March 04, 2015, 11:37:52 pm »
^^^may mga options na na names kami sis pero wala pa napapag agreehan. Gosh 35w nako. hehe. Ikaw?

^^ wow ang aga mo sis. Malaki ba discount ni cordlife dun? Kumuha kasi kami kay cordlife pero hindi sa bazaar.

^ pwede kasama si hubby sa DR sis. Painless? Parang dko naranasan. Huhu. Ramdam ko contractions eh.

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #271 on: March 05, 2015, 12:26:24 am »
^ 32 weeks sis. Pero mukha na akong manganganak anytime. Mababa na tummy ko and manas na din ako 😄 I talk to my twins everyday na sana mag-full term sila hehe. Target ni OB, 35 weeks since nag pre-term labor ako before but sana umabot kami ng full term. :)

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #272 on: March 05, 2015, 06:48:38 am »
^good morning. Mabigat kasi siguro ang
Kambal. Ok nga sis kasi 32 w ka na. Sandaling sandali na lang. Buti na lang sakto summer break tayo manganganak. D kelangan ihatid sundo ang mga bata sa school.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #273 on: March 05, 2015, 11:06:32 pm »
ako din di ko mawari ang pakiramdam ko, excited na takot....

nalabhan ko na lahat ng damit ng baby...pero di pa ako nagpack ng maternity bag...

sa first baby ko dami ko dala di naman nagamit, kaya ngayon super basic lang talaga since sa lying in na 20mins by tricycle lang from us ang pagpapaanakan ko...

re: names, may napili na ako pero un hubby ko di convinced sa name...ako kasi napopogian ako sa name na napili ko Rhys Patrick....cya parang alangan pa..

I received all the forms from our HR dept yesterday kun ano mga dapat i-update paglabas ng baby like un BIR form, Pagibig at philhealth doc...


sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #274 on: March 06, 2015, 12:01:19 am »
^tunog pogi nga sis.

Re forms, wow wala pako nyan. Maka email nga din sa HR. Pero I would have my SSSS payout na daw sa darating na sweldo kasi d na aabot ng next sweldo ang due date ko :)

Had my check up today. At d nadagdagan timbang ko. Hahah from 2.5 weeks ago. Feeling ko isang malaking accomplishment. Pero si OB sabi no need naman daw ako mag diet. Kasi sinusukat ko na rice ko. After ng 32w ko. Yung panukat ko pala d pa aabot ng 1 cup. Hahaha. Kaya pala.

Nagusap na din kami ng birthplans and mas nakampante ako sa kung ano ang mangyayari during my labor.

After 38w na daw nya ako i-IE. Buti naman. Hate na hate ko ang IE. LOL.

momxfive

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #275 on: March 06, 2015, 12:45:34 am »
Almost 1am and I can't sleep yet. Bukod sa overthinking, may football match ata yung kambal ko inside! Sobrang likot and sipa ng sipa! Lately extra na yung likot nila. The whole day ata. I have names for them na but not yet final - Santiago and Sebastian. Still thinking about it though kasi medyo common na. Nicknames sana Santi and Basty/i.

Sis sachism, me too ayoko sa lahat yung IE!

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #276 on: March 06, 2015, 02:30:29 am »
-nun nagpacheck up ako last Sunday, sabi ng OB ko eh sa next visit ko papa US nya ulit ako, BPS ata...

-kaninang umaga nagpacheck up ako sa baranggay health center para magkarecord lang un pregnancy ko....kasi sayang din un vaccines sa baranggay, in fernez...nag ooffer na sila ng 6 in 1 na vaccine sa bagets....may MMR na din....

sayang din tipid din...un wala sa baranggay, un na lang ipa-vaccine sa pedia

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #277 on: March 06, 2015, 04:16:41 am »
^^ hahha @ football. Ako naman lagi naman puyat sa pagpainom gamot sa panganay kasi may sakit. May kailala ako sebastian. Nickname Basti / Tea. Cute :)
^ ok yan sis ah. Ano ano pa mga pwede sa center? Kelangan pala magpacheck up muna para maka avail ng vaccines. Nag bps ako end ng 32w ko. 29w-32w daw ang peak ng growth ng babies kaya extra takaw tayo. Parang true kasi after 32 w parang d nako masyado matakaw.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #278 on: March 06, 2015, 04:49:59 am »
sis sachism, dito lang naman ata samin ang ganun, kasi un mga gamot nila for babies, limited (province na kasi itong samin)...kaya bine-base nila un mga bibigyang baby dun sa number of preggies nila...


sa manila, sa first born ko, nanganak ako sa hospital pero sa health center ako nagpa vaccine ng mga unang shots, un mga wala, sa pedia namin sa Chinese Gen....kaya tipid din! pero sa manila wala sila limit, basta baby at taga dun sa baranggay na un tinatanggap nila...



Dacian

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June) THREAD 3
« Reply #279 on: March 06, 2015, 10:41:42 am »
@FayeP
may parking sa health centers?  may waiting area ba sila o nakatayo lang kapag pipila?  may aircon?  may saturday and sunday schedule sila?  gusto ko rin ipa-vaccine baby ko sa health center para makatipid.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close