watch now

Author Topic: All About Globe V  (Read 25549 times)

cl1995

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #180 on: October 26, 2016, 03:13:28 pm »
^^Make sure to turnoff the cellular data of those apps na pwedeng mag-incur ng data charges. Ang naka-on lang sa akin fb messenger and viber the rest naka-off na.

I always monitor my data now kasi na trauma ako sa 3k kong bill last year  :o

Hindi din naman ako laging nalabas ng bahay kaya lagi akong naka wifi

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #181 on: October 27, 2016, 09:32:45 pm »
^May wifi din kami sa bahay and naka-off din wifi assist ko. I bought my unit na lang and nagprepaid, baka ma-heart attack pagmakita ko na malaki bill ko. Ang hirap pa naman magdispute sa kanila

Heatherette

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #182 on: October 28, 2016, 01:04:16 pm »
I have an app that tracks down data usage - My Data Mgr (on Apple store).

Close to a year na akong postpaid subscriber and so far walang hidden charges.

ppperez

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #183 on: October 29, 2016, 01:22:32 pm »
^Ako din may 3rd party app for monitoring usage. Meron din built in sa phone ko (Android). But the thing is, hindi nagma-match yung data usage na indicated sa phone at sa app compared sa kapag chinecheck ko sa Globe *143#. Parang doble lagi yung data consumed according to Globe. :|

Don't know why it's like that. Pero finofollow ko na lang yung sa Globe para wala akong excess.

shygirlme

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #184 on: March 30, 2017, 11:45:28 am »
May new plan yun globe ThePlan na tawag nila. Kakapa change plan ko lang mas sulit kasi. Plan 799 kinuha ko. Unli call and text sa globe unli text sa other networks plus 6GB internet at 1GB para sa FB every month. Sulit na to 2 years din ako lagi tumatawag dahil lagi akong nag oover sa plan e lagi akong naka wifi

blackgreen

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #185 on: March 30, 2017, 02:03:29 pm »
^plan lang yan sis? Walang phone na kasama? mukhang sulit yun laman ah.

shygirlme

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #186 on: March 30, 2017, 02:55:37 pm »
^sim only lang sis. alam ko may offer din sila pag kasama yung phone.

tomatostellar

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #187 on: April 01, 2017, 01:43:34 pm »
Nag improve na service samin after 67 years

barbillie

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #188 on: April 04, 2017, 04:17:22 pm »
Naiinis na ko sa mga tawag ng tawag offering promos, e.g. addtional lines etc. Sa isang linggo nakakadalawang tawag sakin. Hindi ba sila nagmomonitor ng mga inoofferan nila? Tinananggihan ko na the first time, pero palagi ako nakakareceive ng offers.

shygirlme

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #189 on: April 05, 2017, 03:22:26 am »
yug nag ooffer ng internet sa bahay I think hindi sya legit na globe kasi pina investigate ko sya iba kasi gamit globe line pero hindi daw yun ang tatawag sayo sabi ng kakilala ko kaya lagi ko tinuturn down pag yun tumatawag.

Roserose13

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #190 on: April 20, 2017, 01:38:34 pm »
I own globe prepaid. I use it for internet lang. Mabilis ang data nila. Palagi 4G. Tapos ang nireregister ko is yung GoSurf50. 1 GB for 3 days, unlitext to all networks tapos Free FB so hindi na siya kakain sa 1GB.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #191 on: June 20, 2017, 06:04:34 pm »
Paano ma avail yung free spotify premium for 3 months? Kakakuha ko lang nung plan 1,299. Ang gulo nung ngrereply sa globe telecom fb parang di nya rin alam.

hunny_ally

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #192 on: June 21, 2017, 04:15:28 am »
^i remember registering thru this site https://spotify.globe.com.ph

Pink_Sugar

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #193 on: July 21, 2017, 10:57:57 pm »
Question mga sis.
Kumuha ako ng plan 1,299 at FREE yung iphone SE. Nakuha ko ang unit last 6/15/2017 at nagbayad ako ng initial na 1,299 nung nakuha ko ang unit. Nung kausap ko yung globe rep eh sa August pa daw ang start ng next na bayad ko, kasi yung initial ko na 1,299 eh advance payment daw yun.
7/21/2017, nareceived ko yung electronic bill from 6/15/2017 - 8/6/2017 and the amount to pay is 4k plus.
Hindi ako nag eexceed ng mobile data kasi naka monitor yun. Unlitext to all network naman yung plan. Hindi ko naman nagagamit yung call.
Dun sa bill statement:
MRF: 2,400+
Gadget cashout: 3,600?

Free yung phone dun sa nakuha kong plan, bakit may bayad? Tapos ano yung MRF?

