watch now

Author Topic: How to deal with. Your hubby's pamangkins?  (Read 6387 times)

aquacharly

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #20 on: February 04, 2015, 09:26:57 pm »
Hindi kasalanan ng mga bata if they misbehave or lack social graces. Kasalanan ng parents &/or guardians, who failed to teach them proper manners/ right conduct. 

Since it's quite impossible to tell/suggest to your parents-in-law/SIL that their child-rearing skills are deficient --  teach the kids yourself.   Use child psychology so that they become receptive.   Get your husband on the same page too  -- he can suggest to his parents and sister areas & ways to improve the kids' behavior.

MrsLuluyz

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #21 on: February 06, 2015, 10:18:17 am »
well, hindi ko naman sila matuturuan dahil di naman kami nagkikita. the least i could do is sawayin sila at as much as possible, iwasan. turuan ko man sila, sa once in a while na pagkikita namin, di ko din alam kung mag sink in sa isip nila yun. kasi nga di naman consistent yung pag turo sa kanila. depends din talaga sa situation ang pagtuturo eh. chaka yung pagkainis sa kanila, tao lang din naman ako, may patience din na nauubos, as much as possible dedma ako pag nanjan na sila, pero tulad ng sabi ko nauubos din ang pasensya ko. so natural, maiinis din ako. swerte na lang i dont see them that much kaya hindi ako nasistress sa kanila these days.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #22 on: February 06, 2015, 11:52:29 am »
It really is the fault of the parents. Still, it doesn't make the whole situation less unpleasant. I always tell the child not to grab things, say thank you, please, whatever. She doesn't seem to remember anything. Para syang si Lucy from 50 First Dates na naeerase yung mga bagay sa utak nya when she sleeps, lol. Probably because hindi consistent yung naririnig nya. I figured, I don't HAVE to find her endearing at all. I don't have to spoil her, I don't have to be her friend. I don't even have to be her teacher. Hindi ko na aakuin yung trabahong dapat magulang nya yung gumagawa. I just have to find ways to be around her without losing my mind. And without making an enemy out of my sister in law. Ate pa naman ng husband ko. I just ignore her, talk to the other adults, play with my phone, play with the dog, whatever.

Let's just think na we're lucky at hindi natin sila kasama sa bahay and let that be that. 

MrsLuluyz

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #23 on: February 06, 2015, 08:44:48 pm »
yun din my point, if i dont see them regularly, hindi talaga maiinstill sa isip nila yung ituturo ko. iba kasi ang turo ng inlaws, iba hubby ko, iba mom nila, iba tita nila na kapatid nina hubby, lalong iba sakin, so how how the carabao? yun na nga, ending is more patience and iwas as much as possible. sana lang mejo me tame sya when she goes to school next school year.

kikaygirl5810

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #24 on: February 10, 2015, 01:53:21 pm »
Mahirap mga sis...

All i can do is to be silent tas nilalayo ko nalang yung anak ko to them. mahirap na... Ayaw ko ng conflicts sa family ng husband ko. And never ka magsalita ng bad sa mga kids coz they will remember lalo na sa pag laki nila. Ayaw nila sayo and i don't want that to happend. 

MrsLuluyz

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #25 on: February 10, 2015, 08:31:19 pm »
yes its easier said than done. iwas na lang talaga. my son has been going there sa inlaws ko with out me, hubby lang kasama ko, di ko alam what happens to him there.

stellaluna

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #26 on: February 17, 2015, 09:38:34 pm »
true, easier said than done. mahirap talagang pagsabihan ang mga batang undisciplined. kahit anong pasensya mo, nakaka irita lang. kahit na obvious na obvious namang kasalanan ng mga magulang nila ang maling asal ng mga batang yan.

MrsLuluyz

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #27 on: April 26, 2016, 02:57:16 pm »
buti nga now, malaki na yung 3rd niece. so hindi na sya makulit, sya pa now palaging humahawak sa son ko. ayoko lang yung halik ng halik nakakainis. hahaha!! pero the bunso is still a major maldita grabe. i rarely go to my inlaws kasi with my hubby and son kasi pag wala sila dun lang ako nakakapag me time. so one time i was there, my son was crying kasi pinaiyak ng maldita, eh yung grabe na umiiyak na di pa patigilin ng inlaws ko pang aasar ng maldita sa son ko. GRABE. spoiled kasi nila ang paboritong apo, eh mega tawag ako kay hubby ko na hindi nya din macontrol, tinawag ang isang SIL ko na hindi yung nanay ng bata, dun takot yun eh. kaloka. hay so shempre di ko alam papano kung wala ako dun, kaso di naman pwede na kada punta dun eh sasama ako kasi shempre meron din akong ibang gagawin.

hyder0926

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #28 on: April 27, 2016, 09:07:56 am »
my hubby has only one nephew.. he is almost 18 this yr he dotes on my son although he has moments din kase nga dumaan sya sa teenager phase na kasama kami pero sya forgiveable eh kase nga kadugo ng asawa ko..

my problem is the adopted daughter of my other sis inlaw. meron sya partner na meron na anak sa pagkadalaga.. my son is turning 6 this sept and the girl is turning 10 this yr.. she first came into our lives mga 5 going 6 ata sya.. eto lang un instances na nakakagigil sa batang eto..