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #194 on: July 22, 2017, 12:28:53 am »
MRF means monthly recurring fee so most likely yan ang magiging bill mo monthly plus vat/taxes. Check mo if may bill adjustments, may pa-freebie kasi kapag new account (ie Netflix, HOOQ). So makikita mo may extra charge para sa Netflix kunwari on top of your 1299 plan, pero under bill adjustments makikita mo na na-credit naman yung charge for Netflix. Make sure to cancel those before magexpire free access if you don't want to keep those kasi automatic na macha-charge ka the following month after ng promo. Dapat if plan 1299 ka lang yun lang dapat magreflect  na MRF mo (in case wala kang add-on na booster plan) Call customer service RE gadget cashout kung wala kang nakikita na credit para dun kasi possible na may credit para sa gadgets and sa data ka pala nacharge, lakas sila magcharge sa data. Alam ko nga FREE ang SE kasi may nagpunta sa office namin recently lang and free nga yan. Ip6 is free din under plan 1799, 1 month advance lang din hiningi dun sa friend ko na nag-avail ng phone. Wala pa yung bill niya. I will ask him kung may gadges cashout dun sa bill niya once lumabas.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #195 on: August 07, 2017, 09:08:26 am »
^nagkamali sila ng billing sa akin, buti naayos na so 1,140 pesos lang pala talaga yung bill ko. Inalid nila yung gadget cash out na 3,600. Kasi FREE naman talaga yung phone. Kaloka sila ha.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #196 on: August 07, 2017, 01:14:15 pm »
^Yan ang issue ko sa Globe sis, dapat laging tina-track ang bill. 6 consecutive months kaming na-charge ng installation fee for 300pesos pero ang nakalagay sa bill onetime fee lang yun. I called them and complained sinabay ko na pa-cancel ng HOOQ and Netflix. Ok na daw. I was advised to pay everything muna and magreflect naman as a credit next month yung sobrang ibinayad namin. The following month, I was not expecting to pay any bill kasi macocover na ng credit yung whole bill pero ganun pa din yung binayaran namin and andun pa din yung pinacancel ko ng subscription. I called them again only to find out na mali daw kasi yung code na ginamit ng previous rep kaya di na-approve ang credit and di din na-cancel ang extras. I would suggest that you call them bago ang matapos ang billing cycle just to make sure na-reverse na ang charges.

teejiko

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #197 on: September 01, 2017, 11:02:11 pm »
I own globe prepaid. I use it for internet lang. Mabilis ang data nila. Palagi 4G. Tapos ang nireregister ko is yung GoSurf50. 1 GB for 3 days, unlitext to all networks tapos Free FB so hindi na siya kakain sa 1GB.

May bago sila ngayon yung GOTSCOMBO na 90 pesos. with 2GB data and unli text to all nextworks valid for 7 days. Then bago mag expire, nag aavail ako ng GS99 para ma-extend ng 1 month yung data ko plus free 1GB Spotify (pwede ding FB and Viber yata). After that, GS99 nalang gamit ko every month para mag extend. Wag ko lang talaga malilimutan kundi sayannnng!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #198 on: September 02, 2017, 12:05:01 am »
^Napakadaya ng Gotscombo90 na yan. Yung Gotscombo70 umaabot ng 5-7 days sa akin 1Gb lang yun since may wifi kami sa bahay pero yung 90 4 days lang ubos na samantalang same lang usage ko. Anyway sis yung GS99 is magload ka ng 99 pesos para makapagregister sa GS99 talaga ba kasya sayo yung 2gb ng ilang months. Sorry di ko talaga maintindihan paano nagwowork yung kinocombo na ganya.

teejiko

  • Guest
Re: All About Globe V
« Reply #199 on: September 02, 2017, 06:43:42 pm »
^Ay talaga? So far hindi pa naman ako nagka-prob. Actually may natitira pa sa aking dat after a month around 500-700MB pa hehe. Gamit ko lang naman kasi siya tuwing nasa biyahe ako papasok sa work then pauwi (2 hrs travel both ways). Sa bahay at sa office naman kasi naka-wifi ako. Plus may 1GB ako sa Spotify so yung data ko is for FB, Messenger, reply sa email and some browsing lang talaga. Wala din akong online games or Viber, snapchat, etc.

Yung GS99 naman wala na talaga siya sa promo pero na-aavail ko siya through Paymaya. I'll load sa paymay then i-avail ko yung GS99 before expiry ng GOTSCOMBO ko. May 300mb kasi si GS99 na good for one month so dadagdag siya sa remaining data ko from the GOTSCOMBO. Then after a month, GS99 nalang nilo-load ko kasi may natitira padin akong data  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close