1. binato nya ng toy un anak ko nun wala pa atang 2 un anak ko.. muntik na tamaan sa paa eh matigas un toy wala naman gawa anak ko sa kanya sunod lang sa kanya kase nga bumisita sya sa house at natuwa anak ko kase meron bata din sa house.
2. binu bully nya anak ko.. sa toys, books, gadgets etc.. wala kase sya masyado laruan before so nakikilaro lang sya sa toys ng anak ko at nakikita ko na ayaw nya ibalik un toys ng anak ko pag wala nakatingin na elders.
3. tinatakot nya anak ko pag walang bantay.. hinde kase takot anak ko sa dilim etc.. pero ngayon sabi ng anak ko kuento daw kase si girl na may nakikita sya na ghosts sa bahay namin.. at ang ghost eh nasa rm kung san sila lage tambay.. at lage lang nasa corner.. hay naku sa inis ko pinag sabihan ko un bata na wag takutin un anak ko kundi bibigyan ko sya ng kakatakutan.. sabi asawa ko wag ko daw patulan pero naasar talaga ako kase hinde na maka pag CR anak ko ng mag isa, ayaw nya rin na sya lang tao sa rm salamat sa girl na un..
4. pag kasama nun girl un mom nya dedmabels sila sa family ko.. at minsan pag pinagsarahan nila ng unit un anak ko at muntik na maipit un kamay ng anak ko. siguro lang kung naipit anak ko baka nagwala ako dun sa corridor at nasaktan ko sila mag-ina.. kase kita nila na patakbo anak ko sa unit nila nun biglang isara nun girl un door sabay lock..
5. lage naiiwan sa amin un girl kase wala sila sariling yaya.. hmm.. walang tumagal na yaya naka 16 yayas na sila in a span of more than 2 yrs.. maldita daw un girl at un mom kaya walang makasikmura sa kanila na maid / yaya.. tapos maldita din sya sa yaya ng anak ko eh nakikisuyo lang sila..
6. the girl lies about things kaya may mga kuento sya na contribute bakit estranged un sis inlaw ko sa akin.. hinde naman un ganun dati kase nakasama ko nga sya sa house nun wala pa sya ka live in..
7. may sad moments si girl pag meron new stuff ang anak ko from his lolo and lola.. wala sya pili na lugar.. kahit bday pa un anak ko.. gusto ata nya at nun mom nya na pantay sila sa anak ko.. so ending meron sila secret gifts kay girl na ipagyayabang ni girl sa anak ko.. siempre dahil bata un anak ko wala siya pakialam dun pero pag nadidinig ko nakakainis..
8. hinde pa sumasagot etong girl na eto pag kinakausap.. blank stare lang.. wala manners..

hays.. kaloka lang..

masaya lang hinde sya tambay ngayon summer sa bahay since wala naman work mom nya.. mahilig naman ako sa bata sa kanya lang hinde.. pero if i can have my way eh gusto ko ilayo anak ko sa kanila kase bully sya at wala reaction inlaws ko kahit alam nila un tendencies nun girl..

sabi ng asawa ko ignore the girl lang.. pero sabi ko naman papansin un girl kase hinde sya un priority ng mom nya..
« Last Edit: April 27, 2016, 09:19:02 am by hyder0926 »

hypergalactix13

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #29 on: April 28, 2016, 10:58:37 pm »
my hubby's nephews are OK naman except for one. ang gaspang ng ugali as in. palibhasa na-spoil ng lola. last christmas nagbigay lang ako ng money as gift sa ibang mga pamangkin ni husband pero yung isa kasi sa kanila eh inaanak ko so nagbigay ako ng material gift. aba, naghurumintado ba naman at nagsabi "bakit eto lang? wala akong gift?" anak ng kamote buti nga pera binigay ko sa kanya eh hahaha

not sure if this is OT, hindi sa inis ako sa mga bata mismo pero i really don't like the way my own nephew and niece are behaving. anak ng brother ko naman. most of the time the eldest (boy) stays with the grandparents while the parents are working on weekdays since nag aaral din, so weekend lang nila nakakasama while the younger (girl) is with the mother. ok naman sila as individuals pero the problem arises pag magkasama na silang magkapatid especially when the parents (mom and dad) are both around. parang pareho silang nagko-compete sa attention ng parents nila so papansin to the max. problem din naman sa brother ko at asawa nya hindi talaga marunong mag child rearing. sa ngayon wala pa naman akong anak, i cannot imagine lang kung pano magiging scenario pag meron na silang bagong ka-kumpetensya sa attention bilang silang dalawa pa lang ang kids ngayon sa family namin.

MrsLuluyz

  • Guest
Re: How to deal with. Your hubby's pamangkins?
« Reply #30 on: April 29, 2016, 12:34:07 am »
^mukang kulang talaga sila ng attention sis kung that's the case, that's sad ah..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close